Simula
"Do you think this is alright?" Tanong ko sa kaibigang nakahiga sa kanyang sofa at kumakain ng chewing gum.
Tumango ito sa suot kong pants at rubbershoes. Simple, walang arte. Kung hindi lamang dahil sa porselana at makinis na balat ay mukha akong ordinaryong tao.
"Yup. Use the cap kung balak mong sa terminal ka sasakay." Sagot sa akin ni Marge at binato ang cap na binili niya.
Graduating na kami sa kursong fashion designing ngayong taon. Pero alam ko sa sarili kong pumayag lang ang aking ama para sa ikapapanatag ng loob ng aking ina. I'm grateful for my mother. Dahil kung hindi nito kinausap ang aking ama, siguradong nasa business courses ako.
Sinuot ko ang itim na baseball cap. Lalo nitong pinatingkad ang aking mukha. Nilingon ko ang maletang hinanda ko para sa pag-alis. Actually, hindi ito paglalayas. Para sa aking sarili ay pagtatravel ito nang walang paalam.
I planned this trip months ago. Sa ikalawang linggo ng aking pagkawala ay graduation na. Hindi ako aattend. Mas gusto kong mapag-isa nang walang sino ang nakakaalam. Kung ipaalam ko itong binabalak ko, hindi papayag si Tatay na umalis ako ng walang kasama and that will ruin my solitude.
"Sigurado ka na? 'Yung ticket? Tinago mo?" tanong ni Marge at tumayo na para tingnan ako ng mabuti sa salamin.
Ngumuso ako. Mas gusto ko pa ng mas simple rito! Bakit kahit anong suotin ko ay nakakaagaw pansin?
"Hindi ko malilimutan. Terminal ng papuntang norte diba? Tapos bababa ako sa bayan ng San Jose at magtatricycle papunta sa Palanca?" pag-uulit ko sa binigay na direksyon ni Marge sa akin.
"Good. Buti at natatandaan mo. I gave your number to my cousin, siya ang Mayor sa lugar na iyon at sa aming ancestral house ka titira." aniya habang inaayos ang aking buhok.
Kinagat ko ang labi ko. Puro motel at apartment lang ang mayroon sa Palanca kaya minabuti ni Marge na makitira ako sa bahay ng kanilang pamilya para sa aking seguridad. Noon pa man, ay talagang bantay sarado ako kay Marge dahil alam niyang maraming maaaring magtangka sa akin.
"Ano ulit pangalan?" tanong ko.
Tumaas ang kilay niya sa aking tanong. Ngumisi siya saglit at kumindat pa.
"Andrei. Mayor Andrei Salvatorre." Bulong niya.
Umuwi na rin siya noong magdapit hapon na. Nanatili lamang ako sa loob ng aking silid ng pumasok ang kapatid kong bunso. Nakasimangot siya at kitang kita ko ang pagkabanas ng kanyang maliit na mukha.
"Inubos mo 'yung cereals? How could you!" Sigaw niya at kulang na lang ay ibato sa akin ang kanyang headphones na dala dala.
Umirap ako. Sobrang spoiled talaga ng batang ito dahil lagi siyang kinakampihan ng Tatay namin. Seven pa lang, ang lakas nang mag-utos sa amin ni Rene. Tumayo ako at nilabas ang aking dila.
"Bakit ka nagagalit dahil sa cereals? Really, King?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.
Lalong sumama ang kanyang mukha. Ang kilay niyang makapal ay magkadikit na sa inis at namumula na ang kanyang tenga. Napangiti ako. Mukhang Luna nga ito. Tumayo ako sa kama at lumapit sa kanya para guluhin ang kanyang buhok. Hinawi niya ang kamay ko.
"Tara sa baba. Naggrocery si Manang kanina. Ipagbubukas kita ng bago." Sabi ko.
Tutal, bukas ay wala na ako dito ay titiisin ko muna ang pagiging demonyo ng batang ito. Ganito nga talaga siguro 'pag lalaking Luna, akala mo laging may dalaw. Pinaghanda ko siya ng kanyang cereals bago ako muling umakyat.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Two in the morning. Tahimik akong nagbihis at binaba ang mabigat kong maleta. Iniiwasang makasalubong ang ilang katulong. Three is their call time para sa paghahanda. I should be careful.
Lumabas ako sa backgate. Hindi masyadong mahigpit ang security doon. Though, maraming cctv ay pwede pa rin akong makaalis dahil mamayang umaga pa nila bibisitahin ang footage.
Tinawagan ko ang phone ni Marge noong maipasok ko na ang mga gamit ko sa taxi na pinara ko. Pinagmamasdan ako ng driver dahil na rin sa mga dala ko at nakahoodie pa ako.
"Marge, nakalabas na ako sa bahay namin. I'm heading to Palanca." umungol siya sa kabilang linya, mukhang nagising ko.
"Uh... okay. Tawagan mo ako kapag nakuha ka na ni Andrei at nasa Palanca ka na. Ingat ka." tumango ako at nagpaalam na.
Matapos iyon ay hinubad ko na ang jacket ko dahil pinagpapawisan ako. Binaba ako ng taxi driver sa terminal. Kinuha ko ang ticket ko at tiningnan iyon. Hinanap ko nang mabuti ang bus ko at sumakay. This is the first trip. Agad kong sinet sa airplane mode iyon at nagheadset para makabawi ng tulog.
May liwanag na nang makarating ako sa bayan na dapat kong babaan. Saktong may dumaan na tricycle kaya pinara ko iyon. Tumigil ito at tahimik na nakatingin sa akin. Sinakay ko iyong gamit ko sa tricycle. Panay ang hagod ng mga tambay na driver ng tingin sa akin. Hindi ko na lang pinatulan iyon.
"Saan ka, Miss?" Tanong ng driver.
Lumunok ako dahil kinakabahan ako. Iisa lang akong pasahero niya at mukhang ngayon lang ako nakita ng mga ito. Ngunit kahit na puno ng kaba ay sumakay ako.
"Sa bahay ni Mayor Salvatorre sa Palanca." Sumipol pa ang isa sa mga driver na nakadungaw sa akin sa loob.
Kinagat ko ang labi ko. Mabilis kong nilabas ang pepper spray na lagi kong dinadala. Kung anuman ang gawin ng mga ito sa akin ay pagbabayaran nila. Marami raming tao ang nadaanan namin kaya halos mapawi ang kaba ko. Maraming makakasaksi kung bastusin ako ng driver na ito.
Napakunot ako ng noo nang makita na halos liblib iyong nilikuan ng tricycle. Puro puno at pailan ilan na lang ang dumadaan, doon ako kinabahan. Mabilis kong tinext si Marge.
To: Marge
Marge, liblib ba talaga ang daan papunta sa ancestral house niyo?
Ilang minuto pa ay nagreply si Marge.
From: Marge
Hindi. Alongside the road ang bahay. Bakit? Nawawala ka?
Doon ay kinutuban na ako at nilingon sa side mirror ang driver. Nakangisi ito at nakatingin din sa aking mata. His eyes were f*****g red! Siguro ay high ito na mas lalong nagpatindig sa aking balahibo. Nanginginig na ako at mabilis na nagsalita.
"Manong, dito na lang ho!" Sumigaw na ako dahil nakakapanindig balahibo 'yong tingin sa akin ng tricycle driver.
Hindi tumigil ang tricycle kaya naluluha na ako sa mga nangyayari. Bakit ba walang tao dito? Nang medyo bumagal ang takbo nito ay tinadyakan ko ang paa nito kaya gumewang gewang ang takbo ng tricycle. Mabilis na pumreno ang driver dahil sasalpok kami sa puno ng saging na nasa gilid ng daan dahilan nang pag-iwas niya sa motor na paparating.
Kahit na medyo hindi pa iyon tumitigil ay tumalon na ako sa damuhan. Panay ang mura ng driver na nauntog ata sa kanyang motor. Tumayo ako at masama akong tiningnan noon. Tumigil ang motor na kasalubong namin at lumapit sa amin.
Nakasuot ang lalaking lumapit ng itim na helmet. Panay ang ungol ng tricycle driver sa sakit ng kanyang tuhod. Nanginginig ako sa takot kaya naibsan iyon ng tumigil ang rider ng motor.
"Anong nangyayari dito? Nawalan ng preno?" tanong noong lalaki at tinagtag ang kanyang helmet.
Nakaformal attire ito at may sakbat na sling bag. Umiling ako at mabilis na tinuro iyong tricycle driver.
"Hindi. I think that tricycle driver's on drugs! Manyak 'yan!" sigaw ko.
Mabilis na pinuntahan noong lalaki iyong tricycle driver nang iangat niya ang ulo ng umuungol na driver at tiningnan ang tricycle ay dumilim ang kanyang mukha. Lumapit ito papunta sa akin at may dinial.
"Aksidente sa looban. Oo, mukhang nakahithit ang driver...Hindi. May kasama.. Mukhang dayo eh.. Sige, pakibilisan." binaba niya ang tawag at nilingon ako.
Tinulungan niya akong tumayo at nilabas niya ang punting panyo para ilagay sa braso ko na nasugatan sa pagtalon. Ginawa ko iyong suporta para hindi ako mabagok. Seryoso siya at kunot noong tinalian iyon.
"Hindi ka tagarito?" tanong niya.
Nagtama ang aming mga mata. Umiling ako. Tumango siya at tinulungan din akong umupo sa isang malaking bato.
"Saan ka sumakay? Sa pila ba ng toda mismo?" Tanong niya.
Anong toda sinasabi niya? Huh? May pila ba iyon? Malalalim ang kanyang ekpsresyon at doon ko siya natitigan. Makisig siya at matangkad. Mabango rin at mapupula ang labi. Clean cut at may magandang katawan.
"Hindi, pinara ko lang." Sagot ko.
Kita ko ang pagtaas ng kanyan makapal na kilay.
"Hindi iyan tricycle driver dito. Siguro ay tinigilan ka kasi mukhang bago ka. Kilalang mga adik 'yan dito. Pasalamat ka at nawala sa atensyon 'yan kundi baka kung ano na ang nagawa niyan sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ko doon. Hindi driver itong nasakyan ko? Mabuti na lang talaga! Kung hindi ay baka napaano na ako.
"Salamat." Sagot ko.
"Huwag kang magpasalamat. Dapat sa susunod ay magdamit ka ng disente ng walang nag-iinteres sa'yo." hinagod niya ako ng tingin.
Nagsalubong ang kilay ko doon. Anong disente? Hindi naman kabastos bastos ang suot kong puting v-neck!
"Excuse me, disente ang suot ko. Sadyang manyak lang siya!" depensa ko.
Ngumisi siya sa akin at isang beses pa uling hinagod ng tingin ang katawan ko. Napaatras ako sa ginawa niya. Baka mamaya ay kasabwat rin ang isang ito!
"Disente pero manipis at kita na ang dibdib. Miss, kitang kita ko ang hubog ng katawan mo at ang itim mong bra."
Tumayo siya at sinalubong ang barangay patrol na paparating. Napatayo rin ako nang bumaba ang ilang tanod at dinaluhan iyong driver na nawalan na ng malay. Naipit kasi ang paa nito. Inalis nila iyon at may lumapit sa aming mga tanod.
"Anong nangyari dito, Jamin?" Tanong ng isang tanod at tiningnan ako.
Mabilis kong nilagay ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib. Nakatingin lamang sa akin iyong tinatawag nilang Jamin.
"May balak atang bastusin itong dayo, buti na lang at napansin agad kaya nakatakas. High ata 'yan. Pakidala sa barangay, manong." Sagot ni Jamin at tinapik iyong tanod.
"Mabuti na lang at nakatakas iyang si Miss ganda. Oh siya, iyon na lang ang ilalagay ko sa report. May idadagdag pa ba kayo?" Tanong nito ulit at tumingin sa akin.
Umiling ako. Ayoko nang pahabain ito. Gusto ko na lamang matulog. Nakakapagod ang mga nangyari sa akin.
"Oh, siya aalis na kami. Sige, Jamin... Miss...”
Umalis na sila at binitbit na iyong driver. Naiwan ako, si Jamin at ang gamit ko na nasa tricycle pa rin. Tahimik ako nang naglakad siya papunta sa kanyang motor. Nang hindi ako gumalaw ay bumalik siya at kinuha na ang gamit ko.
"May mga kamag-anak ka ba dito?" Tanong niya.
Umiling ako. Tumango siya at kumuha ng tali para itali iyong maleta sa kanyang motor. Nakatingin lamang ako sa kanya at talagang sa simpleng iyon na kanyang ginagawa ay umaapaw ang kakisigan sa kanya. Siguro ay kilala ito dito dahil sa kanyang kagwapuhan. Kung nasa sa Maynila ito ay maraming mag-aalok sa kanya ng mga modelling shows.
"Tapos ka nang titigan ako?" tanong niya kaya napatuwid ako ng tayo.
Nahihiya ako sa aking ginawang pagtitig. Tinupi niya uli ang kanyang long sleeves habang tinititigan niya ako.
"Sinong pupuntahan mo kung wala kang kamag-anak dito?" tanong niya ulit.
"Sa bahay ni Mayor Andrei Salvatorre.”
Nakatitig lamang siya sa akin at tumango. Tahimik siya tumayo at binigay niya ang spare na helmet na nasa ilalim ng upuan at agad kong sinuot iyon.
"Alright. Ihahatid kita" Seryoso niyang sagot at inistart ang kanyang motor.