Ch 2 - Heavy

1049 Words
Pagewang-gewang ako na bumaba ng entablado bunga ng sobrang kalasingan. Umiikot ang aking paningin at halos hindi ko na makontrol kung saan humahakbang ang aking mga paa. Gusto ko lamang hanapin ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. Those eyes locked with mine and full of sympathy, where is it? Hinawi ko ang mga kamay ko sa aking harapan upang itulak ang mga taong nakaharang sa daanan. Nagsimulang sumipa sa sikmura ang alak na ininom ko kanina kaya't nakaramdam ako ng pangangasim. Napahinto ako sa paglalakad, dito ko narinig ang mga yabag patungo sa kinatatayuan ko. "What are you up to, Leontine?" boses iyon ni Tristan. Nilingon ko siya ngunit hindi na malinaw ang kanyang imahe sa aking paningin.  "Napaka-pasaway mo talaga, Tin." pambubuyo pa ni Simon. Kahit wala ako sa wisyo ay inambahan ko siya ng suntok pero pinigil iyon ng kamay ni Tristan.  "Tama na." seryosong saad niya. Ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbuhat niya sa'kin sa kanyang matipunong mga braso. Matapos noon, tuluyan na nagdilim ang aking kamalayan. Siguro'y sumuko na ang utak ko sa pag-iisip, katulad ng katawan kong lunod na sa alak. Ang malakas na pagtunog ng aking telepono ay nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Nang imulat ko muli ang aking mga mata'y gumuhit ang kirot sa aking ulo. "Ugh." I growled in pain. Napahimas ako sa aking noo sa patuloy na pagtibok ng nito Luminga ako sa paligid at tuluyang bumangon. Nasa kwarto ako sa taas ng bar. Malamang ay dito muna ako dinala nila Tristan at Simon sapagkat batid nilang sila ang mapapagalitan ni Melanie sa oras na malaman nitong hinayaan nila akong mag-inom at magwala sa bar. Why does it matter anyway? No one here knows that I'm DJ Black. Napansin ko ang patuloy na pagtunog ng aking telepono. Ayoko sanang sumagot ng kahit anong tawag ngayon kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Pinulot ko ito sa paanan ng kama upang tignan kung sino ito. Nang makita ko ang pangalan na nag-flash sa screen ay awtomatikong napa-iling na lamang ako.  It's my mother - who have never been a mother to me - like ever. "Hello?" walang enerhiyang saad ko. "Nasaan ka na naman, Leontine Halsey?" Inilayo ko ang telepono sa aking tenga sa pangamba na mabingi ako bunga ng malakas niyang singhal. Gusto ko siyang barahin o pagbagsakan ng telepono pero alam kong magsusumbong na naman siya kay Melanie at lalo lang hahaba ang usapan. I don't have time for that kind of drama. "Bar ni Simon at Tristan." tipid kong sagot sa tanong niya. "Wala talagang idinulot na maganda sa'yo iyang pakikipag-kaibigan mo sa kambal na iyan, eh." galit na bulalas niya na nagdulot upang muli akong mapabuntong-hininga. Here we go again. "Umuwi ka na sa condo mo, madaling araw na. Baka mamaya hindi ka maka-pasok sa radio program mo bukas, aba'y nagrereklamo na ang management sa katamaran mo ah." Hold it in, Black. Hold it.  "Okay, I will." wika ko. "At, oo nga pala." Akma ko na sanang ibababa ang tawag ngunit nagsalita pa siya muli. "Padalhan mo ako ng pera dito sa Macau, ibilin mo  na lang kay Melanie. Naubos ang dala ko kasi natalo ako kagabi."  I knew it. Hindi naman siya tatawag kung wala siyang kailangan. Hindi na ako umaasa na may puwang pa sa puso niya ang pagiging ina sa akin. Sino nga naman magmamahal ng isang anak na bunga ng isang panloloko? For her, I'm just a money-making machine. That's it. "Sige. Bye." huling sagot ko bago tuluyang tapusin ang walang kwentang tawag na 'yon. Ibinato ko pabalik sa kama ang telepono bunga ng inis. The huge mirror beside the bed caught my attention.  Maingat kong sinuri ang aking repleksyon. Magulo ang buhok, kalat ang lipstick at eyeliner, malalim ang mga mata at amoy alak. Ano kayang magiging reaksyon ng lahat sakaling makita nila na ang hinahangaan nilang persona sa radyo ay isang babae na walang direksyon sa buhay? Titigilan na kaya nila ako? Makakalaya na kaya ako sa mga kadenang nagkukulong sa totoong pangarap ko? He committed suicide. Those words came flashing back again out of nowhere. Patuloy na sumasaksak sa puso ko. Nakapatay na ko ng tao dahil sa bagay na ginagawa ko lang naman para patuloy na mabuhay. Anong kahayupan pa ba ang kaya kong gawin mapatunayan lang sa sarili ko na mayroon akong silbi sa mundo?  Mabilis kong hinablot ang jacket sa sofa at binunot ang bote ng sleeping pills mula sa bulsa nito.  Saglit akong natigilan habang nakatitig sa botelyang iyon, lihim na bumubulong ang mga asul na tableta sa aking isipan. Do it, do it! Dahan-dahan kong binuksan ito at ibinuhos sa aking palad. I really want to end all of these. Gusto ko nang makahinga, ang bigat-bigat na ng isipan at puso ko. Mabilis kong ipinasak ang mga tabletang iyon sa aking bibig. Pinilit kong lunukin ang mga ito at naramdaman ang paggasgas nito sa aking lalamunan. Tumayo ako upang humakbang palabas ng pinto. Hila-hila ko ang jacket habang umaakyat sa ikaapat na palapag ng bar, patungo sa rooftop. Unti-unti nang umeepekto ang mga tableta sapagkat nadadama ko na ang bahagyang pagkahilo.  Hindi ko alam kung paano ko nagawang marating ang rooftop sa ganitong kalagayan. Basta't sa pagdilat kong muli, isang nakakalulang tanawin ang bumulaga sa akin. Oh, yes. I'm jumping off. Ang tanging laman lamang ng isipan ko ngayon ay kung paano matutuloy ang pagputol ko sa walang kwenta kong buhay. Muling kong ipinikit ang mga mata ko upang damhin ang huling pagdampi ng hangin sa aking balat. Dito na magtatapos ang lahat, ang lahat ng kasinungalingang nakatago sa persona ni Black. I can finally let go of these heavy metals holding me down.  Akma na akong hahakbang paabante nang isang malakas na paghila sa aking braso ang aking nadama. Mabilis ang mga pangyayari kaya't wala akong nagawa kundi mapasigaw nang bumagsak ako. Salungat sa inaasahan kong pagbagsak sa sahig, pumaibabaw ako sa isang matipunong katawan. Pilit mang sumasarado ang aking mga mata'y mabilis ko itong minulat upang tignan kung sino ito. "Miss, nasisiraan ka na ba? Delikado ang ginagawa mo ah." May himig ng pag-aalala ang tono nito. Nakakapagtaka sapagkat pakiramdam ko'y narinig ko na ang boses na 'yon. Nang luminaw ang aking paningin ay unti-unting nabuo ang imahe ng lalaki. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makilala ko ang mukhang iyon.  "I-Ikaw?" Ito ang huli kong nasambit bago tuluyang dumilim ang aking pangin. Narinig ko ang pagsigaw niya pero kahit anong pilit ko na ibukas ang aking mga mata ay hindi ako nanalo sa epekto ng mga tabletang nilunok ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD