Chapter 6

2128 Words
Sa lahat ng araw linggo ang pinakaayaw ni Nathalie. Bukod sa kanyang trabaho sa loob ng bahay. Sa kanya rin naka-assign ang pagbabantay sa kanilang shop. Dahil araw din iyon ng pahinga ng kanyang papa. Pumupunta ito sa paborito niyang lugar ang sabungan. Kung saan pinaglalaban ang dalawang tandang na manok. Nakaugalian na ito ng kanyang papa. Na madalas pag-awayan ng kanyang magulang. Naaalala pa niya noon kung paano magselos ang mama niya sa mga manok panabong ng kanyang ama. “Mabuti pa ang manok may himas tuwing umaga. Samantalang ako nakalimutan na ’atang himas. Lalasunin ko na talaga 'yang mga ’yan,” linya ng kanyang ina, sa tuwing nag seselos ito sa mga manok. Natatawa si Nathalie habang bumabalik iyon sa kanyang isipan. Kahit hanggang ngayon nag seselos pa rin ito. Sa tuwing tumatawag ito at hinahanap ang kanyang ama. Sinasabi nito sa kanya, mabuti pa raw ang mga manok may oras at panahon ang kanyang papa. Samantalang sa kanya wala na. Tinatawanan na lang iyon ni Nathalie. Sanay na siya sa mga pasaring ng ina para sa ama. Bago pa man mapunta kung saan-saan ang isip. Minabuti niyang bumangon para masimulan ang trabaho sa loob ng bahay. Dahil kung hindi baka sermon naman ang abutin sa ama. Pagkatapos asikasuhin ang sarili. Una niyang nilinis ang kwarto. Inipon ang maruruming damit sa basket at saka inayos ang higaan. Nang makuntinto sa ayos ng kwarto lumabas na ito, na bitbit ang basket na may maruruming damit. Tinungo ang kusina at isinalang sa washing machine ang maruruming damit. “Papa!” tawag nito sa ama. Abalang-abala sa ito pag-asikaso sa mga alagang manok na panabong. Ngunit hindi man lang siya nito narinig. Kaya lumapit siya dito at naupo sa bangkong kahoy. Habang ang ama abala pa rin sa pag-papakain ng mga alaga. “Papa!” ulit niyang tawag dito. “O, gising ka na pala Anak. Kumain ka na, mamaya ma-late ka na naman sa pag-bukas ng shop natin,” wika ng ama niya. Habang palapit sa kanya, bitbit ang isang manok. “Kayo po, kumain na?” tanong sa ama. Habang ang mga mata nakatingin sa manok. Hay, kawawang manok. Bulong niya sa isipan. “Tapos na ako. Siyanga pala anak, dumaan kagabi si Steven. Kinakumusta ka?” saad ng ama. Patuloy ito sa pag-papakondisyon sa manok. Pinapakahig nito lupa saka bubuhatin. Iyon ng iyon ang ginagawa ng ama. Para daw maging malakas ang mga ito. “Gano’n po ba. Tatawagan ko na lang po siya, mamaya.” “Huwag na Anak. Kagabi niyaya kong samahan ako magsabong.” “Papa, naman,” saad nito sa ama. Siya ang nahihiya para sa ama. Ano na lang isipin ni Steven? Na hindi mabuting tao ang ama, na tuturuan pa siya nito sa kalokohan. “Anak, nagpapasama lang ako. Sira kasi ang motor ko. Huwag kang mag-alala, tama na ako na lang ang sugarol sa ating pamilya. Ayaw ko ng magdagdag.” “Promise, po.” Sabay taas ng kamay. “Promise, anak.” Itinaas din nito ang kamay. Sabay nag-apir silang mag-ama. Tanda ng pangako sa isa’t-isa. “Salamat, pa.” “Siya bago ka umiyak d’yan. Pumasok ka na at kumain. Maya-maya bukas na ang mall, mawawalan ka ng costumer.” “Sige po.” Matapos nag-paalam sa ama. Tumayo si Nathalie at pumasok sa loob ng bahay. Bitbit ang walis pinasadahan ng walis tambo ang sala. Saka inayos ang mga pillow na nasa bamboo set nila. Habang abala sa pag-lilinis biglang may nag-busina sa labas ng kanilang bahay. Agad niya itong sinilip sa bintana. Halos lumuwa ang puso niya sa bilis ng pagtibok nito. Nang makita kung sino ang nasa labas. Ang kanyang dakilang manliligaw si Steven. Napaka-gwapo nito sa sout na black leather jacket. Tinungo ni Nathalie ang pintuan at saka pinag-buksan si Steven. “Hi!” nakangiting bati nito kay Nathalie. “Pasok ka,” anyaya ni Nathalie dito. Niluwagan ang pagbukas ng pintuan. Pagpasok ni Steven sa loob ng bahay may ibinulong ito kay Nathalie. “Pa-kiss ako,” bulong ni Steven. “Nandiyan si pa---,” hindi na nito pinatapos magsalita si Nathalie. Agad hinalikan ang mga labi nito. Kahit sandali lang 'yon, pakiramdam niya may gumapang na init sa katawan. Pasipol-sipol namang pumasok sa loob si Steven. Tila walang ginawang kalokohan. At printeng umupo sa bamboo set nila. “Close your mouth. Kung ayaw mong madala sa kwarto,” saad nito kay Nathalie. Na naiwan sa pintuan hawak ang mga labi. Bigla naman natauhan si Nathalie mabilis nilapitan si Steven. Saka pinaghahampas ng walis tambo. “Aray ko, bakit ka ba namamalo?” reklamo ni Steven. Sabay kuha sa walis sa kamay nito. “Bakit ba? Bigla-bigla kang nanghahalik. Paano kong makita tayo ni papa?” saad nito tanong dito. Natatakot ito na baka makita sila ng ama. Tiyak giyera ang abutin nila dito. “Problema ba iyon, di pakasal tayo,” mayabang nitong sagot. Abot tainga pa ang mga ngiti nito. “Akala mo gano’n-gano’n lang ’yon. Mag-isip ka nga, sa hirap ng buhay ngayon. Wala tayong ipapakain sa magiging mga anak natin.” “Basta ako ang bahala. Wala ka bang bilib sa akin, magtiwala ka lang. Lahat ay may sulusyon,” sabi pa nito. Punong-puno ng tiwala sa sarili. Yayakapin sana ni Steven si Nathalie ng may narinig silang boses mula sa kusina. Mabilis pa sa alas-kwatro ang paghiwalay ng kanilang katawan. Nakalayo agad si Nathalie, kunwari nagwawalis ito. “Anak, tama na ’yan. Hindi papasa ’yang akting mo sa tv,” sabi ni Mang Art sa anak. Habang tinitingnan ng masama si Steven. “Magandang umaga po!” bati naman ni Steven. “Walang maganda sa umaga!” masungit na sagot nito. “Lahat ay may limitasyon. Sana tandaan n’yo 'yan.” “Opo,” panabay na sagot ng dalawa. “Maghanda ka na Nathalie. Isasabay ka na namin,” bilin nito sa anak. Bago pumasok sa kwarto. “Opo,” mahinang sagot ni Nathalie sa ama. Mabilis naman iniwan ni Nathalie si Steven. Tinungo ang kusina at saka tahimik na kumain. Iniisip niya ang kanyang papa, baka narinig nito ang usapan nila ni Steven. Kaya nagalit ito kanina. Sabagay hindi niya masisi ang ama, kung maging over protected ito sa kanya. Natatakot siguro ito na maulit muli ang pangyayari tulad sa ate niya. Na kapag asawa sa murang edad, kaya ganon-ganon na lang kung protektahan nito kay Steven. Sakay ng sasakyan ni Steven nag-biyahe ang tatlo. Una nilang hinatid si Nathalie sa mall. At saka nag-biyahe sila papuntang Dasmarinas. Pagkarating ng dalawa sa gym kung saan gaganapin ang sabong. Agad itinaboy ni Mang Art si Steven. “Salamat sa paghatid. Sige na baka nakaka abala na ako sa iyo,” saad ni Mang Art dito. Sabay labas sa sasakayan bitbit ang manok na nakalagay sa basket. “Hindi naman po. Day-off ko po, ngayon,” sagot ni Steven. “Baka may gagawin ka pa. Sige na.” “Sige po, mag-ingat kayo. Aalis na ako.” “Ikaw mag-ingat ka din. Ah, siyanga pala Steven huwag kang tatambay ng shop,” pahabol pa nito kay Steven. “Doon ko nga po, sana balak magtambay,” pag-bibigay alam niya dito. “Sinasabi ko sa iyo Steven. Bawal ang tambay doon,” sagot nito. Sabay tingin ng masama. “Sige po, kong ayaw n’yo yayain ko na lang si Nathalie, magdi-date kami,” biro niya dito. Baka sakaling maka lusot ito na ang pagkakataon niya na masolo ito. “Pumapayag ako na mag-date kayo. Malaki ang tiwala ko sa iyo, kaya sana huwag mong sirain,” wika ni Mang Art dito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Kung hihigpitan niya ang mga ito, baka gumawa lang ng bagay na hindi niya magustuhan. “Makakaasa po kayo. Salamat po sa pag-bibigay ng tiwala. Iingatan ko po ito,” magalang na sabi ni Steven dito. Nag-papasalamat pa rin siya dito kahit papaano, gusto siya nito para sa anak. “Sige na lumakad ka na. Papasok na ako sa loob,” muli nitong taboy. Akmang lalakad na papasok sa loob ng gym. “Aalis na po ako,” masayang paalam nito. Saka pinaandar ang sasakyan. Tumabi naman si Mang Art upang bigyang daan si Steven. Nang tuluyan naka-alis ito, pumasok na rin siya sa loob ng sabungan. “Pareng Art! Ganda ng service natin, ah,” wika ng kaibigan nito. Tulad niya sabungero rin ito. “Iyon ba inaarkila ko lang ’yon. Sa mamanugangin ko,” biro nito sa kaibigan. Sabay hanap ng mauupuan bitbit ang manok. “Mukhang may kaya ang manugang mo, ah.” ”Katulad ko isang kahig, isang tuka.” “Maniwala sa iyo. Bakit may kotse?” "May kotse mayaman agad. Baka hiniram lang.” "Parang hindi naman siguro.” "Hindi ko rin alam Pare,” nakangiting saad ni Mang Art sa kaibigan. Kahit siya hindi rin niya alam ang tunay na pagkatao ni Steven. Sa pagkaka-alam niya bodyguard ito, ng kaibigan ng anak. Iyon lang ang tanging alam niya dito. Habang sa biyahe nag-isip si Steven para sa date nila ni Nathalie. Marami siyang naiisip na magandang gawin. Pero sa bandang huli napagpasyahan na lamang niya na yayayain itong manood ng sine. Hindi rin sila mahihirapan kasi nasa loob lang ng mall ang sinehan. Kung saan naroon ang shop nila. May oras pa sila para mag-kasama. Agad naman sumilay sa kanyang labi ang pilyong ngiti. Nai-imagine niya habang nanonood sila, yakap-yakap niya ito. Ngiting tagumpay ang kanyang mga ngiti. Habang nagmamaneho patungo ng mall. Pagkarating sa mall agad nag-hanap ng mapaparkingan ng sasakayan. Nang makakita parang may papak ang katawan, agad bumaba sa sasakyan at tinungo ang shop. “Kimusta, pala ’yong pinapahanap sa iyo ni Sir Bryan? Nakita mo na ba?” tanong ni Nathalie. Habang magkatabi silang nakaupo sa loob ng shop sa may counter. “Okay na 'yon huwag mo ng isipin,” sagot ni Steven dito. Sabay hawak nito sa kamay ni Nathalie at saka dinala sa labi. Banayad na hinalikan. “Salamat naman,” saad nito na may kasamang buntong-hininga. Nalulungkot lang talaga siya hanggang ngayon hindi pa sila nagkita o nakapag-usap man lang ng kaibigan. “O, iniisip mo naman siya. Okay na si Kate, huwag mo na siyang isipin. Tulad natin nagdi-date din 'yon sila ni boss Bryan,” wika ni Steven dito. Sabay haplos sa pisngi nito. Pilit na pina-pagaan ang kalooban nito. “Mabuti naman kung ganon. Masaya ako para sa kanya,” nakangiting wika nito. “Ang mabuti pa manood tayo ng sine. Diba first date natin ito. Kailangan gawin nating memorable,” yaya ni Steven dito. “Baka pagalitan ako ni papa. Kapag iniwan ko ang shop,” malungkot nitong saad kay Steven. Sigurado wala siyang allowance bukas kapag pinabayaan niya ito. “Okay na nakapag-paalam na ako sa iyong papa. Pumayag siya basta huwag lang mag tatagal.” “Talaga pumayag siya?” masayang tanong Nathalie dito. Hindi maikukubli ang mga ngiti sa labi. Masaya siya at pumayag ang ama na makikipag-date siya kay Steven. Masayang nagpaalam si Nathalie sa mga kasama. Bago sila umalis hinabilin niya mga kailangang gawin sa shop kapag may costumer. Lubos naman nilang pinagkakatiwalaan ang dalawa nilang tatoo artist. Kaya hindi siya nangangamba na iwanan saglit ang shop sa mga ito. Hawak kamay nilang tinungo ang sinehan ng mall na nasa ikatlong palapag. Pagkarating doon namili sila ng magandang palabas. Gusto ni Steven romantic movie. Ngunit umapila si Nathalie mas gusto nito ang action movie. Kaya napagkasunduan nila na ang pelikula ni Tom Hardy ang panonoorin. Ang Venom tungkol sa kamandag ng ahas na nalipat sa tao. Bumili lang sila ng popcorn at maiinom nila agad pumasok ang dalawa sa loob ng sinehan. Mula sa harapan nasa ikatlong puwesto ng bangko ang napili nilang upuan. Hindi maiitago ang saya sa mukha ni Nathalie habang nanonood sila. Seryosong-seryoso ito sa panonood halos ayaw na nitong pansinin si Steven. Na wala namang ginawa kung hindi subuan siya ng popcorn. Mayamaya pa hindi nakatiis si Steven. Inakbayan nito sa Natahalie saka isinandal sa kanyang dibdib. “Nagseselos ako ...” bulong nito sabay halik sa punong-tainga nito. Bigla naman nagulat si Nathalie. Nang maramdaman niya ang halik ni Steven sa kanyang punong-tainga. Pakiramdam niya nagsitayuan ang pinong buhok sa kanyang katawan. “Manood ka nga kung ano-ano ang pinag-gagawa mo diyan,” kunyaring galit niyang wika dito. Para maikubli ang kakaibang nararamdaman. "Kunwari ka pa gusto mo naman,” biro nito. “Ano ang gusto ka diyan? Tumigil ka na nga,” masungit niyang saad dito. Bigla hinawakan ni Steven ang pisngi ng Nathalie at saka hiniharap sa sariling mukha. Tinitigan ang mga mata. “Nath! I love you,” wika niya dito. Saka siniil ng halik ang mapupulang labi ni Nathalie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD