HABANG nasa biyahe pakiramdam ni Steven siya na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa, ’di mapigilan ang nadarama ng sabihin ng papa ni Nathalie na puwede niyang ligawan ang anak. Ipinangako niya rito na gagawin ang lahat ng magagawa upang maging masaya ang dalaga sa piling niya.
Papunta siya ngayon sa Cavite para hanapin ang lalaking may balak gawan ng masama si Kate kagabi. Nagpapasalamat siya at mabilis nilang nahanap ito, baka hindi niya mapatawad ang sarili kung may nangyaring masama rito.
Una niyang pinuntahan ang bahay ni Nathalie nagbakasakali kilala nito ang lalaki.
“Kilala mo ba ’yong lalaki kagabi sa party?” tanong nito kay Nathalie. Magkatabi silang nakaupo sa sala.
“Hindi eh,” malungkot nitong sagot. Nag-aalala pa rin ito sa kanyang kaibigan.
Inakbayan ni Steven ang dalaga at isinandal sa kanyang dibdib. Ramd nito ang pag-aalala kay Kate.
“H’wag mo na masyadong isipin si Kate, nasa mabuti na siyang kalagayan.” Sabay haplos nito sa likod ni Nathalie, pilit nitong pinapagaan ang kalooban.
“Hindi ko maiwasan na ’di siya isipin nagu-guilty ako sa nangyari kagabi kay Kate,” saad nito.
“Wala kang kasalanan sa nangyari kagabi. Kaya ipanatag mo ang ’yong loob,” nakangiting sagot ni Steven kay Nathalie.
Saglit nag-usap ang dalawa sa mga bagay na may kinalaman sa lalaki. Sunod niyang pinuntahan ang bahay ni Erwina ang kamag-aral na bakla ng dalawa. Tinakot niya ito ng maigi para ibigay sa kanya ang impormasyong hinanap at ang saktong kinaroroonan nito.
Mabuti na lamang at may tumulong sa kanya pagdating sa lugar na ibinigay ni Erwina. Napag-alaman rin niya rito na target talaga ng lalaki ang mga bakla upang perahan.
“Hayan ang bahay ng taong hinahanap mo.” Turo sa kanya ng isang taong napagtanungan niya roon. Si Mang Tonyo. Yari ang bahay sa hallow blocks at ang kalahati kahoy.
Magkasunod na tinungo ng dalawa ang bahay habang naglalakad kinapa ni Steven ang baril na nasa kanyang bewang bilang proteksyon. Kailangan niyang makuha ng buhay ang lalaki kun ’di sariling buhay ang kapalit nito sa kanyang amo.
Kinatok ni Steven ang pintuan ngunit walang may nagbukas nakiramdam ito kung may tao sa loob. Bumilang ito ng tatalo sabay tadyak sa pintuan. Agad pumasok sa loob at tinungo ang kuwarto, naroon ang pakay tulog na tulog may katabing babae.
“Hoy, gising.” Sabay sipa sa paa ng lalaki.
Sa halip na magising ang katabi nitong babae ang dumilat ng mata. Pagkakita kay Steven bigla itong napaupo sa kama, sinenyasan nitong gisingin ang lalaki.
“Gising, Shane,” saad ng babae rito,tinapik pa nito sa braso.
Ngunit ’di pa rin ito nagising. Umiba lang ng posisyon sa pagkakahiga, muling sinenyasan ni Steven ang babae na lumabas ng kuwarto. Pagkalabas nito agad sinipa ang lalaki, sa lakas ng pagkakasipa niya tuluyan itong nagising.
“P*t* natutulog ang tao is--!” bulyaw nito. Ngunit hindi na ito pinatapos ni Steven magsalita agad itinutuk ang baril rito.
“Long time long no see,” nakangising pagbati niya rito. “Maling tao ang kinalaban mo. Tayo!”
Ni hindi man lang ito natinag sa sigaw ni Steven parang sanay na sanay makipaglaro kay kamatayan.
“Tayo!” muling sigaw ni Steven.
Mabagal ang ginawang pagtayo ni Shane. “Relax lang.”
Ngunit nagulat si Steven sa pagtayo ni Shane nagkaroon ito ng lakas para agawin ang baril sa kanya. Nag-agawan ang dalawa na tila isa itong mamahaling gamit, nagpaligsahan ng lakas. Bawat isa ayaw magpatalo.
Aminado ang binata na malakas ang kalaban ngunit ’di hadlang ’yon para makuha nito ang baril. Nang magkaroon ng pagkakataon agad sinuntok ni Steven si Shane sa mukha at nasundan pa ito sa panga. Dahilan nito pareho nilang nabitawan ang baril, saka sunod-sunod nagpakawala ng suntok. Hindi niya alam kung tumama ba ang mga ’yon, ngunit isa lamang ang alam niya dumaing ito sa sakit.
“Argh!” daing ni Shane. Nang tamaan ng suntok sa tagiliran.
Nang makabawi gano’n rin ang ginawa ni Shane nagpakawala rin ito ng mga suntok. Ang isa pa nga tumama sa panga ni Steven na bahagyang ikinahilo nito. Habang hinihimas ang panga, napatingin ito sa baril na nasa likuran ng lalaki malapit sa pintuan. Hindi na ito nagdalawang isip agad sumugod ngunit mabilis ang pag-iwas ng kalaban. Iyon ang hinihintay niyang pagkakataon mabilis ang ginawang pag dampot sa baril.
“Sige lumaban ka. Pasasabugin ko ’yang ulo mo!” matapang na sigaw ni Steven kay Shane.
Bigla naman itong natakot ng makitang hawak ni Steven ang baril. Itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
“Hindi ako lalaban, parang awa mo na. Huwag mo akong patayin,” nagmamakaawang sabi ni Shane kay Steven.
Bahagyang lumapit si Steven sa kinaroroonan ni Shane naging alerto ang mata kamay nito. Mahirap na baka salisihan na naman siya ng kalaban.
“Magbihis ka saka talian mo ’yang sarili mo. Bilis na!” utos ni Steven habang nakatutok sa harap nito ang baril.
“H’wag ka lang gumawa ng maling hakbang. Hindi ako mangigiming barilin ka …” bulong ni Steven sa sarili habang pinapanood si Shane. Sa sobrang takot nito halos ’di pa naayos ng mabuti ang pagkakasuot sa damit.
“Umayos ka h’wag kang gagawa ng ingay, kung ayaw mong lagyan ko ng tingga ’yang tagiliran mo,” mariin nitong banta kay Shane.
Habang naglalakad palabas sa lugar nila Shane pareho silang umakto ng natural lamang, hanggang sa makarating sila sa sasakyan ng binata. Pagkakita ni Mang Tonyo kay Steven mabilis niya itong tinulungan, nagpasalamat at nag-abot ng kunting halaga si Steven rito at agad na nilisan.
Dahil sa trapik inabot ng siyam-siyam ang dalawa sa daan. Dadalhin niya ito sa kanilang hideout sa Carmona, Cavite. Upang iharap sa kanyang boss, pagkarating nila agad silang sinalubong ni Roger.
“Ito na ba ’yong tumarantado kay boss Bryan?” tanong ni Roger. Binigyan pa ito ng nakakamatay na tingin si Shane.
Mula sa loob ng sasakyan inilabas ito ni Steven. “Oo, wala ng iba.”
“Ang tapang mo bata para kalabanin ang isang Bryan Mondragon.” Sabay suntok ni Roger rito.
Dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Roger tanging mga daing na lamang ang lumabas mula sa bibig ni Shane. Agad nilang inutusan ang ibang kasamahan na dalhin ito sa loob at itali.
“Parating na si boss Bryan, maghanda na kayo,” utos ni Roger.
Agad nagsibalikan sa mga puwesto ang ibang lalaki habang si Steven at Roger. Nakaabang sa pagdating ng kanilang boss.
“Ayos siguradong matutuwa si boss nito. Kating-kati na ang mga kamay no’n,” nakangising pahayag ng lalaki sa mga kasamahan.
Pagkarating ni Bryan agad sumiklab ang galit nito kay Shane hindi na niya napigilan ang mga kamay agad itong pinakawalan.
“Alam mo bang masama akong kaaway kapag pag-aari ko pinapakialaman!” galit na sabi rito ni Bryan. Sabay suntok ulit nito sa tiyan ni Shane nasundan pa sa tagiliran. Dahil sa matinding niya galit tila punching bag ang tingin niya rito.
Halos magmakaawa si Shane kay Bryan. Nagsisi ito sa nagawang kasalanan kung sana nakinig lamang siya sa payo ni Erwina hindi niya mararanasan ang paghihirap na gaya nito.
“Pa--pasensya na bo-bossing pa-patawarin na n’yo ako,” nauutal nitong sabi kay Bryan.
Mas lalong uminit ang ulo ni Bryan mabilis na sinuntok muli si Shane sa panga nito. Isang Mondragon kilala sa pagiging matapang at walang kinatatakutang tao. Once na kinalaban ang mga ito kailangan mo ng mag-ingat dahil oras na makaganti sila, sigurado na ang kalalagyan mo.
“Ang mga taong tulad mo ’di na dapat binibigyan ng kapatawaran. Nagkasala ka kailangan mong bagyaran,” mariin nitong bigkas sa mga salitang binitiwan.
“Bakit Diyos ka ba? Tao ka lang rin na nagkakasala.”
“Sa batas ko, ako ang Diyos. Kaya kong ako sa ’yo ngayon pa lang umpisahan mo ng magdasal," mayabang nitong pahayag kay Shane sabay talikod nito at tinungo ang mga tauhan.
Ngumisi si Shane. “Ang sabihin mo matapang ka lang kasi nakapalibot sa ’yo ang mga alipores mo. Pero ang totoo isa ka ring duwag. Duwag! Duwag!”
“Ah, duwag pala ha.” Sabay bunot sa baril ni Roger na nasa kanyang tabi. Ikinasa hindi man lang nagdalawang isip. Mabilis pinaputukan si Shane.
Bang! Bang! Dalawang putok ng baril ang tuluyang nagpatahimik sa buhay ni Shane.
“Linisin n’yo ’yan. Bayaran ang pamilya,” utos ni Bryan sa mga tauhan. Gano’n lang kabilis sa kanya magresolba ng problema. Lahat masosolusyunan, basta’t may pera at kapangyarihan.
Lumapit ito kay Steven na nasa isang tabi nakamasid. Tahimik habang pinapanood ang ginagawang pagpataw ni Bryan kay Shane. Aminado siya sa sarili na inuusig siya ng konsensya.
“Good job, del Prado,” masaya nitong sabi kay Steven tinapik pa niya ito sa balikat na ikinagulat naman ng binata. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagbalik sa reyalidad.
Mapait ang naging ngiti ni Steven rito. “Wala ’yon boss. Trabaho lang.”
Agad itong tinalikuran ni Bryan. “Let’s go Jake.”
Habang palabas ng hideout ang boss nila tahimik lang itong pinagmasdan ni Steven. Hindi pa nga nito namalayan ang paglapit ni Roger kun ’di pa siya tinapik sa braso.
“Ano’ng problema? Nako-konsensya ka?” tanong ni Roger.
Habang pinagtutulungan ng ibang tauhan na isilid sa itm na sako ang katawan ni Shane. Parang titingnan ang mga ito, sanay na sanay na sa ganoong klaseng trabaho.
Kahit pinanghihinaan ng loob pinilit ni Steven na magpakatatag para sa pamilyang umaasa.
“Oo, may sundot rito.” Sabay turo nito sa dibdib.
Nagsindi naman si Roger ng sigarilyo at saka inalok si Steven.
“Masanay ka na ’di lang ’yan ang makikita mo marami pa. ’Yong nakita mo kanina sample lang ’yon mas may higit pa roon na puwede n’yang ipakita,” paliwanag ni Roger sabay hithit sa sigarilyo at ibinuga ang usok. Sa tagal na nito bilang tauhan ni Bryan alam na nito ang ugali ng amo at ang pasikot-sikot sa organisasyon. Dahil siya ang pinagkakatiwalaan nito pagdating sa pakikipagtransaksasyon sa mga bagay-bagay na may kaugnayan rito.
Hinithit naman ni Steven ang sigarilyo kahit papaano naibsan ang agam-agam n'ya sa sarili. Kailangan lang niyang gawin ang magpakabait sa amo.
“Kailangan mong tanggapin d’yan sa sarili mo. Na pumapatay talaga siya ng tao,” malungkot na saad ni Roger.
“Siguro nga tama ka, pinasok ko ang ganitong trabaho. Kailangang panindigan ko.” Sabay hithit ulit ni Steven sa sigarilyo saka ibinuga ang usok sa kawalan. Tanging hiling n’ya nawa iligtas siya sa kapahamakan. Dahil ’di pa niya alam kong mapapabuti ba siya o mapapasama sa pagsama sa grupo ng isa kinikilalang noturios group ng bansa ang Blackstar Society and Organization. Ama ng kanilang boss ang pinuno nito.
Matapos nilang maidispatsa ang katawan ni Shane agad nagpaalam si Steven kay Roger. Habang nagmamaneho paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nagmamakaawang mukha ng lalaking pinatay ng amo. Panay rin ang usig sa kanya ng konsensya parang may ibinubulong sa kanya ito.
Sa halip umuwi ng Alabang nasumpungan na lamang ni Steven na papunta kila Nathalie ang daan na tinatahak. Mayamaya pa narating na rin niya ang bahay ng dalaga, mabuti na lamamg at mukhang gising pa ang mga ito. Base sa mga ilaw na nakabukas sa loob. Bumaba si Steven sa sasakyan at boung ingat na inakyat ang kasing taas niyang gate.
Bahagya pang nag-ingay ang manok ng biglang may bumagsak sa loob ng bakuran. Mula naman sa loob narinig ni Mang Art ang ingay na ’yon, kaya napasilip ito sa bintana.
“Sino ’yan?” tanong ni Mang Art. Pilit na inaaninag ang dilim kung may tao sa kanilang terrace.
Agad naman sumagot si Steven. ”Ako po ’to.”
Pinagbuksan ni Mang Art ng pintuan ang binata. Nagulat pa ito ng makita si Steven parang may mabigat itong dinadala. Kaya agad niya itong inaya na pumasok sa loob.
“Ano’ng nangyari sa ’yo? May problema ka ba, ayos ka lang?” naging sunod-sunod ang naging tanong ni Mang Art. Nag-aalala siya rito. Magkaharap silang nakaupo sa sala.
Malungkot na ngumiti si Steven kay Mang Art. Bigla tuloy niya na-miss ang ama.
“Mabigat po rito. Pakiramdam ko lagi siyang nakasunod sa ’kin, kahit saan ako magpunta nakikita ko ang mukha n’ya nagmamakaawa sa ’kin,” naiiyak nitong paliwanag kay Mang Art. Sabay hilamos ng kamay sa mukha.
Nakaramdam naman si Mang Art na tila may pinagdadaanan ang binata tumayo ito at tinungo ang kusina nila. Pagbalik nito may bitbit na ang dalawang bote ng red horse.
“Hayan pampatibay ng loob. Mukhang mahina ka pa at iyakin. Paano kita magugustuhan napaka-iyakin mo pala?” Sabay lapag ng red horse sa harap ni Steven.