TWELVE

1034 Words
TWELVE "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng isang babae. Paakyat na sana ako ng silid ng pumasok ang napakaeleganteng babae na matalim ang tingin sa akin. "S-ino ka?" Takot na tanong ko rito. Sa talim ng tingin nito alam kong may pinaghuhugutan ang galit nito. Bumaba ako ng hagdan. Tsaka naman ito humakbang palapit sa akin at hinaklit ang buhok ko. "W-ag, tama na! Masakit!" Umiiyak na pagmamakaawa ko rito. "Tama na? Pinakinggan mo ba yung pagmamakaawa namin noon? Sinabi namin sa'yo na tigilan mo na si Kuya Gage! Sinasaktan mo lang s'ya! Umalis ka na!" Kinaladkad ako nito patungo sa labas ng mansion. "Wag kayong makikialam!" Hiyaw ng babae ng itulak ako nito sa labas ng gate at isara iyon. Takot na kinalampag ko ang pinto. Para akong itinapon sa battlefield na walang Laban lalo na sa takot na nagsisimulang magising sa sistema ko. "Kayo! wag na wag nyong papapasukin ang babaeng yan! Dahil malilintikan kayo sa akin!" Hiyaw ng babae sa mga guards. Dinig na dinig ko iyon. Hindi ko magawang kumilos takot na kapag umalis ako sa pwesto ko ngayon ay baka mas ikapahamak ko pa at maging pabigat lalo ako kay Gage. "P-lease papasukin n'yo ako!" Nagmamakaawang sabi ko rito. "Dapat lang sa'yo yan! Malandi kang babae ka!" Tugon ng babae sa loob ng gate. --- "S--ir G-age, Sir umuwi po kayo rito! S--ir!" "Rosalinda may problema ba?" Tanong ko rito. Kasalukuyan akong nasa restaurant ni Batsy at katatapos ko lang itong kausapin kung papayag ba ito na takpan ang mga display nito kapag isinama ko roon ang dalaga. Mabilis naman itong omoo kaya ngayon ay palabas na ako ng office nito. "Dumating po ang pinsan n'yong si Ma'am Yvanah! Galit na galit po s'ya, pinalayas n'ya ho si Ma'am Naz!" Sa sinabi nito mabilis akong napatakbo palabas ng restaurant. Nabanga ko pa si Abram pero hindi ko iyon pinansin lumulan agad ako sa sasakyan at mabilis na pinaandar iyon. "P-lease! A-yoko dito, p-apasukin n'yo ako!" Takot na takot na pagmamakaawa nito. Magulo ang buhok nito, nakasalampak sa labas ng gate at kinakalampag iyon. Bumaba agad ako ng sasakyan at mabilis itong nilapitan. "Nazneen?" Mabilis itong lumingon. Nabuhayan ito ng pag-asa na mabilis na tumayo at lumuhod sa harap ko. "W-ala akong g-inawang m-asama, please! Wag n'yo akong p-aalisin a-yoko ng maging p-abigat, pabigat sa l-olo ko. P-lease, h-indi ko k-ayo pahihirapan. G-agawin ko ang lahat ng g-usto n'yo!" Iyak ito ng iyak habang nakaluhod. Hindi rin naitago ang shock sa mukha ko dahil sa ginagawa nitong pagmamakaawa ngayon. "N-azneen?" "P-arang-awa mo na, parang-awa mo na! W-ala akong ibang pwedeng mahingan ng tulong. G-alit ang family ng mama ko sa a-kin. Hindi nila a-ko t-atanggapin sa kanila!" Sabi nito. Lumuhod ako sa harap nito at kinabig ito sa mahigpit na yakap. Sa sobrang pag-iyak nito ay halos habulin pa nito ang paghinga yumuyugyug din ang balikat nito. "I'm sorry, hindi na ito mauulit!" Sabi ko rito. Tsaka ito binuhat, bridal style at isinakay sa kotse. Sumakay na rin agad ako at bumusina para pagbuksan ng gate. "What is wrong with you Kuya Gage? Ba't nandito nanaman yan, palayasin mo yan dito!" Malakas na hiyaw ni Yvanah ng makitang karga ko papasok si Nazneen na mahigpit na nakakapit sa leeg ko ang mga braso. Ang mukha ay nakasiksik sa leeg ko. "Let's talk later, Yvanah!" Nilampasan ko ito at pumanhik sa hagdan para ihatid si Nazneen. Nakasunod si Rosalinda na umiiyak. "Kuya!" Bulyaw nito na nag-eecho pa ang tinig. Ramdam at dinig ko pa rin ang paghikbi nito. I understand what Yvanah did. Nakita nito yung situation ko noong wasak na wasak ako sa ina ng babaeng ito. Wala akong pinagsabihan sa mga magulang ko. Kundi si L.A at Yvanah na halos sumalo sa akin at pati sa company ko. But this woman is innocent. She's too fragile. Para s'yang salamin na kapag hindi mo hinawakan ng mahigpit ay mawawasak kapag binitiwan. "I'm sorry for causing you any trouble!" Sabi nito habang mahigpit pa rin ang yakap sa leeg ko."I'm sorry!" Inilapag ko ito sa kama at iniayos ang kumot nito. "Rest Nazneen!" Sabi ko na hinaplos ang mukha nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito. Tsaka pinahid ng palad ang luha nito. "Babalik ako later!" Sabi nito tsaka hinalikan ang noo ko at tumayo. "Rosalinda, bantayan mo ang Ma'am mo!" Sabi nito. "Opo Sir!" Mabilis na sagot nito. Tsaka ako lumabas. Naabutan ko si Yvanah sa sala na masama ang tingin sa akin. Sabay irap. "Yve!" "Nagpapakatanga ka nanaman, ginawa ka na nga n'yang kabit hindi ka pa natauhan! Ilang beses ka pa naming sasaluhin ni L.A dahil sa tigas ng ulo mo kuya!" "Hindi s'ya ang babaeng iyon Yve!" "Nababaliw ka na!" "She's Nazneen, her daughter!" Nagsalubong ang kilay nito. Tsaka lumapit at walang sabing sinapok ako. "Yve!" "Matalino ka naman, pero nasaan ang utak mo kuya Gage? You're torturing yourself! Stupid. Pinatuloy mo pa talaga ang anak ng babaeng sumira sa'yo! Bobo!" Disappointed na sabi nito. Umiling-iling pa."Tandaan mo ito kuya, kung mawasak ka nanaman dahil sa kanila. Hindi na kita tutulungan pa. Hindi mo deserve ang tulong ko. Kasi sinasayang mo lang!" Sabi nito tsaka kinuha ang bag sa couch at nagmartsa ng umalis. Marahas akong napabuntonghininga at pabagsak na umupo sa couch. "Nice show!" Sabi ni L.A na papasok ng mansion. Iiling-iling din ito na nakapamulsa pa. "What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong ko rito. "Tumawag si Abram, nagmamadali ka daw umalis! What happened?" "Yve happened---she saw Nazneen! Kinaladkad palabas ng mansion!" "At nauunawaan mo naman kung bakit n'ya ginawa yun?" "Yeah! Hindi naman magtatagal si Nazneen dito. Tutulungan ko s'yang maging maayos para makapagsolo s'ya. Kapag pwede na s'ya at ligtas na hindi na rin s'ya magtatagal dito" "I doubt!" Sabi ni L.A. napailing na lang ako. Isa pa to. Alam ko naman na nandito lang ito para kumalap ng balita na ikwekwento nito sa mga kaibigan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD