THIRTEEN

1117 Words
Thirteen "May masakit ba sa'yo?" Nakailang tanong na yata si Rosalinda at puro oo lang ang sagot ko. Hindi ko magawang sabihin na hindi, tiyak na mag-aalala ito. At ayokong mangyari iyon. "Ayos lang ako, pwede ka na ring magpahinga!" Sabi ko rito. "Paano ko gagawin yun? Kisapmata lang na nawala ka sa paningin ko kumuha lang ako ng tubig mo ganun na yung nangyari!" "S--orry!" "It's not your fault Ma'am Nazneen! Wala kang ginawang mali para magsorry. Ang mga dapat humihingi ng sorry eh yung mga taong gumawa ng mali sa'yo!" Ngumiti ako rito at niyakap ito. "Thank you Rosalinda! I am so greatful to have you!" "Oh s'ya, kapag may kailangan ka tawagin mo ako ha!" Sabi nito. Tumango naman ako at kunwari'y pwepwesto na sa higaan. Tsaka lang ito lumabas. Dali-dali naman akong tumayo at nakayapak na tinungo ang terrace ng silid ko. Umupo ako sa ibabaw ng pasimano ang mga paa ay nakabitin. Tumingala ako sa kalangitan. Madilim na pero inilawan naman ng mga bituin sa kalangitan. Napakaganda---napakapayapa. Pero ang isipan ko hindi matahimik. Hindi mapanatag. "M-om, ang daming takot sa puso ko. Gusto ko ring maging matapang tulad mo. Gusto ko ring maging malaya---maging masaya. Pero paano ko gagawin iyon? Masyado akong duwag. I'm sorry for being a coward! Pati si Lolo Jako nahihirapan, si Princess na pinapasan ngayon ang responsibility ko bilang apo ni Lolo Jako! Ako ang dapat katabi ni Lolo, pero dahil palaging nalalagay sa panganib ang buhay ko kailangan kong lumayo kay Lolo! M-om, kailangan ko kayo ni D-ad! M-om!" Naramdaman ko ang pamilyar na presenya ni Gage sa paligid ng lumingon ako nakita ko ito sa kabilang bahagi ng terrace. Sa terrace na karugtong ng isa pang silid. Seryoso itong nakatitig sa akin. Nang di nakatiis ay sumampa ito para makalipat sa terrace na kinalulugaran ko. Inalalayan ako nitong makababa ng ligtas at ng makatayo na ng maayos nag-angat ako ng tingin. Saktong nagtama ang tingin namin. "If you really what to be free face your fear Nazneen! Kailangan ka ng Lolo mo, hindi para proteksyonan kundi para mag-alaga sa kanya!" Sinapo nito ang pisngi ko. Tsaka marahang pinahid ang luha ko. "First step for that, let's go to Batsy's restaurant tomorrow night!" Sabi nito. Nakadama ako ng excitement sa puso pero napalitan rin iyon ng agam-agam. "Trust me Nazneen, pero gusto ko magkaroon tayo ng kasunduan na hindi ka lalayo sa tabi ko!" Sabi nito. Huminga ako ng malalim. "S-ige!" Sabi ko rito."S-alamat! Pangako hindi ako lalayo o aalis sa tabi mo!" Kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko dapat hayaang lamunin ako ng takot habang-buhay. Ayoko ng maging pabigat. --- At gaya ng usapan namin kinabukasan nga ng gabi isinama ako nito sa The Alpha's Foodie. Pangalan iyon ng Restaurant ni Batsy. Pagpasok pa lang nakita ko ang lagpas taong binalot sa puting tela. Tiyak kong dahil iyon sa akin. Pinagbuksan ako nito ng pinto, mabilis ang tahip ng dibdib dahil sa posibleng mangyari na tumatakbo na sa isip ko. Hawak nito ang kamay ko na pumasok kami. Naroon na ang mga kaibigan nito. Masaya kaming sinalubong. Si Danny ang unang bumati sa akin at mahigpit pa akong niyakap nito. "My gosh, I really love your hair!" Sabi nito. My hair is naturally curly and smooth. Namana ko kay Mom parang lahat naman eh. "T-hank you!" Nahihiyang sabi ko rito. "Tara na sa loob!" Yaya ni Abram. Nakahanda na rin ang pagkain na tiyak kong masarap base sa Amoy at itsura ng mga ito. Pero hindi maiwasang makadama ako ng out of place dahil halos ang laman ng usapan ng mga ito ay negosyo, sila Danny, Batsy at Bible ay nakakasabay sa usapan kaya naman pasimple akong tumayo. May nakita akong babaeng palabas kaya naman sinabayan ko ito. "Hi!" Nagulat yata ito sa akin kaya kimi ko itong nginitian. "H-ello!" Tugon nito sa akin. Sumabay ako rito. Nang makalabas na kami sumabay pa rin ako hanggang marating namin ang playground kung saan nakatakip din ang mga statue ng mga palamuti roon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. At least hindi ako natatakot sa lugar na ito. "Bakit ba tinatakpan nila ito? Ang weweird nila!" Sabi nito ng umupo sa duyan. "S--orry!" Nahihiyang sabi ko rito. Tiyak naman na dahil iyon sa akin. "Bat ka nagsosorry?" Takang sabi nito kaya muli akong ngumiti. "Ako kasi ang dahilan kung bakit may mga takip yang mga yan, ayaw lang nilang ma-trigger ang phobia ko!" Amin ko rito. She looks nice kahit pa naiiba ang ayos n'ya sa mga tao na narito sa lugar. Kaya panatag ako kahit papaano. "Ganun ba! Alam mo ang ganda mo---para kang anghel na bumaba sa lupa!" Sabi nito. Ngiting-ngiti pero pansin ko na may bumabagabag dito. "Parang hindi naman, a-ko nga pala si Nazneen!" "Hi Nazneen I'm Lina!" "You're so beautiful Lina!" Tumawa ito sa sinabi ko. "Lah, wag mo naman akong bulahin! Nakikita mo ba yung itsura ko?" Nakikita ko. At para sa akin wala namang mali sa ayos at itsura nito. "Oo, nakikita ko! Napakaganda mo!" Sabi ko rito. "Nazneen!" Seryosong tinig ng isang lalaki ang sumingit sa usapan namin nito. Sabay pa kaming napalingon rito. Alam ko kung kaninong tinig iyon. Tumayo ako at lumapit kay Gage. "Hindi ka dapat basta na lang umaalis sa tabi ko! I told you kapag nasa labas tayo dapat nasa tabi lang kita, you promised right?" Seryosong sabi nito sa akin. Napayuko na lang ang ako. Oo nga pala nangako ako. At gaya ng dati at madalas kong gawin sa iba ay humingi ng patawad. Dahil takot na mas ikagalit pa nito iyon. "Hindi ka dapat nakikipag-usap sa di mo kilala! And who are you? Ngayon lang kita nakita rito sa village?" Sabi ni Gage kay Lina. Masama ang tingin nito. "A---h, katulong ho ako kila Sir Cayde!" Sabi nito. Takot na baka magkamali sa isasagot. Hinawakan ni Gage ang kamay ko at hinila na pabalik sa loob ng restaurant. Inabutan pa namin Batsy na nagpapadyak dahil inagaw ni Cayde ang hawak nitong bulaklak. "Hi Guysss!" Natigil ang lahat ng pumasok sa entrance ang isang magandang babae. Natahimik ang mga kaibigan ni Gage sa gulat pero ng makabawi tuwang-tuwa ang mga ito na sinalubong ito. "She's Ate Keia, the queen of The Alpha's Town!" Sabi ni Batsy na inakbayan ako. Hindi ako sanay na may feeling close na tulad nito. Nahihiya ako. Dahil ikalawang beses pa lang namin nagkita ng ganito. Ginagap ni Gage ang palad ko ng mapansin nitong hindi ako komportable sa closeness namin ni Batsy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD