ONE
ONE
"Huling gabi na ng lamay, wala ka ba talagang balak silipin man lang sila?" Tanong ni Princess sa akin. Nahinto ako sa pagpipinta at bahagyang nginitian ito.
"Naz--"
"Stop, Princess!" walang lakas ang tinig na ani ko.
"Pero, Naz, lamay 'yon ng magulang mo! Huling gabi na makikita mo sila! 'Wag mong hayaang pagsisihan mo ito sa huli---" Humigpit ang hawak ko sa brush na ginagamit ko sa pagpinta. Ayaw kong ipakita rito ang panginginig ang kamay ko.
"Inutusan ka ba ni Lolo Jako na kausapin ako?"
"Yes, he did!" Pag-amin nito na bahagya kong ikinailing.
"I'm not going!"
"But, Naz!" Frustrated na sabi nito.
"I'm not going, Princess . . . please leave!"
"How can I do that? Ha? Hindi ko kayang iwan ka sa ganyang estado mo! I'm worried Nazneen, your grandpa is also worried like s**t!"
"Stop worrying, I can handle myself well!" that's a lie. Hindi ko kaya, alam ng lahat iyon. Masyado akong sheltered ng mga tao sa paligid ko, kaya hindi ko alam kung kakayanin ko ba ngayon.
"Tsk." Sabi ng kaibigan ko at umalis na ng silid at malakas na isinara ang pinto. Pero maya-maya lang ay bumalik din agad.
"Hindi ka mag-isa, Naz. Nandito kami ng Lolo mo para sa 'yo!" Sabi nito saka tuluyang umalis. Nakatitig lang ako sa ipinipinta ko. Isang babae sa malawak na damuhan. Nakatitig ito sa isang bahagi pero malabo ng malaman ng sinomang makakita ng painting kung ano man ang tinitignan n'ya dahil hanggang dito na lang ako. Lahat ng painting ko simula pa noon lahat ay hindi tapos. Pag kasi nasa katapusan na kusang tumitigil ang kamay ko sa pagpinta. At lahat ng paintings na ginawa ko ay nasa isang malaking silid sa mansiong ito. Inilagay at sininop ni Mommy.
My Mom and Dad both died in a car accident last week. Both died on the spot. At lahat ng balita ay galing sa bestfriend kong si Princess. Hindi ko sila kayang silipin man lang, Hindi ko talaga kaya.
Pumasok ako sa banyo, binuksan ang shower at hinayaang umagos ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Hinayaang mabasa kahit ang suot na damit.
"I love you Nazneen Marzena!"
"I love you Nazneen Marzena!"
"I love you Nazneen Marzena!"
Natutop ko ang bibig at pinigil na umalpas ang malakas na hiyaw. Kasabay ng pagkabasa ng mukha ng malalig na tubig ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Yun yung mga huling kataga na binitiwan ni Mommy bago ang aksidente. Kinakailangan ko pang uminom ng sleeping pills para lang makatulog simula ng mangyari ang trahedyang iyon sa magulang ko.
Kabilin-bilinan ni Mommy na wag na wag akong lalabas ng mansion sa kahit na ano pang rason---kahit pa ikamatay ng mga ito.
Unti-unting napasalampak sa tiles ng banyo habang patuloy na nababasa. Niyakap ang mga tuhod at hinayaan ang sarili na lunurin sa luha, lungkot, pagdadalamhati at sakit ang sarili.
Mahina ako---noon pa. Kaya nga halos umikot ang buong buhay ko sa lugar na ito. Sa mansiong pag-aari ng Lolo Jako ko.
Dito kasi kontrolado ang lahat. Ito lang ang ligtas na lugar para sa akin at sa kapayapaan ng isipan ko. I tried to do the things like the other people same age with me. But I failed so many times.
I'm weak!
A coward!
"Nazneen!" Boses iyon ng Lolo Jako ko. Napatayo ako at pinatay ang shower
"Po?" Pilit kong nilakasan ang tinig ko.
"I'll talk to you later! Go to the library!" Seryosong sabi ng matanda.
"O-kay Lo!" Sagot ko rito saka muling na upo at niyakap ang tuhod.
---
"I understand kung ayaw mong magpunta, pero hija gusto ko sanang ituloy mo ang session with your doctor!" Matagal na akong tumigil, bakit heto nanaman ang usapang ito. Tinignan ko si Lolo Jako saka bahagyang ngumiti.
"No need for that Lolo Jako, at kung iniisip mo na sinasarili ko ang problema ko, kinikimkim ko ang lungkot---stop thinking that way. Hindi ko sila pinupuntahan dahil yun ang kabilin-bilinan ni Mommy bago ang aksidente! Lolo Jako---"
"Stop explaining, I understand now! Ako na lang at si Princess ang bahala sa lamay!" Tumayo ito at lumapit sa akin. Mahigpit akong niyakap."Hindi ka man umiiyak sa harapan ko alam ko na sobrang sakit sayo na mawala ang magulang mo! Masakit din sa akin Nazneen, pero lalaban tayo apo! Gagawin ko ang lahat para malaman kung ano ba talaga ang nangyari at humantong sila sa ganoong aksidente." Tumango at bahagyang ngumiti rito. This is what I'm good at. Ngumiti sa harap ng lahat saka umiyak sa likuran nila. Magaling magtago ng tunay na nararamdaman dahil yun lang naman ang kaya kong gawin.
Pero may isa akong kahinaan na tanging ang mga tao sa mansiong ito ang nakakaalam. Dahil din sa kahinaang iyon mas pinili kong ikulong ang sarili ko sa lugar na ito o kahit sa mga lugar na kontrolado ng Lolo ko. Sa mansiong ito, sa Isla na pag-aari ng pamilya at ilang properties na ligtas ako.
"Aalis na ako, kasama si Princess!"
"I-ingat po Lolo Jako!" Ngumiti ang matanda saka muli akong niyakap.
"Tumawag ka kapag may kailangan ka sa akin!" Tumango ako at iginiya na ang matanda palabas ng library. Nasa labas na si Princess naghihintay.
"Ikaw na ang bahala kay Lolo Jako!" Bilin ko sa kaibigan ko na mahigpit kong niyakap.
"Oo naman! Baka bukas na kami makauwi Naz! Ingat ka rito! Uminom ka ng gamot para iwas bad dreams!" Bilin nito saka sumunod na sa matanda na pababa na ng hagdan.
Personal assistant ni Lolo Jako si Princess. Simula mga bata kami ang pamilya na namin ang nag-alaga rito. Pinaaral, binihisan at pinakain. Hindi naman nito kailangan pang magtrabaho para kay Lolo Jako dahil may mahuhusay na tauhan ang matanda pero ayon kay Princess ay paraan raw niya upang masuklian ang lahat ng kabutihan ng pamilya namin.
Nang nakaalis na ang mga ito saka ako muling bumalik sa aking silid. Sinulyapan ko ang cellphone ko na kasalukuyan tumutunog. Dali-daling chineck ang caller.
Si Madella. Pinsan ko sa mother side. Napipilitang sinagot ang tawag nito.
"Madi?"
"Selfish ka rin eh no! Hindi mo man lang ba pupuntahan ang parents mo? Hinahanap ka ng mga tao rito, gosh Nazneen naturingan kang anak pero ni hindi mo man lang magawa na maging anak sa kanila. Palibhasa Kasi gusto mo sa'yo lang umiikot ang mundo ng lahat ng tao! Selfish ka masyado!" Masakit marinig iyon. Pero totoo nga ang kasabihan na kung sino pa yung hindi lubos na nakakakilala sa'yo, sila pa yung huhusga sa'yo ng sagad-sagaran.
"Ano na? Masyado mo namang finifeel ang pagiging prinsesita mo! Ultimo burol ng magulang mo ay ayaw mong puntahan!"
"Tapos ka na ba?" Mahinang sabi ko rito."I need to end this call na!" Matamlay kong sabi saka tuluyang ibinaba ang tawag. Tiyak na nanggagalaiti na ito sa galit. Bahagya akong na iling. Bihira ko lang makausap ang pinsan ko na iyon. Madalas pa noong mga bata kami inaaway n'ya ako. Kaya ayaw ni Mommy na lumalapit ito sa akin.
Isa sila sa mga taong ayaw nila Mommy na madikit sa akin. Wala kasi silang magandang naidudulot lalo na sa kalusugan ko.
Humakbang ako patungo sa kama. Kinuha ang tableta ng sleeping pills saka ininom at umayos na ng higa.
Comment.Follow??
mis_annie