CHAPTER 11 Kanina pa pabaling-baling ng higa sa kama si Cara. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. She should be resting and sleeping right now. Bukas ay ang flight nila pabalik ng Pilipinas at dapat ay matulog na siya para magising siya nang maaga. But what Zandro did a while ago made it so hard for her to sleep. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang halik na ginawa nito sa kanya. She touched her lips with her fingertips. Kahit kanina pa nangyari ang paghalik nito ay para bang nadadama niya pa rin ang mga labi nito. And damn! She really felt his tongue touched her lips. Hindi siya manhid para hindi iyon maramdaman. He teased the corner of her lips with his tongue! Mariing napapikit si Cara. Hindi pa kailan man nahalikan ng kahit sinong lalaki ang mga