THREE
"I'm Gage Martin!" Tinanggap naman ni Jacob Roberts ang inilahad kong kamay. Isa ang businessman na ito sa mga tinitingala ko pagdating sa business. Kaya isang malaking karangalan na makaharap ito ng personal. Noon kasi ay ang anak nitong si Mason Roberts ang nakakausap ko pagdating sa mga negosyo.
Nasa isang pribadong silid kami ng Don sa isang sikat na restaurant kung saan ito mismo ang pumili. Bukod kasi sa laman pa ng balita ang nangyari sa anak nito at daughter in law tiyak na ayaw muna nitong gumawa ng ingay sa media.
"I'm pleased to meet you hijo! I heard so much about you especially in business!"
"Thank you sir!" Sabi ko rito.
"Nabangit naman na ng magulang mo ang reason ko, right? I want to know now your answer!" Bumuntong-hininga ako saka nagsalita.
"Kung protection kayang-kaya kong ibigay yan Sir, pero I want to know now kung yun lang ba ang rason kung bakit handa kang makipag-merge."
"Well, one more thing pakasalan mo ang apo ko!" Muntik pa akong masamid sa sinabi nito.
"Hindi ito na bangit ng magulang ko sa akin!" Seryosong sabi ko rito.
"Actually pinag-isipan ko talaga ito! I'm just trying, baka sakaling pumayag ka. Pero hindi kita pipilitin hijo. Matiyak mo lang ang safety ni Nazneen mapapanatag na ako roon!"
"Pero kung magbago ang isip mo hijo, ibibigay ko sa'yo ang management rights ng kompanya ko at ilang bahagi ng Shares hindi ako makikialam!"
"R-eally?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito.
"Yes. I'm serious about this proposal hijo. I'm old now---and hindi rin kaya ng apo ko na pamahalaan ang company. Wala na akong ibang mapagkakatiwalaan ng company at syempre ng apo ko! Pag-isipan mong maigi!"
"Okay!"
"And one more thing habang pinag-iisipan mo ang tungkol sa kasal maaari bang ipagkatiwala ko na sayo ang safety ng apo ko! Lumalakad ang oras at mas nagiging delekado kay Nazneen na manatili pa sa poder ko!"
"Okay I'll ask someone to make arrangements about that Sir! I can assure you that her safety will be my top priority!" Sabi ko rito saka nakipagkamay na rito. Tumango ang matanda saka nagpasalamat. Ni hindi na namin nagawang galawin ang pagkaing nakahanda sa mesa. This meeting and conversation is pure business, well this is the common situation in a business meeting of mine. Direct to the point na mukhang ganoon rin naman ang matanda.
---
"Lolo Jako, we need to leave now!" Sabi ni Princess ng makalabas kami ng restaurant."This place is not safe for you!" Halata ang tensyon sa mukha at kilos nito na agad kong na unawaan. Mabilis ang kilos ng ga tauhan. Paghinto ng van mabilis kaming sumakay ni Princess. Pero ilang minuto pa lang kaming nakakalayo pinaulanan na ng bala ang sasakyan. Kalmado lang naman ako sa loob dahil bullet proof naman ang lahat ng bahagi ng sasakyan. Mahusay ang driver at mga bantay. Pero ng kahit nakakalayo na kami nanatili ang mga sumusunod. Nandamay pa ng ibang motorista.
"Ano ng gagawin natin?" Takot na sabi ni Princess.
"Tawagan mo ang mga tauhan sa mansion. Ihanda ang gamit nating lahat!"
"Opo!" Sabi nito. Kabadong-kabado.
"Wag munang ipapaalam kay Nazneen ako na ang magsasabi mamaya!"
"Opo!" Bago pa kami nakarating kanina sa restaurant naka tanggap ako ng mensahe na may kalaban ng umaaligid sa amin. Hindi ko namalayan na may nakapasok ng kalaban sa teretoryo ko. At hindi na ligtas ang lugar na iyon para sa apo ko.
---
"Lolo Jako?" Naalimpungatan kasi ako dahil sa mga kasambahay na abala sa pag-aayos ng mga gamit ko at inilalagay sa maleta. Agad akong tumakbo palabas hinanap ang matanda. Halata namang aligaga ang mga tauhan kaya mas lalo iyong nagbigay ng kaba sa akin.
"Lo!" And there I saw him with Princess.
"What's going on?" Tanong ko rito. Kadarating lang nito. Sinabi n'ya sa akin na makikipagkita s'ya sa taong tinutukoy niya na mag-aalaga sa akin. Naging maayos ba ang pakikipag-usap nito sa taong tinutukoy nito?
"Kailangan nating umalis Nazneen!" Sabi nito na sinenyasan ang mga bodyguards na igiya na ako patungo sa sasakyan. Nagtataka man nagpatianod na ako kahit pa naka pangtulog lang at magulo ang buhok.
Sa isang sasakyan inilulan ang lahat ng maleta namin ni Lolo at Princess. Lahat ay nagmamadali, halata ang tension sa paligid kahit si Lolo Jako na madalas ay kalmadong-kalmado ang expression ng mukha.
"What's going on?" Frustrated na tanong ko sa matanda.
"This place is not safe especially to you Naz! Tinambangan ang sasakyan namin ng Lolo Jako kanina, nakatanggap din kami na posibleng may naka pasok ng tauhan ng kalaban dito sa mansion!"
"I don't get it! Please enlighten me!"
"..."
"Guys!" Sabi ko sa mga ito. Heto ang mahirap sa mga taong kasama ko. Palagi na lang nililimitahan ang mga impormasyong sinasabi sa akin. Tiyak na dahil nanaman sa akin kaya nasa panganib ang buhay ko at damay nanaman sila. Niyakap ako ni Princess. As always kahit gusto nitong magsalita tungkol sa nangyayari ay mas pinipili nitong itikom ang bibig dahil para sa lahat mas ikabubuti ko kung mananahimik sila.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Hindi ko magawang tumingin sa bintana. Ilang taon na rin simula ng huli akong lumabas. Dalawang taon na rin ata? Siguro'y nagtataka kayo kung bakit. Pero malabo kong ibahagi sa inyo.
"Well I don't have any choice right now! Ipupunta ko muna sa pribadong isla ang apo ko habang hindi ka pa nakakapagdecide----" Napatingin ako sa matanda na ngayon ay may kausap na sa phone. Hindi ko namalayan na nanginginig na ang kamay ko dahil sa halo-halong emosyon kaya naman ginagap ni Princess ang kamay ko saka iniabot ang isang tableta ng gamot.
"Drink this, hindi makakatulong sa ating lahat kung atakihin ka!" Mabilis kong tinanggap iyon isinubo saka tinaggap ang bottled water na iniabot nito. Saka ako iginiya pahiga sa mga hita nito.
"Rest Nazneen! Rest!" Sabi nito saka mabining hinaplos ang buhok ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko saka tuluyang hilain ng antok ang buong diwa ko.
Comment.Follow??
A/N: Check out my other stories too.??