Nakakatawang isipin na sa hinaba-haba ng panahon na sinanay ko ang aking sarili na maging matigas ay may tao pa rin na nakakapagpaikot sa akin. Napakuyom ako ng aking kamao habang nakatitig sa telebisyon at naririnig ang balitang tungkol sa tangka kong pagpapakamatay. "DJ Black, tinangka nga bang magpakamatay? Ayon sa kampo ng sikat DJ, isa lamang itong paninira na pinakalat ng Baltazar's Finest. Narito ang report." Is it him? Siya ba talaga ang naglabas nito sa media? Umiikot pa rin ang ideyang iyon sa utak ko. Mas lalo ko pang ikinaiinis na tila nagdadalawang-isip pa akong paniwalaan ang mga sinabi ni Arcell tungkol kay Nathan. I must be out of my mind. Bakit ba kasi kumbinsidong-kumbinsido ako na isang disenteng tao ang Nathan Baltazar na 'yon? Pabagsak kong ibin