NINE

1137 Words
NINE Maingay ang grupo dahil sa biruan at tawanan ng mga ito. At dahil hindi ako sanay mas pinili kong pasimpleng tumalilis at tinungo ang garden. Tahimik na roon at di na abot ang ingay sa pool area. Sumagap ako ng sariwang hangin at waring nagmumuni-muni. Natigilan ako ng mapansin si Gage kasama ang kaibigan nitong si L.A. "Damn man, how can you be so stupid!" Sabi ni L.A na sinabayan ng iling."You let that woman to stay here! How stupid? You love torturing yourself?" Sabi nito na waring disappointed sa kaibigan. Wala ang jolly face na tulad ng pagpapakilala nito kanina. Kilala ba ako ng lalaking ito? Alam ba nito kung sino ako? Or alam siguro nito ang panganib na dala ko sa mga tao sa paligid ko. "Keep your mouth shut L.A!" Seryosong sabi ni Gage. "Tss, Akala ko matalino ka pero puso mo nanaman ang pinairal---" "Nagkakamali ka L.A, hindi s'ya yun!" "What do you mean hindi s'ya yun? Ako ba ginagago mo dude? I saw that face in all paintings in that f*****g room!" "Let's stop talking about her, I'll tell you next time!" Tumalikod na si Gage. Hindi man lang nila ako napansin na naka upo sa bench rito sa garden. "I know you heard us!" Napakislot ako ng sa dereksyon ko tumahak ang daan ni L.A galit ang nakalarawan sa mukha nito. Napatayo ako at mabilis na umatras. "Bakit nandito ka? Ang tigas din naman ng mukha mo para manatili sa lugar na ito, sinaktan mo ang kaibigan ko at pinaglaruan. Maawa ka naman sa kanya! Pinahihirapan mo lang s'ya! Honestly sa tigas ng mukha mo nagugulat pa talaga ako!" Naglandas ang luha ko. Ganun ba ako sobrang pabigat sa mga tao sa paligid ko. Na kahit hindi nila ako talagang kilala nahuhusgahan agad ako. "S--orry!" Humihikbing sabi ko rito. "Kung talagang nagsisisi ka, sincere ka sa sorry mo. Umalis ka rito! Pinahihirapan mo lang si Gage sa ginagawa mo, maraming pangarap yung tao para sa sarili n'ya. At di ka makakatulong sa mga pangarap na yun!" Tumalikod na ito pabalik sa pool area. Naiwan naman ako na luhaan. Naguguluhan. Bakit ganoon na lang ang galit ng lalaking iyon sa akin. Sa pagkakatanda ko kelan lang kami nagkakilala ni Gage, halos magdadalawang lingo pa lang at wala naman akong matandaan na nagawa rito para magalit ang kaibigan nito sa akin. What's going on? Never naman akong nagka amnesia. Masakit yung mga salitang binitiwan ni L.A at dama ko na may pinaghuhugutan ito. "Ma'am Naz!" Masayang lapit ni Rosalinda. Iniabot sa akin ang isang kahon na may pulang ribbon sa takip. "Umiiyak ka po?" Worried na tanong nito. Kaya mabilis kong pinahid ang luha ko. Tsaka ngumiti rito at wala sa sariling kinuha rito ang regalong iniaabot nito. "Kanino galing?" Nakangiti ko ng sabi. I used to smile kahit deep inside gusto kong umiyak. Ayokong may mag-alala pa dahil lang masyado akong mahina. "Hindi ko po alam, sabi lang po ng guard malalaman mo raw kung bubuksan mo!" Sabi nito."Baka po galing kay Sir Gage nahihiya lang na iabot sayo ng personal!" Ngiting-ngiti na sabi nito. Dahil wala pa rin sa sarili mabilis kong binuksan iyon pero mabilis ring nanlamig ng makita ang laman. Na kahit si Rosalinda ay napahiyaw sa gulat. Takot na naihagis ko iyon at napaatras dahilan para bumagsak ako sa lapag. Bumagsak ang isang doll na basang-basa ng kulay pulang likido. Hindi ko alam kung dugo ba iyon. Mabilis na dinampot iyon ni Rosalinda at basta na lang hinagis. Nanginginig ang buo kong katawan, marahas ang paghinga na waring hinahabol iyon dahil sa sobrang kapos na sa hangin ang baga. "Ma'am? Ma'am?" Tarantang hiyaw ni Rosalinda ginagap ang nangingig na kamay ko. Ngunit kahit pilit nilalabanan ang takot nilamon pa rin ako niyon. --- "S--ir, sir si Ma'am po!" Napatayo ako ng marinig ko ang malakas na hiyaw ng Rosalinda. Agad akong tumayo at sumunod rito kasama ang mga kaibigan ko na nagulat rin sa biglang sulpot ng kasambahay. "Nazneen!" Agad kong nilapitan ito na nakasalampak sa lapag. Tulala itong nanginginig, takot na takot at luhaan. "What is going on? Is she okay?" Takot na sabi ni Bible. Kahit sina Batsy at Danny. "Call her doctor!" Sabi ko kay Rosalinda na pagapang na lumayo tsaka lang nakuhang tumayo dahil sa sobrang tensyon at takot na rin. Ginagap ko ang kamay nito na malakas ang panginginig tsaka ito kinabig at mahigpit na niyakap. "Relax, relax I'm here Nazneen! Calm down!" Bulong ko rito. Mahigpit itong yumakap sa akin. Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko sa parte kung saan isinubsob ni Naz ang mukha n'ya. "I'm here! Relax!" Hinagod ko ang likod nito. Ramdam ko na pilit nitong nilalabanan ang takot nito ngunit hindi iyon sapat para kumalma ito. "I---I c-an't breathe!" Hirap na sabi nito. Habang patuloy na hinahabol ang paghinga. "What should we do?" Takot na sabi ni Batsy na lumuhod na rin at hinawakan ang kamay ni Naz. Sobrang lamig nun at nanginginig pa rin. "Gage, buhatin mo s'ya!" Sabi ni Danny."Ihinga natin s'ya ng maayos!" Suggestion nito. Mabilis kong ginawa ang sinabi nito at binuhat ito patungo sa silid nito. Naghintay na lang sa labas ng silid ang mga lalaking kaibigan ko, sina Batsy, Bible at Danny ang kasama ko sa loob. Mabilis kong kinalas ang tali sa likuran ng dress nito para hindi ito makaramdam ng suffocation. Kinalas din ang hook ng bra nito. "Naz! Naz, I'm here---calm down! Do you want to hear your grandpa's voice?" Hindi ko alam kung paano ito pakakalmahin. Pumasok si Rosalinda na kasunod na ang doctor. Mabilis ang kilos nito na alam na alam na ang gagawin. "What is that doc?" Tanong ko ng eenjectionan na ito. "Pampakalma lang ito hijo!" Sabi ng doctor. Hindi ko binitiwan ang kamay ni Naz. Ilang minuto lang ang malalim at naghahabol na paghinga nito ay dahan-dahan ng kumalma. Pagod na pagod ang itsura nito, basang-basa ng pawis at luhaan. Tinaggap ko ang bimpong iniabot ni Rosalinda at masuyong pinunasan ang mukha nito. "I thing the dinner is over, mauuna na kami Gage! Mas kailangan ni Naz na makapagpahinga!" Sabi ni Danny. Tumango ako sa mga ito without looking at them. Magpapadala na lang ako ng mensahe sa mga ito kapag tiyak ko ng maayos na si Nazneen. Akmang tatayo ako para lumabas at kausapin sana si Rosalinda na inihatid ang mga bisita ko sa labas ng nanghihinang pigilan ng dalaga ang kamay ko. "D-on't leave!" Pakiusap nito. Tsaka ito dahan-dahang nawalan ng malay. Bumuntong-hininga ako tsaka lumapit muli iniayos ang dalaga sa kama nito, nilagyan ng kumot at ginagap lang ang palad nito. "I'm not leaving!" Usal ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD