FIVE
"I'm sorry Ma'am, hindi n'yo po pwedeng ipasok sa loob yan!" Napasimangot si Mama Madison ng harangin ng bodyguards ko ng papasok na ito ng sala.
"But why?" Hindi nito na pigil ang mapasimangot sabay sulyap sa akin. Pero wala din na gawa kundi ibigay ang dala nitong pink stuffed toy sa tauhan ko saka pumasok bitbit ang bouquet of flowers.
"Can you please explain? Alam mo naman na yan lang ang bisyo ko!" Sabi nito saka inilapag ang bulaklak sa center table at pabagsak na naupo sa sofa.
"Nazneen Marzena is afraid of it!"
"She has Pediophobia? Is that what you mean?" Sabi nito na biglang lumungkot ang expression ng mukha. My mother loves collecting dolls at mayroong silid sa bahay ng mga magulang na nakalaan para sa mga collection nito.
At kahit saan ka lumingon sa bahay, may makikita kang dolls.
"Yeah!"
"Hindi ko pala s'ya maiimbetahan sa bahay!"
"Yeah, and of course for her safety na rin!"
"Alagaan mo s'yang mabuti hijo. Malaki ang tiwala sa'yo ni Don Jacob Roberts kaya wag na wag mong pababayaan ang kanyang apo!"
"I know Ma!" Tugon ko rito saka nag-iwas ng tingin. Hindi ko pa nababangit ang offer ni Don Jacob Roberts sa akin. And I'm not ready to tell that matters to them.
"Can I see her?"
"She's sleeping, Tsaka hinihintay ko lang ang doctor na titingin sa kanya. At para matiyak ko rin na ligtas s'ya rito gusto kong humingi ng mga advice mula sa specialist."
"That's the right decision hijo, sabihan mo rin kami kung may maitutulong kami sa'yo or kay Nazneen na rin!" Tumango ako sa aking ina. Nang dumating ang doctor saka nagpaalam ang aking ina na uuwi na muna tiyak daw kasing miss na miss na ito ng Papa ko.
--
Nagising ako na may tao na sa silid na hindi pamilyar sa akin. Takot pa rin ang nararamdaman sa ideang makikita ko nanaman ang bagay na nagtrigger sa akin kanina pero ng sulyapan ko ang pwesto nito kanina ay wala na ito roon.
Saktong bumukas ang pinto saka pumasok ang dalawang lalaki. Ang isa'y Doctor base sa suot nitong White coat or lab coat at ang isa nama'y naka pajama lang at sandong itim. Mabilis itong nag-iwas ng tingin at ibinaling lang sa doctor ang mga mata habang titig na titig naman ako rito.
"Hello hija, I'm Doctor Jes!" Naglahad ito ng kamay ako naman ay nag-aatubiling tinanggap ang pakikipagkamay nito.
"I--m N-azneen!" Kabadong sabi ko rito."N-asaan si Lolo Jako? Si P-rincess?" Tanong ko saka ibinaling sa lalaki na muling nag-iwas ng tingin sa akin.
"Let's talk later! For now kausapin mo muna si Doctor Jes, makikinig lang ako!" Tugon ng lalaking nagmamay-ari ng baritonong tinig. Bakit parang ang sarap sa pandinig ang tinig nito?
"H-indi ko k-ailangan ng d-octor! Okay l-ang ako!"
"Hija, relax kakausapin lang naman kita!"
Humakbang patungo sa malaking bintana ang lalaking naka itim at humarap roon.
Hindi tumitingin sa akin.
"Nakausap ko si Gage, nabangit n'yang nagkaroon ka raw ng attacks kanina? Dahil sa dolls?'' simula ng doctor.
Malamang sinabi ni Princess iyon.
"Meron po akong Pediophobia!" Nakayukong sabi ko rito. Ayoko ng doctor, uungkatin nanaman ng mga ito ang dahilan ng pagkakaroon ko ng ganito.
"Heay, relax!" Sabi ng doctor ng makitang nanginginig ako. Mabilis na lumapit ang lalaki pati ang doctor.
"Fine, fine wag na muna nating pag-usapan. Relax and drink this!" Sabi ng doctor. Hinawakan naman ng lalaking naka itim na sando ang nangingig kong kamay.
Ibinuka ko ang bibig ko ng itapat ng doctor ang gamot. Pamilyar naman iyon sa akin. Dahil pinapainom sa akin ni Princess iyon kapag nagkakaroon ako ng panic attacks. Ang gamot na iyon ay pampakalma.
Hindi binibitawan ng lalaki ang kamay ko. Hanggang sa ang mabibigat na paghinga ay kumalma. Nahinto na rin ang panginginig ng umepekto na ang pinainom na gamot.
"Hijo, pag-aaralan ko muna ang kondisyon ni Nazneen. Kokontakin ko ang taong sinabi mo kaninang makapagbibigay ng impormasyon about her medical history. But for now tiyakin n'yo na walang makapagtitrigger sa kanya to have that kind of reaction!" Tumango ang lalaking may hawak ng kamay ko saka ito nagsabing aalis muna.
"W-ho are you? Nasaan si l-olo?"
"I'm Gage, ako ang pansamantalang guardian mo! Umalis ang Lolo mo kasama yung princess. As of now hindi kayo pwedeng magkasamang dalawa---for your safety!"
Hindi ko maiwasang maluha.
"This is my fault, I'm weak and coward! Dahil sa akin palagi na lang nahihirapan ang mga taong Mahal ko sa buhay!" Umiiyak na sabi ko rito. Sinubukan ko itong tignan pero muli, mabilis itong nag-iwas ng tingin.
"Stop crying!" Sabi ng lalaki na hindi naman nakatingin sa akin.
"S--orry, pangako hindi ako magiging pabigat sa'yo. Gagawin ko ano man ang gusto mo para na rin sa tulong mo sa amin ng Lolo ko. At sa business namin! Hindi ako magiging pabigat!" Sabi ko rito. Kailangan namin ang taong ito. Dahil sa mga oras na ito wala kaming ibang choice. Ito lang ang sa tingin ni Lolo ang taong makakatulong sa amin.
"Fix yourself, nagpahanda ako ng pagkain!" Sabi nito saka binitiwan ang kamay ko at tahimik na lumabas ng silid. Dahan-dahan akong kumilos para sundin ang gusto nito. Tinungo ko ang isang pinto na tiyak kong banyo at di nga ako nagkamali pumasok ako roon at ginawa ang sinabi ni Gage. Naghilamos ako at ginamit ang suklay na naroon at sinuklay ang buhok kong alon-alon. Nang matiyak na prisintable na humakbang ako palabas ng banyo. Nagulat pa ako ng may mabungarang babae na naka maid's uniform.
"Ako po si Rosalinda, ang personal na mag-aasikaso sa'yo! Samahan na po kita sa baba!"
"Ako si Nazneen!" Nilawakan ko ang ngiti ko rito. This is where I'm good at--ngumiti kahit sa loob loob ko. Gusto kong umatungal ng iyak.
Sumunod ako rito patungo sa hagdan. Ayon rito ang katabing silid ay pag-aari ni Gage ng lalaking amo nito.
Pagbaba namin sa first floor ang malawak na sala agad ang bumungad modern na modern ang design. Nag-aagaw ang black and white na kulay sa mga furnitures, paintings and wall paint.
"Dito po tayo!" Sabi ni Rosalinda na itinuturo ang isang lagusan sumunod ako rito at pagpasok roon isang mahabang mesa agad ang bumungad sa amin. At naroon nakaupo sa kabisera si Gage na kahit alam ng naroon kami ay di man lang nagtapon ng tingin.
"Sir nandito na po si Ma'am!" Sabi ni Rosalinda sa amo nito. Pero sumenyas lang ito na maupo ako at si Rosalinda naman ay nanatili ilang hakbang mula sa pwesto ko.
"Eat!" Cold na sabi ng lalaki saka ito nagsimulang kumain.
Comment.Follow??
A/n: Hope mabasa n'yo rin ang iba ko pang stories while waiting sa update. Thank you ?