"Are you still aiming to die?" Seryosong tanong ni Nathan sa akin. Tuluyan akong tumango upang kumpirmahin ang sinasabi niya. Inaasahan ko na ang dismaya sa kanyang mukha ngunit hindi iyon ang aking nakita. He was just looking at me blankly, like it wasn't a bothering idea. Matagal kaming nagkatitigan hanggang siya na lamang ang sumuko at nagbuntong-hininga. Muli siyang lumagok ng alak mula sa baso bago tuluyang tumayo at bumaling sa aking direksyon. "Let's not meet ever again, Black." Matapos ng mga katagang iyon ay binuksan na niya ang pinto upang lumabas sa VIP room. Kasabay ng ingay ng musiko mula sa labas ng maliit na kwartong ito, saka lamang rumihistro ang kaniyang sinabi sa aking isipan. Isang mapait na ngiti na lamang ang nagawa kong ipinta sa mga labi ko.