Kabanata 2

2048 Words
        "Ang yabang mo." inis na sabi ko sa kanya.     Tinaas lang ni Jamin ang kanyang kilay na parang naamaze siya sa mga pinagsasasabi ko.         "Ano? Bahala ka na nga diyan!" singhal ko.     Naiinis na ako kaya naman tumalikod na ako sa kanya at hindi na siya hinintay pang magsalita! Bwisit, yabang! Sumakay agad ako sa kotse na pinahiram ni Mayor. Nakakunot noo pa ako nang magpahatid ako sa mansyon.         "Magandang umaga Ma'am." bati noong isang katulong na nagmamop ng sahig.     Ngumiti ako at pumunta sa kitchen. Kumuha ako ng tubig at bumalik ulit sa living para kausapin iyong katulong.         "May alam ka bang pasyalan rito? O magagandang gawin sa lugar na ito?" tanong ko.     Saglit niyang tinigil ang pagmamop para titigan ako.         "Meron, Ma'am. Maraming masarap na gotohan at lomihan dito. Tapos doon po sa looban, may ilog doon. Malinis at malamig ang tubig."     Looban? Iyon ba 'yong lugar kung saan ako niligtas ng Jamin na 'yon?         "Looban?" tanong ko na nagpatango ulit sa katulong.     Sasagot pa sana siya nang may malalakas na yabag ang dumating.         "Naku! Sir! Ang aga niyo naman po." ani noong katulong at dali-daling niligpit ang mga panlinis.     Tumango lamang ang seryosong si Andrei habang niluluwagan ang kanyang necktie.         "Babalik din ako sa munisipyo pagkatapos ng lunch. Gusto ko lang malaman, kung okay ba itong si Thyrese." sagot niya.         "Ako?" namumulang tanong ko.      Bakit naman gusto niya akong bisitahin? Parang napakaimportante ko naman. Tumango siya at hinubad na ang coat. Sinalo ito nang katulong at marahang tinupi.         "Arnie, ipaghanda mo kami ni Ma'am Thyrese niyo ng tanghalian." utos niya kaya umalis iyong katulong.     Naiwanan kaming dalawa. Hindi pa rin naalis ang pagkapula ko dahil pumasok muli sa utak ko iyong paghalik na ginawa niya sa akin bago ako umalis.         "Did you enjoy Palanca?" tanong niya.     Tumango ako at ngumiti. Umupo siya sa sofa at nilahad ang tabihan niya. Nahihiya akong umupo doon pero dahil ang ganda ng kanyang ngiti ay hindi na ako nagdalawang isip pa.         "Anong pinag-uusapan niyo ni Arnie kanina?" lumingon siya sa kusina kung saan pumasok si Arnie.         "Ah! Nagtatanong ako kung saan maganda gumala dito. Gusto ko kasi na maexplore ang Palanca habang nasa bakasyon ako." ngumiti ako kay Andrei.      Tumango siya. Ang kanyang mga kamay ay pinatong niya sa tuhod niya habang pinapanood ako. Now, I wonder... May girlfriend kaya ito?         "Maganda ang park dito. May mga ilog at kainan din. Hindi pa masyadong develop ang bayan kaya kung pasyalan ang hanap mo ay malabo iyon." sagot niya.     Medyo nalungkot naman ako. I like adventures! Gusto ko iyong mag-explore. Ang kakambal ko naman ay mas gustong humarap sa makamundong mga libro at mag-aral. Siguro ay opposite talaga ang mga kambal parang kami.         "Ah, ganun ba? Sayang naman." sagot ko na lamang.     Kumunot ang noo ni Andrei sa akin. Ang kanyang mata ay puno nang pagtatanong na parang gusto niyang pag-aralan ako.         "Bakit dito ka pumunta? I'm so sure na nasabi naman sa'yo ng pinsan ko na walang pasyalan dito? Just tell me your reason, Thyrese." seryoso na ang boses niya.     Lumunok ako. I guess, kailangan kong maging honest dahil una, pinatira niya ako ng walang tanong tanong.. Pangalawa, mukha namang hindi siya iyong tipo ng taong mahilig makialam.         "I told you before, I'm the daughter of Silvestre Luna. Maybe, you also know that my mother is the famous hotelier.." panimula ko.         "And me, as one of the firstborn, is expected to handle our business next year. I came here with the help of Marge to have a break. Pakiramdam ko, mababaliw ako sa Manila kapag puro rants ng parents ko about business ang maririnig ko." tumawa ako sa sarili.     Seryoso lang na nakatingin sa akin si Andrei. Hindi siya tumawa kahit na tawang tawa na ako.         "You ran away? Marge texted me that I should hide you. Give me one reason why should I do that?"     Naging mapanghamon ang kanyang mga mata. Ano? Napatuwid ako sa aking kinauupuan. Reason? Kailangan ko pa ng reason?         "Wala akong rason, Mayor. I just want to breath bago ako bumalik sa magulong takbo ng Manila, that's all.." tumango ako sa sarili.         "Gusto ko rin na makagalaw sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Kaya sana, Andrei.. Sana ay tulungan mo akong itago kung ano ang pamilyang pinanggalingan ko."     Ngumuso siya habang pinaglalaruan iyong labi niya. Sumandal pa siya sa kinauupuan niya habang nakatitig pa rin sa akin. I found it hot. Umiwas ako ng tingin dahil alam ko ang mga ganitong bagay! Hindi ako ignorante sa ganito.         "Very well, Thyrese. Let's eat. I'm famished." mahinahon na sagot niya nang nilahad ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo.     Nawiwirduhan ko itong tinanggap at sabay na kaming naglakad papunta sa kitchen. Patapos na ang paghahanda at akala mo ay buffet na naman gayong dalawa lamang kaming kakain.         "Ma'am... Sir... Upo na po kayo." ani Arnie at mabilis na nilagay ang placemats sa mesa.     Ngumiti ako doon. Hindi agad dumiretso sa kanyang silya si Mayor at hinintay akong makapunta sa sariling silya. Pinaghigit niya ulit ako at hinintay na makaupo. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang umikot papunta sa kanyang upuan. Swabe niyang hinigit iyon at umupo.     Come to think of it, napakaprim and proper naman ni Mayor. Sa kanyang kilos at pananalita ay masasabi mo talagang sa kilalang pamilya siya nanggaling. Inabutan niya ako ng ulam. Tinanggap ko iyon at naglagay sa aking plato. Tahimik lamang kaming kumain at paminsan minsan ay nagbubukas siya ng topic sa business.         "Saktong sakto ang punta mo rito." aniya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.         "Sa ikalawang linggo mula ngayon ay pista rito sa aming bayan. You'll enjoy that for sure. Every tourist loves the town fiesta."     Nakuha nang usapan na iyon ang aking atensyon. I like festivals! Basta iyong lahat ng maraming tao ay gusto ko. Kaya nga sa manila tuwing friday ay nasa rave parties kami nina Marge.         "Really? It sounds amazing. I can't wait. Anong mga activities ba?" tanong ko at sumubo nang ulam.     Pinunasan ni Mayor ang kanyang bibig bago ako sagutin. Even the way he wipes his mouth is so freaking sexy!         "May pageants, may mga dance, singing contest. Sa unang araw ay may parada ng floats from different barangays saka ng mga naggagandahang dilag." aniya.     This is my first time na makakakita noon. Walang ganitong kadetalyadong piyesta sa Maynila. Sabi nga ng matatanda, sa probinsya ang mga the best na fiesta. The thought of me participating gives me the satisfaction I need.         "Can I join?" hindi ko napigilang magtanong.         "Alin? Interesado ka sa mga contest?" tanong niya na mukhang 'di makapaniwala.     Tumango ako. Tutal, ito ang unang beses. Siguro ay ieenjoy ko na rin ito.         "Yes. Besides, I can help rin sa preparations kung saan kailangan ng wardrobes?" suhestiyon ko.     Mukhang nag-iisip siya sa mga sinabi ko. I am hoping na sana ay payagan niya ako kahit na hindi ako tagarito.         "That's a great offer. Sige, one of these days na magmemeeting kami sa munisipyo ay isasama kita. We need optimists, you know." humalakhak siya.     Even his chuckles! Damn. Wala na bang mas isesexy pa itong si Mayor? Hindi na ako magtataka kung isang araw na magfacebook ako ay makita ko na viral na ang pictures niya sa internet. Baka nga ako pa ang mag-upload nito!         "Sure, Mayor!" sagot ko na may malapad na ngiti.         "I told you, it's Andrei. Not Mayor."     Kinagat ko ang labi ko at mas lalo pang namula. Thyrese! Are you flirting? Gusto kong batukan ang sarili ko sa mga ginagawa ko. Ikalawang araw mo pa lang at naglalandi ka na!         "Yes. Andrei it is." sagot ko na lamang at binaling ang atensyon sa pagkain.     Ngumisi siya sa akin at uminom sa kanyang tubig. Hindi pa ako kailanman nagiging attracted sa mga lalaking kagaya niya. Kung sakali ay sa kanya pa lang! Crush ko na ata itong pinsan ni Marge.     Agad napawi ang ngiti ko nang may taong humahangos na pumasok sa kusina. Mukhang natigilan siya nang makita kaming kumakain. Nagkatinginan kami at mabilis din niyang tinuon ang atensyon kay Andrei. Proud ang kanyang lakad habang bitbit niya ang mga envelopes na kanina lamang ay nasa sahig.     Umismid ako. Panira talaga itong Jamin na ito!         "Jamin." bati ni Andrei.     Tumango si Jamin at agad na nilapag iyong mga envelope sa malawak na table.         "Nakuha ko na, Mayor ang kailangan mong dokumento. Nagpunta ako sa munisipyo pero wala ka raw at naririto." nilingon niya ako habang nagsasalita.     Umismid ako sa kanya na nakapagpataas ng kanyang kilay.         "Thanks. Halika at saluhan mo na kami." ani Mayor at tinawag si Arnie para sa isa pang plato.     Habang inaayos iyon ni Arnie ay nagkatitigan na naman kami ni Jamin. Sino ba ito at lagi na lang kaming nagkikita? Simula nang dumating ako ay siya na ang una kong nakita at nakausap! Mukhang napansin iyon ni Andrei kaya tumikhim siya. Naputol ang titigan namin at ngumiti na lamang ako kay Andrei.         "Thyrese, this is Benjamin… He's my secretary." pagpapakilala ni Andrei sa kanyang asungot na sekreatrya!         "Jamin, this is Thyrese. Marge's bestfriend."         Agad na dumapo ang tingin ni Jamin sa akin. Tumaas ang kilay ko. Nakakailan na siyang hagod ng tingin ah?         "Kaibigan ito ni Marge? Akala ko ay nobya mo." aniya kay Andrei.     What? Umirap ako sa pananalita niya. Even his voice is annoying! Uminom na lamang ako ng tubig.         "Hindi. Malay mo naman diba, Jamin?" biro ni Andrei.     Agad akong napalingon dito kaya si Jamin naman ang napataas ang kilay. Hindi na sumagot si Jamin at kumain na. Tahimik lamang ako dahil may mga pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan. Siguro ay mga problema sa opisina ng Mayor.     Natapos kaming kumain at saglit na nagpaalam si Andrei para pumunta sa kanyang kwarto. Naiwan kami ni Jamin na walang imikan hanggang sa dumating si Arnie para magligpit. Kinukuha na ni Arnie ang mga plato kaya tumayo ako para tumulong. Pinatas ko ang mga ito. Kukunin ko na sana ang kay Jamin nang siya na mismo ang gumawa noon.         "Huwag ka nang tumulong diyan, Miss. Let Arnie." aniya sa akin.     Umirap ako. I am rich pero hindi naman sobrang kapal ng mukha ko ano!         "I'll help. Hindi naman ako free loader." sagot ko at diniinan iyong parteng free loader.      Umiling na lamang siya at hindi na sumagot pero kita ko ang pagkairitado niya sa akin. I don't care the feeling is mutual.         "Wala namang nagsasabing free loader ka." depensa niya sa akin.     Kung maaari ko lang ibato ang basong hawak ko ay nagawa ko na. Pero sayang at mukhang antigo pa. Sayang ang baso kung tatama lang sa magaspang na mukha ni Jamin.         "Kayong dalawa... Iwanan niyo na iyan diyan. Jamin, dalhin mo na itong si Ma'am Thyrese sa labas at ako na dito." sumabat na si Arnie na mukhang nararamdaman na ang tensyon sa amin.     Ngumiti si Jamin kay Arnie at kinindatan ito. Halos masuka ako doon.  Hindi ko na hinintay pa si Jamin at agad na akong lumabas sa kitchen. Naabutan kong pababa ng staircase si Andrei at may kausap ito sa kanyang phone. Nakasuot na ulit ito ng coat at sinusulyapan ang kanyang relo. Hinintay ko lang siyang makababa. Naramdaman ko naman na nabangga ni Jamin ang aking balikat. Iritado ko siyang nilingon at panigurado kung wala rito si Andrei ay sinakal ko na siya.         "Let's go, Jamin. May aasikasuhin tayo sa daan pa munisipyo." utos niya at nauna nang lumabas.     Si Jamin naman ay nanatiling nasa tabihan ko at nakasunod ang tingin sa naunang Mayor. Ngayon naman ay tinulak ko ang balikat niya at nginuso ang pintuan.         "Ano? Tatambay ka pa? Umalis na boss mo." singhal ko.     Umangat ang gilid ng labi niya bago dahan dahan na pumihit palabas ng pintuan. Hindi pa siya nakakalabas nang hindi makatakas sa akin ang sinabi niya.         "Sungit. Pasalamat ka at, maganda..."     Nilingon ko siya at nginisian. Natigil naman siya sa ginawa ko.         "Alam ko na 'yan. Salamat." kinindatan ko siya na may kasamang tawa.     Siya naman ang natawa sa ginawa ko. Napawi ang ngiti ko kasi mukhang nanloloko ang tawa niya.         "Miss, ang sabi ko lang maganda. Hindi ko sinabing 'maganda ka'. I am talking about my day." sagot niya.     Siya naman ang ngumisi at kumindat sa akin bago ako iniwang nakanganga doon. How dare he? Pumikit ako sa sobrang pagkapahiya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD