Kabanata 1

2099 Words
    Nakapikit ako buong byahe habang nakasakay sa motor ni Jamin. Ito ang unang beses na nakasakay ako sa ganito. Mahigpit kong niyakap ang baywang ni Jamin dahil sa takot na bigla akong mahulog kapag pumreno siya.     Humina ang takbo niya kaya napamulat ako. Sa gilid ng kalsada ay ang isang napakalaking gate na gawa sa matandang uri nang kahoy. May mga baging doon na nakasabit at matingkad ang kulay gintong letra na naroroon. Salvatorre 1890's     Tinigil niya ang makina at agad na bumaba sa motor. Sumunod ako at tinagtag ang helmet. This is really grand house. Hindi naman sinabi sa akin ni Marge na sobrang ganda pala ng ancestral house nila. Ang ineexpect ko ay lumang lumang bahay na nakikita ko sa mga horror films pero mukhang sa gate pa lang ay mali na ako.     Binaba ni Jamin ang maleta ko at mabilis na pinindot ang intercom. Nagsalita siya doon at agad na may lumabas na isang guard.         "Oh, Jamin!" Bati sa kanya ng guard.     He's really popular huh? Talagang kahit saan siya magpunta ay kilala siya. Come to think of it, mukhang mayaman ito at talaga namang napakakisig.         "Bert, bisita ata ito ni Mayor. Naligaw sa looban eh. Muntik nang pagsamantalahan ng mga adik."     Nilingon nila ako pareho. Ngumiti ako saglit at kinawayan ang guard na iyon. Tumango siya at nagpaalam saglit para kumpiramahin raw. Tahimik na naghihintay si Jamin nang may tumawag sa cellphone niya. Sinagot niya iyon at sumulyap sa akin.         "Hello?" Pabalik balik ang tingin niya kaya nag-iwas ako ng tingin.     Siguro ay gusto niya ng privacy. Ngumuso na lamang ako at hindi siya pinansin.         "Oo, may nangyari lang. Narito sa bahay ni Mayor. Basta! Mamaya ko na lang ikukwento. Sige na." Pinatay niya ang tawag at tumingin ulit sa akin.     Nagkatitigan na naman kami. Ang ganda talaga ng mata niya. Tumaas ang kilay ko nang bumukas ulit ang gate at niluwa iyong guard.         "Ma'am kayo ho ba si Thyrese Luna? Iyong pinadala ni Ma'am Marge dito?" Tanong niya.     Tumango ako. Mabilis naman niyang pinasok ang gamit ko sa loob at binuksan na ang gate.         "Salamat, Jamin." Sabi ko habang binabalik ang helmet sa kanya.     Tahimik lang siyang tumango at sinuot iyong kanya bago pinaharurot ang kanyang motor. Ang suplado naman! Sa Maynila ay walang nakakaganito sa akin. Kapag nalaman nilang ako si Thyrese, magkakandarapa agad sila sa akin kapag nakita ako sa bar.     Naglakad na ako papasok. May mga katulong na sumalubong sa akin. Ang fountain at ang glass wall nang parteng garden ay nakakahalina. Semi-modern ito pero di hamak na hindi nawala ang resemblance ng unang bahay.         "Ma'am, pasensya na po. Ihahatid ko na muna po kayo sa kwarto niyo, si Mayor po ay wala ngayon at nasa Kapitolyo para sa isang meeting."     Tumango ako. Mas mabuti pa nga ang ganito, hindi naman kami magkaclose ni Mayor. Awkward lang siguro sa una naming pagkikita. Pinaghanda rin nila ako ng agahan. Marami iyon at hindi ko alam kung makakain ko ba 'yon lahat.     Tahimik at tanging mga yabag lamang sa wooden floor ang maririnig. Buong araw ay nasa kwarto lamang ako hanggang sa tumawag sa akin si Marge.         "Hello?"         "Your family's gone mad! Pinapahanap ka na ngayon. Gosh, hindi mo alam kung paano ko pinigil na maihi sa shorts ko nang puntahan ako ng parents mo dito!"     Natawa ako sa sinabi ni Marge. Takot na takot kasi ito sa aking Tatay.     Niyakap ko ang puting unan.         "Huwag ka ngang tumawa diyan! Ano? Nakita mo na ba si Andrei?" tanong niya.     Sinilip ko ang oras at malapit na magsix ng gabi.         "Hindi pa. Nasa kapitolyo raw." sagot ko at humikab.     Magbabawi pa ako ng tulog eh. Hinihintay ko lang si Mayor para naman makapagpasalamat ako at makapagpakilala na rin.         "Inaantok ka na? Matulog ka na after mong magdinner at ako na lang ang tatawag sa pinsan ko."         "Alright. Thanks, Marge. Bye." pinatay ko ang tawag at pumikit na ulit.     Kinabukasan na nang magising ako dahil sa sobrang liwanag. Pagkamulat ko ay naroroon ang isang katulong at binubuksan ang mga blinds.         "Magandang umaga po, Ma'am. Nasa baba na po si Mayor at hinihintay na kayo para sa breakfast."     Agad akong napabangon sa narinig at pumasok sa banyo. Nakakahiya! Ako pa talaga ang hinihintay ng may-ari ng bahay ganoong ito ang unang beses kaming magkikita.     Mabilis akong naligo at nagtoothbrush. Basa pa ang maikling buhok ko nang bumaba ako sa hagdan. Sa kitchen ay nakita kong nakaupo na roon ang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nagbabasa ito ng dyaryo.     Matikas ito at malaki ang katawan. Kahit ang kanyang mga daliring nakahawak sa dyaryo ay magaganda.         "M-Magandang umaga, Mayor." bati ko at hindi pa rin gumagalaw sa aking kinatatayuan.     Binaba niya ang dyaryo at kulang na lamang ay tapatan ng liwanag ang kanyang mukha. Siya ba ang Mayor dito? Mukha siyang model kaysa Mayor.     Tumango siya at nilahad ang silya.         "Sit down, Miss Luna. We'll eat." ngumiti siya ng tipid at pinaghigit pa ako ng silya.     Lumapit agad ako sa silya at hinayaan siyang pagsilbihan ako. Sobrang gentleman! Gusto kong mamula pero pinigilan ko dahil sobrang titig na titig siya sa akin.         "Salamat, Mayor." ngumiti ako ng tipid at binuka na ang table napkin para ipatong sa aking hita.         "Andrei. Just call me Andrei, Thyrese."     Ngumiti siya ng tipid at kinuha ang loaf bread. Kahit na gutom ay nginuya ko nang mabuti ang pagkain ko. Hindi kami madalas na mag-usap kaya mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang aking pagkain.         "Are you really that hungry?" nakataas ang kilay niya sa akin habang pinapanood ako.     Nahiya ako bigla at uminom ng tubig nang sa ganoon ay mas mabusog ako. Tumawa siya sa ginawa ko at binaba ang kanyang tinidor.         "No, I'm just kidding. You can eat more." aniya at pinagsalikop ang kanyang mga kamay.         "Mayor ka na talaga? Ilang taon ka na po?" tanong ko habang hinahati iyong bacon sa plato.     Seryoso at malalalim ang kanyang mga mata. Siguro ay dahil may dugo silang kastila. Even Marge's eyes are deep.         "Twenty six. Ikaw? I suppose you are just the same age with Margery?"     Tumango ako. Yes, twenty three pa lang ako.         "Why are you here in Palanca? Broken hearted?" tumawa siya sa sariling tanong.     Namula ako. Hindi ano! Hindi naman ako pupunta sa malayong lugar lalo na kung broken hearted lamang ako. At hindi ko naman hahayaan ang sarili kong masaktan kung sakali.         "Hindi. Just a breath of freash air. Nakakasakal sa Manila. I was expected to handle our business." sabi ko.         "So you're an elite?" tanong niya.     Natawa ako sa sinabi niya.         "Elite? Grabe ka naman, pwede bang may kaya?  Pero yes. May family owns hotels and restaurants."         "What's your name again?" tanong ni Andrei at sumandal sa kanyang silya.     Pinaglaruan pa niya ang kanyang labi kaya nadistract ako doon. Huminga ako ng malalim bago sumagot.         "Thyrese Luna." ngiti ko.     Parang may nasapul siya doon at tumango.         "Oh! Kaya pala pamilyar ka. You're from the Luna's. Sino ang father mo? Agape, Clyde o the famous Silvestre?"     Lumunok ako. Oh my gods! Akala ko ba hindi kilala dito ang mga Luna? Bakit pangalawang araw pa lang ay natatanong na agad ako ng ganito?         "Silvestre." sagot ko.     Mas lalong parang pinag-aralan niya ako sa sagot ko. Naputol lamang iyon nang may kumatok sa katulong sa pintuan.         "Sir, may tawag po mula sa munisipyo."         "Oh, Excuse me for a moment, Thyrese."     Tumayo siya at nagpaalam. Tinapos ko na lamang ang pagkain ko noong bumalik si Andrei na nakasuot na nang tuxedo at mukhang aburido ang kanyang galaw.         "I'll be on the municipal hall all day. Kung nabobored ka, you can ask for a driver to tour you. Marge told me to do so. Sige na, ingat." humilig siya para bigyan ako ng halik sa pisngi.     Naestatwa ako sa ginawa niyang iyon. Pati ang katulong ay napatingin rin sa amin pero agad na naglakad pasunod kay Andrei dahil dala nito ang briefcase niya. Hindi ko alam kung talagang ganoon ang Mayor sa lahat ng babaeng nakakausap niya o talagang gentleman gestures lamang iyon?     Nasa bayan ako at naghahanap ng pwedeng mabiling damit. Nahihirapan akong pumili kasi malayong malayo ito sa mga shops na nasa mall. Kung hindi lamang pumasok sa utak ko ang sinabi ng mahangin na Jamin na iyon ay baka nakalimutan ko nang mag-ingat sa aking pananamit.     Pawisan na ako habang naglalakad sa makikitid na pasikot sikot. May mga bata pang nagtatakbuhan.         "Miss, ano pong hanap?" Tanong sa akin noong babaeng magtitinda.     Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang aking leeg na puno ng pawis.         "May mga damit ba kayo ditong simple? I mean, iyong hindi takaw atensyon?" Tanong ko.     Tumawa ang babae habang tinitingnan ako. Hinawi niya ang mga kurtina para makapasok ako sa loob ng tent.         "Marami kang mapapagpilian dito. Bakit ayaw mong agaw atensyon? Kung ako ikaw, lalo kong ibabandera ang kutis ko." ani noong tindera.     Hindi ko nagustuhan iyon pero hindi ako nagsalita. Ikaw ba naman ang muntik nang mapahamak, hindi ko alam kung gugustuhin mo pang sumunod sa usong damit. Tiningnan ko ang orange, green at red na halos kulay ng mga damit doon. Natatawa na lang ako sa aking utak, magmumukha ata akong gulay dito.         "May napili ka na ba?" tanong noong babae.     Umiling ako. Oo, nabastos ako dahil sa damit ko pero hindi ko naman ata hahayaan na magmukha akong kawawa.         "May mga polo shirt ba kayo at mga plain shirts?"     Tumango iyon at agad na hinigit iyong hagdan. Sa taas ng kanyang stall ay may kinuha siyang mga plastic. Nang binuklat ko iyon ay naroroon ang mga hinahanap ko.         "Ilan ba kukunin mo?" tanong ng babae.         "Lahat."     Nanlaki ang mga mata noong babae. Binilang niya iyon at nasa bente piraso ata iyon. Binayaran ko iyon sa kanya.         "Sigurado akong hindi ka tagarito." aniya habang nagkukwenta siya sa aking resibo.         "Po?" tanong ko dahil hindi ko makuha iyon.         "Hindi ka tagarito. Bagong mukha ka. Saka sa kinis mong iyan?"     Tiningnan ko ang balat kong mamula-mula na dahil sa paglalakad. Bakit? Himala na ba sa lugar na ito ang may maputing balat? Ngumiti ang babae sa akin.         "Dalawang pamilya lang ang mayaman dito. Ang mga Salvatorre at mga Serrano. Mukhang 'di ka naman nila kamag-anak kasi sa talambuhay ko, ngayon lang kita nakita."     Hindi na ako sumagot. Hindi ako nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pakay ko dito lalo na't muntik agad akong mapahamak sa unang araw ko dito. Kahit mabigat ay binitbit ko iyong plastic. Nang makita ako nang driver ng mga Salvatorre ay nilagay niya iyon sa likuran.         "Manong, tigil muna tayo dyan sa commercial building na 'yan. Magpapalit lang ako ng damit."     Tumigil din ang sasakyan sa commercial building na tinuro ko. Kumuha ako nang isa sa mga binili ko dahil pawis na pawis na ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao nang bumaba ako sa sasakyan. Yumuko ako sa takot na may makakilala sa akin at mabilis na pumasok sa commercial building.     Next time ay hindi na ako magsasama ng driver dahil mas lalo akong makakakuha ng atensyon. Baka mamaya ay makarating ang balitang pinapahanap na ako ng mga magulang ko.     Nagpalit ako ng kulay asul na plain tshirt at sinuklay ang aking buhok. Naghilamos na rin ako dahil sa lagkit nang aking mukha. Magsanay ka, Thyrese! Hindi ito maynila na may aircon. Nang maayos na ang hitsura ko ay naglakad na ako papalabas.     Nanatili akong nakayuko at tinunton ang daan na kanina kong dinaanan nang mabunggo ako sa lalaking may dalang mga envelope.         "Sorry." sabi ko dahil natapon ang mga dala niyang envelope.     Yumuko siya at pinulot iyon. Tinulungan ko naman siya nang hawiin niya ang kamay ko.         "Tumingin ka kasi sa daan, Miss!" naiirita ang kanyang tono kaya tiningala ko siya.     Salubong ang kanyang kilay habang pinupulot ang mga papel na sumabog sa tiles na sahig. Si Jamin ito ah!         "J-Jamin?"     Nag-angat siya ng tingin at saglit na natigilan. Tumayo agad siya ng masalikop ang mga dalang gamit.         "Oh! Ikaw na naman?" aniya at nakipagtitigan sa akin.     Umiling pa siya at inayos ang pagkakahawak sa mga papel.         "Lagi na lang nagkakaproblema 'pag nadidikit ako sa'yo." iling niya na may preskong ngiti.     What? Problema?         "Sinasabi mo bang malas ako?" tinuro ko ang sarili.     Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinabi ko at painosenteng tumingin sa akin.         "Hindi ko sinabi iyan. Sa'yo mismo nanggaling." sambit niya.     Hinagod niya ako ng tingin mula paa hanggang sa dibdib. Nag-init ang pisngi ko doon. May kakaiba sa tingin niya na nakakapagpakaba sa akin. Parang… manyak!         "By the way, mukhang nakinig ka sa payo ko. You look decent now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD