CHAPTER 4

1881 Words
CHAPTER 4 Leandro was walking on the corridor with so much authority. Kung tutuusin ay hindi kasama sa schedule niya ang pagpunta sa lugar na ito. Ngunit dahil sa tinawagan siya ng isa sa kanilang mga investors sa hotel na kanyang pag-aari ay agad siyang nagpasya na magtungo sa opisina nito. The office was located in one of their investor's businesses--- ang String of Fate Dating Agency. Ayon sa kanyang sekretarya ay doon nakipag-set ng meeting sa kanya ang investor na ito. Ang totoo ay hindi niya sana ito gustong paunlakan. He has so many works to attend to. Dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid ay kailangan niyang asikasuhin ang dalawang branches ng hotel nila dito sa Pilipinas. Idagdag pa ang kustodiya ng kanyang pamangkin na ipinaglalaban niya. Pero hindi niya magawang hindian ang kanilang investor--- si Ricardo Milosa. For the past years, Mr. Milosa has became their biggest investor. Iyon ay sa laking pagtataka niya. Kung tutuusin ay isa din ito sa nagmamay-ari ng isa sa mga mamahaling hotel sa bansa, ang Hermes Hotel. Ngunit bago mamatay ang kanilang ama, Mr. Milosa invested in their business. At hindi niya man gustong aminin, it did a great help on their business. Ayon nga rito nang minsan niya itong makausap, "Sometimes, you have to keep your enemy close." At nang mamatay ang kanilang ama at siya na ang namahala sa kanilang mga negosyo ay nagpatuloy na ang pag-invest nito sa kanila. He does not mind at all. Hanggang walang masamang dulot sa kanilang negosyo ay ayos lang sa kanya. Mayamaya pa ay binigyan na siya ng hudyat ng sekretarya nito na pumasok na sa loob ng opisina. No, he does not think if she was really just a secretary. Sa gayak at postura nito ay hindi basta isang sekretarya ang awra ng babae. Beside, this woman is a knock-out. May magandang mukha at kutis porselana. Kababakasan ito ng lahing banyaga. At ang katawan! She has the body that any man would die for just so they can take her to their bed. Any man... but him. Sa mundong kanyang ginagalawan ay hindi iilang babae na ang nagpakita sa kanya ng motibo. At wari bang hindi naiiba ang isang ito. Her eyes kept roaming on his body, particularly on his broad shoulders. At hindi na bago sa kanya ang emosyong ibinabadya ng mga mata nito. "This way, mister," wika nito sa malambing na tinig. Uri ng tinig na kahit sinong lalaki ay nanaising marinig habang sila ay nasa kama. Pinihit na nito ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto. Ngunit bago pa man siya makapasok sa loob ay muli na itong nagsalita. "By the way, I am Ladine Illustre. What is your name?" "You can ask your boss about that," sagot niya dito. Then, his lips curved. It was more of a smirk that a friendly smile. Kung ano man ang naging reaksyon ng babae ay hindi na niya alam. Agad na siyang pumasok sa loob ng opisina. Gusto na niyang makausap agad si Mr. Milosa at nang makabalik na siya agad sa kanilang opisina. Kailangan niya pang makausap si Atty. Gascon para sa susunod nilang hakbang sa kustodiya ng kanyang pamangkin. Pagkapasok niya sa opisina ay agad niyang namataan ang tao na kanyang pakay. Nakaupo ito sa high-back swivel chair nito. He was wearing a business suit, so formal on his attire. And yet he was wearing a... red bandana? Agad na nagkaroon ng mga gatla ang kanyang noo. Though, wala siyang pakialam sa uri ng pananamit nito ay hindi niya maiwasang maasiwa sa gayak ng taong kaharap. Ang paghaharap nila ni Mr. Milosa ay mabibilang lamang sa iisang kamay. Iyon ay dahil na rin na sa ibang bansa siya naglagi sa mga nakalipas na taon. At kung ano man ang dahilan ng pakikipag-usap nito sa kanya ay hindi niya alam. Wala siyang ano mang ideya. "Good day, Mr. Sevilla. Why don't you have your seat?" nakangiti nitong wika sabay lahad ng kamay sa isa sa mga visitor's chair na naroon. Leandro walked closer to him. Naramdaman niya pa ang maglubog ng kanyang suot na sapatos sa makapal na carpet ng opisina. Nang makalapit siya dito ay mas pinili niya lamang ang tumayo kaysa ang maupo sa itinuro nitong silya. "I don't want to sound rude but I need not to stay longer Mr. Milosa. I still have an important meeting to attend to one hour from now," he said straightforwardly. "May I know what are you referring over the phone?" Mr. Milosa twisted the corner of his mouth upwardly. Mula sa swivel chair ay tumayo ito at lumapit sa isang bureau na nasa kaliwang panig ng opisina nito. Mula roon ay kinuha nito ang isang bote ng mamahaling alak at nagsalin sa dalawang kopita. Mayamaya pa ay naglakad ito palapit sa kanya at inabot ang isang kopita. Which he accepted. Sumimsim muna nito ng alak bago nagsalita. "I called you to offer an additional work, Mr. Sevilla." "Work?" Hindi niya maiwasan ang mapataas ang isang kilay dahil sa mga sinabi nito. Anong trabaho naman ang tinutukoy nito? Ilang sangay na ng kanilang hotel ang pag-aari niya at hindi na niya kailangan pa ng isang trabaho. "Anong trabaho?" Mr. Milosa walked towards his table again. Ilinapag nito ang kopita ng alak sa mesa at naupong muli sa swivel chair. Pinakatitigan nito ang kanyang mukha. Then, "Hindi ako pwede magsabi sa iyo ng tungkol sa trabahong inaalok ko. Not until you sign this." Iniusog nito ang isang folder, na kanina pa nasa mesa nito, palapit sa kanya. Lumapit dito si Leandro at ipinatong muna ang kopitang hawak sa mesa nito bago dinampot ang folder. He opened it and scanned what was inside. Sa loob ay isang kasunduan na kailangan niyang pirmahan. Kasunduan na nagsasabi na ano mang impormasyong malalaman niya tungkol sa RnJ Services ay kailangang manatiling pribado at hindi malalaman ninuman. "RnJ Services?" kunot ang noong tanong niya dito. "It is may underground business, Mr. Sevilla," balewalang tugon nito. "Underground? Are you doing illegal business?!" Sa halip na sagutin siya ay isang nakalolokong halakhak ang ginawa nito na sadyang pumuno sa apat na sulok ng opisina nito. "Alam mo bang hindi ikaw ang unang beses na nagtanong sa akin niyan?" anito na umaalog pa ang balikat dahil sa pagtawa. Amusement lit his face. "So, what is this?" "I told you, I can't say any information unless you sign that," turo nito sa hawak niya. Leandro heaved out a deep sigh. Ipinatong niya sa mesa nito ang folder at halos pahablot pang inabot ang ball pen na nasa mesa nito. Agad na niyang pinirmahan ang mga papel na nasa kanyang harapan. Nang matapos ay agad na siyang humarap sa kausap. "Now, you can tell me." Kampanteng isinandal ni Mr. Milosa ang sarili nito sa swivel chair bago siya sinagot. "Like I told you, RnJ Services is my underground business. But above all my businesses, RnJ is the most precious one. And I called on you to ask you if you could work for RnJ." "Anong trabaho?" usisa niya dito. Though, deep inside ay hindi siya interesado. Sa dami ng hotel na pag-aari nila ay hindi na niya kakayanin pa ang ibang trabaho. Idagdag pa na financially ay hindi siya nangangailangan ng panibagong pagkakakitaan. "Hindi mo ba itatanong kung ano ang pinagkakakitaan ng RnJ Services?" hamon nito sa kanya. "Spill the tea, Mr. Milosa. I don't like a lot of fuss." "That is something I like about you, Mr. Sevilla. Anyway," kibit-balikat nito. "RnJ offers services to women. Mostly, to desperate women. Mga babaeng nangangailangan ng pansamantalang relasyon... o asawa." Ang kunot sa kanyang noo ay mas lumalim pa dahil sa mga sinabi nito. "I don't understand." "We offer husband for hire, Mr. Sevilla," wika nito. "Husband for hire?! Rentahan ng asawa ang negosyo mo?" gulantang niyang tanong dito. "Yes. Pansamantalang asawa lamang ng mga babae. Mind you, Mr. Sevilla, this business is doing great when it comes to profit. Hindi biro ang mga nagiging kliyente ng RnJ Services," imporma nito sa kanya. Now, that kept him thinking. Anong klaseng negosyo iyon? At sinong matinong babae ang basta na lamang kukuha ng bayarang lalaki para maging pansamantalang asawa nito? At ano naman ang nagiging rason ng mga babaeng ito para lumapit sa kompanya ni Mr. Milosa at kumuha ng lalaki upang maging pekeng asawa o karelasyon ng mga ito? "Maraming babae ang dumudulog sa RnJ para, as per your word, magrenta ng lalaki, Mr. Sevilla. At kapag tinanggap mo ang alok ko na trabaho ay maaari ka ring kumita ng malaki." "Mr. Milosa, alam mong hindi---" "I know," putol nito sa ano pa mang sasabihin niya. "Money is not a problem to you. But don't you like to consider working for RnJ." Hindi mapigilan ni Leandro ang mapaismid. "Sa dami ng trabahong inaasikaso ko? Alam mong ako ang namamahala sa lahat ng sangay ng aming hotel sa ibang bansa, Mr. Milosa. At ngayon ay nadagdagan pa ang responsibilidad. Ako na rin ang namamahala sa dalawa naming sangay dito sa Pilipinas sapagkat patay na ang aking kapatid." Napatayo siya nang tuwid nang maalala niya ang kanyang kapatid. He can't help but to grieve every time he thought about his brother's death. "I am sorry to hear that," malumanay na saad nito sa kanya. "I don't wanna sound insensitive. But don't you think it is the best way to have a breath of fresh air? Para naman magkaroon ka ng bagong mundong gagalawan. Hindi na lamang ang mga hotels na pag-aari ng pamilya niyo." "Mr. Milosa," wika niya sa nababagot nang tono. Wari niya ba ay nagsasayang lamang siya ng oras na kausapin ito. Kung hindi lamang ito mahalagang tao sa kanilang negosyo ay hindi niya talaga ito pauunlakan sa nais nitong pakikipag-usap sa kanya. "Kung hihilingin niyong pamahalaan ko ang negosyo niyo ay hindi ko magagawa. I am sorry to turn you down but I have a lot of works to---" "Hindi iyon ang inaalok ko sa iyo, Mr. Sevilla," muli nitong putol sa kanya. "Hindi ang ganoong trabaho ang gusto kong ialok sa iyo." Nagdikit bigla ang kanyang mga kilay dahil sa tinuran nito. Kung ipinatawag siya nito at nais alukin ng trabaho ay ang pamamahala lamang ng RnJ Services ang nakikita niyang iaalok nito sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman nito ang matagumpay niyang pamamahala sa mga negosyo nila. And he does not want to sound conceited. But him being a successful shrewd businessman is the only reason that he knew why Mr. Milosa wanted him to work for RnJ--- to manage it. "Kung hindi iyon ang trabahong inaalok ay ano?" aniyang tinitigan ito nang mataman. Nang bigla ay tumayo muli si Mr. Milosa. Umikot ito mula sa likod ng mesa at sadyang hinarap siya. "You have all that it takes, Mr. Sevilla. Looks and attitude. Not to mention na nakapagtapos ng kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad sa ibang bansa. Though, educational background is not important on this job that I am offering you." Mulagat siyang napatingin dito. Mistulang nahihinuha na niya ang nais nitong tukuyin, ang trabahong nais nitong pasukan niya. "Don't tell me---" "Be one on RnJ's husband for hire, Mr. Sevilla," sabat nito sa mga sasabihin niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa huli nitong tinuran. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD