Chapter 3

1973 Words
Chapter 3 "Steven del Prado! Laya ka na ," sigaw ng isang pulis sa labas ng kulungan. Mula sa kinauupuang papag ng kulungan mabilis tumayo si Steven ng marinig niya ang pangalan. Boung akala niya 'di na siya makakalabas roon, kahit ang ulitimong pinsan niya 'di man lang ito nagparamdam sa kanya. Kung tutuusin ito naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya nakulong. Nang gabing may katransaksyon sila sa Montalban 'di nila alam na may mga pulis na palang nakaabang roon. Actual na nagpalitan ng pera at ipinagbabawal na gamot. Bigla na lamang nagsulputan kung saan ang mga pulis. "Oh, laya ka na h'wag mo ng balikan ang dati mong trabaho, dahil sa susunod 'di ka namin pakakawalan. Dito ka na mabubulok sa loob ng kulungan, naiintindihan mo ba?" mariing wika ng pulis. "Boss, sino po ang nagpiyensa sa 'kin?" nagtatakang tanong ni Steven sa mga pulis. "Klint Bryan Mondragon. Kilala mo ba siya? Suwerte mo at tinulungan ka niya. Kaya magbagong buhay ka na," sagot ng isang pulis. Na mukhang may pinakamataas na posisyon doon. Umiling si Steven sa mga pulis. "Hindi po." Matapos magpasalamat nagpaalam si Steven. Walang lingon-lingon mabilis niyang nilisan ang presinto ng Montalban, agad siyang naghanap ng masasakyan papuntang Tondo. Pagkarating sa bungad ng looban mabilis isinuot ang hood ng jacket at naging alisto ang mga mata habang binabaybay ang makipot na eskinita. Nakahinga ng maluwag si Steven ng sapitin niya ang kanilang barung-barong, maingat niya itong kinatok. Bumungad sa kanya ang amang nag-aalala, pagpasok sa loob agad itong ikinandado ang pintuan. "Mano po, itay," saad nito sa ama. "Kaawaan ka ng Diyos anak, nag-aalala kami sa 'yo. Sabi ng pinsan mo nahuli ka raw ng mga pulis," malungkot na pahayag ni Mang Mario sa anak. Na ngayon pareho silang nakaupo sa bangkong kahoy, kaharap sa lamesa. "Nakulong po ako," malungkot na sagot ni Steven sa ama, para sa kanya ayaw na niyang alalahanin ang nangyaring 'yon. "Okay ka lang? Wala bang masamang nangyari sa 'yo roon?" usisa nito sa anak, 'di pa nakuntento tiningnan pa nito ang katawan ni Steven. "Okay lang po. At saka mababait po ang mga pulis na nakahuli sa 'kin," nakangiting sagot nito sa ama. "Magpasalamat tayo sa Diyos anak, 'di ka pinabayaan," "Opo, itay." Mabilis inakbayan ni Mang Mario ang anak pilit na pinapagaan ang kalooban nito. Bilang ama nasasaktan siya sa nangyari sa anak, iniisip nito kahit isang araw lang ito nakulong habang buhay naman nitong dadalhin ang karanasan na 'yon. "Tay, pwede po bang bumalik na lamang kayo ng probinsya? Masyado pong delikado rito sa Manila," saad ng binata sa ama, nag-aalala sa kaligtasan ng pamilya. Aminado siya nagkalat ang alipores ng pinsan, 'di niya masabi king magiging ligtas ba sila roon. Tiningnan ni Mang Mario ang anak. "Hindi ka ba sasama," "Dito po muna ako, hahanap ako ng maayos na trabaho. Aalis ako sa lugar na 'to," seryosong pahayag ni Steven. "Mag-iingat ka rito. Hihintayin ka namin ng mga kapatid mo," sabay tapik ni Mang Mario sa balikat ng anak. "Pangako po itay, gagawin ko ang lahat para maayos ang ating pamilya," "Salamat anak." sagot ni Mang Mario rito at saka niyakap ng mahigpit si Steven. Dasal lang niya sa Diyos ama na bigyan ng kalakasan ng katawn ang anak at ilayo sa kapahamakan. Kinabukasan hindi pa man tumitilaok ang manok sa silangan nagpasya ng lumabas ang mag-anak, tahimik nilang nilisan ang Tondo. Nakahinga ng maluwag ang pamilya ni Steven ng sapitin nila ang pier otso sa North Harbor sa Manila. "Anak, mag-iingat ka rito. Umuwi ka kaagad," saad na bilin ni Aling Elena kay Steven. Masakit sa kanya ang mawalay ang anak, ngunit wala siyang magagawa. Kung sana naging mayaman sila 'di nila dadanasin ang ganito. Ngumiti si Steven sa ina, pilit itong pinapakalma. "Opo, h'wag kayong mag-alala. Kaya ko ang aking sarili," sagot nito sa ina, dahil sa karanasan sa buhay mas lalo itong naging matapang at pursigido na maiahon sa hirap ang pamilya. "Anak, h'wag mong pabayaan ang sarili mo ha, pag 'di mo kaya umuwi ka kaagad. Maghihintay si Nanay," Tuluyan ng umiyak si Aling Elena. Walang nagawa si Steven kun 'di yakapin ang ina. "Kuya, mag-iingat ka rito," malungkot na bilin ng mga kapatid. "Kayo rin alagaan n'yo ang Nanay at ang Tatay." "Opo, kuya." Pagpasok ng pamilya sa loob ng pier agad na umalis si Steven para balikan ang naiwang gamit sa Tondo. Pagkarating niya roon nagulat siya sa nakita, maraming pulis ang nakaabang sa bungad ng looban. Agad isinuot ang hood ng jacket at tinungo ang poste ng meralco. "Nakatakas na naman si Gregorio, matinik talaga," saad ng pulis sa kasama. Nakinig lamang si Steven sa usapan ng dalawang pulis na dumaan sa kanyang tabi. Si Goryo ang kanyang pinsan o Gregorio ang pasimuno sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lugar na 'yon. "Oo, galit na galit si Major Tupas, sakit sa ulo 'yon ni Major," sagot ng isang pulis. Mas lalong nangamba si Steven para sa buhay, walang ingay umalis siya sa lugar na 'yon. Ngunit 'di pa man nakakalayo ng tuluyan ng biglang may sumigaw sa kanyang likod. "Hoy! Sandali parang kilala kita!" sigaw ng isang pulis kay Steven. Tumigil ng paglalakad si Steven, ngunit nanatiling nakatalikod ito. Kinakabahan man pilit na nilalabanan 'yon, ngunit bago pa man ito makalapit sa kanya. Biglang may sumigaw. "Tauhan ko 'yan may problema ba tayo!" sigaw ng isang beteranong boses. Palapit ito sa kanilang kinaroroonan. Tumawa ang pulis. "Mondragon, ikaw pala. Pakalat-kalat kasi wawalisin ko sana," "Hindi pakalat-kalat ang aking mga tauhan, alam mo kung kaninong mga tao ang nagkalat rito. Subukan mong pakialaman ang mga bata, may kalalagyan ka sa 'kin," mariing sambit ng lalaki sa pulis, na ngayo'y halos nasa likod na ni Steven, siya na ang humarap sa pulis. "Tauhan ko ba ang tinutukoy mo?" Nginisihan lang ng lalaki ang pulis. Para bang walang pakialam. "Wala akong sinabi na tauhan mo, pero aminado ka naman 'ata sa sarili mo. Talian mo kasi para 'di magkalat," Mas lalong napikon ang pulis rito halatang pinipigilan lang nito ang galit. Bago pa man ulit ito makapagsalita may sumigaw rito. "Esteban tama na 'yan. Let's go!" sigaw ni Major Tupas na kagagaling lang sa looban. "Copy po, Sir," sagot ng pulis. "May araw ka rin sa 'kin." "Ano'ng araw 'yon? Para ihanda ko na ang magiging libingan mo," nakangiti nitong pahayag sa pulis. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Esteban, alam na niya ang ibig sabihin no'n. Kilala niya ang lalaki kapag bumitaw ng salita gagawin talaga, hamunin mo na ang lahat. H'wag lang ang isang Mondragon, may kalalagyan ka sa mga ito. "Kamusta mo ako kay pinuno," sambit ni Major Tupas sa lalaki. Kilalang kaalyado nila. Ngumiti ang lalaki. "Makakarating major." Nang maakalis ang pulis doon lamang nakahinga ng maayos si Steven. Mabilis humarap sa lalaki at nagpasalamat. "Maraming salamat," masayang pahayag nito sa lalaki. Sabay lahad ng kamay. Hindi naman ito nabigo sa lalaki naging magaan ang pagtanggap nito sa kamay ni Steven. "Walang anuman. Bryan Mondragon pala," nakangiti nitong pakilala sa sarili kay Steven. "Steven del Prado," masayang sambit nito sa pangalan. "Kung wala kang mapupuntahan pwede kang sumama sa 'min. Siyanga pala si Michael, Joel at Dante mga tauhan ko sila," saad ni Bryan. Hindi nagdalawang isip si Steven mabilis ang naging tugon nito kay Bryan. Kasunod siya tinungo nila ang isang van, kung ito na ang sagot sa kanyang problema. Ngayon pa lamang nagpapasalamat na siya sa Diyos at 'di siya nito pinabayaan sa kapahamakan. Hanggang sa pumasok ang van sa isang bahay na napapaligiran ng mataas na bakod at may mga wire pa ang itaas. Bukod roon puno rin ng CCTV ang bawat sulok nito, 'di niya alam kung saang lugar sila at kung ano'ng lugar ito. Pagkababa niya sa sasakyan bumungad sa kanya ang isang napakagandang bahay, bungalow style ito kung tawagin. "Welcome sa aming safehouse," nakangiting pahayag ni Bryan kay Steven. "Salamat," sagot nito. Halos 'di makapaniwala sa nakikita napakagandang bahay, 'di niya sukat akalain isa pa lang hideout. "Bukas na tayo mag-usap pagod ako. Kayo na ang bahala sa kanya," mariing utos nito sa tauhan. "Copy boss." Gaya ng dapat asahan binihisan at pinag-aral ni Bryan si Steven, itinuro niya rito ang pasikot-sikot sa kanyang negosyo. At maging organisasyong kinaaaniban, isinali rin niya ito roon. At ng matuto sa mga itinuturo rito, kalaunan naging bodyguard ito ng girlfriend niya si Kate. "Kate, h'wag kang maingay kay boss Bryan. Tuturuan kitang mag-drive. Sikreto lang natin 'to," nakangiting pahayag ni Steven kay Kate. Isang hapon pauwi na sila galing sa school ng dalaga. "Talaga tuturuan mo ako. Excited na ako, kailan ako magsisimula?" masayang wika ni Kate. "Bukas pag-uwi natin sa hapon. Pero ipakilala mo muna ako sa kaibigan mo," saad nito. "Marami akong kaibigan. Sino ba sa kanila?" tanong nito sa kay Steven. Si Nathalie ang sumagi sa isipan niya ang kanyang best friend. "Iyong kasama mo kahapon, 'yong pula ang buhok," sagot ni Steven habang nakangiti naaalala ang babae. "Si Joyce Ann de Asis," malungkot nitong sagot. Akala talaga ni Kate ang best friend niya ang napansin ni Steven 'di pala. "Joyce Ann, ang gandang pangalan. Kasing ganda niya," sambit ni Steven sa kawalan habang nagdri-drive. "Oh, ito ang number niya ikaw na ang magpakilala sa kanya. Hindi kami close no'n," saad ni Kate rito. Sabay bukas ng pintuan ng sasakyan at iniwan si Steven roon. "Hoy! Catalina hintayin mo ako!" sigaw ni Steven rito. "Bahala ka sa buhay mo!" sigaw rin ni Kate rito. Sabay pasok sa loob ng bahay. Napakamot na lang ng ulo si Steven habang sinusundan si Kate sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung bakit biglang naging masungit sa kanya ang babae. Kinabukasan pagkarating ni Nathalie sa school agad niyang natanaw ang kaibigan, nakaupo ito sa bangkong bato habang malayo ang tingin nito. Dahan-dahan niya itong nilapitan at ginulat. Galit na galit ito sa kanya dahil sa ginawang panggugulat. "Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ni Kate sa kaibigan. Habang hinahabol ang hininga. Humingi naman agad ng sorry si Nathalie sa kaibigan. "Ang laying kasi ng tingin mo. Tagusan roon sa kabilang building. May problema ka ba?" tanong niya sa kaibigan sabay upo sa tabi nito. Namulat naman si Nathalie at biglang napaiyak ang kaibigan. Agad itong niyakap at pinagaan ang kalooban, naaawa siya sa kalagayan nito. Ito ang naiipit sa problema ng kanilang pamilya. "Akala ko kasi kinalimutan na niya ang tungkol kay mama. Hanggang ngayon pala hinahanap pa rin nila ito," malungkot nitong wika sa kaibigan. "Mahal ka no'n baka may mga dahilan lang siya. Malay mo surprise gift pala sa 'yo, oh, diba bongga," masayang sagot ni Nathalie sa kaibigan. Nang kumalma ang kaibigan ni Nathalie sabay nilang tinungo ang kanilang room, dahil 'di natuloy ang party na sinasabi ni Joyce Ann. Sa huli ang kaklase nilang bakla na si Erwina ang sumagot nito, palibhasa anak mayaman walang problema sa magulang. Dahil tapos na rin lang ang final exam nila, maaga silang pinauwi ng kanilang guro. Alas-otso ang usapan nila sa party kaya 'di na pinauwi ni Nathalie ang kaibigan. Habang palabas ng school ang dalawa, lumapit si Steven sa kanila na nagmamadali. "Kate tara na, kanina pa tawag ng tawag si boss Bryan," mariin nitong wika kay Kate. Sabay kuha sa gamit nito. "Best, ang gwapo naman niya ..." bulong ni Nathalie sa kaibigan. Agad naman ipinakilala ni Kate si Nathalie kay Steven. "Ah, siyanga pala Steven si Nathalie. Nath, si Steven," masayang pakilala ni Kate sa dalawa. Ngumiti si Steven kay Nathalie at saka naglahad ng kamay. "Nice to meet you," saad nito. "Same to you po," nakangiting sagot ni Nathalie. Sabay abot ng kamay rito. Natigilan pa ito ng bahagyang pinisil ni Steven ang kanyang kamay. Agad naman niya itong binawi, kita niya ang pagngisi nito na ikinatirik ng kanyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD