BITBIT ang baril agad lumabas sa pinagtataguan na punong-kahoy si Steven. Tinungo ang bangin upang silipin ang target ngunit puro kadiliman ang naaaninag niya sa ilalim. Mayamaya pa nagsilapitan na ang mga kasama niya sa pangunguna ni Allan na may tama sa bandang kaliwa ng paa. “Ano napuruhan mo ba?” tanong niya habang nakasilip rin sa bangin. Huminga ng malalim si Steven saka ibinuga sa kawalan. “Oo.” Matapos tingnan ang buong paligid ng bangin agad nagpasya ang mga ito na lisanin ang lugar. Iniisip ng mga ito baka dumating ang mga rescue ng sundalo. Ang kabilang grupo naman agad rin umalis, parang nanakot lamang ang mga ito. Paalis na sana si Steven sa lagur na ’yon ng makarinig ito ng isang ungol, agad tinungo ang sasakyan at may kinuha roon. “Mauna na kayo may tatapusin lang ako.