FOUR
Maingat na inilapag ng tauhan ni Don Jacob Roberts ang natutulog nitong apo sa kama. Nakatanggap ako ng tawag na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng tauhan nito at ng mga di pa kilalang lalaki. Hindi na rin daw ligtas ang mansion kung nasaan ang apo nito kaya dadalhin muna niya sa Isla ang apo.
Kanina ko lang na realize na hindi paslit ang tinutukoy nilang aalagaan ko. Hindi agad nag sink in sa utak ko na hindi bata ang gustong ipakasal ng mga ito sa akin.
Pero kanina pa nakakuyom ang aking kamao. Simula ng makita ko at nabistahan ang mukha ni Nazneen. That familiar face---bakit nga ba hindi ko na isip na siyasatin ang background ng mga ito. I never met Mason Roberts wife. Pero sa nakikita ko ngayong mukha ng apo ni Don Jacob Roberts iisang tao lang ang tiyak kong ina ng babaeng ito.
Olivia Willis
"Hijo?" Tawag ni Don Jacob sa atensyon ko. Sinulyapan ko ito na waring pinag-aaralan ang expression ng mukha ko. Bahagya akong ngumiti rito saka sumenyas na lumabas na kami sa silid. Iginiya ko ang mga ito patungo sa opisina ko rito sa tahanan ko.
Ang tanging pumasok lang ay ako, si Don Jacob at ang babaeng nagpakilalang Princess. Mukhang secretary ng Don.
"Hindi ako maaaring manatili rito hijo, hindi kami pwedeng magsama sa iisang lugar ni Nazneen!"
"I understand, pero pwede ho bang ipaliwanag ninyo sa akin kung bakit sa tingin ninyo gusto kayong gawan ng masama ng mga taong iyon?"
"I'm sure this is about business! Marami akong nakalabang negosyante noong nagsisimula pa lamang ako. Sa tingin ko sila rin ang dahilan kung bakit na wala ang anak ko sa akin. Ipagkatitiwala ko sa'yo ang apo ko hijo! Pero oras na di mo na gawa ang kasunduan natin, babalikan kita!" Sabi ng Don. Kalmado naman akong tumango rito. I can do the deed.
"Ipapaayos ko na sa mga tauhan ko ang dapat iproseso tungkol sa negosyo. Ako ang cocontact sa'yo kapag may kailangan ako. I don't want anyone to find out where is my granddaughter's location."
"I understand! Don't worry ako na ho ang bahala kay Nazneen!" Sabi ko sa matanda. Naglahad ito ng kamay saka nagsabing aalis na ito at ang mga tauhan. Ang tanging maiiwan lang sa lahat ng dumating kanina ay ang dalaga na natutulog sa silid. Inihatid ko ang mga ito sa sasakyan. Nauna ng sumakay ang matanda. Bago sumakay si Princess may iniabot itong papel sa akin saka ito mabilis na lumulan sa sasakyan.
Nagtataka namang binuksan ko iyon habang naglalakad papasok ng mansion.
"The heck?"
---
Nanlalambot na bumangon ako sa malambot pero hindi pamilyar na kama. Nasaan ako? Ang silid na ito ay mas moderno kesa sa silid ko sa mansion. Anong nangyari? Nasaan ang Lolo----nanginginig na nahablot ko ang comforter at sumiksik sa headboard ng kama. Takot na takot sa isang parte ng silid.
"Princess! Princess!" Takot na hiyaw ng isipan ko. Mas lalong tumitindi ang pag-ikot ng paningin ko dahil a bagay na nasa gilid ng silid na ito. Katabi iyon ng malaking tv.
Mariing nasapo ang dibdib. Kinakapos ako sa paghinga. May mga naririnig na tinig na bumubulong sa aking tenga.
---
"Heay! Heay, Nazneen!" Sabi ko sa dalagang inabutan kong naka siksik sa headboard ng kama. Takot na takot, nanginginig at tagaktak ng pawis. Mabilis ko itong kinabig at mahigpit na niyakap. Saka sinulyapan ang malaking stuffed toy sa gilid ng tv.
"Remove that thing, NOW!" Malakas kong hiyaw sa tauhan. Nagtataka man mabilis na kumilos ang mga ito. Nang mabasa ko ang naka sulat sa papel agad akong tumakbo papanhik at tinungo ang silid na ito. Dito sa guest room ko pinatuloy ang dalaga dahil hindi pa tapos sa paghahanda ang mga tauhan sa silid na para rito. At ang malaking stuffed toy na iyon ay inilagay roon ng aking ina na mahilig mangolekta ng stuffed toys. Dolls etch.
Ang nakasulat sa papel na ibinigay ni Princess ay listahan ng mga kinatatakutan ni Nazneen.
Pediophobia
Ang salitang iyon ay ang unang-una kong na basa kaya mabilis akong na patakbo kasunod ng mga tauhan na na gulat yata sa naging action ko. Pediophobia means fear of dolls. At hindi exempted ang stuffed toys sa nakararanas ng ganon. Sa pagkakaalam ko yung iba kayang ihandle pero sa nakikita ko sa babaeng ito ay hindi nito kayang ihandle ang takot sa mga dolls.
Mahigpit ko itong niyakap hanggang sa kumalma ito. Pero ng tignan ko nawalan na pala ito ng malay.
"Kaya pala gusto nila ng mag-aalaga sa'yo!" Wala sa sariling sabi ko habang inaayos ito ng higa. Then I got a message from Princess."Mukhang mas komplekado kesa sa naiisip ko!"
"Please remove that stuffed toy in her room, she has a phobia and gives her severe panic attacks!"
"Stupid, dapat kanina mo pa sinabi!" Sabi ko habang naiiling na ibinulsa ang cellphone ko. Edi sana naiwasan pa ang ganoong reaction mula rito.
Muli kong tinignan ang papel. Nakasulat rin ang mga pagkain pwede at di pwede rito. Kinuhan ko iyon ng larawan at ipinadala sa chef ng mansion. Saka lumabas ng silid para kausapin ang lahat at tiyakin na walang pwedeng makapag trigger ng takot ni Nazneen. Hindi makakatulong sa pag-aalaga ko kung palagi itong magkakaroon ng attacks.
"Are you worried Gage? Hell no! Kamukha lang s'ya ng babaeng iyon Gage wag na wag mong kakalimutan!" Oh God kinakausap ko na ang sarili ko.
"Sir?" Tawag pansin ng maid ng pumasok ako sa silid na inihahanda para kay Nazneen. May mga pinatanggal ako roon at mariing ibinilin na tiyakin na maitatago ng mabuti or much better kung itapon na lang.
Nang matiyak na naunawaan na ng mga tauhan ang gagawin nagtungo ako sa silid upang tawagan ang magulang.
Tiyak na akala rin ng mga ito paslit talaga ang aalagaan ko.
"Yes hijo?"
"Nandito na sa bahay si Nazneen!"
"Really?"
"Ma, nabangit ko na kay Papa kanina kung bakit biglaan ito. Ask him na lang!"
"Okay fine! Bibisitahin ko na lang kayo d'yan hijo!"
"---and Ma!"
"Ano yun Hijo?"
"Hindi po batang paslit ang aalagaan ko!" Sabi ko rito saka ibinaba ang tawag.
Comment.Follow??
A/N: Hope mabasa n'yo rin ang iba ko pang stories while waiting sa update. Thank you ?