Kabanata 3

2518 Words
    Habang wala si Andrei ay napagpasyahan kong magswimming muna sa kanilang pool ng bandang alas kuwatro. The weather's too hot. Sumimsim ako sa lemonade na ginawa ni Arnie kanina para sa akin. Ngayon ay nakaupo ako sa sun lounger habang ang towel ay nasa aking hita.     Nakatingin lang ako sa langit nang tumunog ang aking phone. Sinagot ko ito at narinig ko ang pambungad na tawa ni Marge.         "Ang saya mo ata?" tahimik na tanong ko.     I am enjoying the solitude.         "Ang sungit ha." suminghap siya na akala mo ay nasaktan.         Umirap ako.         "Anong kailangan mo?" tanong ko para matigil na ang kakainarte niya. Tumahinik ang kabilang linya.          "Hey. Your mother's really worried. According to your baby brother, palagi raw nag-oovertime sa office kasi naghihintay ng updates tungkol sa'yo." aniya.     Natigilan ako sa pag-iisip sa sinabi niya. Tumahimik rin ako dahil kinakain ako ng konsensya ko. But if I told them... they won't give me this thing.         "Nag-uusap kayo ni King?" pag-iiba ko sa tanong.     Tumawa na naman siya.         "Bakit? Akala mo papatusin ko kapatid mo? Hindi ako cougar!" halos mamatay na siya katatawa.         "Teka... Kamusta na nga pala? Hindi ka naman pinapahirapan ni Andrei or so whatever?"         "Nope. He's actually amazing. Kaso hindi kami regular na magkita kasi busy siya." sinabi ko ang totoo.         "Lagi naman siyang ganyan. Even to us. Hayaan mo at kapag nagkafree schedule siya ay sasabihan ko na ipasyal ka naman."     Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pamumula ng mga pisngi.         "Nakakahiya naman! Ano ka ba? I can go on my own naman eh." saway ko.     Sobrang kapal ko naman kung magdedemand pa ako ng time sa Mayor para lang samahan ako.         "That's so okay naman kaya kay Andrei. Besides, feeling ko type ka nun." humagikhik siya.         "Type? Paano mo naman nasabi?" medyo masaya ang kinalabasan ng tanong ko. Agad kong tinigil iyon bago pa mahalata ni Marge.         "I so know you, Rese. Type mo rin ano?" pang-aasar ni Marge at mas lalo pang tumawa.         Kung narito siya, baka nairapan ko na siya. Malakas talaga nakaramdam ang isang ito.         "I can't lie to you... Can I?" sagot ko.     At crush lang naman. Hindi naman ako inlove agad. Humahanga lang ako dahil sobrang dedicated niya sa trabaho at talagang matured tingnan.         "Don't worry, my friend. Sa'yo ang boto ko. Saka hintay ka lang.. Mahuhulog din 'yang si Mr. Mayor sa'yo. Sige na! May interview ako. Tumawag lang para mangamusta. Bye. I love you girl."          "I love you too. Sige na, bye."     Tumawa ako at bumangon na para hanapin ang flip flops ko. Nang maisuot iyon ay siya namang pagsulpot ni Andrei na nakapambahay na. Sa kanyang balikat ay may tuwalya at nakasuot siya ng manipis na white tshirt at swimming trunks. Namula ang mga mata ko lalo na nang magkatitigan kami.     Naconscious naman ako sa aking katawan at mas hinapit ang towel. Ngumiti ako at nagbigay daan para mailapag niya ang towel sa katabing sun lounger.         "Ang aga mo ngayon."  pagbubukas ko ng topic.     Sinilip niya ako at tumango.         "Yup. Nacancel ang meeting ko. And I want to relax kaya umuwi na ako."     Kinagat ko ang labi ko at umayos ulit ng tayo para mas matakpan ang katawan ko.         "Ah. Ganun ba? Sige, aalis ako para makapagrelax ka."     Mabilis kong hinanap ang aking mga gamit para mapag-isa siya nang hinarap na niya ako ng tuluyan.         "No. You stay. I mean, if you want you can stay." nahihiya niyang sabi at kita ko ang paninitig niya sa katawan ko.     Namula ako at tumango. Binaba ko ang mga gamit nang sa ganoon ay makaupo na ulit ako sa sun lounger. Tumayo siya at hinubad ang kanyang puting tshirt. Tanging ang silver necklace ang nasa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Inayos niya ang tshirt sa tabi nang sun lounger bago tumingin sa akin.         "Do you wanna swim?" tanong niya.     Tumango ako at mabilis na binaba iyong towel na nakatakip sa aking ibabang parte. Naglakad ako papunta kay Andrei at parang nakalutang dahil sa kanyang mabibigat na tingin sa akin.     Ang aking itim na bikini ay mas lalong nagpaputi sa aking balat na ngayon ay medyo mapula na dahil sa kaunting araw.         "I'll dive first." nag-iwas si Andrei ng tingin at nagdive na sa pool.     Ang kaunting tubig ay tumalamsik sa akin.     Tumawa ako at tumalo na rin. Umahon agad ako at pinunasan ang mukha. Si Andrei ay mukhang ineenjoy ang tubig. Nagfloating siya kaya napatitig ako sa katawan niyang batak na batak at sobrang toned.         "Mukhang stressed na stressed ka sa munisipyo." bulalas ko na nagpamulat sa kanyang mga mata.     Diretso ang kanyang mga malalim na mata na nagbigay nang kiliti sa aking tiyan.         "Hindi naman. I just really want to go home." sagot niya.     Nag-iwas ako ng tingin at kunwari ay may tinitingnan sa tiles ng pool. Hindi ko alam pero parang iba ang pinapahiwatig noon. Tumango ako at sumalok ng tubig para basain ang aking katawan. Tumayo na rin siya at mas tumangkad na ulit siya sa akin sa ginawa niyang iyon. Naghilamos siya para makamulat ng maayos.         "Are you enjoying your stay here?" tanong niya.     Ngumuso ako at tumango. Yes, I don't know but there's something in this place that calms me. Ilang araw pa lang ay at home na agad ako. Siguro ay dahil malayo ito sa ingay ng kalsada at init na meron sa Manila.         "Good. Do you wanna go somewhere?" tanong niya.     Tiningnan ko siya at ngumiti.         "Yes. Pero hindi ko naman kung anong magaganda rito sa Palanca." sagot ko.     Ngumiti siya at humakbang palalapit sa akin. Ngumiti na lamang din ako sa kanya.         "We can go to other place. I'll tour you around the province." aniya. Tour? The whole province? Talagang marami siyang oras ha? Lumunok ako dahil malapit nang magdikit ang aming mga balat.         "Hindi ka ba busy?" tanong ko.     Tumango siya.         "Yes, I'll be busy since the town fiesta's coming. Pero pagkatapos noon, wala na naman masyadong activities. I can file a leave or something kapag itotour na kita." he offered.     Tumango ako. Besides, hindi naman ako agad mabobored kasi sabi nga niya, pwede naman akong sumali sa mga contest at palaro sa fiesta. I'll ask Arnie for what games I should join.         "Then, let's talk about that after the fiesta. You should focus muna since it's not really necessary naman." paninigurado ko.         "Alright." sagot niya at nagbasa na rin ng katawan.         "Ano nga pala ang gagawin sa fiesta? I can help, okay? Para na rin hindi ako masyadong mainip."         "Wala pang firm decisions pero I ordered Jamin na nag-open kami ng survey sa mga mamamayan para sa gusto nila." sabi niya.     Tumango ako at di na pinansin na nabanggit niya ang pangalan ng bwisit na 'yon. Naaalala ko na naman ang pagkapahiya ko sa kanya. Ngumiti na lamang ako at nagswimming na ulit. Nag-enjoy ako dahil marami kaming napag-usapan ni Andrei tungkol sa mga Salvatorre at kay Marge.     He even talked about the past town fiesta and it made me more excited than before. Alas sais na rin ng umahon kami. Ang malamig na hangin ang sumalubong sa amin kaya tumakbo ako sa sun lounger para ibalot sa sarili ko ang towel.     Napalingon na lamang ako ng ipatong ni Mayor sa aking balikat ang kanyang towel.         "No. Okay lang ako, Mayor. Magbibihis na rin naman." tanggi ko pero umiling siya at mas binalot ako.         "Maraming mga body guards na nasa loob ng mansyon. I don't want them to see you like that."     Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Parang mainit ang puso ko dahil sa simpleng ginawa niya. Ito ang unang beses na naging bothered ako sa lalaki. Manila boys are liberated. Halos westernized na sila gumalaw. Every night partying and playing. Sneaking with girls and even bedding them. This is the first time that I encounter a guy with this attitude.     Maybe, chivalry lives in his mind. Ito ang mga lalaking alam ang kanyang priority. Mature kumbaga and it makes him sexier. Pinunasan niya ang buhok niya gamit ang tshirt at sinampay iyon sa kanyang balikat.         "Let's go?" tanong niya.     Naglakad kami nang sabay dahil malayo layo ito sa pinakamansyon. Dadaan pa kami sa garden bago makapasok sa back door. Nang makarating kami sa back door ay binuksan niya iyon at pinauna ako. Hindi nakawala sa akin ay kanyang marahang paghawak sa aking baywang at paggabay sa akin papasok.     Hindi siya nagsisinungaling. Sa loob ng bahay ay naroroon ang ilan sa kanyang guards at animo'y mga estatwang nakatayo doon. Mas hinigpitan ko ang hawak sa tuwalya dahil may ilang sinisilip kami sa gilid ng mata.         "Mauna ka na sa kwarto mo at bumaba ka pagkatapos. Magpapahanda lang ako ng dinner." bulong niya nang nasa harap na kami ng grand staircase.     Mabilis akong lumakad pataas sa takot na biglang mabasa iyong carpeted floor. Napatulala pa ako pagkapasok ko sa bathroom. What was that? Halos mawala na ako sa aking sarili habang inaalala ang pakiramdam ng kanyang braso sa likurang baywang ko. Naligo na lamang ako at mabilis na nagbihis. Baka mamaya ay pinaghihintay ko na naman si Mayor.     Mabilis ang pagbaba ko sa hagdan at dumiretso sa kitchen. Sa gilid ay may sinasabi si Andrei kay Arnie. Tumango ito at umalis rin. Napatingin sa akin ang bagong ligo na si Andrei. Hindi kagay noong nakaraan na lagi siyang nakabusiness attire ay simpleng gray na tshirt at pajamas na lang ang suot niya.         "Take a seat. I know you're hungry." ngumiti na nama siya at pinaghigit ulit ako ng mauupuan.     Umupo ako doon at naglagay ng tissue sa aking hita. Masasarap ang luto at halos maglaway ako dahil gutom na gutom ako. Kinuha ko ang kanin at sinalinan ang aking plato. Nakatitig ako sa plato ni Andrei at iniisip kung lalagyan ko ba iyon o hindi. Nang mapansin ko na nagtataka siya ay inabot ko na lamang iyon sa kanya.     Ako na rin ang namili nang ulam ko at tahimik na kumain. Hindi na rin nagsalita si Andrei at hinayaang matapos ang dinner na walang usapan. Hinintay ko ulit si Arnie para tulungan siya. Si Andrei ay umalis na agad dahil may tumawag sa kanyang phone.         "Arnie..." tawag ko.     Nilingon ako ni Arnie. Sa tingin ko ay 'di nalalayo ang aming edad. Ngumiti siya sa akin na nagpalabas ng kanyang dimple.         "May girlfriend ba si Mayor?" tanong ko.     Natigilan siya sa pagliligpit ng mga pinggan.         "Type mo po si Mayor?" hindi niya makapaniwalang tanong.     Umiling ako pero namumula ang aking mukha.         "Wala pong girlfriend si Mayor. Maraming umaaligid pero mailap." sagot niya.     Ngumuso ako. So hindi lang ako ang nag-iisang may gusto kay Andrei? Hindi na ako sumagot at matapos maglipit ay hinayaan ko na si Arnie na dalahin iyon sa dirty kitchen. Umakyat ako sa grand staircase nang marinig ang boses ni Andrei sa balkonahe.         "Don't worry about that Meryl... Yes... Kung iyon ang gusto mo ay pupuntahan kita... Yes. Just stop crying."     Natigilan ako doon. Sino si Meryl? And I thought walang girlfriend si Mayor? Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko bago pa ako mahuli ni Mayor na nakikinig. Humiga ako sa kama at pinilit na makatulog nang may kumatok sa aking pintuan. Napabalikwas ako ng higa lalo na nang makitang si Andrei iyon.         "I'll just go to the municipal hall. Will you be fine here?" tanong niya.     Tumango ako at pilit na ngumiti.         "I guess so. Matutulog na lang ako. Mag-iingat ka." ngumiti ako kaya ganoon rin ang ginawa niya at sinara na ang pintuan.     Municipal hall? Meryl? Ginulo ko ang buhok dahil nahihirapan akong intindihin. Napakamisteryoso naman ni Andrei.     Kinaumagahan ay pagkababa ko ay nasa hapag na si Andrei at si Jamin. Tumaas ang kilay ko at inirapan ito ng palihim. Talagang nakikikain pa siya? Umupo ako sa tapat ni Jamin at kita ko ang presko niyang ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto.         "Good morning." bati ni Andrei at sinilip ako sa gitna ng pagbabasa sa dyaryo.         "Magandang umaga rin." sagot ko at sinulyapan naman si Jamin na nakangisi pa rin.     Nagkatinginan kami kaya inirapan ko siya. Humalakhak siya sa ginawa ko.         "Good morning, Miss." bati rin niya sa akin.     Hindi ko siya tiningnan at tipid na tumango sa kanyang direksyon. Bakit ang gwapo niya sa simpleng polo shirt?  Mukhang foreigner rin itong si Jamin at kung magkasama sila ni Andrei ay aakalain mong mayaman siya at hindi secretary. Kaya siguro sikat din siya sa bayang ito dahil sa kakisigan niya.     Nilapag nina Arnie ang mga pritong itlog at bacon. Tinusok ko ang hotdog nang tumawa si Jamin.     "So, you like hotdogs." puna niya na may nakakalokong ngiti.     Hilaw ang ngisi ko sa kanya at hindi na pinatulan. Nasa harapan kami ng pagkain kaya kahit gusto ko siyang tusukin nang tinidor ay pinigilan ko.     "Is she fine? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Andrei kay Jamin.     Agad akong napatuwid sa kinauupuan. She? Maybe they're talking about that Meryl from last night. Who's Meryl? Sumeryoso si Jamin sa pagkakaupo at tumango.         "Kagabi noong umalis ka ay nagwala na naman. Ang lakas talaga ng tama sa'yo." aniya.     Tumikhim si Andrei na parang ayaw niyang ituloy ni Jamin ang sasabihin. Napatingin sila pareho sa akin at parang natauhan si Jamin. Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng marahan. Nagkukunwari na wala lamang iyon sa akin. Kumain ako ng kaunti dahil nawalan ako ng gana.         "Sir, may tawag po kayo mula sa Vice mayor." tawag pansin ni Arnie.     Inabot niya ang wireless phone at agad na lumabas si Mayor para kausapin iyon. Tamad kong tinusok tusok ang hotdog dahil wala akong gana.         "Masamang pinaglalaruan ang pagkain." biglang nagsalita si Jamin.     Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakasandal siya sa kanyang upuan at iniinom iyong orange juice.         "Ano?" tanong kong muli.     Wala na kasing pumapasok sa utak ko. Pumatak ang titig niya sa aking pinggan. Ang mga bacon ay puro sira na ang hitsura dahil sa pagtusok tusok ko.         "Maraming nagugutom na bata. Kaya sana... hindi ka nag-aaksaya ng pagkain, Miss." dagdag niya.         "I am not playing with my food. Nawalan lang talaga ako ng gana." pabulong na sagot ko.     Umayos siya ng upo at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. Nakasimangot lamang ako sa kanya dahil wala ako sa mood na makipagtalo pa ulit.         "I know you like him." saad niya na nakapagpatunghay sa akin. Seryoso ang mga mata niya at agad ding pumungay nang magkatitigan kami.         "I know you like Andrei but you still need to eat."     Humilig siya papalapit sa akin at kinuha na mismo ang tinidor para muling ilagay iyon sa kamay ko. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya.         "I know you're probably jealous about who are we talking about. You don't have to worry. She's nothing to Andrei." mariin na sabi niya.     Ramdam ko ang galit niya sa pagkakasabi niya doon. Agad siyang bumalik sa pagkakaupo nang bumukas ang double doors at lumabas si Andrei.         "Jamin, let's go. Thyrese, I'm sorry may emergency lang." hinalikan niya ako sa pisngi at agad ding umalis habang nakasunod sa kanya si Jamin.     Bumaba ang tingin ko sa plato ko at sa tinidor na nasa aking kamay.         What the heck was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD