SAMANTALA inip na inip si Steven sa kahihintay sa pinsan. Kulang na lang tawagan n’ya ito at sabihin iatras na lang ang pakikipag-usap kay Dalle. Takot at pangamba ang nadarama ng binata para kay Jossel. Nangangamba rin siya na baka saktan ang dalaga ng lalaking nagawaan nila ng kasalanan. Hindi na nakatiis si Steven agad pinaandar ang sasakyan at pumasok sa loob ng subdivision. Hindi pa man nakakarating sa bahay nila Dalle. Nakita na n’ya ang paglabas ni Jossel sa may gate. Tila wala ito sa sarili at paika-ika ang lakad. Mabilis ang ginawang pagbaba ng binata sa kotse. Nilapitan niya ito at tinulungan. “Ano’ng nangyari sa ’yo?” nag-alalang tanong ni Steven sa pinsan. Habang naglalakad sila patungong sasakyan. Mapait ang naging ngiti ni Jossel sa kanya. “Nagbayad na ako sa kanya ng utan