MATAPOS ipakilala ni Kate ang dalawa. Agad namang niyaya ni Steven na umuwi ang dalaga. Panay-panay na kasi ang dating ng mensahe at tawag sa kanyang cellphone. Kahit ’di niya tingnan ’yon isang tao lang alam niyang gagawa no'n. Si Bryan ang kanyang boss.
“Let's go Kate, kanina pa tumatawag si boss Bryan,” yaya ni Steven kay Kate.
“Hindi siya pwedeng umuwi may group project kaming gagawin,” sagot ni Nathalie kay Steven, hinawakan pa ang kamay ni Kate.
“Sige na mauna ka ng umuwi. Pakisabi na lang sa boss mo, kila Nathalie ako matutulog,” seryosong sabi ni Kate.
Agad dumilim ang mukha ni Steven sa sinabi ni Kate.
“Alam mo namang hindi pwede. Mapapatay ako no’n,” galit na sagot ni Steven kay Kate.
“Ang mabuti pa sumama ka na lang sa 'min. Hayaan n'yo na lang 'yang boss n’yo,” sabat ni Nathalie sa usapan ng dalawa.
Galit na galit hinarap ni Steven si Nathalie.
“Hindi mo kilala ang tao kaya manahimik ka. Let’s go Kate.” Sabay hawak ni Steven sa kamay nito.
Ngunit pinigilan ’yon ni Nathalie, agad hinila ang kaibigan.
“Bakit takot na takot kayo sa boss n'yo? Nangangain ba 'yon ng tao, takot ako,” nakangiting biro ni Nathalie, tila inaasar si Steven.
“Kapag ’di ka tumigil ikaw ang kakainin ko,” nakangising sabi ni Steven kay Nathalie. Sabay hakbang palapit rito.
Bigla namang natakot si Nathalie kaya napaatras ito ng bahagya na muntik niyang ikatumba. Mabuti na lamang mabilis siyang naagapan ni Steven.
“Bastos ka!” sigaw ni Nathalie rito. Sabay bawi sa kamay niya na hawak ni Steven. “Halika na Kate hayaan mo na siya d’yan.”
Napakamot na lamang si Steven sa kanyang ulo habang nakasunod sa dalawa. Sa kalaunan kasama na rin siya binabagtas nila ang papunta sa bahay ni Nathalie.
Pagkarating sa bahay nadatnan nilang nakaupo sa sala si Mang Art nanonood ng tv. Agad ipinakilala ni Nathalie si Steven sa ama.
“Papa, Steven po bodyguard ni Kate.”pakilala ni Nathalie sa ama.
“Magandang hapon po,” nakangiting bati ni Steven kay Mang Art at saka naglahad ng kamay rito.
“Ano ang ikinaganda ng hapon. Maupo ka at ng makapag-usap tayo ng lalaki sa lalaki,” masungit na sabi ni Mang Art kay Steven.
Nagtataka man agad umupo si Steven sa solohang upuan na nakaharap kay Mang Art.
“Tito Art, kayo po muna ang bahala kay Steven,” nakangiting sabi ni Kate kay Mang Art.
Tanging ngiti lang ang ibinigay ni Mang Art kay Kate.
“Oh, halika na best kayang-kaya na ’yan ni Papa,” wika ni Nathalie sabay hila sa kamay ni Kate papasok sa loob ng kuwarto niya.
Agad namili ng damit na maisusuot ang dalawa para sa party ni Erwina. Hindi na nagulat si Kate ng tumambad sa kanya ang mga damit ng kaibigan, lahat halos branded at galing pa sa ibang bansa.
“Best, heto tiyak na bagay sa ’yo tingin ko lalo kang maging seksi rito kapag suot mo ito,” masayang sabi ni Nathalie sa kaibigan sabay abot rito ng black lace panty na may kasamang bra.
“Best ang cute, hindi kaya ako kabagin nito. Kapag isinuot ko ito,” nakangiting sagot ni Kate sabay lalad ng panty.
Natatawa si Nathalie sa kaibigan ang ganda nito tingnan habang hawak ang bagay na 'yon.
“Ano ka ba hindi ka kakabagin riyan. Saka tingnan mo ang ganda sigurado lalong mababaliw sa ’yo si Sir Bryan, kapag nakita niyang suot mo ito,” pilyang pahayag ni Nathalie sa kaibigan.
“Tumigil ka nga hindi ko ’yon type masyadong mayabang.”
“Sus kunwari pa ito aminin mo na kasi type mo rin ang ganong lalaki.” biro ni Nathalie sa kaibigan.
Tinawanan lang ni Kate ang kaibigan. Sabay kuha sa panty at saka itinago iyon.
Pasado alas-otso bihis na ang magkaibigan nagulat pa si Steven ng lumabas ang mga ito mula sa kwarto. Agad nagpaalam si Nathalie sa kanyang papa.
“Steven, ikaw na ang bahala sa kanila. Ibalik mo sila ng buo,” sabi ni Mang Art habang hinahatid sila sa labas.
“Sige po makakaasa po kayo,” sagot ni Steven.
“Aalis na po kami, Tito Art,” nakangiting paalam ni Kate.
“Papa, aalis na po kami,” paalam ni Nathalie sa ama.
“Sige mag-ingat kayo, Steven!” sigaw ni Mang Art.
Isang mabilis na saludo ang ginawa ni Steven kay Mang Art, saka dahan-dahang pinausad ang sasakyan.
“Group project pala ha,” pasaring ni Steven sa dalawa.
Nanatili namang tahimik ang dalawa sa likod ng sasakyan kapwa guilty sa pagsisinungaling nila kay Steven.
Pagkarating nila sa bahay ni Erwina halos nagsisimula na ang party, pagpasok nila sa loob sumalubong sa kanila ang nakakabinging sound. Mabilis na humanap ng pwesto ang tatlo. Kita rin nila ang iba nilang kamag-aral na sumasayaw at ang iba naman naliligo sa swimming pool.
“Kumusta, okay lang ba kayo rito. Naroon ang pagkain kuha lang kayo huwag mahihiya,” masayang sabi ni Erwina sa kanila halatang enjoy na enjoy sa ginawang party para sa kanila.
Ngumiti naman ang magkakaibigan kay Erwina.
“Sige kukuha lang kami. Salamat!” sigaw ni Nathalie. Dahil sa sobrang lakas ng kanta halos di na sila magkarinigan.
“Girls baka gusto n’yo akong ipakilala sa kasama ninyo. Ang pogi ah,” pasaring ni Erwina sa magkaibigan. Habang ang mga mata 'di maalis-alis kay Steven.
Walang nagawa si Nathalie kun ’di ipakilala si Steven kay Erwina. Kahit pa alam nila na may ugali rin ang kaibigan nila pagdating sa lalaki, basta’t makursunadahan nito gumagawa ito ng paraan para makuha ang gusto. Iyon ang ayaw nilang mangyari sa binata.
“Steven si Erwina pala kamag-aral namin ni Kate,” pakilala ni Nathalie kay Steven.
Masaya at nakangiting naglahad ng kamay si Erwina kay Steven. Aabutin na sana ni Steven ang kamay nito ng biglang hinarang ni Nathalie ang sariling kamay.
“Off limits.” Sabay hila niya sa kamay ni Steven.
Pinandilatan naman ni Erwina ng mata si Nathalie.
“Ang damot mo,” mataray na sabi ni Erwina rito, sabay layas sa kanilang pwesto.
Tatawa-tawa lang Steven sa ginawa ni Nathalie.
“Selos ka ...” mahinang bulong ni Steven kay Nathalie.
“Tse.” Sabay irap niya rito.
Nakangiti naman si Kate habang pinagmamasdan ang dalawa. Sa isip-isip niya para talagang mga aso’t pusa ang mga ito. Mayamaya pa tumayo si Nathalie, nagpaalam para kumuha ng pagkain nila. Agad nagprisinta si Steven sa kanya para samahan siya sa buffet table. Tinungo ng dalawa ang kinaroroonan ng pagkain, habang si Kate enjoy na enjoy sa panonood ng mga magkaparehas ng sumasayaw sa gitna ng garden.
Habang masaya ang mga tao sa paligid may isang pares ng mata ang kanina pa nagmamasid, lalong-lalo na sa kinaroroonan ni Kate. Nang makita niya ito noon na kasama si Erwina nagkaroon na agad siya rito ng kakaibang feeling.
Matapos kumain ang tatlo, nagpaalam si Nathalie na gagamit ng banyo. Mayamaya pa gano'n rin si Steven, lumabas ito saglit. Nagtataka naman si Nathalie pagbalik niya sa kanilang pwesto wala na roon ang dalawa, bigla tuloy siya natakot na baka iniwan na siya ng mga ito. Ngunit palaisipan sa dalaga ang bag ng kaibigan, kung bakit iniwan ni Kate ang gamit.
Bitbit ang bag ng kaibigan mabilis lumabas si Nathalie, ngunit nagulat ito sa nakita. Si Steven kausap ang mortal niyang kaaway si Joyce Anne, galit siya dito dahil ito ang nagkakalat ng kuwento sa school nila. Tungkol sa buhay ng pamilya ni Kate.
“del Prado!” sigaw nito kay Steven.
Dahil sa lakas ng sounds na nagmula sa speaker halos ’di man lang narinig ni Steven ang pagsigaw ni Nathalie. Tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-usap nito sa babae. Sa sobrang inis nilapitan niya ang mga ito at walang pakundangan, hinila ang binata. At saka inilayo ito sa babae.
“Hey! What are you doing?” maarteng tanong ni Joyce Anne kay Nathalie. Nakasunod ito sa kanilang likod.
Galit na hinarap ni Nathalie ito, kulang na lang at sabunutan niya ito sa sobrang pakialamera nito.
“Go to hell! b***h!” galit na sigaw ni Nathalie kay Joyce Anne.
Na tahimik naman si Joyce Anne sa sigaw ng kamag-aral, ’di nito sukat akalain na makapagbigay ng ganoong salita si Nathalie sa kanya.
Sinamantala naman ng mga ito ang pananahimik ni Joyce Anne, mabilis nila itong tinalikuran. At lumakad papasok sa loob ng bahay.
“Are you jealous?” bulong ni Steven kay Nathalie. Na ikinahinto ng dalaga sa paglalakad.
“F*ck, del Pra--,”
Hindi na natapos ni Nathalie ang pagmumura mabilis hinawakan ng binata ang kanyang batok, saka sinugod ng halik ang labing nakaawang. Walang kahirap-hirap naipasok agad ni Steven ang dila sa loob ng bibig nito, bahagya pa itong umungol ng sipsipin niya ang dila ng dalaga. Bago pa man mawala sila pareho sa kani-kanilang mga sarili, agad binitiwan ng binata ang labi nito. Nangako pa naman siya sa ama ng dalaga na ibabalik niya ng maayos ang anak.
“Sa susunod ’di lang 'yan ang ipapatikim ko sa ’yo. Kapag narinig pa ulit kitang magmura,” mariing banta ni Steven rito. Na halos ikaumid naman ng dila ni Nathalie, nakatitig lang ito sa lalaki.
Mayamaya pa biglang natauhan si Nathalie. “Nasaan pala si Kate?”
Pagkarinig ni Steven sa sinabi ni Nathalie, mabilis itong tumakbo pabalik sa loob. Agad hinanap si Kate halos magwala ito sa loob ng bakuran ng ’di makita ang dalaga. Nagsimula na rin itong kabahan, kaya mabilis kinontak ang mga kasamahan para humingi ng tulong.
“Pare, nawawala si Kate. Kailangan ko ng tulong n'yo,” sabi ni Steven sa kasama.
“Ano'ng location mo?” tanong ni Michael na nasa kabilang linya.
”Dasmariñas, Cavite.”
“Napakalaki ng Dasmariñas, p’re.”
Sasagot pa sana si Steven ng biglang nag-iba ang boses ng kausap.
“Open your f*ucking device,” mahina nitong utos kay Steven.
“Boss.”
“Open your f*cking device now!” sigaw nito kay Steve. Na halos ikasira ng eardrums nito.
“Copy boss,” sagot ni Steven, sabay baba ng cellphone at binuksan ang device na nakakabit sa relo.
Habang hinihintay ang mga kasamahan. May biglang lumapit sa kanila na kamag-aral ni Nathalie. Sinabi nito na nakita niya si Kate akay ng lalaki papasok sa loob ng bahay. Hindi na nag-aksaya ng oras ang dalawa.
“Mauna ka ng pumasok may kukunin lang ako,” mariing utos ni Steven kay Nathalie.
Hatid tanaw ni Steven si Nathalie habang papasok sa loob ng bahay, ng tuluyan itong nakapasok. Mabilis itong lumabas at may kinuha sa kanyang sasakyan. Agad niya ’yon isinuksok sa likod ng kanyang bewang at nagmamadaling bumalik ng walang nakakapansin sa kanya.
Nagulat naman si Nathalie ng makitang may hawak na baril si tatanungin sana niya ito tungkol roon. Ngunit ipinagsawalang bahala lamang niya 'yon, mabilis niya itong sinundan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Pagkarating sa itaas agad tinadyakan ni Steven ang unang pinto na nakita, ngunit nadismaya ito ng wala roon ang hinahanap. Agad lumipat sa kabilang pintuan gano’n rin ang nangyari sa isa.
“Wala rin sa ibang kuwarto baka naroon,” saad ni Nathalie sabay turo sa pinakadulong pintuan.
Agad tinungo ng dalawa ang pinakahuling kuwarto. Mabilis ang ginawang pagtadyak ni Steven sa pintuan.
“Sige subukan mong hawakan. Pasasabugin ko ’yang ulo mo,” mariin nitong sabi sa lalaki. Na akmang hahawakan si Kate, na nasa itaas ng kama.
Dahan-dahang lumapit si Steven kasunod si Nathalie na nasa kanyang likod.
“Baba!” sigaw niya rito.
Mabilis naman bumaba ang lalaki at saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Susundan pa sana niya ito ng biglang sumigaw si Nathalie.
“Steven! Si Kate, ano’ng nangyayari sa kanya? Bakit ’di siya gumagalaw?” naiiyak nitong saad kay Steven.
“F*ck.” Sabay buhat nito kay Kate na walang malay tao.
Nailabas niya ng maayos si Kate sa bahay na 'yon na walang nakakapansin sa kanila. Lahat abala sa kasiyahang 'yon. Pagkarating sa labas ’di na nagulat si Steven sa nakita, naroon ang boss niya na naghihintay.
“Walang may nangyaring masama kay Kate. Pinainom lang ito ng pampatulog kaya nagkaganito,” paliwanag nito sa amo. Saka ibinigay ang walang malay na si Kate kay Bryan.
“Bilisan mo sa bahay tayo mag-usap,” galit nitong sabi kay Steven. Kulang na lang paulanan ng suntok ang binata.
Yumuko naman si Steven tanda ng paggalang sa amo. “Copy boss.”
Pagkaalis ng amo agad binalikan ni Steven si Nathalie sa tabi ng kanyang sasakyan. Dahan-dahan niya itong kinabig at niyakap ng mahigpit.
“H’wag ka ng umiyak, okay lang si Kate ...” bulong niya kay Nathalie. Saka hinawakan sa kamay at iginaya papasok sa loob ng kotse.