Habang nakaupo masayang pinagmamasdan ni Nathalie ang loob ng kanilang bahay. Hindi sila mayaman at 'di rin mahirap kung titingnan ang estado ng buhay nila nasa gitna ang mga ito. Nakakain tatlong beses sa isang araw at nabibili nito ang gusto. Swerte siya at may magulang na masipag magtrabaho para sa anak.
Habang hinihintay nito ang ama at ang kuya na lumabas mula sa kani-kanilang kuwarto. Nagpasya ang dalaga na buksan ang kanyang f*******: sa kanyang laptop. Mayamaya pa nakita na niyang tumatawag ang ina sa messenger, mabilis niya itong sinagot.
"Salam Alaikum," masayang bati ni Aling Luisa sa anak. Mula salitang arabic na ang ibig sabihin, peace be into you. Dahil isang OFW ang ina, nais nitong ibahagi sa mga anak ang mga natutunang salita.
"Walaikum Assalam," nakangiting wika naman ng isang binata. Ang kuya Dalle ni Nathalie, pangatlo sa magkakapatid. Na ang ibig sabihin, may peace be upon you.
"Dalle!" tawag ni Aling Luisa.
"Po," masayang sagot nito sa ina.
"Saan ang punta mo? Bakit bihis na bihis ka 'ata?" usisa nito sa anak.
Nagtatakang nilingon ni Nathalie ang kuya Dalle niya, sa isip nito wala namang mali sa sout ng kuya niya. Naka-uniform, papasok sa trabaho. Ano'ng mali roon?
"Magre-report po ako sa Camp Crame," nakangiting saad ni Dalle sa ina.
"Bakit may problems ba?" tanong nito sa anak.
Biglang sumeryoso si Dalle, nahihirapan itong ipaalam sa ina ang totoo. Na madedestino siya sa malayo, bilang isang alagad ng batas tungkulin nitong pangalagaan ang bayan.
"Ma, maa-assign po ako sa Davao," malungkot na wika nito sa ina.
"Anak, delikado roon," nag-aalala na saad ng Ginang.
Na tahimik naman bigla si Dalle sa sinabi ng ina, tama nga ito magulo sa pupuntahan niya. Pero 'di lahat ng lugar sa Mindanao, mayroon ding tahimik masayang bayan roon. Siguro may 'di lang pagkakaunawaan ang mga tao kaya nagiging delikado ito sa iba. Pero buo ang loob niya na suungin ang kaguluhan dahil na rin sa nature na kanilang trabaho.
"H'wag kayong mag-aalala kayang-kaya ko ang aking sarili. Nandiyan po ang Diyos na laging bantay ko," masayang sabi nito sa ina.
"Basta mag-ingat ka roon ha, uwi agad," saad ng ina. "Nasaan pala ang n'yo?"
"Nasa liked bahay po. Huwag na kayong magtanong kung ano ang ginagawa," turan nito sa ina.
"Hindi pa ang mga panabong ng papa mo. Nagseselos na ako riyan, ang aga-aga mabuti pa ang manok may himas," saad nito. Natatawa na lamang si Nathalie sa ina, hanggang ngayon ba naman nagseselos pa rin ito sa kanyang mga kapatid na manok.
Saving ng manok ang pinakalibangan ni Mang Art, sa buhay pero may limitasyon ang pagtaya niya rito. Nanggagaling ang perang panaya niya rito sa anak na pangatlo kay Dalle. Hindi ito pabayang ama sa katunayan meron itong shop sa isang mall sa Cavite. Isa rin itong tattoo artist.
"Nathalie! Kamusta na ang pag-aaral mo?" tanong ni Aling Luisa sa dalaga.
Dahil tapos na nitong kausapin amg anak na lalaki na kay Nathalie naman ang atensyon ng ina. Gano'n makipag-usap si Aling Luisa bawal ang singit at bawal ang sumagot kapag 'di kinakausap.
"Okay naman po, ilang linggo na lang. Gagraduate na po ako ma," exited niyang turan sa ina. Sa wakas masusuklian na niya ang paghihirap ng ina na nasa ibang bansa.
"Ngayon pa lang anak, binabati na kita," masayang wika ni Aling Luisa. Kitang-kita ang pagiging pruod sa anak.
"Salamat po. Makakauwi po ba kayo?" tanong nito sa ina. Ilang taon na rin ang nakakalipas 'di niya nakakasama ang ina sa mga espesyal na okasyon tulad nito.
"Hindi ko pa alam anak, pero may surprisa ako sa 'yo sana makarating agad,"
"Wow, talaga po. Thank you ma, sabihin n'yo na po kung ano 'yon 'di po ako makapaghintay," masayang wika ng dalaga sa ina. Halata sa boses nito ang kasiyahan.
"Hindi na surprise 'yon anak, kapag sinabi ko sa 'yo," saad ng Ginang, pati ito excited na rin.
Bigla naman nalungkot si Nathalie. "Ma, please,"
Isa lang naman ang tangi niyang hiling sa ina ang makasama sa araw ng kanyang gruduation.
"Anak promise matutuwa ka sa aking munting surprise para sa 'yo," nakangiting saad nito sa anak.
Ngumiti si Nathalie sa ina. "Kung ano man po 'yon, maraming salamat po,"
"Welcome my baby girl," masayang biro ni Aling Liusa na ikinasimangot ng anak.
"Ma, matanda na po 'yong baby girl n'yo," nakasimangot nitong sagot sa ina. Bigla nitong naaalala, 'yon palagi ang tawag ng ina sa kanya kapag naglalambing ito. Palibhasa siya ang bunso nasanay na rin ito sa ganoong tawag.
"May boyfriend na ba ang baby girl ko?" tanong ni Aling Elena sa anak ng makitang nakasimangot ito.
Mabilis ang naging pagsagot ni Nathalie. "Wala pa po,"
Ngumiti ang Ginang. "Ngayon malapit ka na makagraduate pinauubaya ko na ang bagay na 'yan sa 'yo. Kung saan ka masaya anak, mas lalo kami ng 'yong papa."
Halos napaiyak si Nathalie sa sinabi ng ina pinapayagan na siya nito na magkaroon ng nobyo. Wala siyang inatupag kun 'di ang mag-aral, kahit maraming nagpaparinig sa kanya sa school nila. Isinantabi niya 'yon ang mahalaga matupad niya ang pangako na, no boyfriend habang nag-aaral.
Sa dami ng pinag-usapan ng mag-ina pareho nilang 'napansin ang oras. Mayamaya pa nakita ni Nathalie may isang ulo ang nakasilip sa kuwarto. Ang batang alaga ng Mama niya. Agad itong pumasok sa loob at nagpakarga sa kanyang ina.
"Hi, Akhmad," nakangiting bati ni Nathalie sa bata. Pero sa totoo nag-seselos siya rito, sana siya ang inaalagaan ng ina. Hindi ang ibang bata.
"H-hi, Na-nathalie," nauutal nitong bati, para itong nahihiya sa kanya.
"How are you?"
"Fi-fine," he smiled for Nathalie.
"Your nanny is coming home to the Philippines," masayang biro ni Nathalie rito. Kapag kasama ito ng ina lagi niyang nakakausap.
"No, she not go home anymore. I love my nanny," mariin nitong sagot sabay yakap kay Aling Luisa.
"That's my mother. I love him so much, you know that!" mahina niyang sigaw rito.
"No, she's my nanny," saad nito. Ayaw rin magpatalo para lang isang kalaro ang tingin kay Nathalie.
"She's going home and he's leaving you alone, she's not come back anymore,"
"Nathalie!" sigaw ni Aling Luisa sa anak.
Napaiyak naman si Akhmad ng sigawan ni Nathalie mas lalo itong sumiksik sa katawan ng ina. Halos si Aling Luisa na ang nagpalaki rito kaya gano'n na lamang ito kalapit sa ina.
"Sorry po, ma. Ang damot kasi ng alaga n'yo, ako ang anak kung umasta para siya ang tunay. Ako ang ampon," malungkot na wika ni Nathalie sa ina.
"Anak, bata 'yong kaaway mo. Kahit kailan 'di kita ipagpapalit sa kanya, trabaho lang 'to walang personalan," saad ng ina.
"Sorry po."
"Oh, siya papakainin ko muna 'to," paalam ng ina.
"Mag-ingat po kayo d'yan. Bye Akhmadi," saad nito sa bata. Ngunit 'di na ito nagsalita nanatiling nakayakap sa ina.
Matapos ang pakikipag-usap sa ina sabay-sabay silang kumain tatlo.
"Ano'ng gusto mong regalo?" tanong ni Dalle sa kapatid.
Nagulat naman si Nathalie. Ibinaba sa plato ang kutsara at sabay inom ng tubig, pakiramdam niya mabubulunan siya sa tanong ng kuya niya.
"Bibigyan mo ako kuya?" usisa niya rito 'di talaga ito makapaniwala for the first time, makakatanggap siya ng regalo mula rito.
"Oo nga, kulit naman nito. Inuulit ko ano ang gusto mo," wika ng kapatid.
"Kuya pwede po ba motor na lang 'yong Mio. Bagong labas 'yon ngayon, service ko papuntang shop," masayang sagot ni Nathalie sa kapatid.
"Iyon ba ang gusto mo, sige ipapadeliver ko mamaya bago ako umalis," nakangiting saad ni Dalle.
"Salamat kuya,the best ka talaga,"
"Welcome baby girl,"
"Kuya!" sigaw nito sa kapatid.
Agad nagpaalam si Dalle pagkatapos nilang kumain. Inihatid pa nila ito sa may labas ng kanilang bahay.
"Mami-miss kita, kuya," malungkot nitong sabi sa kapatid. Hindi nito alam kung bakit 'yon ang nasabi rito, sanay naman silang lagi ito umaalis. Parang iba ang pakiramdam niya sa pag-alis ng kuya.
"Mag-ingat ka sa 'yong pupuntahan," bilin naman ni Mang Art sa anak. Humahanga siya rito at naging matapang ito at walang takot na harapin ang panganib.
Ngumiti naman si Dalle sa ama at kapatid. Wala na talagang makapagpigil sa kanya. At sumakay na ito sa kanyang Ducati.
"Mag-ingat rin po kayo rito. Si Nathalie po bantayan n'yo. Marami pong umaaligid-aligid sa tabi," seryoso nitong wika sa ama. Sabay sulyap sa paligid, naroon ang kapit bahay nilang matagal ng nagpapaalam na aakyat ng ligaw, ngunit sa tuwina lagi niya itong binobokya. Bukod sa 'di mapagkakatiwalaan isa pa itong tambay, umaasa sa magulang.
Natawa na lamang si Nathalie sa kanyang kuya. Hindi na siya bata para bantayan, pero sa kabilang banda iniisip niya baka pinoprotektahan lamang siya ng kapatid lalo na't nagkalat rin sa kanilang suddivision ang mga kabataang walang magawa sa buhay. Kun 'di ang magtapon ng pera, palibhasa mga anak ng mayaman wala silang iniisip na problema.
"Bye, kuya!" sigaw pa nito sa kapatid. Habang dahan-dahang nitong pinatakbo ang kanyang motor.
Iniangat naman ng kanyang kuya ang harang ng helmet sa mukha. "Bye, baby girl,"
At saka nito pinaharurot ang motor palabas ng subdivision. Hatid tanaw naman nila ng ama ang papalayong kapatid, hanggang sa nawala ito sa kanilang paningin. Agad naman silang pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi po kayo pupunta ng sabungan?" tanong niya sa ama. Habang papasok sila sa loob ng bahay.
"May customer ako ngayon dalawa 'di ko natapos kahapon. Sinabihan ko lang na bumalik sila," saad ni Mang Art sa anak. Inayos pa nito ang manok na nadaanan.
"Gano'n po ba, mamaya na lamang po ako pupunta sa shop. Pagkatapos ko maglaba," sabi ni Nathalie sa ama.
"H'wag ka ng pumunta ipahinga mo na lamang 'yang katawan mo may pasok ka bukas," wika ni Mang Art sa anak. Naaawa rin ito sa anak sa halip na tumambay sa mall o kaya mamasyal tulad ng ibang kabataan. Abala ito sa gawaing bahay minsan tumutulong pa ito sa shop.
"Okay lang po, saka may bibilhin po akong project,"
"Ikaw ang bahala, siyanga pala anak. Nag-text ba ang ate Luisita mo pupunta ba sila sa graduation mo?" malungkot nitong tanong kay Nathalie. Naaalala bigla nito ang panganay na anak, na nasa Batangas kasama ang sariling pamilya.
"Hindi pa pero tatawagan ko po mamaya, para imbitahan sila. Nami-miss ko na rin po 'yong mga pamangkin ko at si ate," masayang sagot ni Nathalie sa ama.
"Oh, siya ikaw na ang bahala. Maliligo na ako baka naghihintay na 'yong dalawa sa mall,"
"Sige po,"
Pagkaalis ng ama agad ini-lock ni Nathalie ang gate at ang pintuan nila. Habang nag-lalaba mahina niyang pinaandar ang kanilang cd. Agad isinalang ang paborito niya na singer na si Ed Sheeran. Habang pinapatugtog niya 'yon sinasabayan niya, mas lalo siyang sinipag magtrabaho sa loob ng bahay basta't may sounds.
Samantala si Mang Art 'di magkandaugaga sa dami ng naging customer ng araw na 'yon, palibhasa maganda at pulido siyang magtrabaho kaya binabalikan sila ng mga tao.
"Papa, magpahinga naman kayo. Ako naman d'yan," nakangiting sabi ni Nathalie sa ama, abala ito sa pagta-tattoo sa isang babae.
"Kunti na lang matatapos na 'to, doon ka na sa counter palitan mo si Daniel para makakain," sagot ng ama halos 'di man lang siya tinapunan ng tingin.
Hindi na sumagot si Nathalie iniwan na lang ang ama. Kapag gano'n kaabala ang ama, 'di niya ito makausap ng maayos. Masayang nagpaalam ang isa nilang tattoo artist para kumain.
Mayamaya pa may pumasok na tatlong lalaki. Sa ayos ng mga ito para silang mga bodyguard ng isang politician, kun 'todo suits pa ang mga ito.
"Miss, narito ba si Arturo?" tanong nito kay Nathalie habang ang pangin umiikot sa loob ng shop.
"Bakit n'yo hinanap ang papa ko?" tanong ni Nathalie sa pinakalider.
"May kailangan kami sa kanya," mariin nitong sagot.
Bigla naman nakaramdam ng takot si Nathalie. "Upo kayo riyan tatawagin ko si papa."
Sabay-sabay naman tinungo ng tatlong lalaki ang itinuro na upuan ni Nathalie.