SIX
Walang naging problema simula ng dumating ako one week ago. Bukod doon sa panic attacks na naranasan ko, everything was smooth. But one thing na napansin ko mailap ang lalaking nagmamay-ari ng malapalasyong bahay na ito.
Para itong napapaso sa tuwing nagkakasalubong kami at mabilis na mag-iiwas ng dereksyon o kaya'y tingin.
Kahit subukan kong iapproach ito ay mailap pa rin talaga.
"Nakakaingit talaga itong buhok mo ma'am!" Sabi ni Rosalinda habang maingat iyong sinusuklay.
"Bakit naman?" Tanong ko rito na panatag at kalmado. Ito lang ang nakakausap ko sa mansion na giliw na giliw makipag-usap sa akin. Yung iba parang mga robot na kapag tapos na ang trabaho ay mabilis ng lumalayo.
"Eh kasi tignan mo oh!" Tinignan ko ang buhok kong iniangat nito."Mahaba at kulot-kulot, malambot at mabango pa! Yung buhok ko kulot-kulot nga matigas naman at mahirap suklayin!" Reklamo nito na nanunulis pa ang nguso. Bahagya akong ngumiti rito.
"Maganda din ang buhok mo---pero kung di natin kayang i-appreciate ang meron tayo never nating makikita ang ganda ng isang bagay!" Malumanay kong sabi rito. Napangiti naman si Rosalinda saka pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko. Mahaba na ang buhok ko lagpas baywang na nga iyon at kulot-kulot pa. Kung ako lang baka di ko na suklayin pero dahil meron akong kaibigan na tulad ni Princess naalagaan iyon ng mabuti plus Rosalinda na aliw na aliw sa pagsuklay sa buhok ko.
"Napansin ko lang ma'am---future husband mo si Sir pero hindi kayo nag-uusap!"
"F-uture husband?" Tanong ko rito.
"Opo, diba po mapapangasawa n'yo si Sir Gage kaya kayo narito!" Napakagat ako sa labi at natahimik. Wala sigurong idea ang mga ito na narito lang ako para proteksyonan ni Gage hindi para pakasalan.
"Yun ba ang alam n'yo?" Mahinahon kong sabi saka ito nilingon. Tumango naman ito saka itinigil ang pagsuklay sa buhok ko at umupo sa tabi ko.
"Oho, excited na nga kami di na rin bumabata si Sir Gage noh! Malapit ng matanggal ang edad n'ya sa kalendaryo at napag-iiwanan na ng mga kaibigan n'ya! Ang ilan sa mga kaibigan n'ya rito sa village may mga anak na! Abay pangarap ko ring makita ang anak ni Sir, sure akong magiging gwapo at maganda sila Kasi maganda ka at gwapo naman si Sir! Perfect match!" Sabi nito na sinabayan pa ng palakpak na waring tuwang-tuwa ito sa sinabi mismo nito.
"Teka maam ilang taon ka na ba?"
"21 a-ko!" Alanganin kong sabi rito. Nanlaki ang mata nito.
"Talaga? Grabe bagets pa kung tutuusin---arranged marriage ba?"
Hindi ko alam ang isasagot ko rito kaya naman tumayo ako at nginitian ito.
"Tara na sa baba?"
"Ayaw mo ba talagang lumabas? Isang lingo ka na rito sa The Alpha's Town, maganda ang village na ito. Wala ring ibang nakakapasok rito dahil sa higpit ng security. Madaming pwedeng pasyalan!" Panghihikayat ni Rosalinda na mabilis kong ikinailing. Yung idea pa lang na lalabas ako at magkaroon ng panic attacks pinanlalamigan na ako. Ayokong may iba pang makakita ng mahinang side ko. Hindi nga dapat nakita ni Gage iyon noong unang dating ko rito pero wala naman na akong magagawa para baguhin pa ang nangyari na. Ang dapat ko na lang gawin ay mag-ingat na wag ng maulit pa iyon.
"Ayos lang ako rito Rosalinda!" Sabi ko na hinawakan ang kamay nito at iginiya na ito palabas. Baka kasi kung di ko pa ito yayaing lumabas ay baka kung ano pa ang maitanong nito or masabi.
"Sayang naman, marami pang bagay ang makikita mo sa labas ng lugar na ito. Ni hindi ka nga gumagamit ng mga social media para makacommunicate sa iba---"
"E--nough!" Huminto ako sa paglalakad. Napayuko at waring kinakalma ang sarili na mabuhay ang iba pang emosyon.
"Hala ma'am sorry, sorry! Naku naman itong bunganga na ito eh, pasensya na po!" Nang sulyapan ko si Rosalinda para na itong maiiyak sa kaba. Bahagya ko s'yang nginitian. Giving her assurance na ayos lang ako.
"Tara na!" Wari itong nakahinga ng maayos at tumango sa akin. Binaybay namin ang mahabang pasilyo ng second floor saka ang grandiyosong hagdan na kulay ginto ang magkabilang-gilid.
---
"May sampung bahay rito---ay hindi eleven pala pero di gaanong napapansin dahil natatakpan ang mismong pwesto ng mga nagtatayugang mga puno. Ilan lang ang nakakaalam yung mga taong nagmamay-ari ng mga bahay rito, mga gwardya at ilang kasambahay na nauutusan na magtungo roon. Sa lahat ng bahay sa village na ito yung lugar na iyon ang pinaka-off limits kasi pinagbabawal talaga kahit ng mga boss namin rito. Ang sabi yun daw ang may-ari ng The Alpha's Town pero di ko pa na kita simula ng natanggap ako bilang maid dito!" Sabi ni Rosalinda. This place is very interesting.
Nakaupo kami sa bench sa malawak na garden. Sobrang sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang ngayon ay halos lahat ng makitang tanim ay namumukadkad na. Nakuha ng kwento ni Rosalinda ang atensyon ko kaya sinulyapan ko ito.
"Base sa isang article na nabasa ko about sa lugar na ito, pawang mga bilyonaryo ang nakatira rito."
"Ay oho---lahat sila successful sa larangang napili nila. Alam mo ba ma'am may crush na crush talaga ako rito."
"Talaga? Sino?"
"Yung kapitbahay po natin, si Sir Landon! Ang gwapo nun ma'am kapag siesta nga po kahit malayo nilalakad ko at ng ibang maid para lang masilayan ang gwapong kapitbahay natin!" Humagikgik pa ito na waring kinikilig."----kaso may asawa na! Sayang!" Sabi nito bigla na parang na lugi kaya naman napahagikgik ako.
"G-wapo rin naman si Gage!" Huli na ng marealize ko ang salitang lumabas sa bibig ko. Parang biglang uminit ang buong mukha ko na malakas na ikinatawa nito.
"Ayieee si ma'am, nagwagwapuhan po kayo kay Sir? Ayieee!"
"Stop it!" Saway ko rito saka nag-iwas ng tingin. Nakakahiya.
"Naku ma'am, normal lang naman yun. Wag ka hong mahiya! Dito sa village na ito ang paraiso ng mga pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa!'' Sabi nito na waring nagnining-ning ang mata.
"Hindi ko pa naman sila nakikita lahat, yung ilan lang na nakikita ko sa mga magazines and tabloids."
"Naku ma'am, may times po na nagpupunta sila rito. Minsan kompleto sila minsan hindi----monthly po kasi nagsasama-sama sila depende sa naka schedule na bahay kung saan sila nagtatagpo-tagpo----si Sir Gage nga po ang naka schedule this month eh!"
"T-alaga?" Mukhang kailangan ko palang magkulong sa silid ko. Hindi ako sanay na maraming tao bukod sa mga kasambahay at guards na nakakasalamuha ko ay wala na akong kapanatagan ng loob kapag may ibang tao pa. Trust issue maybe.
A/n: Hope mabasa n'yo rin yung ibang stories ko while waiting sa update. Thank you ?