KINABUKASAN maagang gumising si Nathalie excited siya sa araw na ’yon. Kagabi magka-chat pa sila ng kanyang bestfriend na si Kate. Simula ng mangyari ang aksidente sa kaibigan natigil pansamantala ang kanilang komunikasyon. Kaya kagabi nagulat na lang siya at nag-chat ito sa kanya na papasok bukas. Tulad ng dapat asahan kahit parehong palobat na ang mga cellphone nila, magka-chat pa rin ang dalawa. Matapos ayusin ang higaan lumabas na ito mula sa kanyang kwarto. Humihikab pa ito papunta ng kanilang kusina, pritong tinapa na may sawsawang kamatis ang nakahain sa kanilang mesa. Isa sa mga paborito niyang pagkain, bago pa niya lantakan 'yon tinawag niya ang ama. Na nasa harapan ng kanilang bahay. “Papa! Kain na po tayo,” yaya nito sa ama. Ngumiti si Mang Art sa anak. “Mauna ka na tatapusin