TEN

1071 Words
TEN Himala dahil kasabay ko ngayong kumain si Gage. Paggising ko kanina ay kalmado naman na ako pero nasa dibdib ko pa rin ang takot dahil sa nangyari. Pansin ko lang na tahimik si Rosalinda na mukhang sinisisi ang sarili sa nangyari. "Eat!" Sabi ni Gage ng mapansin na bahagya akong natutulala. Ngumiti ako rito at sinimulan ng kumain. "A---h G-age, s--orry nga pala sa nangyari!" "Why apologizing for what happened? It's not your fault but those people who didn't did their job right!" Napalingon ako kay Rosalinda na bahagyang humikbi sa gilid. Humakbang ito sa tabi ko at bigla na lang lumuhod. "Ma'am Nazneen, I'm sorry po! I'm sorry po! Hindi ko po sinasadya! Patawarin n'yo po ako!" Iyak na ito ng iyak. Nataranta akong tumayo at lumuhod din sa harap ni Rosalinda para magpantay kami. "Don't say sorry! It's not your fault! Stop crying!" "Kasalanan ko po!" Sabi nito na patuloy pa rin sa paghikbi. Malakas na ibinagsak ni Gage ang kubyertos at biglang tumayo sa upuan nito kaya bumagsak iyon na nagpakislot sa amin ni Rosalinda dahil sa nilikuan nun na ingay. "S--ir?" "You saw what happened to Nazneen! Ano ba ang sabi ko sa inyo? Ano yung mahigpit kong bilin ha!" Nag-echo ang galit nitong tinig sa dining room. Halata ang pagpipigil pa nito dahil sa higpit ng pagkuyom ng kamao nito. Naluluhang tumayo ako rito at hinawakan ang kamay nito. Natatakot din akong gawin iyon pero kung mangingibabaw ang galit nito baka matanggal si Rosalinda sa trabaho nito. Hinaplos ko ang braso nito upang ito'y kumalma. "I'm sorry, I'm sorry! W-ag ka na pong magalit!" Sabi ko rito."Please, it's my fault also! My fault dahil binuksan ko yung regalo---akala kasi namin g-aling sa'yo! Sorry, sorry wag mo sanang tanggalin si Rosalinda! Wag please!" Umiiyak ko ng sabi rito at akmang luluhod ng kabigin nito para makatayo ng tuwid at mahigpit akong niyakap. "Stop crying!" Sabi nito sabay buntong hininga at waring kinakalma ang sarili. "You---get out!" Sabi nito kay Rosalinda na mabilis na umalis sa dining room. Sinapo nito ang pisngi ko at nakipagtitigan sa akin. Honestly ngayon lang kami nagkatitigan ng ganito. But I can't understand that emotion in his eyes. "W-ag mo s'yang t-atanggalin! K---asi s'ya l-ang ang g-ustong kumausap s-a akin rito!" Paputol-putol kong sabi dahil sa pag-iyak. "Fine! Stop crying and let's eat!" Sabi nito. Pinahid ang luha ko na bumasa sa aking pisngi at iginiya ako paupo sa pwesto ko. Tahimik na nagpatuloy kami sa pagkain. "Madalas bang natritrigger ang phobia mo?" Tanong nito sa akin. Mabilis akong umiling. "Ah sa mansion controlled nila Princess at Lolo Jako ang lahat. I understand naman na possible na mangyari ito dahil sa new environment ko." "I promised you hindi na iyon mauulit!" Seryosong sabi nito. "T-hank you G-age!" "Hindi ka ba nabobored sa mansion n'yo?" "N-ope, matagal na akong nakapag-adjust!" "Paano nagsimula ang phobia mo?" Humigpit ang hawak ko sa kubyertos dahil sa tanong nito. Tsaka yumuko dahil sa totoo lang ay gusto ko na lang kalimutan at wag na sanang maungkat pa. "I get it, don't answer it!" Sabi nito. Pilit akong ngumiti rito. "I know that smile!" Sabi nito na napailing."Don't fake it!" Seryosong sabi nito. "But that is the only way for me to tell others that I am fine!" Sabi ko rito at napayukong muli. "Hindi mo kailangan magpanggap!" "Ayokong maging pabigat lalo sa mga tao sa paligid ko---kapag nalaman nilang hindi ako okay!" Bumuntonghininga ito sa narinig nitong rason ko. "Kung ako ang kasama mo don't smile if you don't want to!" Sabi nito. Tumango ako tsaka ngumiti rito. Masama ako nitong tinignan kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin rito. "You can roam around, my place is safe for you!" Alam kong malawak ang lugar na sakop ng pag-aari ni Gage naikwento nga ni Rosalinda na kapag pupunta ito sa mga kaibigan ay gumagamit pa ng sasakyan ang boss nito. May kalayuan din kasi ang gate at malawak ang kalsada. Base iyon sa kwento ni Rosalinda dahil hindi ko pa nakikita ang itsura ng labas. "N-oted!" Sabi ko rito. "Relax, don't be scared!" Sabi nito pansin marahil ang panginginig ng boses ko sa tuwing sasagot ako. "Sorry!" Bahagyang ngumiti ang binata. First! "I'll accompany you!" Natigilan ako at napatingin rito. Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Cold ito simula ng dumating ako ano ang ibig sabihin ng pagbabago nito? --- Kita ko sa mukha ni Nazneen na gulong-gulo ito. Maybe because of the sudden changes in me. After what happened last night may narealize ako. Walang kinalaman si Nazneen sa taong nangwasak sa akin. Wala itong kinalaman at hindi ko ito dapat idamay sa galit ko. Ngumiti ako rito. I'm trying to be nice, kahit pa sa bawat pagtama ng tingin ko sa maamo n'yang mukha ay ipinapaalala ng mukhang iyon ang aking nakaraan. "Mom! Mom don't leave me!" Nakatulog na ang dalaga ng akma akong tatayo at lalabas ng kwarto pero naagapan nitong muli ang kamay ko."Mom, I'm tired! I'm tired!" Lumuluha na ito. This woman is very miserable. Kahit pa madalas kong mapansin ang mga ngiti nito na palaging pilit na waring gustong iparating sa iba na ayos lang ito. Alam ko, dahil ganoon ang palagi kong ginagawa sa tuwing nasa paligid ang mga taong ayokong mag-alala at ayokong makaabala pa. "Mom, b-akit n'yo kasi ako iniwan!" Ginagap ko ng mahigpit ang kamay nito tsaka iniangat ang kumot na inilagay ko at sumuko na rin sa kumot nito. Binitiwan ko ang kamay nito at ipinaloob ito sa isang mahigpit na yakap. "Mom!" "Shhhh, I'm here! I'm here!" Bulong ko rito. "M-om, pagod na akong mag-isa!" "You're not alone!" Muli kong bulong rito. Ano ba ang nangyari rito para makaramdam ito na mag-isa ito. Sino ba ang mga taong gumagawa ng ganito sa kanya. According to her doctor ang phobia ni Nazneen ay posibleng dahil sa masamang nakaraan nito. I need to know that upang matulungan ko ito na magkaroon ng normal na buhay sa labas. "Gage?" Tawag ko sa atensyon ni Gage na titig na titig sa akin. Muli itong ngumiti tsaka naglahad ng kamay. Tapos na kaming kumain. "Tara?" Tanong nito. Agad akong tumango at tinaggap ang nakalahad nitong kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD