ELEVEN

963 Words
ELEVEN "Napakaganda!" Tunay ang naging ngiti ko ng magtungo kami sa likod ng mansion nito. Alam kong man-made lang ang parteng ito. May mahabang bridge kung saan ang ilalim ay tubig. Garden ang nakapalibot, napakaganda ng mga bulaklak. Ang garden sa harap ng mansion ay simple lang pero ito hindi pwedeng ilarawan bilang simple. Dahil halatang ang lugar ay pinagkagastusan at alagang-alaga. "You like it?" Tanong ni Gage. Ngumiti ako rito tsaka bumitaw sa hawak nito at naglakad sa bridge. Mayroon pang isda sa tubig. Iba't ibang kulay. "I love it!" Sabi ko rito na di napigil ang ngiti. Kelan ba ang huling nakakita ako ng ganito kagandang paligid? Hindi ko na maalala. "Pwede kitang ilibot sa village, hindi lang ito ang kayang ioffer ng The Alpha's Town!" Lumarawan agad ang takot sa mukha ko. "I can help you conquer that fear of yours. Just trust me---madami kang opportunities na namimiss!" Sinulyapan ko ito. Napapaisip ako, kung gusto nitong tulungan ako--bakit? Ano yung sinasabi ng kaibigan nito na kasalanan ko? Kung may kasalanan pala ako rito na di ko matandaan bakit tutulungan pa ako nito. Marahil gusto nitong padaliin ang lahat. Baka isa rin ito sa mga taong ayaw ng responsibilidad ng pag-aalaga sa akin. "You okay?" Tanong nito. Agad akong ngumiti. "Oo!" Lumayo akong muli at iginala ang tingin."I want this kind of place! Parang sa ganitong lugar malaya ako!" "Maaari naman iyon, kung susubukan mo!" Seryosong sabi nito tsaka humakbang palapit sa akin at ginagap ang kamay ko."Hindi ka naman mag-isa kung susubukan mo!" Kung nag-ooffer ito ng ganun, siguro tama lang na igrab ko ang opportunity. Opportunity na di na maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa akin "A-no yung place na iyon?" Tanong ko rito para maiba ang usapan. Karugtong iyon ng garden pero waring hawla naman. "Tara?" Tanong nito tsaka muling ginagap ang aking kamay at iginiya ako nito patungo roon. Pero kusang huminto ang mga paa ko ng makita ko ang nakakulong sa hawlang iyon. "Are you for real?" "Mababait naman sila!" Nakangiti nitong sabi. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga nakakulong na alaga nito. May kanya-kanyang pwesto ang mga ito. "Snake, for real?" Parang sa laki ng ilan sa mga iyon ay pwede akong lamunin eh. "Tara sa loob?" Mabilis akong umiling. Nangingiting pumasok ito sa hawla at paglabas ay may bitbit na itong isang yellow python. Ito yata ang pinakamaliit sa lahat kasingtaba ng braso ko at hindi pa kahabaan. "This is a yellow python, she's Yeye! Isa ito sa mga na save sa isang black market ng mga hayop. Madami s'yang gasgas sa balat noon at sobrang payat. But look at her now, she's healthy!" Sabi nito. Malayang gumagalaw sa balikat nito habang nakapatong sa likod ng kamay ang ulo nito. Lumalabas pa ang dila nito. Nakakaamase naman ang mga naririnig ko rito. Pero ahas pa rin iyon. "Touch her, hindi ka n'ya tutuklawin!" Pabiro sabi nito kaya naman mas napaatras ako at umiling. "I will hold her head, touch her body!" Sabi nito. Hinawakan nga nito ang ulo but in a gentle way. Halatang sanay na sanay maghandle ng mga ganitong klase ng hayop. "Try it!" Puno ng panghihikayat na sabi nito. Bumuntonghininga ako, hindi sa lahat ng bagay ay matatakot ako. Kailangan ko ring sumubok at ng di na lang huminto sa kung ano lang yung nagbibigay ng comfort sa akin ngayon. Napasinghap ako ng maramdaman ko na sa palad ko ang ahas. "Touch her gently!" Pabulong na sabi nito. Sinunod ko naman ang sinabi nito. Habang unti-unting lumalawak ang ngiti ko paseryoso naman ng paseryoso ang expression ng mukha ni Gage na nakatitig sa akin. I can see him in my peripheral vision. "Do you want to hold her?" Mabilis kong binawi ang kamay ko at mabilis na umiling rito. "N--o!" Nag-stutter pa ako sa pagsagot at napaatras. "Okay, maybe next time!" Sabi nito. Ibinalik nito sa kulungan ang alaga nito tsaka kami umalis. Babalik na muna kami sa mansion. "Sabihin mo lang sa akin kapag ready ka ng lumabas, sasamahan kita!" "Thank you! P-wede ba akong magrequest?" "Sure, what is it?" "Gusto ko sanang magpabili ng gamit sa pagpipinta!" "Really? That's one of my hubby too!" Sabi nito. "T-alaga?" "Papabilhan kita ng magagamit mo!" Tumango ako rito at nagpasalamat. Pagbalik namin ng mansion sumalubong si Rosalinda sa akin. "Tumawag po ang Lolo n'yo, nangangamusta!" Napangiti ako at excited na nagpaalam kay Gage at sumama kay Rosalinda. "Lolo Jako?" Sabi ko sa matanda ng sagutin nito ang tawag ko. "Kumusta ka na apo?" Sabi nito. "Mabuti po, kayo po ni Princess? I miss you po!" "I miss you too! Kumusta ang binatang nag-aalaga sa'yo? Mabuti ba s'ya? Sa tingin mo ba tama ang naging decision ko?" "Mabuti po. Mabait si G-age Lolo!" "Nice to hear that, gusto ka raw makausap ni Princess!" "Nazzzz!" Energetic na sabi nito. "Hello Princess, I miss you!" "Miss na rin kita girl, kumusta? Hindi ka naman ba sinusumpong d'yan?" "H-indi!" Sagot ko rito. Ayokong malaman nito ang nangyari. Ayokong mag-alala ito ng dahil nanaman sa akin. "Inaalagaan nila akong mabuti rito!" "That's nice, wag mong alalahanin ang Lolo mo rito. Ako ang bahala sa kanya!" "Okay! Thank you!" Sabi ko rito. Salamat na lang talaga dahil may kaibigan akong maaasahan na kasa-kasama ng Lolo ko. Mabuti na lang at hindi kami iniwan nito kahit pa nasa delikadong sitwasyon kami ng abuelo. "Sige na, hindi kami pwedeng magtagal, ingat ka d'yan!" "O-kay!" Gusto ko pa sanang humaba ang usapan pero ibinaba na nito ang tawag. Miss na miss ko na sila pero siguro kailangan ko talagang magtiis sa sitwasyon ko. Masyado kasi akong mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD