MATAPOS ang madramang pagtatagpo at pagpapaalam sa terrace nila Steven. Agad naspaya si Nathalie na iuwi ang kuya Dalle n’ya, walang nagawa ang lalaki ng sapilitan siyang isakay ng mga kapwa sundalo sa sasakyan. Napaiyak na lang ito habang tinatanaw si Jossel sa isang sulok. Pagkaalis nila Nathalie agad lumabas sa pinagtataguan si Steven. Mabilis nilapitan ang pinsan at saka niyakap. “Pinsan, Auntie, Uncle maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay nyo sa ’kin at ’di n’yo ako pinabayaan. Aalis po muna magpakalayo-layo kayo na po ang bahala sa bahay ko at sa aking mga alaga,” malungkot na nagpaalam si Jossel sa pamilyang halos naging sandalan niya ng iniwan siya ng sariling mga magulang. Malungkot na hinawakan ni Aling Elena ang mga kamay nito. “Saan ka pupunta, mag-aalala kami