"What do you mean? Nasisinungaling ako? Do you think I'm making this up?" Galit na wika ko sabay hampas ng magkabilang palad sa mesa. Napagitla sina Melanie at Arcell sa itinuran kong iyon. "Black, huminahon ka muna." Sinubukan ni Melanie na tapikin ang aking balikat ngunit mabilis akong umiwas at hinawi ang kamay niya. Hindi simpatya o pagpapakalma ang kailangan ko ngayon. I need answers! "Come on. Huwag ninyo na akong paikutin dito. Bukod sa akin, dalawa lang kayo na nakakaalam kung paano i-access ang blog ko." Inis na dagdag ko. Pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko kakaisip kung sinong pontio pilato ang sumusubok na isabutahe ang blog na ilang taon kong pinakaingatan. "If it's not one of you, then trace it! Kasi ako na nagsasabi sa inyo na hindi ako ang na