Chapter 1
Palakad lakad si Nathalia sa kanilang sala habang nakalagay ang kanyang cellphone sa kanyang tenga habang hinihintay na sagutin ng kapatid ang kanyang tawag.
“Tasha? Where are you?” Tanong niya nang sa wakas ay sagutin na ng nakababata niyang kapatid na si Natasha ang tawag niya. Alanganing oras na ay wala parin ito sa loob ng bahay nila.
“Ate, uuwi ako, pero maya maya pa. Sige na, hindi kita marinig at maingay.” Sagot nito sa kanya saka siya binabaan ng tawag ng kapatid nang hindi man lang siya nito sinasagot kung nasaan ito.
Dinial niya uli ang numero nito ngunit hindi na ito sumasagot at nagriring nalang kaya naman napilitan siyang tawagan ang kanyang kasintahan na si Jude ng disoras ng gabi na agad naman siyang sinagot.
“Love?” Tawag niya dito at narinig naman niya ito sa kabilang linya.
“Hmmm?”
“Nagising ba kita?” Tanong niya uli dito at nakarinig pa siya ng kaluskos sa kabilang linya na tanda na bumangon ito sa kama.
“Hmm.. Not really. What is it? Why are you still awake?” Sagot nito sa mababang tono na nakapagpangiti sa kanya.
“I’m sorry..” Hinging paumanhin niya dito dahil alam niyang nagising ito at inaantok pa.
“No, love. It’s ok. Is there any problem?” Tanong nito sa kabilang linya kaya natahimik siya at nagalanganin na naman siyang sagutin ito at humingi ng pabor dahil lagi nalang siya nitong pinagbibigyan. Ganoon siya kamahal nito at ganoon din naman siya kay Jude.
“Hello? Love?” Tanong uli ni Jude sa kanya kaya nataranta siya.
“A-ahm. Wala naman.” Pagsisinungaling niya kaya bumuntong hininga si Jude sa kabilang linya.
“Come on love, tell me.” Pagpipilit pa nito sa kanya kaya nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
“E k-kasi..”
“Your sister?” Tanong ni Jude sa kanya na parang alam na nito ang sasabihin niya at narinig pa niya itong bumuntong hininga.
“Wala pa kasi siya dito. Tinawagan ko siya pero hindi niya ako sinagot kung nasaan siya basta sabi niya lang mamaya pa siya uuwi tapos binabaan na niya ako ng tawag.” Mahabang paliwanag niya dito.
“Have you tried calling her again?” Tanong pa uli nito sa kanya.
“Yes, but she’s not answering my calls anymore.”
“Give me her phone number.” Sambit nito kaya tumango siya na parang nasa harapan lang niya si Jude. Agad niyang pinatay ang tawag saka binigay kay Jude ang numero ni Natasha.
Maya maya pa ay tumawag si Jude sa kanya kaya sinagot niya ito agad.
“I’m on my way.” Sambit nito sa kabilang linya kaya napakunot siya ng noo.
“Where?” Takang tanong naman niya dito.
“Dawn Club.” Sagot nito.
“Anong gagawin mo doon?” Tanong niya rito.
“To fetch your sister.”
“Nandoon siya? Paano mo nalaman?”
“I’m not Jude Heimirich Hudgens just for nothing, love.” Sambit nito kaya natawa siya at tumawa din naman si Jude sa kabilang linya.
Napangiti siya ng todo saka siya sumagot.
“Presko ha? Pero thanks love! Ingat ka. I love you.” Malambing na sambit niya dito bago niya ibaba ang tawag.
Parang kailan lang noong nanliligaw ito sa kanya at hindi rin naman kasi siya makapaniwala na magugustuhan siya nito dahil napakasimple niyang babae at hindi talaga siya kapansin pansin habang si Jude ay kilala ultimo pamilya nito sa lugar nila kaya naman maraming nagkakandarapang babae rito dahil bukod sa mayaman at popular si Jude noong kolehiyo sila ay napakagwapo talaga nito at dagdag mo pa ang tangkad at magandang katawan nito kaya naman nakakagulat na siya ang nagustuhan nito.
Hindi rin naman siya tulad ng ibang babae lalo na sa kanyang kapatid na magaling magdala at palaayos. At kung ikukumpara siya sa kanyang kapatid ay mas maganda si Natasha sa kanya dahil nakuha ni Natasha ang mukha at kutis nito sa kanyang ina na may lahing Koreana at siya naman ay sa kanyang ama na purong Pilipino. Magkaiba sila ng mukha at kutis kaya lahat ng makakakita sa kanila ay hindi iisipin na magkapatid sila. Mas bata si Natasha sa kanya ng limang taon at siya na ang tumayong guardian nito simula nang mamatay ang mga magulang nila sa aksidente tatlong taon na ang nakakalipas. May maliit na negosyo ang naiwan sa kanila at doon sila kumukuha ng income buwan buwan. Mabuti na lamang at hindi sila nagkukulang sa pang araw araw na gastusin. Iyon na rin ang tinutukan niya nang makapagtapos siya ng kolehiyo kaya hindi na niya masyadong iniisip ang pantustos niya sa pagaaral ni Natasha na nasa 3rd year college na ngayon.
*****
Sumasayaw si Natasha sa saliw ng musika habang nakataas sa ere ang isa niyang kamay at ang kabila nama’y may hawak na isang bote ng alak nang biglang may kumalabit sa kanya kaya nilingon niya ito. Nakita niyang ang kaibigan niyang si Freya iyon kaya tiningnan niya ito ng nagtatanong.
“There’s a hot guy looking for you.” Ngiting sambit ng kaibigan kaya napairap siya at tinalikuran ito. Sanay na kasi siya sa mga lalaking gustong makipagkilala sa kanya kaya dinedma niya ang kaibigan.
“Tasha!” Pangungulit pa uli sa kanya ng kaibigan kaya hinarap niya ito.
“Sino ba?!” Inis na tanong niya dito para tumigil na ito sa kakakalabit sa kanya. Saka tinuro ng kaibigan ang lalaking tinitukoy kaya napatingin din siya sa direksyon ng lalaki.
Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang lalaking tinutukoy ng kaibigan at tila nawala ang espirito ng alak sa katawan niya nang makita ito.
“He’s hot.” Kinikilig na bulong ng kaibigan niya sa kanya kaya sinulyapan niya ito at sinamaan ng tingin.
“Shut up Freya! That’s my sister’s boyfriend!” Bulong niya sa kaibigan kaya natameme din ito.
Totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya. Napakagwapo naman kasi talaga ng boyfriend ng ate niya at napapalingon lahat ng babaeng makakita rito sa loob ng club sa oras na iyon. Ultimo siya ay hindi mapigilang mapatitig kay Jude kaya nagiwas siya ng tingin at winaksi ang kung ano mang bagay ang pumapasok sa isip niya.
‘Utang na loob! Boyfriend yan ng ate mo! Tumigil ka Tasha!’ Bulong ng kanyang isipan kaya napapikit siya ng mariin at nang magmulat siya ng mata ay papalapit na ito sa kanya sa gitna ng dance floor at nakangisi. Ni hindi man lang niya tinanggal ang pagkakatitig sa binata.
“K-kuya J-jude.” Utal na sambit niya rito. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya natataranta na hindi naman nangyayari sa kanya kapag nakakausap niya ito minsan.
“Time to go home, Cindy.” Sambit nito kaya napakunot siya ng noo.
“E-excuse me? My name is Natasha.”
“I know.. But I prefer Cindy.” Sarkastikong sabi nito sa kanya at nagkibit balikat.
“H-huh??” Naguguluhang tiningnan niya ito na hindi nalang sana niya ginawa dahil sinalubong lamang siya nito ng magagandang mata ni Jude.
Napapikit uli siya dahil kung anu ano na naman ang pumasok sa isip niya na hindi dapat. Siguro ay dala lang yon ng alak kaya siya nagkakaganito.
“You know, Cinderella.. Cindy for short and your sister is waiting for you to go home.” Pilit ang ngiting sambit ni Jude sa kanya sabay kuha ng bote ng alak sa kamay niya at inisang lagok iyon saka binigay ang bote ng alak sa kaibigan niyang si Freya saka hinila siya nito sa pulso palabas ng club na ikinagulat niya dahil ni minsan hindi pa siya nilalapitan ni hinawakan ni Jude ng ganito.
Mas nalasing pa yata siya sa mabangong amoy ni Jude kaysa sa alak na nainom niya.
Nang makarating sila sa tapat ng sasakyan nito ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto at inalalayang pumasok sa mamahaling kotse nito.
Tunay ngang napakaswerte ng ate niya sa boyfriend nito dahil bukod sa gwapo at mayaman ito ay gentleman pa kaya maraming naghahabol sa binata.
“Staring is rude, Natasha.” Biglang sambit ni Jude sa kanya nang hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya dito habang inaayos nito ang seatbelt kaya nataranta na naman siya at mabilis siyang nagisip ng idadahilan.
“P-paano mo nalaman na nandito ako?” Tanong niya rito para lang mapagtakpan ang pagkapahiya.
“It’s not important.” Maikling sambit nito kaya natahimik na rin siya at lumingon nalang siya sa harap nang buhayin na ni Jude ang makina ng sasakyan. Hanggang sa makaramdam siya ng hilo at antok at tuluyan siyang makatulog.
Napalingon naman si Jude sa kapatid ng kanyang girlfriend nang tumigil ang sasakyan sa stop light at napabuntong hininga ng wala sa sarili. Sakit talaga ito sa ulo ni Nathalia kaya napailing siya at hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa mukha nito na nakaharap sa kanya at mahimbing nang natutulog. Ngayon lang niya ito natitigan ng malapitan at maganda nga talaga ito kaya hindi rin niya masisisi ang mga kalalakihang tumitingin dito kanina sa club.
Neneng nene pa ito noong simulan niyang ligawan si Nathalia at wala pa itong alam sa pagaayos sa sarili ngunit hindi niya aakalain na ganito pala ito kaganda ngayong dalaga na ito.
Agad naman niyang minaneho ang sasakyan nang marinig niya ang busina sa kanyang likuran at napagtanto niyang nagkulay berde na ang ilaw. Napatagal yata siya sa pagkakatitig kay Natasha. Muli siyang bumuntong hininga at inuwi na ang dalaga. Tinext na rin niya si Nathalia na pauwi na sila kaya alam niyang nakahinga na ito ng maluwag.