bc

Pitch Black (Tagalog)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
11.5K
READ
dark
sadistic
drama
comedy
bxg
city
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

Blue pills. Slamming of the door. Screams of despair. A rotten family.

Everything about her reminds him of his old dark self. As he keeps on being drawn to her, he started to hope that he could save her out of the shadows he was once trapped into.

But she's Black - she wants no saving from anyone.

(Baltazar Brother's Series #1)

TRIGGER WARNING: This story has themes such as depression, suicide, and self-harm which aren't suitable for young audiences. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Ch 1 - Saturated
"Too salty." Napailing ako nang dumapo ang piraso karne sa aking dila.  Dismayado kong ibinaba ang platito at tinidor sa gilid ng mesa kung saan nakahilera ang mga iba pang food containers. Dahan-dahan kong dinukot ang sticky note at ballpen mula sa aking bulsa at nagsimulang magsulat. "3 out of 5, too salty." Nang maisulat ko ang mga katagang iyon sa kapirasong papel, kaagad ko itong idinikit sa tabi ng pagkain na aking tinikman. "Black, hindi pa ba tapos 'yan?" bulong ni Melanie sa gilid ko. Halata na ang pagka-inip at inis sa tono niya. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay balik ng ballpen sa aking bulsa. I needed more time, but it's not like I can ignore her pleading. "Almost done." tipid na sagot ko habang nagsusuot ng mask at sunglasses upang takpan ang aking mukha. Luminga ako sa paligid. Nasa labas ma’y naaaninag ko na ang kislap ng mga kamera. Tulad ng nakasanayan, sinenyasan ni Melanie ang mga security personnel na kasama namin. Mabilis nila akong pinalibutan upang wala ni isang reporter ang makakuha ng litrato ko. "Huli na 'to, Black. Okay? Hindi ko na kukunsitihin itong pagiging food critic mo sa susunod." masungit na bulalas niya at hinila ang hoodie na suot ko upang mas lalong takpan ang aking ulo. "Let's go." "Okay." kibit-balikat na saad ko. Melanie and the head of security exchanged meaningful looks. Matapos noon, nagsimula kami na humakbang patungo sa labasan. Binalikan ko ng tingin ang mga food containers na nilagyan ko ng sticky note. I smirked -  filled with immense satisfaction. I was a bit disappointed, to be honest. Ang sabi kasi ng mga bumibisita sa blog ko, ito ang restaurant na tatapos sa pagiging food critic ko. Ngunit katulad ng inaasahan, walang ni isang putahe roon ang nakahuli sa aking panlasa. Halos hindi ako makapaniwalang hinahain nila ang mga ito sa napaka-mahal na halaga. "Excuse me." Isang tinig ang nagpahinto sa paglalakad namin palabas. Lilingunin ko sana ang pinanggalingan ng boses ngunit maagap akong pinigilan ni Melanie. Umiling siya habang nakatapik sa aking balikat at walang sabi-sabi siyang humakbang  papunta sa likuran. "Yes?" Her stern voice that never fails to send charisma out the air. Hindi ko man nakikita, nabubuo ko na ang imahe ng mataray niyang mukha sa aking isipan. "May I talk to Miss Black?" ramdam ko ang matinding pagtitimpi sa boses ng lalaking iyon. Para bang gusto na niyang magtaas ng tono ngunit sinusubukan niyang maging kalmado. "I'm sorry. We're responsible for our talent's privacy and safety, so we can't let you do that." pormal na tanggi ni Melanie sa kanya. "If you have any concerns that you wish to extend to her, you may tell me. I'm her manager." Saglit na tumahimik ang paligid. Ang buong akala ko'y nawalan na ng loob ang lalaking iyon. Ilang sandali lamang ang lumipas, isang sarkastikong tawa ang umalingawngaw sa buong restaurant. Napalunok ako at matamang tumingin sa aking relo. Mukhang made-delay na naman ako sa susunod kong schedule ngayong araw. "For privacy and safety, is that right?" Malayo sa kaninang kalmado at nagtimtimpi nitong boses, naririnig ko na ang bahid ng panunuya sa kanyang pananalita.  "You came here to belittle my restaurant. You disturbed my business by attracting all these reporters and gave inconvenience to my customers - now you're talking about her privacy and safety? How about ours?" Nagpintig ang mga tenga ko sa aking narinig. What was that? I was here to belittle his restaurant? Kinuyom ko ang aking mga palad upang pigilan ang sarili na sumugod at sagutin ang mayabang na lalaki na 'yon. The nerve to talk like that when you can't even serve proper quality of food? "After that, what? Magpo-post siya ulit ng mga mapanirang blog post tungkol sa isang restaurant?" He scoffed. Kasunod nito ang malakas niyang pagpalakpak sa hangin na tila ba sinasadyang pukawin ang aking atensyon. "And then, she'll be back hiding behind her mysterious radio persona where no one knows her identity.  How convenient."  That's it. Pakiramdam ko'y may kung anong bagay na nagliyab sa aking paningin. Tuluyan akong lumingon, binalya ko ang mga nakaharang na security sa paligid ko at humakbang palapit sa lalaking kausap ni Melanie. "You mean to say, Balatazar's Finest does not encourage constructive criticism on your food and services?" sarkastiko kong sabad. Lumingon sa'kin si Melanie, tila gulat na gulat sa biglaan kong pagsali sa usapan. I know this guy. Napanood ko na siya sa telebisyon at sikat din siya sa internet bilang celebrity chef kuno. For me, he's nothing but a good looking guy who uses food to gain popularity. Anak ng isang business man na kumakapital upang lalo pang yumaman. Hindi na ‘ko nagtataka kung bakit ganito ang akto niya. He flashed the fakest smile I’ve ever seen my entire life. Iyong tipo ng ngiti na batid kong lihim na tumutuligsa sa aking pagkatao. Mas lalong pumitik ang inis sa aking isipan dahil doon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at umiling. "Constructive criticism? So that's your excuse in doing all these." "Kung constructive criticism ang intensyon mo sa lahat ng mga blog post mo, you're doing it wrong. The word constructive isn't ahead of criticism for no reason, it is an advice to improve - not bury every other restaurant to the ground!" Sa pagkakataong ito'y ako naman ang natawa. Hindi isang mahina at sopistikadang tawa, kundi tawa na gumagasgas sa aking lalamunan. Sa tingin ba ng lalaking ito ay nagmamagaling lamang ako at nagpapasikat sa mga blog post na ginagawa ko tungkol sa mga restaurants? This is serious matter for me.  "Kung ayaw ninyong mailibing sa hukay ang mga restaurants ninyo, bakit hindi niyo inayos ang serbisyo ninyo sa umpisa pa lang? What kind of management is this?" I palmed my face in genuine disappointment. Sa sitwasyong ito, hindi ko na alintana kahit maraming reporter pa ang naghihintay sa labas. This guy is getting on my nerves. "Ang mamahal ng pagkain ninyo pero ganito ang lasa?" marahas kong dagdag at tiniklop  ang aking magkabilang braso. "I'm on the customers' side. Food is supposed to be bringing comfort and satisfaction, but capitalists like you are using it to your advantage. So at the very least, please do your job right." Naramdaman ko ang paghawak ni Melanie sa aking braso, isang paalala na kailangan ko nang itigil ang engkwentrong 'to. But I was too caught up with my anger to stop. "At kung sa tingin mo mapipigilan ng paggawa mo ng eksena ang pagbibigay ko ng opinyon tungkol sa restaurant mo, nagkakamali ka. Expect my post to include how rude the owner of this crappy place is." muling babala ko nang akma pa siyang sesegunda sa mga sinabi ko. "Expect a lawsuit from my lawyers, then," hindi nagpatinag na sagot nito. Nagngingitngit sa galit ang mga mata niya habang nakikipagpalitan ng tingin sa'kin. "Sure, I'll be waiting." kumpiyansang saad ko at tuluyan siyang tinalikuran. Dinagit ko ang kamay ni Melanie dahil tila hindi na siya makakurap bunga ng gulat. "Let's go, Mela." "Just to let you know, selfish woman..." Akma na sana kaming hahakbang palabas nang muli kong marinig ang boses niya. Sa pagkakataong ito'y mas malumanay na ang paraan ng kanyang pagsasalita.  "Iyong may-ari ng huling restaurant na binigyan mo ng review sa blog mo, nagsarado na sila tulad ng gusto mo. Leaving its employees jobless, and my friend - my very close friend who owns that restaurant," Bahagyang naging basag ang dulo ng kanyang mga kataga. "He committed suicide."   Nanatili ang mga sinabi ni Nathan Baltazar sa aking isipan hanggang kinagabihan. Natapos na ang radio program ko ngayong araw ngunit parang isang multo na sumusulpot-sulpot ang tagpong iyon sa utak ko. Nako-konsensya nga ba ako? Why would I? Isang kalokohan. Paanong naging kasalanan ko ang kahinaan ng isang tao?  Tinignan ko ang aking pulso at napa-iling. There it is, the scar of my foolishness. Mabuti pa nga ang taong iyon, nagtagumpay na tapusin ang kanyang paghihirap. Samantalang ako, hindi ko alam kung bakit palagi na lang nabubulilyaso ang lahat ng pagtatangka ko. "Are you okay,  Leontine?" untag ni Melanie sa pananahimik ko. Mukhang kanina niya pa ako kinakausap ngunit walang rumi-rehistro sa utak ko. "Don't call me by that name," tipid na saad ko. Leontine. Ang pangalan na ibinigay ng taong labis kong kinamumuhian. Ang pangalan na sumira sa pagkatao ko. Hearing that name in this situation makes me feel more frustrated. "Kung iniisip mo ang sinabi ni Mr. Baltazar - " "No, I'm not thinking about it." pagputol ko sa pagsasalita niya. Ayokong makita niyang apektado ako sa mga nangyari. I know she'll get excessively worried, especially because it's been a while since I last attempted to harm myself. "Drop me off sa bar nila Tristan." utos ko sa driver. "Uh, mam." May himig ng pagtutol ang tono ng driver at sumulyap kay Melanie. Bumaling sa'kin si Melanie at humugot ng malalim na paghinga, "Will you be okay tomorrow after this?" Tumango ako at pinilit na ngumiti, "I just need to let this off my chest."   Flashing lights. Scent of whisky. Dark corners.  The music drumming through my ears makes me feel at ease. Lahat ng kailangan ko upang makalimot ay naririto sa lugar na ito. Dito ang aking takbuhan sa tuwing naiisipan ko na muling gawin ang bagay na 'yon sa sarili ko. Dito ko tinatanong ang aking sarili kung may papatunguhan pa ba ang lahat ng paghihirap ko. . "Hey, baby. You're back." It's Warren. Ang madalas kong kalampungan dito. Fling, to be exact. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimulang taniman ng halik ang aking leeg.  "Na-miss kita. Tara." paanyaya niya sa pagitan ng kanyang mga halik. Marahan ko siyang itinulak at umiling. "Gusto ko sumalang ngayon, War. Next time na tayo." pagtanggi ko sabay alis ng kamay niya sa bewang ko. Ngumisi ito at siniil ako ng mabilis na halik sa labi, "Okay. Going through something?" "Nope. Just shut up and set the stage." iritableng utos ko at umupo sa isang gilid. Sinenyasan ko ang waiter at tumango naman ito.  He committed suicide. Muling bumulong sa isipan ko ang mga katagang iyon.  Bullshit. Hindi ko nakita ang itsura ni Nathan nang sambitin niya ang mga katagang 'yon pero ramdam ko ang labis na pagkamuhi sa boses niya. "Anong masamang ispiritu ang sumanib sa'yo at nandito ka na naman sa bar ko, Black?" Umangat ako ng tingin at tumambad sa'kin ang mapang-asar na mukha ni Simon, nasa likuran nito ang kakambal na si Tristan. Ang kambal na ito ang nagmamay-ari at nangangasiwa ng bar. We've been friends since high school and even formed a band until we entered college. "Hey." tanging saad ko na lang. Umupo sila sa table upang saluhan ako. Nang dumating ang  beer sa mesa'y walang alinlangan ko itong tinungga. "Anong problema?" seryosong tanong ni Tristan, sanhi para maibaba 'ko ang hawak 'kong bote sa ibabaw ng mesa. Hindi siya madalas umusisa ngunit alam ko na kapag nagtatanong na siya'y kinakailangan ko magbigay ng kasagutan. You see, this man knows me too well. Malayo sa loko-lokong si Simon, hindi ito magsasalita kung hindi siya seryoso. "s**t happens." wika ko na lang at muling lumagok ng alak. "Alam mo, tama na ang drama, tugtog na lang tayo. Handa na ang stage." The next thing I know, I was up there. Nakahawak sa mikropono, nanunuyo ang lalamunan at sumasayaw sa himig ng mga instrumento. Ang mga palakpakan na kinamumuhian ko'y nagsimulang umapaw sa buong bar. I'm in the middle of a crowd that doesn't have any idea who I am. Wala silang kaalam-alam na ako ang persona na nagtatago sa pangalang DJ Black. Sa tuwing naririto ako nakakalimutan ko ang lahat at muling nabubuhay ang nakaraan ko. Ang nakaraan kung saan marunong pa akong mangarap para sa aking sarili. Back when I had the guts to dream my own dream. Ang lahat ay nakikinig sa paglabas ng mga liriko sa aking mga labi. Mga matang kanina'y gala, ngayon ay tila napako at hindi maalis sa aking direksyon. May mga matang nagnanasa, humahanga at naiinggit. What an ugly world this is. Nagpalamon ako sa musika. Ang kabog ng dibdib ko'y sumasabay sa bawat tambol ng ritmo. Pumikit ako upang damhin ang liriko na nalalapit sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto kong ilabas lahat upang hindi ko na muling madama ang sakit. Hindi ko na rin napigilan ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha. Dito ko lamang  nagagawang huminga ng normal. Iyong paghinga na hindi ko kailangang pilitin para lang maramdaman na ako'y buhay. Sa entabladong ito, kung nasaan ang mga pangarap ko'y tila abot kamay ko na at hindi isang panagginip. Sa pagbukas ng aking mga mata at pagpitik ng huling nota, tumambad sa aking paningin ang parehong mga mata. Ngunit sa dami ng mga iyon, may isang pares ng mapupungay na mata ang napansin kong nakatitig sa'kin. Nanlalabo na ang paningin ko bunga ng labis na pagkalasing ngunit ang kulay ng mga mata niya'y tila nagliliwanag at nakakasilaw. It looks saturated for some uknown reason - it must be because of the beer that I'm starting to see weird things. May mga kataga siyang sinambit ngunit hindi ko iyon narinig dahil sa sobrang ingay ng paligid. Tanging ang pagbukas ng kanyang mga labi ang aking pinilit na intindihin. "Found you."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.2K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook