CHAPTER 2
Araw ng Lunes at maagang gumayak si Cara para pumunta sa travel agency. Tatlong linggo na mula nang mailibing ang kanyang ate. Halos dalawang linggo din siyang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa pagdadalamhati.
But life must go on. Kaya pagkatapos ng ilang araw ay ibinalik niya ang sarili sa normal. Though deep inside, she found it so hard to cope with the lost of her sister.
Dumeretso siya sa kanyang opisina na nasa ikaapat na palapag ng Monteras Travel Agency. Maliban sa kompanyang ito ay mayroon pang negosyo ang kanilang pamilya--- ang Gems Galore. It is a jewelry shop that her mother built.
Her mother was a jewelry designer. Bago pa ito napangasawa ng kanyang ama ay natatag na nito ang kompanyang Gems Galore. At ito mismo ang isa sa mga nagdisenyo ng mga alahas na binebenta ng kanilang kompanya.
Sa kanilang dalawa ni Coleen ay ito ang nagmana sa kanilang ina sa hilig sa pagdidisenyo ng alahas. Kaya mas pinili niya na mas pagtuunan ng pansin ang travel agency, katulong pa rin ang kapatid. Pero ngayong wala na si Coleen ay pareho na niya pamamahalaan ang dalawang negosyo.
Tuloy-tuloy siyang naupo sa swivel chair pagkapasok ng opisina. Hindi pa man natatagalan sa pag-upo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Attorney Gascon.
He wants to see her and talk to her. Gusto niya sana itong tanggihan dahil pagkatapos niya i-check ang travel agency ay balak niyang tumuloy sa Gems Galore at iyon naman ang asikasuhin.
Ngunit nang marinig niya na tungkol sa pamangkin ang ipakikipag-usap nito ay agad siyang pumayag na makipagkita dito.
Pagdating niya sa isang sikat na coffee shop sa may Makati ay nakita niyang andoon na ang matandang abogado. Agad itong tumayo nang makalapit siya sa mesa at nakipagkamay sa kanya.
"Good morning, Miss Monteras."
Gumanti siya ng bati at magalang na pagtanggap sa pakikipagkamay nito. Naupo siya sa upuang nasa harap ng abogado. She never bothered to order. She wanted to get down to business.
"So, may I know kung para saan ang pakikipag-usap niyong ito, Attorney? You said it's about Maxine?" deretsahan niyang tanong dito.
"Well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Monteras."
"You can call me Cara, Attorney."
"Cara..." ulit nito sa pangalan niya. "I'm sure alam mong andito pa sa Pilipinas ang kliyente ko. Si Mr. Leandro Sevilla, your brother-in-law's eldest brother."
Tumango siya sa abogado. But the truth, wala siyang pakialam kung nasa Pilipinas pa ito. At naguguluhan siya kung bakit kailangan pa iyong sabihin sa kanya ng abogado.
Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito. "He's going back to New York by the end of the month. And about your niece, he's thinking if he can bring his niece to New---"
"No, Attorney." Hindi na niya hinintay na makatapos sa sasabihin nito ang abogado.
Definitely ay hindi siya papayag na kunin ng Leandro Sevilla na ito ang pamangkin niya.
"Look, Cara, isang Sevilla si Maxine at alam mong may karapatan ang mga Sevilla sa kanya."
"Just as much as I have a right to her, Attorney. Kapatid ko ang kanyang ina," she said firmly.
"At pamangkin din ng kliyente ko ang bata."
"Where is your client? Bakit hindi siya ang makipag-usap sa akin?" naiirita niyang tanong. She doesn't like to sound rude but she can't help it.
"He's a busy man, Cara. Ngayon lang siya nakauwi ng Pilipinas ulit at inaasikaso niya ang negosyo na dating pinamamahalaan ng kapatid niyang si Lester."
Alam niyang nagmamay-ari ang pamilya ng mga ito ng five-star hotels, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. At si Lester ang namamahala ng negosyo ng mga ito dito sa bansa. Samantalang ang nakatatandang kapatid ang namamahala sa negosyo ng mga ito sa abroad. Alam niyang hindi simpleng tao ang napangasawa ni Coleen. Lester was a billionaire ngunit hindi iyon mababakas sa bayaw. He was simple and so down to earth.
"Busy? So he appointed you to talk to me right now. Kaya iniutos niya rin sa iyo ang paglilipat ng mga labí ni Lester patungo sa Batangas. He was busy that's why he never got a chance to come home and meet Ate Coleen when she was still alive. And now you're telling me na gusto niyang kunin si Maxine?"
"Don't you think na mapapabuti ang buhay ng bata sa mga Sevilla, Cara?"
"I can also give that to her, Attorney," bwelta niya dito, pilit nagpapakahinahon. "Mula nang ikasal kay Lester ang ate ko ay hindi niya pa nakadaupang-palad isa man sa mga kamag-anak ni Lester. I'm sure hindi niya gugustuhing kunin ng ibang tao si Maxine."
"Hindi ibang tao ang mga Sevilla kay Maxine, hija. They are relatives," paliwanag ng abogado sa mababang tinig kahit pa nakikita na nitong nauubusan na siya ng pasensya.
"Look, Attorney. I know you're just doing your job but tell this to your client--- hindi niya madadala si Maxine. Excuse me," wika niya bago tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng coffee shop.
Naiwang iiling-iling na lamang ang abogado bago kinuha ang cell phone at nagtipa ng numero.
*****
Katatapos lamang makipag-meeting ni Leandro sa mga staffs ng hotel na pag-aari ng pamilya nila--- ang Sevilla Luxury Hotel, a world-renown hotel and restaurant na nagmula pa sa mga magulang ng kanyang ama.
Sumatotal ay mayroon na ito ngayong labing-anim na sangay sa iba't-ibang bansa. At dalawa nito ay andito sa Pilipinas--- isa sa Makati City at isa sa Cebu City, mga sangay na pinamamahalaan ng kapatid niya kaya ito namalagi na lamang sa Pilipinas.
Sinamantala niyang nasa Pilipinas pa siya para i-check ang dalawang sangay. Ngayong wala na ang kapatid ay siya na muli ang hahawak nito. Dalawa lamang silang magkapatid at tanging sila ang magmamana ng negosyo ng pamilya.
He let out a deep sigh and sat on his swivel chair. It's been three years since he last saw Lester. Pumunta ito ng New York para sa kanyang kaarawan at saka bumalik ng Pilipinas. Simula noon ay hindi na ito muling lumabas ng bansa.
It was because he got married. Nabigla siya sa ibinalita nitong biglaang pagpapakasal. But then, he was happy for him. It was the first time that he saw his brother glow in happiness. Bakas iyon sa mga larawang ipinapadala nito sa kanya ng asawa nito.
It wasn't easy for Lester while growing up. Hindi man bumabanggit ng kahit ano sa kanya si Lester ay alam niyang sa lahat ng bagay na ginagawa nito ay lagi itong may nais patunayan.
Lester was his half-brother. Walong taon siya nang umuwi ang kanyang ama na dala ang tatlong taong gulang na si Lester--- sa laking pagwawala ng kanyang ina. Una pa lang ay hindi na maganda ang pakikitungo ng kanyang ina kay Lester. And he can't blame his mother. Si Lester ay bunga ng minsang pagtataksil ng kanyang ama.
Iyon ay naging lamat sa relasyon ng kanyang mga magulang. And for that, he wanted to hate his father. Ayon dito ay hindi ito nagkaroon ng relasyon sa ina ni Lester. It was just a one night stand. Nakilala umano nito ang ina ni Lester sa isang mamahaling bar nang minsang pumunta doon kasama ng mga kaibigan.
Sa loob ng tatlong taon ay hindi inakala ng kanyang amang si Marcus Sevilla na nagbunga ang isang gabing iyon. Ngunit bigla ay sumulpot diumano ang babae sa opisina ng ama at ipinakilala ang bata bilang anak nito.
Pagkatapos magsagawa ng DNA test ay napatunayan ni Marcus na anak nga nito si Lester at nagdesisyong iuwi ito sa kanila. Alam niyang binayaran ng ama ang ina ni Lester para magpakalayo-layo at huwag manggulo sa kanilang pamilya. At alam niyang kaakibat noon ay ang pagbabanta kung sakaling manggulo ito sa kanila. Kung magkano ang binigay nito sa ina ni Lester ay hindi na niya inalam. Ngunit batid niyang sapat iyon upang mamuhay ito ng maalwan.
Their family is one of the richest not only in the Philippines but all over the world. At hindi gugustuhin ng kanyang ama na madungisan ang pangalan ng kanilang angkan.
Kaya walang nagawa ang kanyang inang si Evalyn kundi ang tanggapin sa kanilang tahanan si Lester. Dahil na rin sa koneksyon ng kanyang ama ay napalabas nito na anak ng kanyang ama't ina si Lester.
Noon pa ma'y malamig na ang pakikitungo ni Evalyn kay Lester. Hindi niya ito masisi. Lagi na ay ipinapaalala ni Lester dito ang kataksilan ng ama. Though hindi ito sinasaktan ni Evalyn ay hindi rin kahit minsan ito nagpakita ng pagkagiliw para sa kapatid.
Kaya noon pa man ay siya ang nagpapakita ng affection para kay Lester. Hindi kasalan ng isang bata na mabuo ito sa maling paraan. Dahil doon ay naging malapit silang dalawa habang lumalaki. And he knew that Lester became dependent to him at sa maraming pagkakataon ay naging tagapagtanggol siya nito mula sa mga bullies sa eskwelahan.
Nang magbinata sila ay nag-umpisang maramdaman niya na lagi na ay may gustong patunayan si Lester. And he knew it. Gusto nitong patunayan na karapat-dapat ito sa pangalang ibinigay ng kanyang ama--- ang pagiging Sevilla.
Kaya laging tuwa niya nang makasal ito sa babaeng nangangalang Coleen. He saw real happiness on his brother because of that woman.
Tunog ng kanyang telepono ang pumutol sa daloy ng kanyang isipan. Agad niya itong kinuha para sagutin.
"Hello," aniya sa baritonong tinig. Agad siyang napaupo nang tuwid nang mapagsino ang tumawag. "Yes, Attorney..."
Saglit niyang pinakinggan ang sinasabi nito sa kabilang linya. "Then, let's proceed to plan B, Attorney."
Ilang minuto pa ay ibinaba na niya ang telepono. Saglit niyang hinilot ang sintido dahil sa nalaman. Sa wari ay pahihirapan pa siya ng tiyahin ng pamangkin bago makuha ang anak ni Lester.
He planned to bring his niece to New York at doon ay palakihin. Nais niyang sa poder niya lumaki ang pamangkin. Pero sa nakikita niya ay kailangan niya munang dumaan sa tiyahin nito bago iyon magawa.
Mayamaya ay narinig niya sa intercom ang sekretarya, telling him na nasa labas si Mr. Alipio Martinez. Agad niya itong sinabihan na papasukin ang lalaki.
Pagpasok ni Martinez ay naupo ito sa isa sa dalawang visitor's chairs na nasa harap ng mesa niya. He handed to him the brown envelope that he's holding.
"Nariyan na ang lahat ng kailangan mo, Mr. Sevilla," wika ni Martinez, ang private investigator na kinuha niya para imbestigahan ang tiyahin ng kanyang pamangkin.
Pagkatapos umusal ng pasasalamat ay kinuha niya ang laman ng envelope.
"She's a Management graduate, katulong ng hipag mo sa pagpapatakbo ng dalawang negosyo ng pamilya nila."
Lahat ng binabanggit ng lalaki ay nakasaad sa hawak niya. Kompleto ang impormasyong nakalap nito tungkol sa dalaga.
Leandro turned the pages of the papers. At humantong siya sa huling pahina niyon. Doon ay naka-attached ang larawan ng taong pinaiimbestigahan niya.
It was a stolen shot. Kung hindi siya nagkakamali ay kuha iyon mula sa libing ng hipag niya. Nakasuot ito ng puting damit, nakapusod ang mga buhok at bakas pa ang pag-iyak sa mga mata nito.
Sa kabila ng bahagyang pamumugto ng mga mata nito ay hindi maikakailang magandang babae ang nasa larawan. She has fair complexion, mga matang inilalabas kung ano ang emosyon at maninipis na labi.
And Leandro wondered how would she look like if those lips smile?
"I want you to watch over her. Alamin mo lahat ng ginagawa niya, lahat ng pinupuntahan at pinagdadalhan niya sa pamangkin ko," utos niya sa kaharap.
"Yes, Sir," anito bago tumayo at nagpaalam na.
Nang mapag-isa sa kanyang opisina ay muling tinitigan ni Leandro ang babae sa larawan. Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong bagay na humahatak sa kanya para titigan ito.
Pagkatapos ng ilang sandali ay umupo siya nang tuwid at tinanggal ang larawan mula sa report na binigay sa kanya ni Martinez.
Tinitigan niya pa ito sandali bago isinilid sa kanyang bag.