“ANO’NG SABI MO?” mariin nitong tanong sa dalaga. Habang nakaupo sila sa sala. Katatapos lang nilang kumain, nagutom sa pinaggagawa nila kani-kanina lamang. Nagpaalam ang dalaga sa nobyo para hanapin ang nawawalang kapatid, pansamantala rin siyang makikipaghiwalay rito. Para makapag focus sa problema ng pamilya. Tanging si Nathalie lamang inaasahan ng magulang, lalo pa ngayon ’di pa rin magaling si Mang Art sa pagkaka-stroke. “Kung talagang mahal mo ako, uunawain mo ako sa aking kalagayan,” naiiyak na saad ni Nathalie sa nobyo. “Nauunawaan kita. Ang ’di ko maintindihan. Bakit kailangan mo pang makipaghiwalay sa ’kin?” gigil nitong tanong sa dalaga tumayo ito at may kinuha sa kuwarto. Pagbalik nito may bitbit ng sigarilyo saka tinungo ang kusina. Kumuha ng alak sa isang istante saka is