DALAWANG araw ang pinalampas ni Steven bago siya nagkaroon ng lakas na loob. Na ipagtapat sa magulang ang totoong nangyari sa kapatid ni Eliza o Nathalie. Sinabi rin n’ya sa mga ito kung sino ang utak sa likod ng pangyayaring ’yon. Utang na loob ang naging dahilan ng binata. Upang gawin ang bagay na ’yon. Awa ang nadarama ni Aling Elena sa binata. Matapos ipahayag na sangkot siya sa nangyari sa kapatid ni Eliza. Kahit magkagano’n pa man tinulungan pa rin nito na iligtas ang lalaki sa kamatayan. Isa lang ang hinihiling nila sa Diyos na sana patawarin si Steven ng pamilyang nagawan ng kasalanan. Kung kinakailangan pati sila humingi rin ng tawad gagawin nila. Alang-alang sa pagmamahal nila sa anak. Muling nagpaalam si Steven sa mga magulang upang bumalik ng Manila. Dahil may isa pa siyang