Ang maantang amoy ng gamot ang gumising sa aking kamalayan. Sa unti-unting paglinaw ng aking paningin, bumungad sa'kin ang nag-aalala na mukha ni Melanie. Nasa likuran niya ang kambal na si Tristan at Simon na tila inaabangan ang aking paggising.
Pamilyar na ang senaryong ito para sa'kin, ganito rin kasi ang nangyari dati. And that only means one thing, I failed again. I'm still alive.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Malayo sa madalas na seryosong pananalita ni Melanie, halata sa kanya ngayon ang labis na pagkabahala.
"I'm fine." mahina kong saad ngunit sa totoo'y wala akong mahugot na lakas. Nakakaramdam pa rin ako ng matinding hilo sa tuwing sinusubukan kong igala ang aking paningin.
"You're fine? Sa lagay mong 'yan, sa tingin mo maniniwala kami?" Walang bahid ng panunuya ang pahayag na iyon ni Simon.
He might be a trash of a guy most of the time, but he knows when to be serious. And right now he's mad. "Mabuti na lang ay nakita ka ni Nathan sa rooftop kung hindi - "
"Nathan?" nabiglang putol ko sa panenermon niya. Unti-unti kong naalala ang mga pangyayari kagabi at ang lalaking pumigil ng pagtalon ko. His face suddenly flashed in my mind.
"s**t, it was that guy." napalakas na bulalas ko. Akma sana akong mapapa-balikwas ng bangon sa gulat ngunit nakaramdam ako ng hilo kaya't muli akong napahiga.
"Hey, careful." saway ni Tristan sa'kin at inalalayan akong makahiga muli nang maayos.
"What about Nathan? Kilala mo ba siya?"
Nagpalitan kami ng tingin ni Melanie kasabay ng aking paglunok. "Nathan, as in Nathan Baltazar of Baltazar's Finest?"
"So, you do know him?" gulat na wika ni Simon.
"Actually noong gabi na iyon, bachelor's party ng future brother in law niya. Ni-request niya lang na gawin venue ang bar, kaya nga nagulat kami noong sinabi mo na kakanta ka."
Found you. Muling umulit sa aking isipan ang mga katagang nabasa ko sa bibig ng isang lalaki habang kumakanta ako kagabi sa entablado. Come to think of it, those eyes and that Baltazar's eyes were quite similar. Bullshit!
Napa-sapo ako sa aking noo at umiling. "Hindi niya naman alam na ako si DJ Black, hindi ba?"
Hindi ko na napigilan itanong. Napabuntong-hininga si Melanie na para bang nahuhulaan na ang iniisip ko.
"Bakit naman niya malalaman? Business partner lang naman namin siya.." paninigurado ni Tristan sa akin.
"No-nothing. Never mind." tipid na sagot ko.
Inisip ko na lang na baka bunga lamang ng kalasingan ko ang mga nakita ko noong gabing iyon. Tama, nagkataon lamang na andoon ang mayabang na lalaking iyon at siya ang nakasagip sa'kin. Wala nang ibang ibig sabihin. Napapagod na ang utak ko na mag-isip ng mga posibleng mangyari.
Nagpaalam si Melanie para pumunta sa agency at i-file ang leave of absence ko. Gagawan na rin niya ng paraan upang hindi makarating sa magaling kong ina ang nangyari sa'kin. Si Simon naman ay bumalik na sa bar dahil kakagat na ang dilim at kinakailangan na siya sa magaganap na event ngayong gabi.
Isang buong araw din pala akong nawalan ng malay bago ako magising. That explains why they all look worried kanina. Si Tristan naman ang nagpaiwan para bantayan ako.
"So, can you talk now?" wika nito at pumuwesto sa upuan na katabi ng kama.
"Anong nangyari?"
I sighed. Sinasabi ko na nga ba't kaya nagpaiwan si Tristan ay para gisahin ako sa ginawa ko. Wala akong nagawa kundi magbuntong-hininga bilang pagkilala sa aking pagkatalo.
"Someone died." mapait na saad ko. Hindi ko naiwasan ang pagpinta ng lungkot sa aking mukha.
Nanatiling walang emosyon ang mukha niya,"Sino?"
"Iyong may-ari ng restaurant na ni-rate ko sa blog. Nagpakamatay siya." parang batang sumbong ko. Tuluyang tumakas ang mumunting hikbi sa aking mga labi.
He didn't flinch. Hindi ako inalo o binigyan ng anumang simpatya ni Tristan. Nanatili ang matigas na ekspresyon ng mukha niya.
"Kaya gusto mo na rin mamatay?" May bahid ng panunuya ang tono ng pagsasalita nito.
Hindi ako nakasagot kaya't inangat ko na lamang siya ng tingin. Nakatitig siya sa'kin na para bang walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko.
"Sa tingin mo, mababago ng pagpapakamatay mo ang pagkamatay niya?" marahas na pahayag niya at inalis ang pagkakatiklop ng kanyang mga bisig.
"Wala na, Leontine. Patay na siya at kahit baliktarin mo pa ang mundo, hindi mo na mababawi ang ginawa mo."
Parang sampal ang mga katagang iyon sa'kin. Hindi man madalas magsalita si Tristan ngunit siya ang laging gumigising sa'kin sa katotohanan mula pa noong mga bata pa kami.
"Mahina ka, Leontine." dagdag pa ni Tristan. Hindi pa rin napuputol ang pakikipagtitigan niya sa'kin. "Panindigan mo ang mga ginawa mo. Kung may nagawa kang mali, itama mo."
I was left in awe. Matapos ang mga katagang iyon, nagmartsa si Tristan palabas ng kwarto. Yes, it was harsh. But that's what I needed. Iyon ang kailangan ko upang patuloy na mabuhay. Ako ang may hawak ng sagwan, kaya't ako rin ang dapat magdesisyon sa tatahakin kong landas.
Nabaling ang paningin ko sa bunbon ng rosas na nasa ibabaw ng lamesita. May card ito na nakalakip kaya't hirap man ay pinilit ko itong abutin. Pinunasan ko ang aking mga luha bago tuluyang buksan ang kapirasong karton na iyon.
Baltazar's Finest wishes you good health.
Napataas ang kilay ko sa mensahe nito. Kumpirmado.
Alam na nga ng Nathan na 'yon ang aking pagkatao. Nakadagdag pa ito ngayon sa bigat ng mga iniisip ko. Sigurado akong kumalat na sa internet ang pagpunta ko sa Baltazar's Finest at hinihintay na ng mga tao ang blog post tungkol dito. Pero paano ko gagawin iyon kung may hawak na alas ang lalaking iyon laban sa'kin?
-
Ilang araw rin akong nakaratay lamang sa ospital. Mabuti na lang ay matapos ang isang linggo ay pinayagan na ako ng doktor na sa condo na lamang magpagaling at tatlong araw pa'y makakabalik na ako sa trabaho. Mas magaan na ngayon ang pakiramdam ko.
Pinilit kong hindi isipin ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Hindi ko kasi alam kung anong solusyon pa ba ang dapat gawin. Lalo na sa lalaking iyon.
"Black." Bumalik na sa pagiging pormal ang tono ng pagsasalita ni Melanie.
Inilapag niya ang juice ko sa mesa pati na ang lagayan ng gamot na ni-reseta ng doktor. "Huwag mong kalimutan uminom ng gamot."
Marahan akong tumango at lumagok ng juice mula sa baso, "Aagahan ko ang balik sa trabaho. Bukas papasok na ako." Anunsyo ko.
"Huwag mo munang isipan iyan." sagot ni Melanie at nagbuntong-hininga. "May kailangan ka pang asikasuhin."
"Like what?"
"Alam ko hindi ka pa okay. Isa lang naman ang naiisip kong ugat nito eh." may pagaalinlangang wika niya.
"I invited him over. Kausapin mo siya. Ask him about that man. Alam kong iyon ang gumugulo sa utak mo."
Mapabagsak ako ng baso sa lamesa at tumayo, "Mela! What do you mean you invited him here? Alam mong walang puwede makaalam ng identity ko until - "
"He already found you out, Leontine. There's no use being skeptical about this." putol niya sa pagpoprotesta ko.
"Nakausap ko na siya, wala siyang ilalabas sa mga nalaman niya. He's a decent man."
Umangat ang init sa aking ulo. Ang mayabang na lalaking iyon? A decent man? Really, now?
"Paano naman kayo nakakasiguro?" inis na tanong ko.
"He saved your life for heaven's sake."
Hindi ako nakasagot sa punto na iyon ni Melanie. There you have it. Lumabas na naman ang pagiging isip bata ko. Muntik ko pa malimot na siya nga pala ang sumagip sa'kin bunga ng inis ko sa pinadala niyang bulaklak na may pangalan pa ng restaurant niya.
It almost felt like he's reminding me that he's holding a card against me, so I should think twice in posting that review in my blog.
"Look, Leontine."
"Don't call me that. Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo?" galit na puna ko at nagtiklop ng aking mga braso.
"Okay, Black." pagpapatalo niya sa'kin. "Alam kong gusto mong malaman ang detalye sa pagkamatay ng restaurant owner na 'yon. I asked him a favor, please be good to him. Okay?"
"I'll try." sagot ko na lang.
Hindi na nakipag-diskusyon si Melanie sa naging sagot ko. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papunta sa pintuan. Matapos nito'y namayani sa paligid ang katahimikan. Malamang ay lumabas na siya ng condo unit.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa aking kwarto. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Malayong-malayo sa itsura ko noong nasa bar ako kagabi, mas may kulay na ako ngayon. Nakatulong siguro ang isang linggong pagpapahinga ko sa ospital.
Maya-maya pa'y narinig ko na ang doorbell sa may pintuan. I sighed. Andito na siya. Sumulyap ako muli sa salamin upang ayusin ang aking buhok bago tuluyang humakbang palabas ng kwarto.
Sa pagpihit ko pabukas ng pinto, tumambad sa'kin ang lalaking iyon. Naka-polong puti at pantalon na itim. Walang mabasang ekspresyon sa mukha niya at nakatitig sa'kin. Tinitigan ko rin lamang siya sapagkat hindi ko malaman kung paano ako magsisimulang kausapin siya.
"So, dito ba tayo mag-uusap?" sarkastikong tanong niya.
Pumitik muli sa aking utak ang inis. For some reason, his manner of talking agitates me. Nagtaas ako ng kilay at sinenyasan na lamang siyang pumasok sa loob.
Tumalima naman siya. Dito ko lang napansin ang dala-dala niyang basket ng prutas. Kaswal lang na ibinaba nito ang mga iyon sa mesa na tila ba bahay niya ang condo unit ko.
"I just came here to check. Baka kasi may lusutan dito at tumalon ka na naman." mapanuyang saad niya habang lumilinga sa paligid.
Nagpintig ang mga tenga ko ngunit pinilit kong huwag ipahalta sa kanya ang inis ko. I flashed him the fakest smile I could possibly manage my whole life. "Salamat nga pala ha. Kundi dahil sa'yo patay na 'ko."
"Sayang nga eh." Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Seryoso ang tono niya at walang halong pagbibiro o panunuya. Nakatitig siya sa'kin na para bang nakikita niya ang kaibuturan ng aking kaluluwa. "Eh di sana napaghiganti ko ang kaibigan ko."
Napalunok ako. I forgot one thing about this guy. His friend died because of me. Ano nga bang inaasahan ko mula sa kanya? Simpatya? Pagpapatawad? Pero tulad nga ng sinabi ni Tristan, wala akong magagawa kundi itama ang mga mali ko.