CHAPTER 5
"Are you out of your mind?" manghang tanong ni Leandro sa taong kaharap.
Why would he even consider his job offer? Una na sa lahat ay hindi siya nangangailangan ng ibang pagkakakitaan. With their businesses, money would never be an issue on him. Nakukuha niya ang lahat ng kanyang naisin sa isang pitik ng kanyang mga daliri.
Plus, the fact na mas maraming bagay siyang kailangang asikasuhin. Maliban sa kanilang negosyo ay nariyan ang kanyang pamangkin na pinoproblema niya pa kung paano makukuha ang kustodiya mula sa tiyahin nito.
At kung breath of fresh air lamang ang tinutukoy ni Mr. Milosa ay maaari siyang magbakasyon sa ano mang bansang maibigan niyang puntahan. Madali lamang sa kanyang gawin iyon. Kaya mapakalaking kalokohan kung tatanggapin niya ang alok nitong trabaho.
"You could at least try it. Let us say, three contracts with us? O kahit dalawa lang. Usually naman ay ilang buwan lamang ang hinihingi ng aming mga kliyente. At hindi mo kailangang mangamba dahil confidential ang lahat ng impormasyon---"
"Mr. Milosa," putol niya sa pagsasalita nito. "I am not yet despearate to do that. Anyway, it was nice to see and talk to you again but I really need to go. Like I told you a while ago, I still have an appointment. At hindi ko gustong mahuli roon."
Hindi na niya ito hinintay pang makasagot. Agad na siyang pumihit patungo sa pinto at akmang lalabas na ng opisina nito nang bigla ay magsalita si Mr. Milosa dahilan para mapaharap siyang muli dito.
"Pag-isipan mo, Mr. Sevilla. Hindi ko isasara ang pintuan ng RnJ Services sa iyo. You would need us someday."
Sa hindi malamang dahilan ay waring may laman ang huling pangungusap na binitawan nito. Leandro just shrugged his shoulders. Hindi niya kailan man makita ang sariling rerentahan ng isang babae para maging pansamantalang karelasyon nito. Damn, pero hindi siya nawawalan ng babae sa buhay niya.
Ilang saglit pa ay nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas ng opisina nito. Pagdating sa parking lot ng mall kung saan matatagpuan ang branch ng String of Fate Dating Agency nito ay agad na niyang nilapitan ng kanyang sasakyan.
Hawak na niya ang handle ng pinto sa drver's seat nang mabitin ang akma niyang pagbukas niyon. Natuon ang kanyang pansin sa babaeng kabababa lamang ng sasakyan ilang hakbang mula sa kanya. Agad niyang ikinubli ang kanyang sarili. Ilang sasakyan din ang nakapagitan sa kanila at duda pa siya kung mapapansin siya nito.
Leandro knew her. Hindi pa man sila nagkikita nang personal ay hindi pwedeng hindi niya makilala ang mukha nito. Sa ilang pagkakataon na tinititigan niya ang larawan nitong nanggaling sa report ni Mr. Martinez ay halos memoryado na niya ang itsura ng dalaga.
She walked with so much grace. She looked like more of a teenager in her baby pink blouse that has ruffles on its neckline. Ang haba niyon ay hindi man lang umabot sa mga tuhod ng dalaga.
Wari bang itinulos sa kinatatayuan si Leandro habang patuloy pa rin itong pinagmamasdan na papasok sa entrada ng mall. Then, abruptly he followed her to where she is going.
*****
DIRE-DIRETSONG naglakad si Cara patungo sa pakay niyang puntahan. Nakuha niya ang impormasyon tungkol sa establisimiyentong iyon sa social media at ngayon nga ay lakas loob na pinuntahan niya ang nasabing lugar.
Pagkarating sa second floor kung saan matatagpuan ang isa sa mga branches nito ay tuloy-tuloy ang kanyang mga paa sa paghabang palapit dito. She was so sure and desperate to do this. Ilang libong beses niya ring pinag-isipan iyon kagabi kung tutuloy nga ba siya sa planong ito. At wala na siyang makitang ibang paraan para kahit papaano ay makalamang sa Leandro Sevilla na iyon.
Tama ang kanyang mga kaibigan. She needs to do an action kung nais niyang makuha ang kustodiya ng kanyang pamangkin. The Sevillas are influential as well. At tanging sa aspetong naisip lamang nila siya makakalamang sa kapatid ng kanyang bayaw.
She needs to give Maxine a complete and happy family--- bagay na kailangang makita ng korte para panigan siya. At mangyayari lamang iyon kung magkakaroon siya ng asawa.
Bigla ay nahinto si Cara sa harap ng establisimiyento. Napabuntong-hininga pa siya saka sumilip sa loob. Wari bang ngayon pa siya nakaramdam ng pagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba o hindi na.
Sa muli ay tiningala niya ang malaking pangalan nito sa may bungad ng pinto--- Strings of Fate Dating Agency.
Dito nga kaya nakasalalay ang kapalaran niya?
She heaved out a deep sigh again and trying to have a confidence, she walked towards the establishment.
Agad na bumungad sa kanya ang malinis at maluwag na receiving area ng Strings of Fate Dating Agency. Ang bawat kasangkapan na makikita mo sa loob ay pawang kababakasan ng karangyaan. Mayroong ilang mesa na napaiikutan ng mga upuan. At alam niyang gawa sa mamahaling materyales ang bawat isa niyon. Sa dingding ay nakasabit ang ilang paintings bilang dekorasyon. The paintings were even complimenting the whole place. Bumagay ang disenyo ng mga iyon sa ambiance ng lugar.
Iilan lamang ang tao sa loob. May tatlong babae na nakaupo nang magkakahiwalay at waring may hinihintay. Maliban sa tatlo ay pawang mga empleyado na ang nakikita niya, kung ang pagbabasehan ay ang suot ng mga ito na uniporme.
She stepped inside. Pagkakita sa kanya ng isang empleyado ay agad na itong lumapit sa kanya. Nakapaskil sa mga labi nito ang isang ngiti na alam niyang laan sa bawat customer na papasok sa kanilang tanggapan.
"Good day, Ma'am. How can we help you?" she said in a very friendly tone.
"Hi. S-Sino ho ang pwede kong makausap hinggil sa inyong serbisyo?" alanganin niyang tanong. Tama ba ang katagang ginamit niya? Serbisyo?
"This way, Ma'am," wika nito at agad na siyang iginaya palapit sa isang mesa kung saan nakaupo ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa kwarenta na ang edad.
Mataman niyang tinitigan ang lalaking itinuro sa kanya. Sa kabila ng edad nito ay kababakasan pa rin ito ng pagiging isang magandang lahi ni Adan. Gwapo ang mukha, matangos ang ilong at mga matang may mahahabang pilik-mata. Ang mukha nito ay wari bang nililok ng isang propesyunal na iskultor. Wala man lang makitang maaaring ipintas.
Not until she saw the ball pen that he was holding. Fuchsia feather ball pen!
Hindi niya sana nais bigyan iyon ng kahulugan. Maaaring wala itong magamit na ball pen at nanghiram na lamang sa mga kasamahan. Ngunit ang pilantik ng mga daliri nito ay hindi maaaring dayain ang kanyang sarili.
"G-Good day," bati niya rito dahilan para mapatingala ito ng mukha sa kanya.
"Yes, Darling. Anything I can do for you?" saad nito.
And to say that she was stunned was an understatement. Ibang iba ang itsura nito sa kung paano ito kumilos at magsalita. Ang mga galaw nito ay maaari nang ihanay sa kung paano kumilos ang mga kaibigan niyang sina Luisa at Monica.
"Hindi ikaw ang unang beses na ganyan ang naging reaksyon pagkakita sa akin," nangingiti nitong saad sa kanya. Amusement suddenly lit his face.
"Oh, I am sorry. I didn't mean to offend you," hinging paumanhin niya rito.
"Hindi, miss. It was far from what I felt. Anyway, maupo ka."
Iminuwestra nito sa kanya ang visitor's chair na nasa harap ng mesa nito. Agad na naupos si Cara roon at tinitigan ang lalaking kaharap.
"I am Facundo. So, what is your name at ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Cara. Cara Monteras," imporma niya dito ng kanyang pangalan. "Kailangan ko ng lalaki," bigla ay bulalas niya dito na umani mula sa kausap ng pagtaas ng kilay.
"Lalaki?" nananantiya nitong tanong.
"Yes. Lalaki na maaari kung maging pansamantalang karelasyon. Who could act as my husband," diretsahan niyang wika dito.
She knew that she was not thinking straight. Baka pagtawanan pa siya nito kung sasabihin niya dito ang totoong pakay. Sino ba naman ang matinong babae ang lalapit sa ganitong lugar para maghanap ng aakto bilang kanyang asawa?
"Karelasyon? As your husband?" waring gulat nitong tanong sa kanya. "Maaari mo bang ipaliwanag, miss?"
Cara was hesitant for a moment. Could she tell him the truth? Paano kapag nasabi niya dito ang totoo at malaman ng korte? Eh di mas lalong nawalan na siya ng pag-asa na makuha ang kustodiya ng kanyang pamangkin.
But she was thinking, paano siya nito matutulungan kung hindi nito malalaman ang buong detalye ng kanyang sitwasyon?
In the end, Cara found herself telling him everything. All the information from A to Z--- ang nangyaring aksidente sa kanyang kapatid at bayaw, ang pagkaiwan sa kanya ng kanyang pamangkin, ang planong pagkuha rito mula sa kanya ng kapatid ni Lester at pag-file nito ng child custody. Maging ang pagkakabuo ng plano nilang magkakaibigan.
It was absorb, yes! But she was really desperate.
Inaasahan na niya na makita ang disgusto mula sa mukha nito. Imagine her making and came out with such plan? Hindi ba at mistulang desperada talaga siya?
Ngunit sa halip na ganoon ang maaninag niya sa mukha nito ay wari bang umaliwalas pa ang ekspresyon nito dahil sa lahat ng narinig mula sa kanya.
"You came to the right place, miss," saad nito.
Agad siyang nakahinga nang maluwag dahil doon. "So, meaning you offer that kind of services?"
"Ang Strings of Fate Dating Agency ay hindi," sagot nito na agad na nagpabagsak ng kanyang mga balikat. Umasa na siya, wala rin pala. Ano at sinabi pa nito na lumapit siya sa tamang lugar?
"But I know someone who can help you," mayamaya ay patuloy nito sa pagsasalita na may ngiti sa mga labi. Alam niyang nakita nito ang pagkadismaya sa kanyang mukha at nahulaan nito ang kanyang naisip kanina.
"W-Who?"
"Ang RnJ Services," wika nito sa seryosong tinig saka siya pinakatitigan. Mistulang pinag-aralan pa nito ang naging reaksyon niya dahil sa binanggit nito.
"RnJ Services? W-Where can I find that?"
That was actually the first time that she heard about it. Hindi pa siya kailan man nakarinig ng kahit ano tungkol sa RnJ Services na sinasabi nito. Ngunit kung totoo man na maaari siya niyong matulungan sa kanyang kailangan ay hindi siya magdadalawang-isip na lapitan ito.
"Maaari ba talaga akong matulungan ng RnJ na ito?"
"Yes. Doon ay mahahanap mo ang iyong kailangan. But," he paused for a while. "You have to pay. At pangungunahan na kita. Hindi biro ang presyo ng serbisyong nais mo."
"Hindi problema sa akin ang pera, Mr. Facundo," saad niya. And that was true. Money is not an issue on her part. Handa siyang magbayad kahit magkano kung ang RnJ nga na ito ang makakatulong sa kanya sa suliraning kinakaharap.
Matapos ng ilang saglit ay dinala siya ng kausap sa isang silid at doon ay inilahad nito ang lahat ng detalye tungkol sa RnJ Services. And she was surprised that this kind of 'business' really do exist. She was asked to sign a waiver na nagsasabi na lahat ng impormasyong nalaman niya ay kailangang manatiling confidential.
At matapos nitong hingin ang detalye ng lalaking gusto niyang ma-hire as her 'husband', Cara left the place and hoped that everything would really happen as what she wanted.
Tuloy-tuloy na siyang lumapit sa kanyang sasakyan at agad nang sumakay doon. Ayon kay Mr. Facundo Yu ay kailangan niya na lamang maghintay ng tawag ng mga ito.
She drove and left the place. Ni hindi na niya napansin ang lalaking kanina pa nakasunod sa kanya mula nang pumasok siya sa mall kung saan makikita ang Strings of Fate Dating Agency.
Nang tuluyang makaalis ang sasakyan ni Cara ay agad na pumihit pabalik ang lalaki para muling bumalik sa establisimiyentong pinanggalingan nito kanina.