Chapter 7

2167 Words
PAGKATAPOS nilang manood ng sine. Masayang hinatid ni Steven si Nathalie sa kanilang shop. Kahit sandali niya itong nakasama, pakiramdam niya nag-uumapaw ang kasiyahan sa kaniyang puso. Mga ngiting halos hindi mabura sa mga labi ng siya'y nagpaalam rito. “Alis na ako,” masayang paalam niya rito. Nasa bungad sila ng shop nang siya’y nagpaalam. “Sige mag-ingat ka. Kumusta mo ako kay Kate,” wika nito kay Steven handa na rin pumasok sa loob ng shop. “Sige makakarating,” sagot ni Steven sabay hakbang nito. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo muli itong lumingon sa dalaga. “Nath, I love you!” Ngunit parang walang narinig si Nathalie. “Ingat ka.” Kumaway pa ito sa kanya bago pumasok sa loob ng shop. Napakamot na lang si Steven sa kanyang ulo at ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng mall. Habang sa biyahe nakatanggap siya ng tawag mula sa itay niya na nasa Davao. Kaya mabilis niyang itinabi sa gilid ng daan ang sasakyan. Bago nito sinagot ang tawag ng ama. “Hello, tay!” sagot ni Steven sa tawag ng ama. “Anak, maraming salamat sa pinadala mo. Malaking tulong ’yon sa mga kapatid mong nag-aaral at sa mga pananim natin,” masayang wika ng ama niya. Halata sa boses nito ang kasiyahang na nadarama. Kahit nasa malayo siya at may maayos na trabaho. Hinding-hindi niya makalimutan ang pamilya halos buong suweldo niya bilang bodyguard ni Kate. Ipinapadala niya sa pamilya, katwiran niya sa sarili libre naman ang lahat ng pangangailangan niya kay boss Bryan. Ang kaniyang amo. “Wala ’yon tay. Hanggat kaya kong tumulong, tutulong po ako,” sagot niya sa ama. “Salamat talaga anak. Mag-ingat ka diyan, huwag mo pabayaan ang sarili mo. Miss ka na ng nanay mo.” “Miss ko na rin po kayong lahat.” “Oh, siya bago tayo mag-iyakan. Ibaba ko na itong telepono,” saad ng ama niya. “Sige po tay,” sagot ni Steven sa ama. Matapos ang pakikipag-usap sa ama. Agad pinausad ang sasakyan. Para makaalis sa lugar na iyon. Baka mamaya mapagkamalan pa siyang kidnaper o hindi kaya’y isang holdaper. SAMANTALA walang kamalay-malay si Nathalie na kanina pa siya pinagmamasdan ng kanyang ama. Napansin kasi nito ang anak, na habang nag aasikaso ng kanilang hapunan. Panay- panay ang ngiti nito. Tila isang taong nasisiraan ng bait sa sarili. Mula sa sala tinungo ni Mang Art ang kusina kung saan abala si Nathalie sa paghahanda ng kanilang hapunan. “Kumusta ang date ninyo ni Steven?” tanong ni Mang Art sa anak. Sabay hila sa upuan. “Okay naman po papa. Nanood lang po kami ng sine,” masayang sagot ni Nathalie sa ama. Inilapag ang isang bandihadong kanin sa lamesa. “Masaya ka naman?” tanong nito sa Anak. Umupo si Nathalie sa kabilang side ng lamesa. Magkaharap sila ng ama. “Opo masayang-masaya po ako. Maraming salamat kasi pumayag kayo, na mag-date kami ni Steven.” “Wala ’yon kong saan ka masaya, masaya na rin ako. Basta tandaan mo lang lahat ng mga sinasabi ko sa iyo.” “Opo, papa.” “Oh, hala kumain na tayo.” Nagsimula ng kumain ang mag-ama. Kahit hindi kumpleto ang pamilya, nagawa pa rin nilang maging masaya. Ilang taon na ba ang nag-daan hindi nila kasama sa hapag ang ilaw ng tahanan. Ngunit naiintindihan nila iyon, para rin naman sa kanila ang ginagawa nito. “Kumusta pala ang shop?” tanong ng ama, tumigil ito saglit sa pagkain at saka uminom ng tubig. “Okay naman po. Kahit hindi umabot ang kita sa ating target,” matapat na sagot ni Nathalie sa kaniyang ama. Nag papasalamat pa rin siya kahit paano kumita ang shop nila. May madudukot sila sa pang araw-araw na gastusin sa bahay at shop nila. Ayaw naman nila iasa ang lahat ng iyon sa ina. Bagkus nagsusumikap sila ng ama na maayos ang trabaho sa shop. “Gano’n talaga sa negosyo may araw na mayroon, may araw din na halos walang-wala. At least nakikipagsapalaran tayo,” wika nito sa anak, saka ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain. “Ah, siyanga po pala naihulog ko na sa bangko ang kinita ng shop kanina. Kumuha lang po ako, ng aking allowance,” pagbibigay alam ni Nathalie sa kanyang ama. “Very good anak. Maaasahan na talaga kita,”wika nito sa anak na nakangiti. Natutuwa siya kay Nathalie, unti-unti napag-aaralan nitong hawakan ang kanilang maliit na negosyo. Masigla at masayang niligpit ni Nathalie ang pinagkainan nila ng kanyang papa. Pakanta-kanta pa ito habang naghuhugas ng plato, napapailing na lamang si Mang Art sa anak. Matapos ang mga gawain niya sa kusina agad pumasok sa kuwarto para asikasuhin naman ang sarili. Bitbit ang laptop at ang cellphone agad pumuwesto si Nathalie sa kanyang kama. Mahina niyang pinatugtog ang cellphone at saka binuksan ang laptop. Habang binabalikan ang mga pinag-aralan biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis ang naging pagdampot niya rito, ng makitang may mensahe si Steven. Steven: “Natutulog ka na ba?” mensahe ni Steven. Agad nagtipa ang dalaga ng sagot para sa mensahe ng binata. Nathalie: “Hindi pa nagbabasa pa ako ng mga lesson namin,” sagot nito. Matapos ipadala ang mensahe muling ibinalik ang mga mata sa laptop. Ipinagpatuloy ang pagbabasa, nagulat pa ito ng mag-vibrate ang cellphone. Steven: “Sipag mo naman mag-aral. ’Diba wala na kayong klase? Bakit mukhang bising-busy ka pa rin?” Nathalie: “Kailangan para hindi basta-basta mawala sa aking isipan ang mga itinuro sa ' ’min. Para kapag nag-board exam ako may maisasagot ako sa aking test.” Steven: “Nath! Mas lalo ’ata akong na-iin love sa ’yo. Pakiramdam ko secure na secure ang future ko sa ’yo, akin ka na lang.” Halos magrambulan ang t***k ng puso ni Nathalie habang binabasa ang mensahe ng binata. Pakiramdam niya may kung anong kiliti ang naramdaman sa loob ng tiyan. Makailang beses pa niya ’yon binasa. Habang nag-iisip ng isasagot kay Steven, biglang nag-iba ang ringtone ng cellphone nito. Hindi alam kung sasagutin ba niya o ’di ang tawag ng binata, nasa isipan baka mabuking siya nito. Sa huli nanaig ang puso. “Hello!” mahina niyang sagot. Baka mabulabog niya ang ama na nasa sala. “Hello, Nath,” sagot ni Steven, medyo paos ang boses nito. Tila nagpapalambing. Halos kiligin naman ang dalaga, napahiga pa ito at saka nagtalukbong ng kumot. “Natutulog ka na ba o kagigising mo lang? Kasi yo--” Hindi na natapos ni Nathalie ang sasabihin agad sumagot si Steven. “Siguro mahal mo na ako o kaya in love ka na sa aking boses.” “Hindi no!” sagot ni Nathalie sabay patay sa tawag ni Steven. Ilang beses tumawag ang binata ngunit ’di na niya ’yon sinagot baka isipin lang nito masyado siyang mabilis. Habang nakatitig sa kisame muling nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Isang mensahe mula sa binata. “Hulaan ko iniisip mo ako no. Ikaw kasi iniisip ko. I love you Nath, sana papasukin mo ako d’yan sa puso mo. Good night and sweet dreams, ako sana ang makikita mo sa ’yong panaginip,”makabagbag damdaming mensahe ng binata sa dalaga. Mas lalong ’di mapakali si Nathalie sa kinahihigaan. Konting-konti na lang magiging marupok na rin siya. “Good night,” sagot niya kay Steven. Agad binitiwan ang cellphone saka umupo sa kama, naii-excite rin siya kung ano ang magiging sagot ng binata. Ngunit lumipas ang limang minuto wala na siyang natanggap na sagot kay Steven. Nadismaya tuloy siya, malungkot na kinuha ang cellphone saka nagpadausdos sa headboard ng kama. Dahil ’di makatulog nagbukas na lamang ito ng f*******:, sunod-sunod ang dating ng notification sa kanya. Hanggang sa naisipan niyang e-search si Steven kung may account ba ito o wala. Agad niyang tinipa ang pangalan ni Steven nadismaya naman ang dalaga ng malamang walang account ito. Hanggang sa napapunta siya sa f*******: ng bestfriend daig pa niya ang stalker ng binata ngunit maging sa friend list ng kaibigan wala ring ang pangalan nito. Hindi niya alam kung bakit bigla niya itong na-miss, pakiramdam ni Nathalie in love na rin siya. Dahil dismayado nag-scroll na lang siya hanggang sa magsawa. Isasara na sana niya ang data ng makitang may message ang bestfriend niyang si Kate. Kate: “Kumusta best?” Agad sinagot ni Nathalie ang kaibigan. Nathalie: “Okay lang ako. Ikaw kamusta na?” Habang hinihintay ni Nathalie ang sagot ng kaibigan. Itinabi niya ang kanyang laptop sa study table na nasa tabi ng kama. Kate: “Okay na ako, wala naman masamang nangyari sa ’kin. Ikaw ha, nililihiman mo na ako. Nag-date kayo ni Steven?” Nathalie: “Bakit nagsumbong ba siya sa ’yo?” Kate: “Hindi narinig ko lang kanina kasi tinanong siya ni Bryan.” Tila na excited si Nathalie mabilis nagtipa ng mensahe. Nathalie: “Ano’ng sagot niya?” Kate: “Iyon na nga nag-date raw kayo. Best may pag-asa ba siya?” Nathalie: “Best nasa Quezon City, ang PAG-ASA,” biro ni Nathalie sa kaibigan may kasama pang-emoji. Kate: “Sige sasabihin ko sa kaniya,” sagot ng kaibigan. Nathalie: “Ha ha ha.” Kate: Sent sticker. Emoji smile. Marami pang pinag-usapan ang magkaibigan hanggang sa parehong sumuko ang mga cellphone nila. SAMANTALA habang nakaupo si Steven sa terrace ng kanilang barracks panay ang ngiti nito sa kawalan tila nababaliw na. “Oh, Pare baka matuluyan. Mahirap ’yan sa mental hospital ang bagsak mo n’yan,”sabi ni Joel kay Steven sabay tapik sa balikat nito. Bigla naman natauhan si Steven. Agad humarap sa kasama. “Ikaw pala Pare, ganito pala ang pakiramdam ng in love. Nakakabaliw,” masayang saad nito sa kasama. Maya-maya pa lumabas na rin ang iba nilang kasamahan. “Inom mo na lang ’yan p’re baka matauhan ka.” Sabay lapag ni Michael ng isang case na red horse sa lamesa. “H’wag mong masyadong dibdibin baka masaktan ka lang sa huli. Sabi nga sa karatula, danger zone. Nakakamatay,” natatawang sabi ni Dante sabay upo sa tabi ni Steven. Inakbayan pa nito ang binata. Ngunit hindi nagpatalo si Steven sa mga kasama. “Nasasabi n’yo lang ’yan. Kasi ’di n’yo pa nararanasan main love. Mamaya niyan mas malala pa kayo sa ’kin,” pahayag nito sa mga kasama sabay inom ng red horse. “Hindi mangyayari ’yon sa ’kin. Kahit pa magpustahan tayo,” sagot ni Joel na nakangisi. “Mas lalo naman sa ’kin. Hindi ako ang tipong iiyak para lang sa babae, ako ang magpapaiyak sa kanila sa sarap,” dagdag pa ni Michael sinabayan pa ng nakakalokong tawa. Biglang sumeryoso naman si Dante. “Iisa lang ang masasabi ko. Kailangan natin sila pero control, h’wag lahat ibubuhos. Baka pati buhay natin madamay.” “Kampay!” Sabay taas ni Joel sa bote ng red horse agad nagsunuran ang tatlo. At saka sabay-sabay na nagtawanan. “Ano’ng kaguluhan ’to?” tanong ng isang baritonong boses na nasa kanilang likod. Sabay-sabay na napatingin ang apat sa pinagmulan ng tinig.Si Bryan, ang kanilang boss kasama si Jake. “Boss kayo pala. Magandang gabi,” bati ni Dante agad tumayo para magbigay galang sa amo. “Magandang gabi, boss!” duet ng tatlo. Ngumiti si Bryan sa mga tauhan. Saka tumabi kay Steven na nasa tabi ni Dante. Agad nila itong inasikaso binigyan ng red horse maging si Jake binigyan rin nila. “Balita ko in love ka?” tanong ni Bryan kay Steven. Napakamot na lamang si Steven sa kanyang ulo. “Sapol na sapol boss.” ”H’wag mong paiiyakin ’yon dahil ako ang malalagot kay Kate. Pinagbantaan ako kanina,” mariing sabi ni Bryan kay Steven. ”Pangako boss ’di mangyayari ’yon. Mahal na mahal ko ’yon,” dagdag pa ng binata sa amo. “Oh, in love ka na nga. At mukhang naka home run na rin ’ta,” biro nito sa tauhan. “First base pa lang boss,” nakangiting sagot ni Steven. “Mahina ka pala eh,” kantiyaw niya kay Steven sabay tawa. Nakitawa na rin ang iba niyang tauhan. Gano’n lang ang boss nila nakikipagbirauan sa kanila hindi nito itinuring na iba ang mga tauhan. Lahat pantay-pantay kung ano ang ginawa niya sa isa, gano’n rin sa isa walang lamangan. “Kumusta pala ang paghahanap n’yo kay Virginia?” seryoso nitong tanong sa mga tauhan sabay sulyap kay Jake. Na nakaupo sa bangkong bato ng terrace. ”Boss tama ang hinala n’yo hawak ni Franco si Virginia. Kita mismo ni Mike ng minsang isama siya nito sa Manila,” sagot ni Dante. “Kontakin mo si Mike at pag planohan natin kung paano siya makuha kay Franco. Kailangan malinis ayaw kong masaktan si Kate kapag may nangyaring masama sa kanyang Mama,” pahayag nito sa mga tauhan. “Copy boss.” Tumayo na si Bryan at nagpaalam sa mga tauhan. “Mauna na ako. Ubusin n’yo na ’yan at magpahinga na rin kayo. May trabaho bukas.” “Areglado boss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD