Chapter 4

1431 Words
“Ate, how do I look?” Tanong ni Tasha kay Thalia nang matapos siyang magbihis. Pupunta kasi sila sa bahay nila Jude dahil kaarawan ng kapatid ni Jude na lalaki. “You look stunning! Bagay sayo yang dress.” Nakangiti namang sambit ni Thalia. “Thanks!” Ngiting ngiti namang sambit ni Tasha. Maya maya pa ay pinasadahan nito ng tingin ang suot ng kapatid kaya naiilang namang napatingin si Thalia sa kanya. “What?” Tanong ni Thalia kay Tasha. “May iba ka pa bang damit bukod dyan ate?” Tanong ni Tasha sa kaniya. “Why? Hindi ba bagay?” Kinakabahang tanong naman ni Thalia sa kaniya. “No. I mean, Ok siya pero it’s too old fashioned.” Sagot naman ni Tasha. “Tash, alam mo namang ayaw ko sa mga masyadong exposed na damit diba?” “I understand ate but you should try this one, hindi ko pa siya nasusuot.” Sambit ni Tasha saka kinuha ang isang floral dress na sakto lang ang haba at mahaba ang manggas. “Siguro naman, hindi na maeexpose ang braso no dito.” Nakairap na sambit ni Tasha kaya natawa si Thalia saka kinuha ang bestidang iniabot ng kapatid. Nang mapalitan ang suot na damit ay napatingin siya sa salamin at pati si Tasha ay napangiti sa ayos ng kapatid. “See? You look so beautiful ate! Maiinggit na naman sayo niyan si Loraine.” Nakangising sambit ni Tasha na ang tinutukoy ay ang kababata ni Jude na halatang may gusto kay Jude. “Tash..” Pagbabanta ni Thalia sa kanya kaya napabuntong hininga siya. “Fine, fine. Wait, is she coming? Well, I’m sure she will.” Tanong ni Tasha sa kapatid na sinagot rin niya. Sa tagal ng magkasintahan ni Jude at ng kanyang kapatid ay pangalawang beses palang niya ngayon na makakapunta sa mansyon ng mga ito kaya medyo kinakabahan din si Tasha lalo at mayaman talaga ang pamilya ni Jude. “Lagi naman yun present sa lahat ng okasyon ng mga Hudgens.” Sagot naman ni Thalia. “Syempre nagpapapansin kay Kuya Jude.” Natatawang sambit ni Tasha kaya inirapan nalang siya ni Thalia dahil ayaw din naman niyang patalo lalo kung tama ang mga sinasabi niya. Nang matapos nilang mag ayos ay tumawag na rin si Jude kay Thalia na nasa labas na ito ng bahay kaya dali dali silang lumabas ng bahay. Nagmake up lang sila ng light saka nilugay lang ni Tasha ang kanyang medyo maalon alon na buhok saka nilagyan lang niya ng simpleng hair clip ang buhok ng kanyang ate. Nang makalabas ay parang nahigit ni Tasha ang kanyang hininga nang makita si Jude na nakasandal sa kanyang sasakyan at nilalaro nito ang hawak na car keys. Pasimple siyang lumunok dahil napakagwapo talaga ni Jude at napakatangkad pa nito, dagdag pa ang mala-adonis nitong katawan kaya napakaswerte talaga ng kanyang kapatid. “You guys ready?” Nakangiting tanong ni Jude sa kanila kaya napatango lamang siya at ngumiti naman si Thalia. Pinagbuksan naman ni Jude si Thalia ng pinto saka inalalayang pumasok ng sasakyan samantala si Tasha naman ay nagsariling pumasok. Nang makarating sa bahay nila Jude ay agad silang pumasok sa loob at nakita nilang marami nang tao na nagkakasiyahan. Sinalubong naman agad sila ng mga magulang ni Jude at bilang paggalang ay nakipagbeso beso din siya sa mga ito tulad ng ginawa ng kanyang ate. Nakatayo lamang siya at nakikinig sa mga ito nang may makita siya sa di kalayuan na nakikipagtawanan sa ibang mga bisita. Maya maya pa ay napatingin din sa gawi niya ang binata kaya napaiwas siya ng tingin. Nagulat na lamang siya nang nasa harapan na niya ito at nakangisi. “Hi Tasha. You’re here.” Puno ng sarkasmong sambit nito sa kanya kaya naman ngumiti lang siya ngunit hindi abot sa kanyang mata. “You knew each other?” Tanong ng mommy ni Jude at napatingin na rin sa kanila si Jude at Thalia. “Of course grandma, sinong hindi makakakilala kay Natasha? Kilala talaga siya sa school.” Makahulugang sambit ni Cole kaya naman hindi siya makaimik. Ngayon pa yata siya mabubuking ng ate niya sa mga pinaggagagawa niya sa school. “What do you mean? Is she also an active student?” Tanong naman ng daddy ni Jude. “Yes lolo, very active.” Natatawang sambit ni Cole kaya naikuyom niya ang kanyang kamao. Tinitigan ni Tasha si Cole ng makahulugan upang manahimik ito na nakuha naman agad ng binata kaya naman natatawa itong tumingin sa kanya at sa ibang kaharap nila. “Nauuhaw po ako. Saan po pwedeng kumuha ng tubig?” Pagiiba ni Tasha sa usapan para hindi siya ang maging sentro ng usapan ng mga ito kaya naman napalingon sa kanya ang mga magulang ni Jude. “Doon sa food banquet iha, Cole, samahan mo muna si Tasha.” Utos ng mommy ni Jude kaya naman tumango agad si Cole at giniya siya nito papunta sa kinaroroonan ng pagkain. “Pwede mo na akong iwan dito. Kaya ko ang sarili ko.” Sambit ni Tasha kay Cole habang nagtitingin siya ng bakanteng lamesa na pwede niyang pwestohan. “Bisita ka kaya kailangan kitang ientertain.” Sagot naman ni Cole. “We’re enemies Cole, wag kang umakto ng ganyan. Di mo bagay.” Nakairap na sambit muli ni Tasha. “Whoaw! Really Tasha? Ang bait mo kanina sa harap ng grandparents ko at ng kapatid mo, then now you’re acting different.” “Dahil nirerespeto ko sila at hindi ka karespe respeto.” Sambit niyang muli. Pasimple silang nagbabangayan ni Cole at hindi mo aakalaing may tensyon nang namamagitan sa kanilang dalawa dahil halos ngitian na nilang dalawa lahat ng taong makita nila. “Why is that? Is this because I rejected you?” Natatawang sambit ni Cole kaya naman mas lalong naikuyom ni Tasha ang kanyang kamao. “It’s all in the past Cole.” Pagdidiin pa niya dito. “Yeah, it’s all in the past pero sakit ka parin sa ulo ng Student Council.” Sagot naman ni Cole. Halos lahat na yata ng myembro ng student council ay nakaaway ni Tasha dahil lahat ng patakaran at event sa eskwelahang pinapasukan nilang dalawa ay sinasalungat ni Tasha, isa na roon ang pagsusuot ng boots sa school at kung anu ano pa ang pinapauso niya kaya naman inis na inis sa kanya si Cole lalo pa at maganda siya at pangmodel talaga ang katawan kaya naman maraming gumagaya sa kanya. Nagsimula ang pagiging pasaway niya nang umamin siya kay Cole na gusto niya ito at ipahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito. Sa dinami rami ng nagkakandarapang binata sa kanya sa loob at labas ng school ay kay Cole lamang siya humanga at umamin dahil gwapo, matalino at sa pagaakalang mabait ito dahil nakikita niya ang pagiging approachable nito sa lahat kaya naman sobra siyang nakaramdam ng galit sa binata sa ginawa nito sa kanya kaya naman sa pamamagitan ng paglabag niya sa mga rules and regulations ng School ay nakakaganti siya rito dahil si Cole ang binabakbakan ng mga teacher sa eskwelahan. “Effective pala?” Natatawang tanong ni Tasha kay Cole. “Yeah. Buti nalang hindi kita pinatulan. You know, hindi mga tipo mo ang gusto ko sa babae. Ang gusto ko sa babae may class.” Pangiinsulto pa uli ni Cole sa kanya at tila bumalik muli sa ala ala niya ang sinabing iyon ni Cole sa harap pa mismo ng mga kaibigan ni Cole kaya naman sobra sobra ang pagkapahiya niya. “Ok. So, ano pang ginagawa mo dito? Lubayan mo ako. Go!” Mariing sambit ni Tasha dahil sa galit na nararamdaman at tiningnan pa si Cole na nakataas ang kilay kaya naman napabuntong hininga si Cole at iniwan siya sa kinatatayuan. Halos pigil ni Tasha ang luhang gustong lumabas sa kanyang mga mata dahil sa mga sinabi ni Cole sa kanya. Akala kasi ng lahat porke’t laman siya ng club minsan ay wala nang patutunguhan ang buhay niya. She excels in academics pero hindi iyon napapansin ng iba. Para sa kanya puro pagkakamali niya ang nakikita ng iba. Lahat ng meetings sa school na kailangan ng parents or guardian ay siya lang yata ang wala dahil busy ang ate niya sa negosyo nila. Kaya naman for her, she doesn’t exist. Lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya nang ipahiya siya ni Cole. Nasobrahan yata siya ng kumpyansa sa sarili na hindi siya ipapahiya nito dahil kita niya kung paano tratuhin ni Cole ang ibang estudyante, ngunit nagkamali siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD