CHAPTER 10 Sakto makalipas ng labing-limang minuto nang mamataan ni Cara si Zandro na papasok na sa entrada ng restaurant ng hotel. He is wearing a plain cotton V-neck shaped t-shirt paired with a blue jeans. Pinakatitigan ito ni Cara. He looked so authoritative even with just a t-shirt and jeans on. Ito ang uri ng taong wari bang kapag nagmando ay matatagpuan mo na lamang ang sarili na sumusunod dito. Ang awra nito, ang tindig at maging ang pananalita--- they speak power and authority. And she was amaze dahil waiter naman ang trabaho nito. Hindi ba ang waiter pa nga ang may sinusunod na amo? Pati na mga kostumer ay kailangan din nitong sundin at pagsilbihan. Ano at parang hindi niya makita sa pagkatao nito ang pagiging masuyo sa iba? Well, baka kapag nasa trabaho ay iba na ang personal