Chapter 3

1233 Words
“Love!” Tawag ni Nathalia kay Jude nang mabungaran niya ito sa pintuan ng store na pag-aari nila. Ngumiti lang ang binata sa kanya ng pilit na ikinakunot ng noo niya kaya sinalubong niya ito at iniwan saglit ang ginagawa. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ito nang makalapit saka tiningnan ito. “May problema ba? Are you okay?” Sunud sunod na tanong ni Nathalia kay Jude dahil ganito ang kanyang boyfriend sa tuwing may hindi ito nagustuhan. “I called you pero hindi ka sumasagot. Pinuntahan kita sa inyo pero wala ka rin doon.” Sagot sa kanya ni Jude kaya namilog ang kanyang mga mata at agad na iniwan ang binata saka kinuha ang cellphone sa loob ng bag. Nang buksan niya ang kanyang cellphone ay natutop niya ang kanyang bibig at napatingin sa binata dahil sa dami ng miscalls and text messages nito kaya agad niya itong nilapitan. “I’m sorry love..” Malambing na sambit niya kay Jude saka hinawakan ang pisngi ng binata. “Nawala sa isip ko na susunduin mo pala ako ngayon. Nagaway kasi kami ni Tasha. Kaya sumabay na ako kay Jake nung nagprisinta siyang ihatid ako dito.” Mahabang paliwanag niya dito na mas ikinakunot ng noo ni Jude. “Jake?” Tanong ni Jude kaya nahihiyang tumango siya. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Nathalia na hindi magkasundo ang kababata niya at ang kasintahan dahil simula pa kolehiyo ay nagpaparamdam na talaga si Jake sa kanya ngunit binalewala niya ito dahil gusto niya si Jude. Hanggang sa kalauna’y natanggap din iyon ni Jake. “Love, nagmagandang loob lang naman si Jake.” Sambit niya rito kaya malalim na bumuntong hininga si Jude at napatingin sa mukha ni Nathalia. “I’m jealous.” Seryosong sambit ni Jude kaya hindi napigilang mapangiti ni Nathalia. “You don’t have to. I’m all yours.” Nakangiting sambit ni Thalia at akmang hahalikan na siya ni Jude sa labi ay saka naman tumunog ang pinto, hudyat na may pumasok kaya mabilis niyang tinulak ang kasintahan at narinig pa niyang tumawa ito ng pagak. Pati siya ay napangiti rin. Alam kasi ni Jude na conservative siya at gusto niyang ikasal muna sila bago niya ibigay ang sarili kay Jude. Sa tagal nila ni Jude ay hindi pa nila ginagawa iyon. Kaya mas lalo niyang minamahal si Jude dahil nirerespeto nito ang bawat desisyon niya at bilang siya. Umupo naman si Jude sa upuan sa likod ng kahera kung saan siya nakapwesto saka niya pinagmasdan si Nathalia sa ginagawa. Bawat galaw ni Nathalia ay napapangiti siya dahil napakahinhin talaga nito at napakainosente. Minsan lang ito magalit at kung magagalit man ay sandali lamang. Pati ngiti ni Nathalia ay para siyang dinuduyan nito dahil kahit sinong ngitian nito ay napapangiti rin. No wonder why his parents like her too. At pati na rin ibang mga kalalakihan ay nagkakagusto kay Nathalia na lingid sa kaalaman ni Nathalia dahil sa kainosentehan nito. Napakunot naman ng noo si Nathalia nang matapos niyang ientertain ang customer ay nakita niya si Jude na ngiting ngiti. “Why are you smiling?” Tanong niya sa binata kaya mas lalong napangiti si Jude. “Nothing. I just love staring at you.” Nakangiting sambit ni Jude kaya namula si Nathalia at napayuko saka mabilis na tumalikod at nagbisi’busyhan. Tumayo naman si Jude saka ngumiti ng sobra sa ginawa ni Nathalia. Nilapitan niya si Nathalia saka niyakap mula sa likod. “J-Jude!” Natatarantang sambit niya sa kasintahan nang maramdaman ang mga braso nito sa kanyang bewang. Hindi niya alam kung lilingon ba siya dito o hindi dahil nahihiya parin siya kay Jude. Natatawa naman si Jude sa reaksyon ni Nathalia which he finds it cute. “What? Hindi ka parin sanay? Dapat masanay ka na dahil araw araw ko na tong gagawin sayo kapag kasal na tayo.” Bulong ni Jude sa tenga niya na nakapagpataas ng mga balahibo niya. Halos pigil niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang labi ni Jude na humahalik sa likod ng tenga niya kaya nang hindi makatiis ay naitulak niya ito ng bahagya. “Love..” Pagbabanta niya rito kaya natatawa naman si Jude na humiwalay sa kanya. “Fine. Fine..” Sambit ni Jude tanda ng pagsuko. “Wala ka bang trabaho? Hindi ka ba kailangan sa office?” Tanong ni Nathalia kay Jude at umiling naman ito. “Love, I’m the boss.” Sambit ni Jude sabay upo muli sa upuan. Napalingon naman si Nathalia rito at inirapan ito kaya natawa uli si Jude. “Anyways, nandon ba si Natasha kanina sa bahay?” Tanong ni Thalia kaya nawala ang mga ngiti ni Jude at napaiwas ng tingin sa kasintahan. “Yes. She’s there.” Simpleng sagot ni Jude. “Pinapasok ka ba?” Tanong muli ni Thalia. “Nope. Pero saglitan lang naman ako don kanina. Tinanong lang kita saka ako umalis.” “Yung batang yon talaga. Hindi ko na alam gagawin sa kanya.” Inis na sambit ni Thalia saka bumuntong hininga. “Next time, maging strict ka rin minsan. Wag ka g masyadong mabait akala niya tuloy ok lang sayo lahat ng ginagawa niya.” “Pero kasi. Alam mo naman diba na ako lang ang meron siya at gusto ko naibibigay ko mga kailangan niya kahit wala na sila mama at papa.” Malungkot na sambit ni Thalia. “Yeah. I do understand. Pero love, magkaiba ang pagiging strict sa pagiging madamot. Hindi mo siya pinagdadamutan ok? I’m not saying that you don’t have to give everything to her. I’m just saying na maging istrikto ka rin sa kanya and limitahan mo rin yung mga times na pinapayagan mo siya sa mga lakad niya lalo na kung hindi naman importante.” Paliwanag ni Jude sa kanya kaya napaisip siya. “Ayoko lang kasi na nagkakatampuhan kaming dalawa.” Sagot naman ni Thalia kay Jude. “I understand pero dahil sa pagiging soft hearted mo sa kanya kaya ka niya sinasagot sagot.” Nakakunot ang noo na sambit ni Jude sa kanya dahil ilang beses na rin siyang pinagsasabihan ng kasintahan na huwag niya masyadong iniispoiled ang kapatid sa lahat ng hilingin nito. Hindi naman nakaimik si Nathalia dahil totoo lahat ng sinabi ni Jude sa kanya na napansin naman agad ni Jude. “I’m sorry love, hindi naman sa nanghihimasok ako-“ “No love.” Putol ni Thalia sa sasabihin sana ni Jude sa kanya. “It’s ok. Napaisip din ako. Siguro kasalanan ko rin to kaya siya nagkaganito. Masyado akong naging open sa kanya sa lahat ng bagay.” Paliwanag rin niya kay Jude. “Don’t blame yourself. May mga tao lang talaga na mapangabuso sa kabaitan ng isang tao.” Sambit nito kaya mas lalo siyang natahimik. Nasasaktan din siya sa sinabi ni Jude dahil kahit papaano ay kapatid parin niya ang tinutukoy ni Jude. “Ok, fine. From now on, magiging strict na ako sa kanya.” Desididong sambit niya rito kaya napangiti si Jude. “Thank you for always being here for me and also to my sister.” Maluha luhang sambit ni Thalia kay Jude kaya agad namang tumayo si Jude saka siya niyakap. “Of course. You will be my wife and she will be my sister in-law soon.” Sagot ni Jude kaya naman napangiti si Thalia ng mapakla na hindi kita ni Jude.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD