Ch 4 - Solid Ground

1754 Words
    Hindi ako umimik, matapang kong sinalubong ang nakakapaso niyang tingin. I'm not going to back down in front of this guy. Not to Nathan Baltazar, not to anyone.     "Bakit hindi ka gumanti ngayon? Hindi kita pipigilan." sarkastikong saad ko at inangat sa ere ang dalawa kong kamay. "Do what you want, I don't care. Kuhanan mo ko ng litrato, i-post mo sa internet o kahit ibigay mo pa sa media. Go on." matigas na panghahamon ko pa sa kanya.     Kung maririnig lamang ni Melanie ang mga pinagsasabi ko, sigurado akong madidismaya siya at agad na hihingi ng tawad sa lalaking 'to. But I'm not the type who begs for survival, I don't want to owe anyone anything.     Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong condo unit ko. Sagad sa lalamunan ang tawa na iyon. Iyong tipo ng tawa na hindi mo aakalain na manggagaling sa isang lalaki na may seryosong mukha na gaya ng sa kanya.     Mahaba at matagal ang naging pagtawa niya kaya't hindi ko na napigilan ang pagtaas muli ng aking kilay.     "Makapal pala talaga ang mukha mo." Unti-unting nawala ang bahid ng ngiti sa mukha ni Nathan.     Tumalim muli ang tingin niya sa'kin na tila ba isang maling galaw ko lang ay makakaya niya akong patubahin sa kinatatayuan ko ngayon. I've never felt this threatened my entire life.     "Do you think that's enough? Ilang buwan lang ba tatagal ang balita tungkol sa'yo sakaling ipagkalat ko nga ang mga nalalaman ko?" Itinaas niya sa kanyang harapan ang mga daliri na tila ba nagbibilang.     "Two weeks? One month? Maximum of 3 months? Tapos ano? Gagawa na naman ng gimik ang agency mo para sumikat ka ulit. Hindi naman ako tanga para padaliin ang lahat para sa'yo."     He is not an easy guy. Iyon ang impresyon na tumatak sa isipan ko. Alam niya ang laro sa industriyang ginagalawan ko. Maybe Melanie was right, he could be a decent man. Ngunit batid ko na kahit ano pang ka-disentehan niya'y isa lang ang malinaw ngayon - hindi siya isang kaibigan.     "What do you want me to do, then? Sa tingin mo ginusto ko 'to?" Hindi ko namalayan ang pagbasag ng aking tinig.     Hindi na naman gumagana nang ayos ang aking isipan kaya't napapikit ako.     You can't break down in front of a stranger. Black, not here. Lihim kong bulong sa aking isipan.     Bumabalik sa akin ang mga naramdaman ko noong gabing nagtangka akong magpakamatay sa rooftop ng bar.     "Just kill me, already." wala sa sarili kong naibulong.     "Shit." Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o kung kay Nathan nga ba galing ang katagang iyon. Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong hininga kaya't napamulat ako.     "You know what I hate the most in this f****d up world?" tanong nito nang magtama muli ang aming mga mata.     "Weak people like you. Oo, mahina din ang kaibigan ko. I won't defend him for that. Pero alam mo ang pinagka-iba ninyo? Namatay siya nang hindi nadudungisan ang dignidad niya, ikaw? You sold off your dignity to the masses and now you're trying to die to save yourself from all the mess you did?"     Those words made me flinch. Hindi ko nagawang ibuka man lang ang bibig ko upang ipagtanggol ang aking sarili. Masokista nga yata ako, gusto ko pang marinig ang mga salitang maaari niya pang ibato sa aking pagkatao.     "Ilang pamilya pa ba ang mawawalan ng ama dahil sa mga mapanirang blog post mo? Ilang anak pa ba ang maglalamay sa tatay nila? Alam mo ba kung ilang anak ang na-ulila niya? Wala ka bang puso?" Halatang nagpipigil lamang ito ng galit.     "You don't know me, you don't know what I've been through. Kaya huwag kang umakto na para bang hindi ko naisip iyang mga sinasabi mo." matigas na wika ko. Ang mga luha ko'y nakaamba nang pumatak mula sa aking mga mata ngunit pilit ko itong pinipigilan.     "Exactly, I don't know you and you don't know them. Kaya kung may natitira ka pang hiya sa katawan, ititigil mo ang paninira sa blog mo imbes na paulit-ulit mong balakin na magpakamatay sa bawat masisira mong buhay."     Sa pagkakataong ito'y ako naman ang napahalakhak. I see. It all boils down to that - to protecting one's interest. Rich people are so simple. Nirerespeto ko ang pagluluksa niya para sa kanyang kaibigan, ngunit lumalabas na ang tunay niyang sadya.     "Are you that scared about me posting about your resto?" diretsahang usisa ko.     He hissed in annoyance. Napainat siya ng leeg bilang senyales ng pagka-inis. "You think it's about that? Iyon lang ba ang nasagap mo sa mga sinabi ko?"     "Yes, and it's clear. Ano nga namang alam ng isang anak ng sikat na business man sa mga pagsubok sa buhay 'di ba? Capitalists like you are like that. Using everyone and anything to their advantage." napasigaw na rin ako. My thoughts are clouded with negativity again.     "Fine." tuluyan na rin siyang nagtaas ng boses. "Kung iyan ang gusto mong gawin, eh 'di sige. Let's make it that way, shut down your petty blog site or I'll do what I can in my power to ruin your public image. Okay na?" sarkastikong pagpapatalo nito sa aming diskusyon.     "Madali ka naman pala kausap eh. You can go." inis na utos ko sabay turo sa direksyon ng pintuan.     Umiling-iling siya at may inilabas na kapirasong papel mula sa kanyang bulsa. "Bilang maayos akong napaki-usapan ng manager mo, ito na ang mga detalye ng burol. Bahala ka na sa buhay mo." wika nito at inilapag ang papel sa lamesita bago tuluyan na tumalikod papunta sa pintuan.     ng buong akala ko'y tuluyan na siyang lalabas ngunit tumigil siya sa paghakbang. Muli niya akong nilingon na tila ba may naalala.     "And if I were you, itatapon ko na ang jacket mo. Mahirap tanggalin 'yang mantsa ng Korean Double Fried Chicken na specialty ng buffet namin."     Matapos ng mga katagang iyon, tuluyan na siyang umalis. Ako nama'y naiwan na nagtataka. Nahagip ng paningin ko ang jacket na nakasabit sa sofa na katabi ng lamesita. Napatakip ako ng bibig at mabilis na hinablot ito.     Ito ang jacket na suot ko noong nagpunta ako sa Baltazar's Finest. Ito rin ang suot ko noong nagwala ako sa stage ng bar at hila-hila ko rin ito noong nagtangka akong tumalon sa rooftop. Now it all makes sense!     "What the fuck." malakas na bulalas ko habang nakatingin sa mantsa ng sauce sa jacket ko. So, this is how he managed to find me?     Napabuntong-hininga ako at umupo sa sofa. Binalingan ko ang kapirasong papel na iniwan ng lalaking iyon sa lamesita. Hindi ko alam ang eksaktong pinaki-usap ni Melanie sa lalaking iyon pero nahuhulaan ko na ang gusto niyang gawin ko.     Tulad ng aking inaasahan, agad na tumunog ang aking telepono. Nag-flash ang pangalan ni Melanie sa screen kaya't sinagot ko iyon agad.     "How was it?" bungad niya sa akin.     Hindi ako agad nakapagsalita. Humugot ako nang malalim na hininga. "I don't know. Siguro naman narinig mo mula sa labas ang sigawan namin 'di ba?"     "Are you okay?" segundang tanong niya.     "Yes. May pupuntahan lang ako ngayon." wika ko at dinampot ang papel na nasa lamesita upang suriin ang nakasulat dito.     "Can I trust you this time? Hahayaan kita na pumunta mag-isa." may pahiwatig ang tono ni Melanie.     "Okay, I'll behave." sagot ko na may halong pagka-yamot dahil pakiramdam ko'y tinuturing niya 'kong bata. -     Maraming tao sa lugar na iyon, naririnig ko ang mga iyakan na unti-unting dumudurog sa aking puso. Sa paghakbang ko papasok ay bumungad sa akin ang malulungkot na mukha. Napakuyom ako ng aking mga palad sa tanawing iyon. Maraming nagmamahal sa taong ito - hindi lamang ang mayabang at kapitalista na si Nathan.     Tahimik akong umupo sa isang gilid at tumanaw sa kabaong. Kasabay nito ay pagbulong ko ng mumunting panalangin na sana'y payapa na ang kaluluwa nito. Gusto kong humingi ng tawad, ngunit kahit sa isip ko ay hindi ko magawang sambitin ang mga katagang iyon.     "Hello po." Isang tinig ang bumasag sa aking pagiisip. Liningon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at isang nakangiting dalagita ang tumambad sa akin. Kaswal siyang umupo sa tabi ko.     "Ako po si Helena. Anak ni Tenorio Alvarez. Kaano-ano ho kayo ni Papa?" inosenteng tanong nito sa akin.     Muli kong nilinga ang kabaong at binasa ang pangalan na naka-imprenta sa tarpaulin na nasa taas nito. Tenorio Alvarez. Isang kilala at kapita-pitagang chef. Kilala ito noon sa industriya, nitong nakaraan taon lamang ito nagbalik at nagpakilala ng bagong bukas na restaurant.     "N-naging estudyante niya ako." pagsisinungaling ko. Hindi yata kakayanin ng aking kalooban na aminin sa harap ng musmos na ito ang katotohanan.     Tumango ito at hindi nawala ang ngiti sa labi. "Nakaka-inspire talaga si Papa. Biruin mo, pang-siyam ka na sa mga estudyanteng dumalaw rito." galak na saad niya at hinawakan ang kamay ko. "Maraming salamat sa pagpunta. Sigurado akong natutuwa si Papa na may mga tao siyang natulungan na matuto at magmahal sa pagkain."     Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Bumigat ang aking dibdib sa bawat salitang binitawan niya. I don't deserve those words, I was the one who instigated his death. Ako ang dahilan kung bakit wala ng ama ang dalagitang ito.     Tuluyang tumulo ang aking mga luha. "S-sorry." nauutal kong saad.     "Okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong niya sa akin at nagkumahog na humanap ng tissue sa mesang kaharap ng inuupuan namin.     "I'm sorry." It finally slipped out of my mouth. Hindi ko mapigilan ang mga hikbi na tumatakas sa aking bibig. Nakalapat ang mga paa ko ngunit pakiramdam ko'y unti-unti akong lumulubog. Para bang gusto ko nang malunod sa sakit ng nararamdaman ko para sa batang kausap ko.     "I'm - "     Bago pa muling bumuka ang aking bibig ay isang kamay ang naramdaman kong humila sa aking braso. Nagdulot ito upang ako'y mapilitan na tumayo. Umangat ako ng tingin at tumambad sa aking harapan ang mukha ni Nathan.     "Kuya Nathan, andito ka pa rin pala." narinig kong bulalas ni Helena. "Kilala mo siya?"     Hindi umalis ang titig sa akin si Nathan. "Maguusap lang kami, Helena." Seryosong sagot niya.     Marahas niya akong hinagit palayo at hindi na hinintay ang sagot ng kausap. Wala akong naramdaman na kahit ano kundi ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Nanlalabo pa rin ang paningin ko bunga ng mga luha na namuo sa aking mga mata.      Gustuhin ko man na manlaban sa paghila ni Nathan, wala na akong lakas na natitira. Pakiramdam ko'y mawawalan ako ng malay sakaling magpatuloy pa ako sa pag-iyak at pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD