TAGUM, DAVAO CITY. SAMANTALA tanaw na tanaw ni Steven ang malawak na lupain. Simula ng magtrabaho siya kay Bryan naging mautak ito sa paghawak ng pera lahat ng kinita niya pinag-ingatan at minahal. Ngayon natatanaw na niya ang lupain na may mga tanim na mais, tubo at mga sari-saring prutas. Sa tulong at gabay ng magulang napalawak nila ito. May nakita rin siyang mangilan-ngilang baka, kalabaw, kambing at nagsisimula na ring mag breed ng kabayo ang kanyang itay sa karatig hacienda. Nakaupo siya sa bangkong bato sa may terrace ng bahay nila pinagmamasdan ang naging bunga ng kasipagan niya sa pagtatrabaho. “Anak, malalim ’ata ang iniisip mo?” tanong ng ama ni Steven. Hindi nito namalayan ang paglapit ni Mang Mario. Ngumiti si Steven sa ama. “Wala po tay, nagpapasalamat lang po ako sa n’