"You are one crazy woman." galit na bulalas ni Nathan at marahas na binitawan ang aking kamay.
Hindi ako umimik, abala ako sa pagpunas ng mga luha kong tila ayaw nang tumigil sa kaka-agos. Dama ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib kaya't sinapo ko rin iyon at humugot ng mumunting malalim na paghinga.
"Just give me a minute." mahinang bulong ko nang akma siyang magsasalita muli.
Hindi ko rin mawari kung bakit pumasok sa utak ko na ipagtapat sa dalagitang si Helena ang lahat. Bigla na lang umapaw ang emosyon ko nang makita ko ang pagpupunyagi nito para sa ama sa kabila ng kinahantungan ng kamatayan nito.
It makes me wonder, if I were to die; I don't think there's anyone who will be proud of me like how that girl admired her father's legacy.
"Bakit ka nandito?" sinubukan kong maging kaswal ang tono ng aking pagtatanong.
Sa totoo lang, hindi ako komportable na ang taong ito lagi ang nakaka-saksi sa mga pagkakataong mahina ako.
"Tama nga ang sinabi ng manager mo." May himig ng dismaya ang boses niya. Umiiling-iling siya habang nakatingin sa akin.
Kumurap-kurap ako, bumakas ang pagtataka sa aking mukha. "Anong sinabi ni Mela?"
Napabuntong-hininga siya. "You're really selfish, aren't you?" sarkastiko niyang wika, tila walang balak na sagutin ang tanong ko.
"Wala akong paki sa tingin mo sa akin, Nathan Baltazar." matigas kong saad. Parang posporo na nasindihan muli ang inis ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi'y pinigilan niya ang tuluyang paglaya ko sa tinik na nakabara sa aking lalamunan.
"Akala ko pumunta ka rito para makiramay." Isang dismayadong tingin ang ipinukol niya sa akin.
"And yet again, you tried to save yourself. Sa gitna ng kalungkutan ng iba, sarili mo na naman ang iniisip mo."
Those words burned through my ears. Bakit ba kapag ang lalaking ito ang nagsasalita'y para bang nagdadalawang-isip ako sa mga paniniwala at prinsipyo ko?
"Ano na naman bang mali? Palagi na lang ba akong mali?" Muling tumulo ang mga luhang pinaghirapan kong patigilin kanina.
Damn it!
"Sa tingin mo ba, binigay ko ang impormasyon sa burol para gumawa ka ng eksena dito?" Hindi natinag ng pagluha ko ang matapang niyang pagtitig sa akin.
"Hindi ba ito ang tamang gawin? Iyong magmakaawa ako? Iyong aminin ko ang totoo?" Napataas na ang boses ko. Nalilito na ko. Ano ba talagang gusto ng Nathan na 'to? Why does he keep bothering me?
"Tamang gawin? You think it's right to admit and cause trauma to an innocent girl?" wika niya kasabay ng isang mahinang pagtawa.
"Para lang masalba ang konsensya mo, sisirain mo ang magandang alaala ng isang anak sa ama niya?" pagpapatuloy niya sa kanyang marahas na dayalogo.
"Ano bang gusto mo? Bakit mo ba binigay sa'kin iyong mga detalye ng burol? Hindi ba para humingi ako ng tawad sa ginawa ko?" nanggagalaiti nang sagot ko.
Hindi naman siya papayag na ibigay sa'kin ang mga detalye ng burol kung wala siyang gustong mangyari dito 'di ba? Kaya hindi ko alam kung bakit pumuputok ang butchi ng lalaking ito sa akin.
"Hindi." tahasang sagot niya sa'kin.
"May magagawa ba ang paghingi mo ng tawad? Sa tingin mo ikagagaan ng loob nila na makita ang tao na sumira sa pamilya nila?"
"Eh bakit nga? Ano ba talagang gusto mong gawin ko?" tuluyan na akong napasigaw.
"Para magising ka sa katotohanan." saad niya na. Katulad ng inaasahan, tila hindi siya natinag sa pagsigaw ko.
"Miski pagkitil ng buhay mo, hindi maibabalik ang mga sinira mong buhay. Para makita mo kung gaano kahalaga ang mabuhay nang may dignidad."
Those words are like the end of my sanity. Parang may kung anong malakas na tunog ang dumagundong sa pandinig ko. Nakatingin ako kay Nathan, pinagmamasdan ko ang pagbukas ng bibig niya ngunit wala ni isang katagang rumi-rehistro sa utak ko. Hindi ako umimik at dahan-dahang pumihit upang talikuran siya.
Tuloy-tuloy akong naglalakad, ang tanging nasa isip ko ay makaalis sa lugar na iyon. Makalayo kay Nathan Baltazar at sa mga kataga niyang bumubudbod ng asin sa mga malalalim kong mga sugat.
"Miss. Magpapakamatay ka ba?" Isang galit na singhal ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Paglinga ko sa paligid ay nasa gitna pala ako ng kalsada at sumalubong sa direksyon ko ang mga rumaragasang sasakyan.
Bago pa ako tuluyang masindak ay nadama ko ang isang mahigpit na paghawak sa aking braso. Nang umangat ako ng tingin, hila-hila na ako ni Nathan papunta sa sidewalk malapit sa labasan ng parking lot.
Nang bumitaw siya sa pagkakahila sa akin, narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga. I honestly don't know how to describe the way he looks at me right now. Ibang-iba kasi iyon sa tingin na madalas niyang iginagawad sa'kin.
Galit, pero hindi iyong galit na nangungutya. Ayoko lamang aminin ngunit may nababasa akong pag-aalala sa mga mata niya. It felt weird.
"Hobby mo ba talaga magbaliw-baliwan?" galit na tanong ni Nathan at napahilamos na ng mukha sa sobrang inis.
No words emerged from my mouth. Para bang niyayanig pa rin ang buong isipan ko sa sobrang gulat. Bakit nga ba ako lumakad paaalis? Paano ako nakarating sa labas? Ang alam ko lamang ay gusto kong makalayo, ayoko nang marinig pa ang mga sinasabi niya.
"Ihahatid na kita pabalik sa condo mo." biglaang anunsyo niya na nagdulot para kumurap-kurap ako sa kanyang harapan.
"H-Ha?" nauutal na tanong ko. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba ang mga narinig ko.
"Sabi ko, ihahatid na kita." mariing pag-uulit niya at walang anu-ano'y hinagit muli ang braso ko upang hilahin papasok sa parking lot.
"Teka, hindi pa 'ko pumapayag!" pasigaw na pagmamatigas ko at nanlaban sa pagkakahawak niya sa akin."Let me go!"
"Wala akong paki. Kargo pa kita kapag dito ka naaksidenteng baliw ka." sarkastikong sagot ni Nathan. Tila walang epekto sa kanya ang marahas kong panlalaban.
Nang marating namin ang harapan ng isang pulang Lamborghini Gallardo, binitawan niya ang braso ko at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Get in." mala-prinsipeng utos niya.
Inirapan ko lang siya at nagtupi ng magkabilang mga braso. "Ayoko. Okay? I won't accept any kind gestures from an arrogant man like you."
Akma na akong lalakad palayo pero nahila niya akong muli kasabay ng pwersahang pagpapapasok sa akin sa loob ng kotse. Sa sobrang lakas niya'y wala akong nagawa kundi mapa-upo sa front seat.
"Ano ba!" malakas na singhal ko sa kanya.
"This is not a kind gesture. Ayoko lang na maging kargo pa kita sakaling mabaliw ka na naman at mapahamak dito." wika niya sabay bagsak ng pintuan ng kotse pasara.
Maya-maya pa'y pumasok na siya ng sasakyan. Akma ko sanang ipipihit ang pintuan ngunit nang itulak ko ito pabukas ay nabigo ako. Lumingon ako sa direksyon niya at unti-unting umangat ang gilid ng kanyang labi.
"You - "
Muli ko sana siyang sisigawan ngunit natigilan ako sa aking nakita. Napansin niya rin ito kaya ibinaba niya ang salamin ng pintuan ng sasakyan.
"Kuya Nathan." It was Helena. Nakangiti siyang sumilip sa bintana at kumaway. "Okay na po ba kayo, Ate?" kaagad na tanong ng dalagita nang makita ako.
"O-Oo. Pasensya na." tanging naisagot ko na lang bunga ng takot na baka tumulo na naman ang aking luha at maisipan ko na namang ipagtapat ang lahat.
"Mabuti naman po." galak na wika ni Helena at bumaling kay Nathan. "Naku, ang swerte mo naman Kuya Nathan. Ang ganda-ganda ng girlfriend mo."
Sabay kaming napa-ubo sa sinabi ng dalagita. "Babalik ako, Helena. Ihahatid ko lang siya pauwi." Pagbabago ni Nathan sa usapan at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang ngiti niyang walang bahid ng kahit anong panunuya.
"Okay po. Ingat po kayo." masiglang sagot nito.
"Huwag ka nang iiyak ate ha. Sigurado akong nasaan man si Papa, masaya na siya."
Napatulala na lamang ako sa sinabi niyang iyon. The next thing I know, the car is already on the road. Hindi ko alam kung natugunan ko ba ang sinabi ni Helena.
"Put on your seat belt." untag ni Nathan sa akin. Walang namutawing protesta sa bibig ko at tumalima na lamang sa utos niya. Ilang sandali pa'y isang box ng tisyu ang ibinato niya sa kanlungan ko.
"Ayan, kung may iiiyak ka pa."
"Shut up!" humihikbing bulalas ko habang dinadampi ang kapiraso na tisyu sa aking mga mata. Inilingan niya lang ang ginawa kong iyon at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hindi kami nag-imikan buong biyahe. Nakakahiya man, hindi ko napigilan ang patuloy kong pag-iyak. Wala naman akong narinig na reklamo o komento mula sa kanya. Nagmamaneho lang siya na para bang hindi naririnig ang sunod-sunod kong hikbi. Pakiramdam ko nga'y mukha na akong tanga sa paningin niya.
"Maraming salamat, Mr. Baltazar." wika ni Melanie nang makasalubong namin siya sa harap ng building kung nasaan ang condo unit ko.
"Don't thank me. Ito na ang huling beses na gagawa ako ng pabor para sa babaeng 'to." seryosong wika ni Nathan.
Napakurap-kurap ako at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Clearly, there's something here that I don't know.
"Bakit ka nagpapasalamat sa kanya?" nagtatakang tanong ko kay Melanie at napataas ng kilay.
"Come to think of it, he mentioned something lately - "
"I'll go now." anunsyo ni Nathan at tuluyan kaming tinalikuran.
Nang humarurot ang kotse ng mayabang na lalaking iyon, kaagad na bumaling ako kay Melanie. "Ano 'yon, Mela?"
"N-Nothing, Black." nag-aalangan na sagot niya sa'kin. "Anyway, magbihis ka na. Pupunta tayo sa agency."
Kumunot ang noo ko sa aking narinig. "Bakit? Anong gagawin natin sa agency?"
"Pinapatawag ka ni Sir Arcell."
Napa-sapo ako ng noo. Isa lang kasi ang ibig sabihin kapag si Arcell na ang nagpapatawag sa akin. Problema. Ang huling usap namin ay noong kumalat sa internet ang tungkol sa paghihiwalay namin.
Yes, Arcell was my ex. The man who owns the agency I work for, was my lover back then. Magkasama din kami noon sa radio program, kumabaga tandem. Ang plano noon ay ire-reveal namin ang mga mukha namin sa publiko pati na ang relasyon namin. Not until my attempted suicide tendencies, where he finally gave up on me.
Hindi na ako nagsayang ng oras pa. It was a tiring roller-coaster day for me but I can't decline Arcell's invitation. He's my boss after all. Hinatid ako ni Melanie sa agency matapos kong magbihis. Hindi na rin ako nagpasama sa kanya sa loob dahil alam ko naman na ma-iilang lamang siya. Batid niya kasi ang lahat ng detalye sa hiwalayan namin noon.
Humugot ako ng malalim na hininga nang marating ang harap ng pintuan ng opisina niya. Hindi na rin ako nag-abalang lingunin pa ang natatarantang sekretarya niya.
"Here we go." bulong ko kasabay ng pagpihit pabukas ng pintuan.
"M-ma'am." narinig kong pagtawag ng sekretarya sa akin ngunit huli na ang lahat sapagkat bukas na ang pinto.
What I saw next was unsightly. May babaeng nakapatong sa kandungan ni Arcell, masidhi silang naghahalikan. Nang mapatikhim ako, saka lamang sila nagkalas bunga ng gulat.
"L-Leontine." nauutal na bulalas ni Arcell at mabilis na itinulak ang babae palayo.
I rolled my eyes and let off a firm smile. Hindi naman na ako nagulat pa, simula noong naghiwalay kami ay ganito na ang naging gawain niya.
"Pinatawag mo daw ako." tipid na saad ko na lang at tinignan mula ulo hanggang paa ang babaeng iyon na abala na magbutones ng suot na blouse.
Kilala ko siya, isa ito sa mga empleyado sa agency. Sikat ang babaeng ito sa pagiging resident f**k girl sa opisina.
"Istorbo!" pasinghal na bulalas nito at walang sabi-sabi na nagmartsa palabas ng pintuan.
Nang marinig ko ang padabog na pagsarado ng pinto ay agad kong binalingan si Arcell. "Baka gusto mong ayusin muna ang sarili mo bago ka makipag-meeting sa akin?" sarkastiko kong saad.
Isang halakhak lamang ang itinugon niya sa komento kong iyon. Kinuha niya ang kanyang puting polo sa sahig at nagsimulang ibutones ito. "Conservative ka na ba ngayon, Leontine?"
"No, but I'm an employee here and you are my boss. Dapat pormal tayo." paliwanag ko at umupo sa upuan na nasa harap ng table niya.
"And please, don't ever call me by that name again."
"Okay." pagpapatalo nito at tuluyan na ring umupo nang matapos magbihis. "So, how was Nathan Baltazar?"
"What?"
"Oh come on. Akala mo ba hindi nakarating sa akin? How chummy you two became? Niligtas ka pa nga niya hindi ba?" May himig na ng panunuya ang tono ni Arcell.
"What? Chummy? Anong pinagsasabi mo, Arcell?" naguguluhan kong tanong dahil sa pagkaka-alam ko, walang alam ang agency sa nangyari sa akin.
"Melanie told me. Hindi niya pupwedeng itago sa akin iyon." maagap na paglilinaw niya na nagdulot para mapailing ako at mapasapo ng noo.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Black. Madali ka pa rin mauto. Ayan, pati ang Baltazar na iyon napa-ikot ka." dagdag pa nito na lalong naghatid ng pagtataka sa isipan ko.
Inilapag niya sa harapan ko ang isang tablet. "Take a look, headlines ka. Congratulations."
Napalunok ako bago basahin ang nakalagay sa screen ng tablet.
DJ Black of Black Sessions, attempted suicide.
DJ Black tinangkang magpakamatay sa rooftop ng isang bar sa Makati!
Nanlaki ang mga mata ko sa aking mga nabasa. Is this real? Umangat ako ng tingin kay Arcell at nakita ko ang pagpinta ng dismaya sa kanyang mukha.
"Paanong lumabas 'to? Sinong naglabas nito?"
"Sino sa tingin mo?" pagbabalik niya ng tanong sa'kin.
I bit my lip. Could it be Nathan Balatazar?