CHAPTER 6

1636 Words
CHAPTER 6 "Talaga bang ginawa mo iyon?" ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Monica. Halos manlaki ang mga mata nito at manghang-mangha matapos niyang mabanggit ang ginawa niya kanina. Matapos niya manggaling sa Strings of Fate Dating Agency ay nakipagkita siya kina Monica at Luisa. Though, hindi niya binanggit sa mga ito ang lahat ng impormasyong nalaman niya tungkol sa RnJ Services. Iyon ang nakasaad sa waiver na pinapirmahan sa kanya ni Mr. Facundo Yu bago pa man ito maglahad ng kahit anong detalye tungkol sa RnJ--- na hindi niya maaaring isiwalat anu mang bagay tungkol sa kompanyang iyon. Everything should be confidential. Ano man ang malaman at makuha niyang serbisyo mula sa kompanya ay kailangang manatiling lihim sa pagitan niya at ng RnJ lamang. She was not allowed to tell anyone about the company. Kahit pa sa kanyang dalawang kaibigan. Ang RnJ Services ay isang kompanya na nagbibigay ng kaukulang serbisyo para sa mga babaeng nangangailangan ng pansamantala at pekeng karelasyon. Mga babaeng hindi basta-basta at may mga sinasabi sa lipunan ang kadalasang kliyente ng mga ito. Lumalapit sila sa kompanya upang mag-hire ng lalaki para magpanggap na nobyo o asawa ng kliyente. At iyon ay pasok na pasok na solusyon para sa kasalukuyan niyang suliranin. Iyon mismo ang kailangan niya sa kinasasadlakang sitwasyon ngayon. Ayon kay Mr. Facundo ay maaari siyang "magrenta" ng lalaki, na kung tawagin sa RnJ ay mga husbandos, para magkunwaring asawa niya. At iyon nga talaga ang ginawa niya kanina. Ilinahad niya dito ang mga katangiang nais niya sa isang lalaki. Mga katangiang, kung tutuusin ay talagang hanap niya sa isang lalaki. Ang sabi sa kanya ni Mr. Facundo ay kailangan niyang maghintay sapagkat may prosesong kailangan sundin para sa pagpipili ng kanyang "husbando". And she was so willing to wait. Kung iyon lang ang paraan upang makahanap siya ng lalaki na makatutulong sa kanya sa problemang kinakaharap ay magagawa niya pang maghintay. Besides, wari niya ay hindi pa man agad magpapatawag ang korte para sa una nilang pagkikita ng kampo ni Sevilla. Luisa and Monica stared at her in awe. Katulad ng lagi na nilang nakaugalian ay sa isang kilalang coffee shop sila nagkita-kita. Ang binanggit niya lamang sa mga ito ay ang paglapit niya sa Strings of Fate Dating Agency, but not about RnJ. "What?" aniya sa mga kaibigan. "Hindi ba at kayo ang nagsuhestiyon ng tungkol dito? Na maghanap ako ng lalaking magpapanggap na asawa ko at ipakita sa korte na isang buo at masayang pamilya ang maaaring datnan ni Maxine sa akin oras na sa akin ibigay ang kustodiya niya," mahaba niyang lintanya sa mga ito. "Yeah. But I never expected na talagang gagawin mo. I mean... I mean you said it was absurd," wika ni Luisa sabay ng pagkibit ng mga balikat nito. "You can call me desperate," wika niya sa mga kaibigan. "Pero talagang ilalaban ko hanggang p*****n, huwag lang makuha sa akin ng Leandro Sevilla na iyon ang pamangkin ko. Maxine is all that I have right now." Nakikisimpatya na tinitigan siya ng dalawa. They knew very well that she really loved her Ate Coleen. At ngayong wala na ito ay tanging si Maxine na lamang ang nagsisilbing alaala niya sa kanyang namayapang kapatid. Tapos, heto at balak pang ilayo sa kanya ng Sevilla na iyon. Hell, but she would never allow it! "Ni hindi mo man lang ba talaga kinonsidera si Brandon bilang lalaking maaaring magpanggap na asawa mo?" tanong ni Monica. "At least, kapag siya ang kasama mo ay panatag kami dahil kilala natin siya." She let out a deep sigh. Brandon was really the best option for this. Tulad nga ng sabi ng mga ito ay malamang na bukas-palad iyong tatanggapin ng binata kung sakaling alukin niya dito ang plano nila. At totoong hindi siya mangangamba kapag ito ang kasama niya sa loob ng ilang linggo o buwan dahil kilala na niya ito. Unlike if she would get a stranger from RnJ Services. And she knew that it would never be so hard for him to pretend as her husband because in the first place, he has a feeling for her. Ngunit iyon nga ang pinakamalaking hadlang kung bakit ayaw niyang kunin si Brandon. It was because of his feelings for her. Paano kung kunwari na silang mag-asawa at nagsasama sa iisang bubong? Hindi niya masisiguro na hindi ito gagawa ng hakbang upang mag-take advantage ng sitwasyon. Kung ngayon pa nga lang na nanliligaw ito sa kanya ay nararamdaman na niya ang pagiging possessive nito, paano pa kung hilingin niya na magpanggap ito na asawa niya? "No," she said with firmness. "Mahihirapan akong kumawala kay Brandon kung magkataon." Hindi na nagbigay pa ng opinyon ang mga ito tungkol sa bagay na iyon. Their conversation led to another topic. At sa kabila ng lahat ay alam niyang suportado siya ng mga kaibigan sa ginagawa niyang ito. Katulad niya ay malapit din ang loob ng mga ito kay Maxine. Lumipas ang dalawang linggo ay hindi pa rin siya nakatatanggap ng ano mang tawag mula sa RnJ Services. Ayon naman kay Mr. Facundo Yu ay tatawagan siya ng mga ito kapag natapos ang proseso sa pagpili ng kanyang husbando. O kaya ay makatatanggap siya ng e-mail mula sa kompanya tungkol doon. Ngunit lumipas na ang ilang araw ay wala pa rin siyang matanggap isa man sa mga iyon. And she was starting to lose hope. Paano kung bigla na lamang magpatawag ang korte upang pag-usapan na ang kustodiya ni Maxine? Wala siyang maipiprisintang asawa sa mga ito. It was Monday and Cara was about to go to Monteras Travel Agency. Nakagayak na siya upang umalis. Isang long-sleeved na kulay puting crop top ang kanyang suot na ipinares niya sa isang kulay itim na high-waisted na pantalon. Sa kanyang paa ay isang sandals na may two inches na taas. Ang kanyang buhok ay nakatali nang pataas at wala ni isa mang takas na hibla. And she put nothing on her face except for a light pink lipstick. Matapos niyang magbilin ng ilang detalye tungkol kay Maxine sa kanilang mga kasambahay ay naghanda na siya sa pag-alis. She was about to get in her car and leave when one taxi stopped right in front of their house. Agad niyang isinara muli ang pinto ng driver's seat at sadyang hinintay na bumaba ang kung sino mang lulan ng taxing iyon. She was sure na kung sino man ang sakay niyon ay ang kanilang bahay ang pakay, since the taxi stopped in front of their gate. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niyang bumaba ang isang matangkad na lalaki. Agad siya nitong nakita sapagkat bukas na ang kanilang gate at talagang dapat ay paalis na siya. The man walked towards her. At nang ilang hakbang na lamang ang pagitan sa kanila ay huminto ito at nagsalita. "Hi," wika nito sa baritonong tinig. Cara can't stop staring at him. Nakasuot lamang ito ng isang simpleng t-shirt na kulay pula at lumang pantalong maong. Isang pares ng rubber shoes sa mga paa. Payak lamang ang itsura nito ngunit wari ba ay nagpapakita iyon ng authority. Ramdam niya iyon sa tindig pa lamang nito. O baka sadyang magaling lamang itong magdala ng sarili. Her eyes darted on his face. Ngayon na nasa malapit na ito ay kitang-kita niya ang kabuuan ng mukha ng lalaki. He has strong jawline that added to his authoritative image. He has pointed nose and eyes that as dark as the night. Hindi kaputian ang lalaki ngunit para sa kanya ay nagdagdag pa iyon sa karakter nito. And that makes him look more manly. The man was tall, must be six feet in height. He has broad shoulders and lean and muscular chest that--- Naputol ang daloy ng isipan niya nang makarinig ng isang tikhim mula sa lalaking bagong dating. Agad na naiangat niya ang kanyang mukha dito at sinalubong ang mga mata nito. At halos gusto niyang sipain ang kanyang sarili dahil sa nakitang ekspresyon nito. There was an amusement on his face that she knew he was trying to suppress. Alam niyang nahuli siya nitong sinusuri ang katawan nito. And with that, she wanted to curse herself. Paanong nangyaring tinitigan na lamang niya ito nang ganoon? How come she boldly stared at his body? Bagay na kailan man ay hindi niya pa nagawa sa ibang lalaki, not even with Brandon. Agad niyang hinamig ang kanyang sarili at ibinalik sa huwisyo ang kaisipan. She stared at him and asked. "May kailangan ka? I mean..." "Nandito ako para makipagkita at makausap si Cara. Cara Monteras," saad nito sa seryosong tinig. "Why do you need to talk to me?" agad niyang usisa dito. Sa halip na sagutin siya nito ay iniabot sa kanya ng estranghero ang isang kulay brown na envelope na ngayon niya lamang napansin na tangan-tangan nito. Cara got it from him. "W-what is this?" alanganin niyang tanong. The man just shrugged his shoulders before he answered her. "Maaari niyo hong tingnan." She opened the envelope and got the papers inside of it. Sa papel ay nakasaad ang ilang detalye tungkol sa binata. Alam niyang sa binata iyon sapagkat may larawan nitong naka-attach sa itaas na bahagi ng papel. Zandro Bustamante, thirty-two years old at isang waiter sa isang mamahaling restaurant. Marami pang detalye ang nakalakip doon ngunit kung may isang nakaagaw ng kanyang atensyon, iyon ay ang dahilan ng pagsulpot nito sa kanilang bahay. "Nagmula ka sa RnJ? Ikaw ang pinadala para kunin ko na---" "Yes," tipid nitong saad na pumutol sa iba niya pang sasabihin. Isang salita lamang iyon ngunit kaakibat niyon ang lakas ng personalidad nito. And for some reasons, she found him having a commanding presence and a deep, authoritative voice. Mayamaya pa ay inilahad nito ang kanang kamay sa kanya at muling nagwika, "Zandro Bustamante... your husband for hire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD