CHAPTER 3
"SO, what do you plan now?" tanong sa kanya ni Luisa, isa sa pinakamatalik niyang kaibigan.
"Of course, hindi ako magpapatalo sa kanya, Lu. I will find ways to win over him," sagot ni Cara sa kaibigan.
Hanggang ngayon ay nagpupuyos ang loob niya dahil sa natanggap mula kay Atty. Gascon. It's been six days since they last talked. Dahil sa hindi siya pumayag sa nais ni Leandro Sevilla na makuha si Maxine ay idinaan nito ngayon sa legal na paraan ang pagnanais na madala ang bata sa ibang bansa.
Ayon sa natanggap niya ay nag-file ng child custody ang tiyuhin ng kanyang pamangkin.
"And you also know na hindi rin magpapatalo ang Sevilla na ito, Cara," opinyon ng isa niya pang kaibigan, si Monica.
Napabuntong-hininga si Cara. Iyon din ang iniisip niya. At dahil gusto niyang mag-isip ng dapat gawin ay nakipagkita siya sa dalawang kaibigan at ilinahad niya sa mga ito ang problema.
Kasalukuyan silang nasa Sevilla Luxury Hotel sa may Makati. Ang nasabing establisimiyento ay may mamahaling restaurant sa ground floor nito. At doon sila nagkita-kitang magkakaibigan.
Ang nasabing hotel ay isa sa mga pag-aari ng kanyang bayaw. Isa itong five-star hotel at kung hindi ka nakakaangat sa buhay ay hindi ka makaka-avail kahit ang pinakamurang kwarto sa hotel na iyon.
At alam niyang may posibilidad na makatagpo niya dito ang kapatid ng kanyang bayaw. Nang matanggap niya ang notice mula kay Atty. Gascon tungkol sa child's custody ay gusto niya itong makatagpo. But her pride stopped her.
"Ano ngayon ang gagawin mo?" putol ni Luisa sa iniisip niya.
"Kailangan kong isipin kung paano ko ito maipapanalo," tugon niya.
"Ilan sa mga factors na tinitingnan ng korte para maibigay ang isang kustodiya sa isang tao ay dapat physically, mentally at financially capable ka para palakihin ang bata." Narinig niyang sambit ni Monica.
"And I am those three, Monica. Physically and mentally ay okay ako. And when it comes to financial aspect, alam niyong kayang kaya kong buhayin si Maxine."
"At alam mong pasok din sa tatlong kategoryang iyon si Leandro Sevilla. Financially, alam mong nakalalamang siya," Monica said.
Bigla ay napabuntong-hininga si Cara. Tama ito. Ang pamilya nila ay maituturing na na mayaman sa lipunang ginagalawan niya. Dalawang negosyo ang mayroon ang pamilya nila na ang kita ay sapat-sapat na kahit pa humilata na lamang siya sa bahay nila.
But compare to their income? Alam niyang lamang nga ang pamilya ng kanyang bayaw. At natatakot siya na baka maging dahilan iyon para ikapanalo ni Leandro ang kustodiya ni Maxine laban sa kanya.
"Actually, may isa pang anggulong titingnan dito, Cara," singit ni Luisa. "The court would see to it kung masayang pamilya ba ang mapupuntahan ng bata."
Mas lalong bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Paano niya mapapakita sa korte iyon kung silang dalawa lang ni Maxine ang nasa loob ng bahay nila maliban sa mga katulong?
At alam niyang pumasok din iyon sa isip ng mga kaibigan kaya nakasisimpatyang tingin ang binigay ng mga ito sa kanya.
"Are you willing to do everything for Maxine, Cara?" nanghahamong tanong sa kanya ni Luisa.
"Of course, I am. Alam niyong si Maxine na lang ang pinakamalapit kong kamag-anak," sagot niya sa kaibigan.
Nananantiyang tinitigan siya ni Luisa. Luisa leaned herself closer to Cara, saka ito nagsalita. "Then, get yourself married, girl. Kung makita ng korte na isang buong pamilya ang maibibigay mo sa bata ay may laban ka."
"Luisa!" nagugulumihanang sambit ni Cara.
"She got a point, Cara," Monica interrupted. "May tyansang panigan ka ng korte kapag nakitang isang buo at masayang pamilya ang uuwian sa iyo ni Maxine. You mentioned that this Leandro is not yet married, right? Iyon ang magiging lamang mo sa kanya."
Iyon ang nabanggit ni Lester sa kanila. Sa pagiging workaholic daw ng kapatid nito ay hindi pa sumasagi sa isipan nito ang pag-aasawa. At kung may punto man ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya ay isa lang ang ibig sabihin niyon--- she should sacrifice her freedom.
"I-I'm not yet ready to settle down," wika niya.
"Who said you're settling down?" natatawang saad ni Luisa. "What we need is a man who's willing to pretend to be your husband."
"Pretend?" bwelta niya kay Luisa. "Lu, sa tingin mo hindi iyon mahuhuli ng korte? Of course, they would look for legal papers."
Luisa heaved out a sigh. "Of course, there would be a real wedding, Cara. Hahanap lang tayo ng lalaki na handang magpakasal sa iyo and eventually, nakikipaghiwalay pagkatapos bumaba ang desisyon ng korte."
"At sinong lalaki ang papayag sa ganoon?" tanong niya sa dalawa.
Nagkatinginan ang mga ito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Monica bago siya sinagot. "There's Brandon!"
"Oh, no. Not Brandon," aniya sabay sandal sa upuan.
"Why not? Matagal nang nanliligaw sa iyo iyong tao. At kapag sinabi mo ang tungkol dito, bukas-palad niyong tatanggapin ang tungkol dito."
"No, Monica. Hindi papayag si Brandon na makipaghiwalay sa akin pagkatapos magkaroon ng resulta ang kustodiya ni Maxine."
"Talaga bang wala kang nararamdaman para sa kanya?" Monica asked. "Kung buo ang loob mo na gawin ito, Cara, Brandon is the best option. Kilala mo na siya and he loves you."
"But I don't, guys, so stop mentioning him. Alam niyong kapag nagkataon, seseryusohin ni Brandon ang kasal. He will never bring back my freedom."
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang magkakaibigan. Wari bang lahat sila ay nag-iisip ng dapat gawin. Frustrated, itinukod niya ang dalawang siko sa mesa saka pinagsalikop ang mga daliri.
"Anyone but not Brandon. If I have to pay for a man just to marry me, so be it."
"Alam ko na!" excited na wika ni Luisa. "Bakit hindi ka maghanap sa mga dating apps. Maraming lalaki doon. You just have to look for someone na pasok sa taste mo. Meet him up, saka mo alukin na pakasal sa iyo, with payment."
Napangiwi siya sa suhestiyon ng kaibigan. It sounded so desperate. Hindi niya nais magpakasal kay Brandon dahil alam niyang sa panig ng binata ay may feeling na involved. Pero hindi niya naman ata maatim na basta lang magpakasal sa kung kanino lang, kahit pa sabihin na hindi iyon magtatagal.
Hindi na siya nakasagot sa tinuran ng kaibigan. She found it so absurd.
Dahil sa nahuhulog na sila sa malalim na pag-uusap ay hindi na nila namalayan ang pagtayo ng isang lalaki mula sa katabing mesa. The guy looked at Cara before going out of the restaurant. Sa bukana ng pinto ay hinugot nito ang cell phone at nagtipa ng numero.
"Hello, Sir..."
*****
KANINA pa natutulog si Maxine sa kama niya. Mula nang mawala ang mga magulang nito ay sa silid na niya pinapatulog ang kanyang pamangkin.
May iba pa silang kasama sa bahay. Si Manang Selma na katiwala na nila buhay pa man ang mga magulang, si Anika--- ang tagapag-alaga ni Maxine na nag-aaral sa kolehiyo tuwing gabi, at ang mag-asawang Rebecca at David. Katu-katulong ni Manang Selma si Rebecca habang drayber nila si David.
Pagkatapos makapagpalit ng pantulong ay kinuha ni Cara ang kanyang laptop. Naupo siya sa kama katabi ni Maxine at isinandal ang likod sa headboard nito. She put the laptop on her lap and started browsing it.
Sa una ay hindi niya gustong makinig sa suhestiyon ng mga kaibigan. But in the end, she found herself browsing the internet and looking for dating app that could help her on her problem. Ang plano niya ay tumingin lang ng dating app, magbaka-sakaling may makitang papasok sa kailangan at sagot sa problema niya.
Ilang minuto na siyang tumitingin sa iba't ibang app pero hindi niya makuhang i-click isa man sa mga profile ng mga andoon. She found it wierd. Paano kung masamang tao pala ang makuha niya doon?
"Geez, Cara what are you doing?" wika niya sa sarili. Tumingala siya at marahang minasahe ang kanyang batok. She was about to close her laptop when she noticed one app.
Strings of Fate Dating Agency.
For some reasons, this caught her attention. She clicked the app and browse on it. Ang kaisipang ayaw niyang ipatalo ang kustodiya ni Maxine ang nagtulak sa kanya upang i-click ang nasabing dating app.
While browsing on the app, she saw the posted photo on it. Isang tarheta na kulay ginto at itim.
"Find your ideal... husband." She read the words written on it. "H-husband."
Cara got her phone from the bedside table and saved the information that she saw together with the photo. An agent's name was indicated.
Cara heaved out a heavy sigh. Tinitigan niya ang pamangking mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. "I'm doing this for you, Max... and for Ate Coleen."