Nagising si Natasha sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha kinabukasan kaya inis siyang bumangon para ibaba sana ang kurtina sa bintana nang mabungaran niya ang kanyang kapatid na nakatayo sa gilid ng kama na animo’y hinihintay talaga siyang magising.
“Gising ka na pala.” Sambit ni Nathalia sa kanya kaya napabuga siya ng hangin at hinila ang kumot para takpan ang kanyang mukha at bumalik sa pagkakahiga ngunit hinila lamang ito ng ate niya kaya napatingin siya dito.
“What now ate?” Inis na tanong niya sa kapatid kaya tiningnan siya nito na parang namamangha.
“What now Tasha? Yan lang ang sasabihin mo? Lasing ka na nga kagabi na umuwi tapos ganyan pa ang ibubungad mo sa akin?” Hindi makapaniwalang sambit ng kapatid.
Napabangon siya saka sumandal sa headboard ng kama at tiningnan ang kapatid.
“E anong gusto mong sabihin ko?” Tanong niya sa kapatid kaya sinamaan siya nito ng tingin.
“Really Natasha? Ganyan ka na ba talaga? Kailan ka magtitino? Ha? Hindi ka man lang ba hihingi ng paumanhin sa akin o kaya kay Jude na sumundo sayo ng alanganing oras?”
“I didn’t tell him or you na sunduin ako ate! Gosh! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na puntahan ako doon?! Pwede naman akong matulog sa condo ni Freya!” Galit na sambit niya sa kapatid kaya hindi makapaniwalang tinignan siya nito.
“I can’t believe this! Ikaw na nga iniisip namin ikaw pa tong masama ang loob? Hindi ka man lang ba magpapasalamat kay Jude na nagbuhat sayo papasok ng bahay dahil sa kalasingan? Hindi ka ba nakaramdam ng hiya?” Sambit uli ni Nathalia kaya napalingon siya dito.
“E bakit hindi niya kasi ako ginising para ako nalang ang naglakad mag isa?!” Pabalang na sagot niya sa kapatid kaya sinamaan siya ng tingin nito.
“You know what? You’re grounded!” Inis na sambit ni Nathalia sa kanya saka mabilis na kinuha nito ang kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table niya.
Halos mamilog ang mga mata ni Natasha nang magsink in sa utak niya ang sinabi ng ate niya na kakalabas lang ng pinto ng kwarto niya kaya mabilis siyang tumayo saka sinundan ito.
“Ate!” Tawag niya sa kapatid ngunit hindi niya ito naabutan at natanawan nalang niya ito na palabas na ng gate para pumunta sa kanilang mini grocery store na naiwan sa kanila ng kanilang magulang.
Kahit walang sapin sa paa ay hindi niya pinansin ito at wala na rin siyang pakealam sa suot niyang manipis na bestida nang makalabas siya ng bahay dahil maipagmamalaki naman talaga niya ang kanyang kutis.
Halos lakad takbo ang gawin niya maabutan lang ito at nang malapit na siya rito ay saka namang may humintong sasakyan sa tabi niya na ikinagulat niya.
“Hey Tasha!” Sambit ng lalaking lulan ng sasakyan kaya napatingin siya rito ganon din ang ate niya.
“Jake?” Kunot noong tiningnan niya ang lalaki saka inirapan ito.
“Ang aga aga Tasha ang sungit sungit mo na naman.” sambit ni Jake na kababata nila saka nilingon din nito ang kapatid niya na kanina pa din nakamasid sa kanila. “Hi Nathalia!” Bati naman nito sa ate niya. Halos magkaedad lang ang ate niya at ito. Mas nauna lang si Jake ng dalawang taon sa ate niya tulad ni Jude.
“Hi Jake.” Bati ng ate niya kay Jake.
“Sabay ka na sakin. Papasok na rin ako ng work.” Anyaya ni Jake kaya ngumiti ang ate niya saka tumango.
“Sige. Sakto nagtitipid din ako para lang may pantustos sa pagaaral ni Natasha.” Mariing sambit ni Nathalia kaya napairap si Natasha at natawa naman si Jake.
“Ate! Yung cellphone ko!” Malakas na sambit ni Tasha sa kapatid para lang maagaw nito ang atensyon ng ate niya ngunit hindi siya nito pinansin at nagtuluy tuloy sa loob ng sasakyan ni Jake.
Halos magpapadyak siya sa inis dahil hindi siya nagtagumpay na makuha ang cellphone sa ate niya at bago pa makaalis ang mga ito ay tinawanan lang siya ni Jake.
“Nice legs.” Sambit nito sa kanya saka kinindatan kaya mas lalo siyang nainis at sinigawan ito.
“Manyak!” Sigaw niya dito na ikinatawa pa ni Jake saka siya binusinahan. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa loob ng bahay nila at padabog na sinara ang pinto. Hindi rin nagiwan ng pera ang ate niya kaya hindi siya makalabas.
Bumalik siya sa kanyang silid saka pabagsak na hiniga ang katawan sa kanyang kama at sa pagpikit ng kanyang mga mata ay ang mukha ni Jude ang nagpakita kaya napamulat siya ng mata at napabalikwas ng bangon.
“No, no no..” Bulong niya sa sarili saka sinampal sampal ng mahina ang sariling pisngi saka tumayo sa kama at mabilis na bumaba sa kusina.
“Tama! Uhaw lang ‘to.” Pangungumbinsi pa niya sa kanyang sarili.
Pagbaba niya ay agad niyang binuksan ang refrigerator at kinuha ang pitsel na may lamang tubig saka nagsalin sa baso.
Agad niya iyong ininom at nang mahimasmasan siya kahit papaano. Nang makainom ay sakto namang may kumatok sa pinto kaya nangunot ang kanyang noo dahil wala naman silang inaasahang bisita at isa pa ay may gate sila kaya paanong nakapasok ang kung sinoman sa gate nila.
Agad niyang binaba ang baso sa lamesa saka lumapit sa pinto. Binuksan niya lamang iyon ng kaunti at sinilip ang taong kumakatok.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mapagsino ito at bigla siyang pinagpawisan ng malala.
Napatingin din sa kanya ang binata na nakakunot ang noo dahil tanging ulo lang niya ang nakalabas sa may pinto na nakasilip.
“Kuya J-jude..” Namimilog ang matang tawag niya rito.
“Where’s Nathalia?” Tanong nito kaya napaayos siya ng tayo at binuksan ng tuluyan ang pinto.
“A-ahm..” Hindi siya makasagot ng maayos dahil nakita niyang pinasadahan siya ng tingin ni Jude saka bumalik sa kanyang mukha ang tingin nito. Hindi siya makasagot ng maayos dahil natataranta siya sa presensiya nito.
“Are you okay?” Tanong pa muli nito kaya napatango siya.
“O-o-oo.. Ano.. Ahm u-umalis si ate pumunta ng store.” Utal na sagot niya rito.
“Is that so? Ok. Thanks.” Sambit nito saka siya tinalikuran.
“H-hindi mo ba tinawagan?” Habol na tanong niya rito bago pa ito makalabas ng gate kaya nilingon siya nito.
“She’s not answering my calls. Susunduin ko siya dapat ngayon.” Sagot nito kaya napatango siya.
“Ganon ba?” Tanging sambit niya at tumango lamang ito saka lumabas ng gate. Ngunit nagulat siya nang bigla uli itong lumingon sa kanya.
“Don’t forget to lock the door. And wear something decent before you open the door. Paano nalang kung masamang tao ang kumatok at ikaw lang mag-isa?” Sambit nito kaya napapahiyang tumango siya.
Pag-alis nga nito ay pumasok na siya at nagulat siya nang makita ang repleksyon sa salamin. Bakat pala ang undies niya sa loob at ang malala pa dito ay bakat ang u***g niya kaya napahilamos siya ng mukha. Mabuti nalang at nakapaharap kanina ang mahaba niyang buhok nang habulin niya ang kanyang kapatid sa labas ng bahay. Ngunit nakakahiya at nakita siya ni Jude sa ganoong ayos. Baka kung ano pang isipin ng binata sa kanya.
Muli siyang napabuntong hininga saka naglakad paakyat ng hagdan at pumasok sa banyo. Maliligo nalang siya saka matutulog mamaya bago gawin ang mga project nila sa eskwelahan. Sabado kasi ngayon kaya wala siyang pasok kaya nagkayayaan silang magkakaibigan kagabi na uminom.