CHAPTER 12 "What do you mean, Cara?" tanong sa kanya ni Brandon. Humihingi ito ng paliwanag at halos nahihimigan niya pa ang hinanakit na nakalakip sa tinig nito. Hindi sa ganitong paraan niya sana gustong malaman ng binata ang totoo. She wanted to talk to him and politely decline his courtship. Gusto niyang sabihin dito na kaya siya nagtungo sa Las Vegas ay upang magpakasal kay Zandro at humabi na lamang ng kwento kung papaano niya ito nakilala. Since, hindi niya maaaring banggitin dito ang totoong dahilan kung bakit niya kinailangang mag-asawa ay hahayaan niya itong maniwala na nagpakasal siya kay Zandro dahil sa pag-ibig. Pero ang lintik niyang "asawa" ay basta na lamang dumating at biglang sinabi dito ang lahat. "Cara?" untag pa sa kanya ni Brandon. "Zandro," baling niya sa asawa