Kabanata 5

1901 Words
    Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. His eyes are expecting something. Lumunok ako at ininom iyong tubig na nasa harapan ko.         "Uhm... Sure." nag-aalinlangan pa ako.         Ngumiti naman siya at tinagtag na ang kamay sa mesa para salubungin ang lalaking nagdadala ang pagkain. Kumain kaming dalawa. Pinagsalin niya pa ako nang sofdrinks sa baso. He's simple. Walang arte.     Mainit ang sabaw kaya halos maligo ako sa pawis. Pinaypayan ko ang sarili nang mapansin niya iyon. Kinuha niya ang kanyang itim na panyo at pinunasan ang noo ko. Nabato na ata ako sa kinauupuan ko. The heck? Ngumiti ako at kinuha na ang panyo para hindi na siya mahirapan pa.         "Ako na.."     Nagpatuloy na siya sa pagkain. Uminom ako at hindi na pinansin pa ang mga matang nakatitig sa akin o kaya sa amin.         "Are you done?" tanong niya.     Tumango ako at pinunasan ng tissue ang aking bibig. Tumayo ako at sinakbat ang aking bag. Hinintay niya ako at hinawakan niya ako sa bewang. Naglakad kami papalabas sa gotohan at mabilis niya akong sinakay sa sasakyan.         "Did you like the goto?" tanong niya at sinara ang pintuan.     Sinenyasan niya ang driver na umalis na.         "Yup. Sobrang tasty nang sabaw." sagot ko.     Noong makita ko kasi kanina ay hindi ko alam kung magugustuhan ko ba iyon.         "I'll drop you then tutulak na ako papunta sa kapitolyo." aniya at umisod papalapit sa akin.     Tumango ako. Masyado na ata akong kinikilig. Ang boses niya ay soothing pakinggan. Idagdag pa ang expressive niyang mga mata. Bumaba ako sa tapat ng mansyon. Lumabas lang siya pero hindi na nagawa pang samahan ako papunta sa loob. I think he's too late na para sa appointment niya.     Nakangisi ako noong makapasok ako sa mansyon. Nakita ko pa sina Arnie at ang dalawa pang katulong na nililinis ang carpet.         "Ma'am.." bati ni Arnie at ngumiti.     Ngumiti na rin ako at umakyat na sa taas para makapabihis. It's one in the afternoon. Mataas ang araw ngunit dahil nasa medyo mataas na lugar ang mansyon ay mahangin sa lugar na ito. Nagpalit ako ng simpleng shorts at puting tshirt. Tutulong akong maglinis ngayon. If I want to be low profile ay dapat matuto ako ng mga bagay na ganito.     Bumaba ako at nadatnan pa rin ang tatlo na nagpupunas ng muwebles.         "Tulungan ko na kayo." sabi ko at dinampot ang isa sa mga basahan.         "Ma'am! Kami na lang po. Maupo na lang po kayo dyan!" pagpigil ni Ramona sa akin.     Umiling ako sa kanila. Pumunta ako sa table at nag-umpisa nang punasan iyon. Sa laki ng mansyon na ito ay mahihirapan sila. Baka kulangin pa ang maghapon kung sila lang ang maglilinis.         "Linda! Kuhanin mo iyong basahan kay Ma'am. Mapapagalitan tayo ni Mayor." ani Arnie.     Lalapit na sana sa akin si Linda nang umiling ako. Naguguluhan siya kung ano ang gagawin. Kung aagawin niya ba o hindi ang hawak kong basahan.         "Hindi na. Gusto ko rin matuto maglinis. Ano ba kayo..." ngumiti ako.     Ngumiti na rin sina Arnie sa akin. Nagpatuloy sila habang ako ay nagpupunas na ng mga picture frames doon.         "Uy si Ma'am! Nagpapraktis na." tawa ni Ramona.         “Sino kaya ang mapapangasawa ni Ma'am? Baka si Mayor!" dagdag pa ni Linda.     Panay ang tukso nila sa akin kay Andrei. Natatawa na lamang ako at hinayaan sila lalo na at napapagaan noon ang mga mood namin.         "Tapos... Makikita natin iyong maliliit na Ma'am at Mayor na nagtatakbuhan dito sa mansyon." tili ni Linda.     Namula naman ang pisngi ko doon. What the heck? Ang advance naman nila masyado. Lumipat kami sa kitchen at doon naman naglinis. Tuloy pa rin ang sila sa pagtukso sa akin. Mas natatawa sila at ginagahan pa kapag nakikita akong namumula.     Pagod na pagod ako noong matapos. Umakyat ako sa kwarto at naligo para matagtag ang pawis sa katawan. Nang bumaba naman ako ay pinaghanda ako ni Arnie ng meryenda.         "Kayo?" tanong ko.         "Doon po kami kakain nina Linda." sagot niya.      Tinuro niya ang dirty kitchen.         "Doon na lang din ako. Ayoko kumain mag-isa."     Binuhat ko ang tray ng pagkain ko at dinala iyon sa dirty kitchen. Doon sila umiinom ng kape. Nagkuwentuhan pa kami nang mga kung ano. Kaklase pala ni Arnie at Ramona si Andrei noong highschool. Sa iisang highschool lamang pala sila galing maging si Marge at Jamin.         "Saka si Mayor talagang kilabot ng babae. Tapos ang talino po. Siya nga ang valedictorian namin." ani Ramona.     Sumimsim ako sa kape at interesado sa kanilang kuwento.         "Si Jamin naman po, isa pa ring kilabot sa babae kasi ang gwapo gwapo. Saka anak kasi 'yon ng foreigner." dagdag ni Arnie.     So I was right? Na anak siya ng foreigner?         "Magkaibigan sila ni Jamin. Mayroon pang isa, kaso umalis na papuntang America."         "Then. Hindi ba nagkagirlfriend si Andrei noong highschool?" tanong ko.     Nagkatinginan si Arnie at Ramona. Hindi nila alam ang isasagot at nagsesenyasan sila gamit ang mata.         "Wala. Pero noong nag college meron po." anila.     Tumaas ang kilay ko. So may isang nakakuha sa atensyon ni Andrei?         "Ilan?" tanong ko.         "Isa lang po..." sagot ni Ramona at binaba ang tingin sa kanyang kape.         "Bakit raw naghiwalay?"     Kinagat ni Arnie ang kanyang labi at nagkibit balikat. Ramdam ko na may kakaiba doon. Hindi na ako nagtanong pa dahil ayoko naman na isipin nila na baliw na baliw ako kay Andrei.         "Eh si Jamin?" pagbabago ko sa tanong.         "Si Jamin naman po, wala talaga." sagot ni Ramona.     Wala pang nagiging girlfriend ang kumag na iyon? Siguro ay walang makatagal sa ugali niya.         "How about Marge?" tanong ko kay Arnie.         "Elementary pa lang si Ma'am Marge noon. Pero kilala na po siya dahil siya lang ang babaeng apo ng mga Salvatorre. Balita ko noong naghighschool na si Ma'am Marge, marami rin ang nagtangkang manligaw pero pihikan si Ma'am."     Sabagay, si Marge ay talagang napakaganda. With her pink lips at makapal na pormadong kilay ay nakakaintimidate. She's really pretty. Mas maganda pa sa akin kung tutuusin dahil sa morena at balingkinitan niyang katawan.     Nang maubos ang kape ay nagpaalam na silang babalik sa trabaho. Umakyat ako sa aking kwarto. Nakatanaw ako sa gubat na parte ng Palanca.     Sino ang naging girlfriend ni Andrei? Curious naman ako bigla.     Kinabukasan ay umalis na ako papunta sa munisipyo. Andrei let me to go alone. Dala rin niya kasi ang driver dahil nasa kapitolyo siya.     Nakipagmeet ako sa mga babae na sasakay sa mga float na siyang gagawan ko nang damit. There's fifteen baranggay. Mabuti nang umpisahan ko na agad dahil marami rami ito.         "Kailangan mo ba ng assistant?" tanong noong vice mayor.     Umiling na ako.         "No. I'm fine, Sir. I can do the designs and I think fifteen gown's is possible naman po." sagot ko.         "Very well.."     Tumango iyon at umalis na para lumapit sa ilang organizers. Lumapit ako sa mga babaeng gagawan ko. Kita ko ang mata nila na nanonood sa paglapit ko. Parang ang iba ay nanunuri pa at may ilang nakataas ang kilay.         "Hello." bati ko.     Inayos ko ang puting tshirt dahil blangko ang mga hitsura nila. Parang nangingilatis pa. Kinagat ko ang labi ko.         "I am Thyrese, I'll be the one to design your gowns for the float parade." matigas na ingles ang pagkakasabi ko noon to build intimading aura.     Mukhang tumalab naman iyon dahil unti-unting nanghina ang kanina ay matatapang nilang tingin. Ngumiti ako at nag-umpisa na silang tingnan isa-isa.  Ilang oras akong nagtagal doon at umalis nang kausapin ako ng isang organizer para sa aking opinyon sa mga babaeng kasali naman sa pageant.          "Sa tingin ko, ay mas babagay sa kanila ang red and black na swimsuit since iyon ang kulay ng bayan niyo." sabi ko.     Tinuro ko iyong isang morena.         "Mas bagay sa kulay niya ang red. At kulay black naman sa mga mapuputi."         "Salamat po."     Naglalakad ako papunta sa court kung nasa saan nagpapractice ang kanilang mga kandidato.         "You should join, you know." ani Jamin.      Nilingon ko siya at kita ko ang pagngisi niya habang pinapanood ang mga rumarampang babae.         "Manyak ka talaga! Wala ka bang trabaho?" tanong ko.     Nilipat niya ang tingin sa akin. Nakanguso na siya. Hindi ako nakaramdam nang kahit na anong pagkakumportable sa klase ng titig niya.         "Wala namang inuutos si Andrei sa akin." aniya.     Andrei? Grabe na talaga ang kakapalan niya. Hindi porket na kaibigan niya ito ay hindi na siya gagalang?         "Mayor.." pagtatama ko.     Tumaas lalo ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin.         "Whatever."     Binalik niya ang panonood sa mga rumarampa. Kita ko ang ilang titig sa kanya ng mga kandidato na naroroon.         "Sumali ka kaya? Balita ko ay may swimsuit competition dito?" tanong niya ulit.     Ako naman ang lumingon sa kanya.         "Gusto mo ako makitang nakaswimsuit? Pinagnanasaan mo ba ako Jamin?" tanong ko.     Ngumisi siya at kumindat.         "Bakit hindi? Mapapagtyagaan ka naman." tumawa pa siya.     Pinaghahampas ko na talaga siya nang aking bag habang humahalakhak na siya doon.         "Excuse me... Kung sumali ako dyan baka manalo ako." sagot ko.     Tumatawa pa rin siya na parang isang malaking joke iyon.         "Sige nga?" hamon niya.     Huminga ako ng malalim at lumapit sa baklang instructor. Kinalabit ko iyon at nilingon ako nito.         "Gusto kong sumali. Paano?" tanong ko.     Nanlaki ang mga mata ni Jamin pero nginisian ko siya. Ipapakita ko sa kanya ang hinahanap niya. Looking at these girls, panigurado namang angat ako. Tiningnan ako ng bakla nagtuturo at tinawag iyong isa sa organizer.         "Gusto raw sumali ni Miss!" sabi niya.     Tiningnan ako ng organizer.         "Are you sure po?" tanong nito.     Tumango ako at may nilabas siyang form. Bago ko pa makuha iyon at hinawakan na ako ni Jamin.         "No. She's not joining the pageant." mababa ang boses ni Jamin at hinigit na ako papalayo doon.         "Are you crazy?" tanong niya at binitawan ako.     Naririto kami sa likod ng court. Nakatulala lamang ako sa ginawa niya.          "Diba gusto mo akong makitang nakabikini? I'll prove it to you, Jamin."         "I'm kidding. Hindi ko alam na gagawin mo nga!" sagot niya.     Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.         "Hinamon mo ako, so papatunayan ko na kayang kaya kong manalo sa pageant na yon."         Mas lalong dumilim ang kanyang mukha sa sinabi ko. Desperado niyang hinagod ang kanyang buhok na parang iritado na siya.         "What?" hindi niya makapaniwalang sigaw.     Nagulat ako doon. Naglakad siya papalapit sa akin kaya umaatras ako. Naging agresibo at mabibilis ang lakad niya. Kinulong niya ako sa dingding.         "Ano ba, Jamin?" tinulak tulak ko siya para malayo siya sa akin.     Ramdam ko na ang hininga niya sa aking leeg. Nakakakiliti iyon at halos maging malambot ang aking mga tuhod.         "Hindi porket hinamon kita ay gagawin mo iyon." bulong niya.     Napapikit ako at kinagat ang labi ko. Nakahawak ako sa pader na nasa likuran kobilang suporta. Kung magtatagal pa kami sa ganitong posisyon ay hindi ko kakayanin. Hindi kakayanin ng mga tuhod ko. Mas nahigit ko pa ang aking hininga nang mag-angat na siya ng tingin sa akin. Ang kanyang mata ay may pagbabanta. Muntik na akong maduling dahil sa lapit ng mga iyon.         "Just don't do it. Huwag na huwag kang sasali sa pipitsuging pageant na 'yon." bulong niya.     Lumunok ako. Tumango tango ako para matigil na ito.         "Oo na.." tinulak tulak ko pa siya pero sadyang matikas ang kanyang katawan.         "You don't need to prove something to me. Damn it!" kinalas niya ang pagkakakulong sa akin.     Isang beses niyang sinuntok ang pader at umalis na doon. Naiwan na naman akong habol ang hininga sa sobrang gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD