Ginising ako ni Arnie dahil isasama raw ako ni Andrei ngayon sa munisipyo para sa meeting. Mabilis akong kumilos at agad ding bumaba. Tahimik akong umupo at inayos ang aking dress. Isa itong meeting kaya naisip ko na kailangan kong maging pormal.
"I don't know if you'll enjoy the meeting." sabi ni Andrei at sinalinan ako ng juice sa baso.
"Huh?" tanong ko at tinusok ang bacon.
"Matatanda na ang mga tao sa meeting. Mga konsehal at mga barangay captain ang naroroon. I'm so sure na mabobored ka lamang sa mga reklamo nila."
Umiling ako sa sinabi niya. Sa tingin ko ay mas kailangan niya lalo ako doon. Ang karamihan sa matatanda ay walang alam sa mga ganito. More of them are natural pessimist. Lagi silang kokontra.
"Naroon ba si Jamin?" tanong ko.
Nilingon niya ako at marahang tumango.
"Oo. Bakit?" tanong niya at nilagyan ng loaf bread ang aking plato.
"Then, I'll be fine. At least, kahit papaano ay may makakausap ako." ngumisi ako at kumagat sa tinapay na binigay niya.
Seryoso niya akong pinapanood.
"You can talk to me, you know." aniya.
Namula ako sa sinabi niya. Uminom ako sa juice.
"Yes, pero sa tingin ko ay makakapagfocus ka kung hindi mo ako parating uunahin, Andrei. I'll be fine." sagot ko at kinain ulit ang bacon.
Nang maubos na namin ang pagkain ay pinahanda na niya ang sasakyan at binuksan ang pintuan para sa akin. Sumakay siya sa tabihan ko bago sinara ang pintuan. Ang driver ay pana ang pagmamasid sa amin mula sa rear mirror.
"Let's go, Manong. Malelate kami." utos ni Andrei at sumandal na sa upuan.
Nakatingin lamang ako sa daan. The whole Palanca's almost green. Iyong tipong puro palayan. The people are simple. Ang mga bata ay naglalaro sa tabi ng kalsada. Lumiko kami sa building na tatlong palapag. Kulay puti ito at modern tingnan. Ibang iba sa bahay kubo na kalimitan ay bahay ng mga tao dito.
Pagkababa namin ay pinagtitinginan na kami ng ilang empleyado doon. Hinawakan ni Andrei ang aking baywang na mas lalo pang umani ng mga tingin. Sa hagdanan ay naroon si Jamin na naghihintay sa amin. Tumango sa kanya si Mayor at sumunod siya sa amin. Umakyat kami sa hagdanan at lumiko sa isang simpleng kwarto na malawak. May mahabang lamesa at mga silya doon.
Naroon na halos lahat nang matatanda at nakangiti noong makita kaming pumasok.
"Mayor, ito na ba ang nobya mo?" tanong noong isa sa mga konsehal.
Ngumiti lamang ako sa matanda at umiling. Ang ilang pares ng mga mata ay nasa sa akin kaya mas lalo akong nahiya. Ako na mismo ang kumalas sa hawak ni Andrei at mabilis na pulunta sa tabihan ni Jamin na nasa kay pintuan.
"Let's start?" tanong ni Andrei at umupo na sa kanyang upuan.
Kita ko naman sa gilid nang aking mata ang pagsilip ni Jamin sa akin. Nakahalukipkip siya at busy sa paglilista ng mga napapag-usapan.
They were talking about the parade, the mob dance na ipeperform ng mga goverment employees, the pageant on the final night.
"Sponsored na ng mga Serrano ang pageant. Ang problema na lamang ay ang mananahi na gagawa ng mga damit para sa mga kababaihan sa parada." ani noong matanda.
Tinaas ko ang kamay ko kaya napalingon sila sa akin. Maging si Andrei ay pinapanood ako.
"Uh... I, I can help po." mahina ang boses ko.
Nakatitig na sa akin ngayon si Jamin.
"I can do the dresses, you know. Graduate po ako ng fashion designing sa Manila."
May ilang nakatitig lamang. Ang iba ay napaismid.
"Bakit hindi na lamang tayo maghanap ng mananahi. Wala tayong budget kung kukuha pa tayo ng propesyunal." sabi noong isang matanda at umiling kay Andrei. Nasundan pa iyon ng ilang pagsuporta.
Lumunok ako at hindi alam ang gagawin. I badly want to help. Tumayo ng bigla si Jamin.
"Hindi na ho kailangang problemahin iyan. Hindi naman po humihingi ng bayad si Miss Thyrese dito." ngumiti siya ng malapad sa mga matatandang naroroon.
Nilipat ni Jamin ang tingin sa akin at sinenyasan akong tumango. Agad akong tumayo at pumayag sa sinabi ni Jamin.
"Tama po si Jamin. Hindi po ako maniningil dito kaya po sana ay hayaan niyo akong tulungan kayo."
Tumikhim si Andrei at kinatok ang lamesa para makuha niya ang atensyon ng lahat.
"Let's be practical. Kung hahanap pa tayo ng mananahi sa halip na si Thyrese na lamang ay kukulangin tayo sa oras at pera. Since libre naman niyang ibibigay ang kanyang serbisyo ay pumapayag ako."
Nagsitanguan ang ilan at pumayag na rin dahil sa sinabi ni Andrei. Ngumiti ako kay Andrei at bumalik na sa pagkakaupo.
"You should smile at me, too." bulong ni Jamin.
"I made that happen for you, you know."
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Ang yabang talaga.
"Oh? Thanks." tipid na sagot ko.
Ngumisi siya at bumalik na ulit sa pagsusulat. Nakahalukipkip lamang ako sa mga pinagsasabi nila. Si Jamin ay tahimik lamang din na nakikinig. Napatingin ako sa kanya. He really look foreign? Siguro anak 'to ng foreigner. Halos bumakat ang kanyang mga braso sa longsleeves na damit. At mas lalong tumangos ang kanyang ilong kapag nakaside view.
"Staring is rude." bulong ni Jamin.
"Ang panget mo kasi." sagot ko at ngumisi.
Nilingon niya ako habang nagsusulat pa.
"Ako? Panget? Baka gusto mong pakitaan kita?" hamon niya at hinagod nang tingin ang katawan ko.
Kumunot ang noo ko at humilig papalapit sa kanya para mas lalong makabulong sa kanya.
"No thanks. Baka maliit, madisappoint lang ako."
Siya naman ang lumingon sa akin at may ngisi pang malapad. Humilig rin siya sa akin.
"Ano bang akala mong ipapakita ko? I am talking about my face not my 'down there', Miss."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi lalo na nang ramdam ko ang titig niyang nang-aasar. s**t! Nag-iwas ako ng tingin at hindi na sumagot pa sa sobrang kahihiyan. Bakit ba iyon ang naisip mo, Thyrese?
Jamin's a crazy asshole. Ramdam ko na nagpipigil lamang siya ng tawa buong meeting. Hindi rin siya mapakali sa kanyang kinauupuan kapag napapasulyap siya sa aking gawi. Sasakalin ko na talaga ito. This is the first time na nakaencounter ako ng lalaking hindi nagpapaimpress sa akin kundi sakit ng ulo at asar lamang ang dala.
Natapos ang meeting na walang pumapasok sa utak ko dahil sa lalaking katabi ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magsulat ng summary habang walang patawad na inaasar ako.
"Would you stop smirking? Mukha kang dog." saway ko dahil mukhang naisemento na sa mukha niya iyong ngisi niya.
"Would you stop being so conyo? Nasa probinsya ka, wala sa Manila." ginaya niya ang boses ko.
Napatulala na lang ako sa kanya. Kinindatan niya ako at agad na nilagay ang note pad niya sa kanyang sling bag. Asar na asar akong tumayo sa aking monobloc dahil nagsisialisan na.
"Tapos na? Pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Jamin kay Andrei na agad lumapit sa amin.
Tiningnan ako ni Andrei. Ang kanyang kamay ay pumatak ulit sa aking baywang.
"Did you take down notes? I'm afraid that you forgot because you're too busy here." tanong niya at pabalik na tiningnan kami ni Jamin.
Mariin ang panga ni Jamin na nilabas ang note pad at pinakita iyon kay Andrei. Hindi naman nagreact si Andrei at tiningnan lamang iyon.
"Makakaalis na ba ako?" tanong ulit ni Jamin.
Ang kaninang palangising mukha ay naghalong parang bula at napalitan ng galit na titig. Nag-iwas ako ng tingin dahil may nararamdaman akong kung ano sa pagitan nila. Tumango si Andrei at mabilis kaming tinalikuran ni Jamin. Nang maubos na ang tao ay hinarap ko si Andrei.
"Uuwi na tayo?" tanong ko.
Umiling siya at giniya ang aking bewang para maglakad na rin papalabas.
"Kakain muna tayo ng lunch sa gotohan tapos ihahatid kita sa mansyon. May pupuntahan ako sa kapitolyo." aniya.
Nanghihina akong tumango. Nararamdaman ko na galit siya at hindi ko alam kung para saan iyon. Paglabas namin ay pinagtitinginan pa rin kami. May ilang mga babae ang nagbubulungan habang nakatingin sa amin.
Sa gilid nang aking mata ay nakita ko ang agad na pagpapaharurot ni Jamin sa kanyang motor. Napatigil ako at pinanood iyong pagkawala ng kanyang motor. Lumunok ako at pumasok na sa pintuang binuksan ni Andrei.
Hindi ba ay secretary siya? Bakit hindi niya kami sinasamahan at bakit nauna pa siyang umuwi kaysa sa boss niya?
Nangangati akong magtanong pero pinigilan ko dahil guarded pa ang kilos at pagsasalita ni Andrei. Natatakot ako na magalit siya kaya kinimkim ko iyon hanggang makarating kami sa gotohan.
Agad siyang sinalubong ng mga tao doon at pinaghanda ng mauupuan. Seryoso siyang nakikipagkamay sa may-ari at nakipag-usap pa.
Tahimik ako sa aming table at kita ko na naman ang ilang mata ng mga kumakain na dumadapo sa akin. Then, I wonder more... Talaga sigurong mailap sa babae si Andrei at ganito na lamang kami pagtinginan. Siguro ay ibang iba ito at bagong bago sa kanilang paningin.
Nginitian ko iyong isang babae na nasa kabilang table pero inismidan lamang ako. Hindi ko na lamang pinansin ang kagaspangan noon. Siguro ay isa ito sa tagahanga ni Andrei. Umupo si Andrei sa aking harapan. Ang driver at ang dalawang guard ay nasa kabilang table.
Nakapatong ang mga kamay ko sa table ng hawakan iyon ni Andrei. Napalingon agad ako at tinitigan ang kamay niyang kinukulong ang maliit kong kamay.
"I hope, I'm not boring you." mababa ang boses niya.
Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa di malamang kadahilanan. Kung dahil ba iyon sa ginawa niya o sa sinabi niya.
Lumunok ako at umiling. Hindi ko alam kung paano magreact.
Unti-unti kong kinalas ang kamay niya sa akin at tiningnan ang paligid. The people were eyeing us. Siguro ay pagkaalis namin dito ay kung anu-ano na ang spekulasyon nila.
As I said. Kailangan na hindi ako magstand-out. I am afraid that my parents would heard about my whereabouts.
"Hindi naman ako nabobored. Kinukuwentuhan naman ako ni Arnie sa mansyon." ngiti ko.
Kita ko ang mas pagbigat ng tingin niya. Lumunok ako at ginawang busy ang sarili sa pagdrawing ng mga hugis sa kawayang mesa.
"Sana ay mabubuting bagay tungkol sa akin ang napapag-usapan ninyo." kumento niya.
Tumawa ako ng mahina. Medyo lumambot ang tingin niya sa akin at nakuha pang salikupin ang kanyang kamay.
"I want to know you more, Thyrese. Would you let me?" tanong niya.