MATAPOS ang pangyayari sa dalawa naging tahimik sa isang tabi si Steven alak ang laging kasama sa tuwing nalulungkot. Parang dito siya nakakita nga kasiyahan sa sarili simula ng iwan ni Nathalie. Hindi na rin ito nag-abala na suyuin ang nobya, ibinigay niya rito ang hinihinging kalayaan. “Ano magmumukmok ka na lang ba r’yan? Walang magagawa ’yang alak sa problema mo, panandalian ka lang pasasayahin n’yan pero iiwan ka rin,” mariing sermon ni Bryan kay Steven. Lagi na lang n’ya itong napupuna na lasing at pati trabaho napabayaan na rin. Ngumisi si Steven sa amo. “Boss, siguro kapag iniwan ka Kate, mas malala ka pa sa ’kin? Baka ’di mo na gugustuhin mabuhay pa.” “U**l ’di mangyayari sa ’kin ’yan. Why? Dahil mas masarap ako magmahal kaysa sa ’yo,” sabay tawa nito kay Steven. Swerte kung m